CHAPTER 31
"Hera..."
"Hera?"
"Hera Ether Yakagami!"
Pupungas-pungas na naiangat niya ang ulo matapos ang ilang minuto ng pagtulog sa gitna ng klase. Nabalik siya sa reyalidad nang makita sa kanyang harapan ang professor niya sa History. Magkasalubong na ang kilay nito habang masama ang titig sa kanya.
"Hindi ka na naman nakikinig. Ang lakas pa ng loob mo na matulog sa gitna ng diskusyon ko," ani ng matandang guro na may pagkadismaya sa boses. Nakarinig siya ng hagikhikan mula sa mga kaklaseng halos lahat ay nakatingin na sa kanya.
"Answer my question, if you really are into my class," masungit nitong wika.
"Nababaliw na ba ang matandang 'to? Paano ko naman sasagutin ang tanong gayong hindi nga ako nakinig at natulog lang? Ni hindi ko nga alam ang topic na dini-discuss niya!" Naiinis niyang sambit sa sarili at napakamot sa ulo.
"Alam mo, Hera, hindi ka naman ganyan dati. Nakakapag-focus ka pa nga sa pag-aaral noon. What happened? May nangyayari ba sa'yo these past few days?" tanong pa ng professor. Lahat naman ng kanyang kaklase ay nakikinig habang ini-interrogate siya. Nakita niya si Erika na nakatingin rin sa kanya na tila nag-aalala. Alam nito ang mga pinagdaraanan niya ngayon.
May nangyayari nga ba sa kanya nitong mga nakaraang araw? Parang wala naman. Maliban sa mga boses na gumagambala sa kanya gabi-gabi. Tinatawag siya nito sa pangalan niya.
"Hera Ether Yakagami!" Naipitik na ng guro ang daliri sa tulalang dalaga. "I'm asking you! Are you okay? You're always physically present but mentally absent!" Galit na ito. Napayuko na lamang siya.
"Gomen'nasai," hingi na lamang niya ng paumanhin. Narinig niya itong bumuntong-hininga.
"I need to talk to your parents tomorrow. Bring them with you. Your behavior affects your grade, Hera. Graduating ka pa naman." Mas napayuko ang dalaga at naglakad na palayo ang guro upang ituloy ang naudlot na lesson dahil sa kanya.
***
"Hera! Sabay na us umuwi! Day-off ko ngayon sa coffee shop kaya masasabayan na kita," masayang sambit ni Erika habang inaayos ang strap ng bag.
"Pasensya na. Pwede bang mauna ka na muna? Daraan muna akong library," tanggi ni Hera at nagpeace-sign sa kaibigan.
"Eh? Sayang naman! Pero sige, sa ibang araw na lang. Ingat ka mamaya, ah?" paalam na lamang ni Erika habang si Hera naman ay tinungo ang direksyon ng pinakalumang library sa 4rth floor.
Bukod sa mahilig sa libro, may isang bagay ang naging dahilan kung bakit lagi siyang dumidiretso ng silid-aklatan na iyon. Iyon ay ang mga boses na naririnig niya mula pa noon, maging ang hindi pamilyar na liwanag sa pinakadulong shelf. Balak niya itong alamin.
Hindi siya naniniwala sa mahika. Pero binabagabag siya ng kyuryosidad na alamin kung totoo ba ito.
Ngunit sadyang may hadlang talaga sa nais niyang gawin.
Bubuklatin pa lang sana niya ang log book upang mag-sign in nang padabog na iniharang ni Madame Akako ang kulubot niyang palad sa log book. Halos mapasigaw si Hera sa sobrang gulat. Nasa harapan na niya ang matandang librarian at masama ang titig nito.
"Nakalimutan mo na atang ban ka sa silid-aklatan na ito. Doon ka sa third floor magbasa," masungit nitong utos at pinakita ang pangalan niyang may highlight na kulay pula. Ibig sabihin ay hindi siya pwedeng pumasok rito.
"Bakit po? Dahil po ba ito roon sa---"
"Huwag ka na lang magsalita at umalis na!" putol ng matanda sa sasabihin ng dalaga kaya natigalgal ito. Kung hindi siya nagkakamali, ayaw siyang palapitin ng librarian sa dulong shelf at kunin ang librong iyon. Ano bang lihim ng aklat? Bakit ayaw siyang patahimikin ng mga nangyayaring ito sa kanya?
"S-sige po. Pasensya na," sambit na lamang ni Hera at napayuko. Tumalikod na siya at lumabas ng aklatan. Ngunit nang mapansin na agad tumalikod rin ang librarian para mag-asikaso muli ng nagulong libro, ay agad siyang tumalilis papunta sa nagtataasang bookshelves. Pa-tip toe pa ang ginawa niyang paglalakad upang hindi siya mapansin ng masungit na matanda. Kagat niya ang pang-ibabang labi para hindi makagawa ng ingay.
Hindi siya aalis rito hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. Kahit pa yata mas magalit sa kanya si Madame Akako.
Pagdako pa lamang niya sa dulong shelf ay nanlaki na ang mga mata niya sa biglaang pagliwanag ng isa sa mga libro. Lumapit siya. Nanginginig ang mga kamay na binuklat ang lumang mga pahina. May bahid na ito ng alikabok.
Nakaawang ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Mayamaya ay nakarinig na siya ng mga boses. Tinatawag siya.
Hanggang ang munting liwanag ay tuluyang sumakop at pilit siyang hinigop. Sa sobrang bilis ng pangyayari, walang sigaw na narinig mula sa kaawa-awang dalaga na ngayon ay nasa loob na ng aklat.
Agad bumagsak ang aklat sa sahig dahilan para mapatigil si Madame Akako sa pagpupunas ng mga libro. Nanlalaki ang mata niyang napahangos sa dulong shelf.
"S-Sugata o kesu," ani ng matanda habang nanginginig ang mga labi. Naglandas ang mga luha nito habang nakatitig sa librong ngayon ay nakasara na at wala nang liwanag.
"Hera, napakatigas talaga ng ulo mo!" Napaluhod na lamang ito at hindi malaman ang gagawin.
"Hera!"
CELESTE'S POV
"Hera, napakatigas talaga ng ulo mo!"
Tuluyan kong naimulat ang mga mata ko at napahawak sa ulo ko. Nasaan na ako?
Dahan-dahan ang ginawa kong pagbangon. Panaginip ba 'yon? Nakita ko si Hera, hinigop siya ng aklat.
Napangiwi ako. Nakita ko si Mira na palakad-lakad at hindi mapakali habang nagsasalita mag-isa.
"Napakatigas talaga ng ulo mo! Pinapahamak mo ang sarili mo, nakakainis ka! Bakit kasi lapit ka pa ng lapit sa mga prinsipe, alam mo namang bawal iyon sa loob ng palasyo! Argh!"
"Mira..." mahina kong tawag sa kanya kaya natigil siya sa ginagawa at gulat na napatingin sa akin.
"Oh Diyos ko! May malay ka na! Tinakot mo ako! Akala ko iiwan mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon!" Naluluha itong lumapit sa akin at dinampi ang palad sa noo at leeg ko sabay hinga ng maluwag.
"Salamat naman at wala ka ng lagnat." Napataas ang kilay ko. Ano? Nilagnat ako? Sa pagkakaalam ko nahimatay lang ako kagabi.
"Ayos ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalala nitong tanong sa akin kaya napangiti lamang ako.
"Ayos na ako. Siguro dala lamang ito ng pagod."
"Buti naman. Phew! Alam mo bang halos hindi ko na alam ang gagawin nang dalhin ka rito na walang malay? Huwag mo nang uulitin iyon ah? Layuan mo na ang apat na prinsipe, pakiusap! Ayaw kong malagay na naman sa kapahamakan iyang buhay mo!" sermon niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.
"Pasensya na kung pinag-alala kita," paumanhin ko pa. Si Mira, siya na lamang ang tinuturing kong tapat na kaibigan rito sa loob ng palasyo. Siya lang ang malalapitan ko sa lahat ng pagkakataon. Kami na lang ang mayroon ang isa't isa. We can't lose each other.
"Basta mag-ingat ka na sa susunod lalo na at mainit na ang dugo sa iyo ng reyna pati na ng Takumi na iyon. O siya, lalabas muna ako at ikukuha kita ng tsaa. Kailangan mong magpalakas." Agad itong tumayo at akma nang lalabas pero tinawag ko siya pabalik.
"Mira! S-salamat..." usal ko na lamang at nginitan siya ng tipid.
"Hindi ka dapat sa akin magpasalamat. Si Prinsipe Tsuyu ang nagdala sa'yo rito kagabi. Paalala lang, magpasalamat lang, at huwag nang lalapit pa, ha?" makahulugan niyang paalala at saka umalis na.
Napatingin ako sa mga kamay ko at dumako iyon sa parteng pulso. May bracelet na nakasuot.
Kung ganoon, siya ang bumuhat sa akin kagabi? Itinaas ko ang kaliwa kong pulso at itinapat sa liwanag upang pagmasdan nang mabuti. Napangiti ako. Siya ba ang nagbigay nito?
Ang cute.
"Pinili kita sa araw-araw. Ikaw ang...paborito kong tao."
"Kaya ipangako mo sa akin, na ngayong nagbalik ka na, hindi ka na muling aalis. Dahil kahit anong mangyari, susundan na kita. Kahit sa kabilang buhay pa."
Natulala ako habang inaalala ang mga salitang binitawan niya sa akin kagabi.
"Hera...was his favorite person. And it was me..." halos pabulong kong sambit sa sarili habang nakatitig sa bracelet.
Whoever you are Hera, you're so lucky to have him.
THIRD PERSON'S POV
"Ang tagal kitang hinintay, Tsuyu," pagtatapat ng dalagang si Takumi sa walang reaksyon na prinsipe. Ni hindi siya nito pinapansin at hindi man lamang pinukulan ng tingin.
"May sasabihin ka pa ba? Kung wala, aalis na ako," tipid na sagot ng binata at isinukbit na ang espada.
"Si Hera ba ang dahilan? Lagi na lang bang siya ang dahilan kaya hindi ka man lang makaramdam ng pag-ibig para sa akin?" Dahil sa pahabol na tanong ng prinsesa ay napatigil sa paglalakad si Tsuyu. Pero hindi ito lumingon. Nanginginig na sa galit si Takumi. Wala siyang narinig na sagot mula rito at naglakad na muli paalis.
"Tsuyu!"
Halos mapasigaw sa inis si Takumi at ibinato ang babasaging tasa ng tsaa sa pader. Nabasag ito. Natatarantang nilapitan ito ng katiwala at agad nilinis. Nag-iinit ang ulo niya sa tuwing maaalala ang tagpong iyon kagabi.
At naiinis siya sa sarili sapagkat hanggang ngayon ay hindi niya makuha ang loob ng binatang matagal na niyang iniibig.
"Sagabal ka talaga sa lahat, Hera." Nagtiim-bagang siya at kumuha ng panibagong tasa para ibato ngunit natigil siya nang may maisip.
Mayamaya ay napalingon siya sa katiwalang nasa tabi lamang niya.
"Sabihin mo sa reyna na dadalaw ako ngayon rin," utos nito at padabog na ibinaba ang tasa. Napangisi siya sa naiisip na balak.
Sisiguraduhin niyang aayon ang reyna sa nais niya. Hindi siya pwedeng umupo na lang at pagmasdan sa malayo ang taong gusto niya matagal na. Gagawin niya ang lahat para mawala ang sagabal na si Hera.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top