CHAPTER 10

"Hera, Hera, gumising ka."

"Nagbalik ka na pala, hindi mo man lamang kami inabisuhan."

May malalalim na boses akong naririnig ngunit hindi ko alam kung kanino o saan ito nanggagaling. Iginalaw ko mga daliri kong tila naparalisa sa sobrang tagal kong nakahiga, hanggang sa unti-unti ko nang naiaangat ito kasabay ng aking braso. Kumurap-kurap ako sa pagbabakasakaling sa pagmulat ko ay kisame na ng library namin ang makikita ko ngunit nanlumo ako nang muli kong makita ang bubong na gawa sa kahoy. Ibig sabihin, hindi pa rin ako nagigising sa bangungot na ito. Nanghihina ako at walang lakas na makatayo. Isa pa, pakiramdam ko sinusunog ang buo kong katawan sa sobrang init. Ano bang nangyayari sa akin?

"Hindi na gaanong malubha ang lagnat niya. Payo ko sa'yo ay painumin mo ng maraming tubig at ipagluto ng mga pagkaing may sustansya tulad ng sabaw o may gulay. Tiyak, gagaling na siya kinabukasan."

"Salamat po." Sa nanlalabo ko pa ring paningin ay nakita ko ang pag-bow niya sa matandang lalaki bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Hinatid lamang niya ito ng tingin at saka napalingon sa akin. Napapikit ako nang maramdamang malapit na siya. Hindi ko man makita ang ginagawa niya ngayon ay alam kong inaasikaso niya ako. Rinig ko ang pagtilamsik ng tubig sa batya at pagdampi ng basang tuwalya sa noo ko. Sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko ang init ng hininga niya kaya napadilat ako ng di oras. Nagulat naman siya at napalayo. Pilit akong bumangon at umupo para hindi ako mahirapan na kausapin siya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya.

"A-ano ang...pangalan mo?" bigla kong sambit kaya napatingin siya.

"Hindi mo na kailangang malaman pa dahil hindi ka naman magtatagal sa lugar na ito. Kapag ayos na ang pakiramdam mo, maaari ka nang umalis," aniya at piniga ang tuwalyang hawak niya.

"Gusto ko pa ring malaman," pamimilit ko kaya natigil siya sa ginagawa.

"Paano kita mapagkakatiwalaan kung hindi ka rin nagsasabi ng totoo?" makahulugan niyang tanong pabalik. Napakunot ang noo ko. Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ko kanina bago ako mahimatay?

"Nagsasabi ako ng totoo. Lahat ng mga sinabi ko kanina, walang kasinungalingan roon. My kuya Chester didn't raise me to become a liar," I frowned. Nakita ko ang pagrehistro ng lito sa mukha niya nang magsalita ako sa English. Teka, hindi ba niya naintindihan iyon?

"A-ang sabi ko hindi talaga ako sinungaling!" sabi ko na lamang at tinitigan siya nang mata sa mata. Wala siyang reaksyon. Hindi ko tuloy alam kung naniniwala na siya o hindi pa.

"Gusto kong malaman ang pangalan mo," pag-uulit ko pa.

"Tsuyu," tipid niyang sagot at saka tumalikod na para umalis. Naningkit ang mata ko at pilit inalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon. And a glimpse of memory from my Japanese class flashed on my mind.

"Did you know class that the name Tsuyu resembles of the plum rain?"

"Plum rain," bulong ko at sa muli kong pagsulyap sa kanya ay tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto. Sunod na pumasok ang batang lalaki na kapatid niya. Kung hindi ako nagkakamali ay tinawag niya ito sa pangalang Yamaro kanina. Sa pagpasok pa lamang niya ay bungad na sa akin ang kanyang malapad na ngiti na naging dahilan ng pagiging singkit ng kanyang mga mata. May bitbit siyang tray ng pagkain. Bigla tuloy ako nagutom at napahawak sa tiyan kong kumukulo na.

"Kumusta na po ang pakiramdam mo, onesan? Dinalhan kita ng sabaw. Sabi kasi ng manggagamot kay kuya ay ipaghain ka nang masustansya, hehehe," aniya at inilapag sa tabi ko ang mangkok na umuusok pa sa sobrang init. Umupo ako nang maayos at nginitian siya.

"Maraming salamat." Napatungo ako bilang pasasalamat. Napakabait ng batang ito. Mukhang naging maganda ang pagpapalaki ng kuya niya sa kanilang magkapatid.

"Nawalan ka ng malay kanina. May masakit pa po ba sa'yo?" tanong pa niya at tila sinisipat kung ayos lang ako.

"Ayos na ako, ano ka ba," natatawa kong sagot at napakamot sa ulo. "Medyo masakit na lang ang ulo ko pero hindi na tulad ng kanina. Salamat ulit, oww wait!" Nanlaki ang mata ko nang maalala ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko pa kung saan ko iyon itinago kanina. Hanggang sa napadpad ang kamay ko sa bulsa ng suot kong palda. Nakahinga ako nang maluwag at inilabas ito. Akala ko ay nawala na. Ito na lang ang alam kong pag-asa para makabalik sa amin. Sana naman ay may signal na para ma-contact ko si kuya Chester.

"May alam ka bang lugar kung saan malakas ang signal rito?" tanong ko kay Yamaro na nakatitig lamang sa akin habang kinakalikot ko ang phone ko sabay taas sa ere. Kainis! Bakit parang hindi gumagana ang gadget rito? Teka, alam ba nila ang gadget? Otomatiko akong napalingon kay Yamaro na nakatulala lamang sa hawak kong cellphone. Tila manghang-mangha pa itong pinapanood ang phone ko na tumutunog at umiilaw. Itinapat ko ito sa kanya at tinuro.

"Alam mo ba kung ano ito?" Agad siyang napailing. Nanlaki naman ang mata ko sa sobrang gulat. What the fudge? Seryoso ba ang batang ito? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa hawak kong cellphone. Pagkatapos ay iwinagayway ko sa harapan niya ang bagay na iyon. Kumislap-kislap ang mata niya sa sobrang pagkagulat. Ibig sabihin lamang ay nagsasabi siya ng totoo. Fudge, hindi niya talaga alam na cellphone ang hawak ko.

"Ang tawag rito ay cellphone," bigkas ko at iniopen ang screen nito dahilan para umilaw ito at lumikha ng ingay. Nakita kong bumuka ang bibig niya na gustong sabihin ang salitang binigkas ko.

"C-E-L-L-P-H-O-N-E, cellphone!" sambit ko muli habang hinihintay ko siyang sabihin ang salitang iyon. Tiningnan ko siya at nginitian na parang sinasabi kong kaya niya iyong bigkasin sa harap ko ngayon.

"S-selpon?" sa wakas ay sambit niya kahit hindi ganoon kaganda ang pronounciation. Napangisi ako ng malapad, napatango-tango ako at ginulo ang buhok niya.

"Ang galing!" puri ko at pumalakpak kaya napangiti siya.

THIRD PERSON'S POV


"Hiyaaa!" Umalingawngaw ang sigaw ng isang makisig na binatang si Kaisei habang nakasakay sa kanyang kabayo. Pagkaraa'y tumigil siya sa tapat ng balon at sumalok ng tubig sa sobrang uhaw. Mayamaya ay tila baliw siyang tumawa habang inaalala kung gaano kasaya ang mangaso nang mag-isa kanina. Bukod sa wala siyang bantay ay solo pa niya ang gubat na naging tahanan na niya mula noong bata pa. Napailing-iling na lamang siya at pinahid ang tumutulong pawis dahil sa pagod.

"Seiki, magpahinga ka muna. Malayo-layo pa ang tatakbuhin mo bago makarating sa palasyo," sambit niya sa alagang kabayo. Kahit hindi nakakapagsalita ay tila naiintindihan naman ng hayop ang ibig sabihin ng amo kaya sumilong ito sa puno ng kalachuchi hindi kalayuan sa balon.

Sa pagmumuni-muni ng binata ay hindi nakaligtas sa kanya ang isang hindi pangkaraniwang hair pin na nasa kanyang paanan. Kumikinang ito dahil natatamaan ng sikat ng araw. Napakunot ang noo niya. Ilang taon na ang nakararaan matapos siyang makakita ng ganoong bagay kaya alam niyang hindi ito galing sa mga dalagang nasa lugar nila o mula sa loob ng palasyo. Ngayon lamang ulit siya nakakita ng ganoon. At ang hairpin na iyon ay mula pa sa babaeng hindi niya akalaing magiging malapit sa puso niya.

Naipilig niya ang ulo sa mga naiisip at yumuko upang pulutin ang bagay na kumikinang. Tama nga ang hinala niya. Ngunit ang kutob niya ang mas nagpagulo ng kanyang pag-iisip. Kanino ang bagay na iyon?

"Posible kayang..." bulong niya habang sinisipat-sipat sa ilalim ng tirik na tirik na araw ang bagay na natagpuan.

Napangisi siya at ibinulsa ang hairpin. Mabilis ang kilos na sumakay siya sa kabayo at pinaragasa ito pababa ng kapatagan. Kailangang maibalita niya ito sa hari at sa mga kapatid niya. Kailangang malaman nila na may nagbabalik. Kailangang malaman ng sambayanan na tapos na ang paghihintay.

***


Mainlove kayo kay Kaisei ng Hiraeth ;)
Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top