CHAPTER 8: ENDLESS CASE

Dali-dali kaming bumaba para tingnan kung ano ang nangyari dahil sa biglang pagsigaw ni Larken.

"M-May... sumunod sa atin," nauutal na sambit ni Larken. "Someone is watching us right now at baka..."

Dumaan ang takot sa mga mata niya nang bigla itong napatingin sa amin at sa paraan ng pagtitig ni Xavien ay alam kong may namumuo nang mga tanong sa isip niya.

"At baka 'yung isa sa mga kakilala ni Karina ang sumunod sa atin dito," pagpapatuloy ni Xavien. "Possible na siya nga 'yon, and he or she might already know one of us."

"Then we should take this case further into its limit-." Napatigil sa pagsasalita si Vior nang biglang may malakas na pagbasag kaming narinig.

Nabasag ang malaking salamin sa ibabang palapag at nakita naming may ibinato ito sa loob. Ang mas nagpapukaw ng atensyon namin ay ang nakabalot na papel sa batong inihagis dito.

"Xav..." pagtawag ni Vior.

Nanlaki ang mga mata namin nang mabasa ang nakasulat sa papel.

"Fools eventually learn. I should've hidden all-and you should hide before the dark comes. You're next."

"It's a trap," seryosong sabi ni Xavien. "Foreshadowing. Pinapalabas niya na sinusundan tayo."

"Pero, bakit ngayon?" tanong ko.

"Because he wants to make us move... at gusto niya ring makita kung paano tayo sumasabay sa mga laro niya," sabat ni Zeiro.

"Then, we need to play along in his own game," sagot naman ni Quade. "Kapag nalaman na natin kung sino siya, saka lang tayo kikilos para mahuli sa sarili niyang bitag."

Lahat kami ay napatango at sumang-ayon sa kanya. Tila walang gustong bumasag ng pagiging seryoso namin sa sitwasyon ito, kahit si Larken ay matiim ang tingin sa papel at parang malalim ang iniisip.

"Okay," mabilis na desisyon ni Xavien.

"Let's split this up. Quade, Athena, kayo na ang mag-interview sa dalawang estudyante na nasa retrato pagkatapos ng klase natin. Ako, si Amie, at Larken, naman ang pupunta sa boy's dormitory. We will check if other students are connected to this person that might lead us to another clue. Zeiro, Ciandrei and Vior, kayo na ang maghanap sa mga lumang admin records sa student council facility. Nandoon lahat ng records na kailangan niyong hanapin."

"On it," sabay-sabay naming sagot.

Pagsapit ng alas-onse ng tanghali ay gumawi na agad kami nina Larken at Xavien patungong boy's dormitory. Sa likurang bahagi ako dumaan, sa dating gawi kung saan patungo sa dormitory ni Xavien.

Nang magkatagpo kami kaming tatlo sa ikalawang palapag ay agad naming sinuri ang buong paligid. Medyo naiilang pa nga ako at nagkakatinginan kami ng ilang mga lalaking estudyante ro'n.

Iyong iba pa ay nakabukas ang pintuan ng kwarto nila at mga walang isuot na pang-itaas, kaya panay tuloy ang tingin sa akin ng dalawa na para bang may gusto silang sabihin sa akin.

Alam nila na mahigpit ang school na ito pagdating sa pagdalaw sa mga dormitory, lalo na't naging mahigpit ito pagkatapos ng insidente na nangyari sa loob ng girls dormitory. It was still haunting me until this day dahil naalala ko pa rin kung paano namatay ang biktima.

Papunta na sana kami sa kwarto ng isa mga main suspect ngayon nang mahagip ng mga mata ko sa hindi kalayuan ang pamilyar na lalaking nasa retrato-iyong nahanap namin sa loob ng clock tower.

Si Miguel Arreza, 21 years old, sikat na varsity player, at anak ng isa sa pinakamayamang tycoon sa pilipinas.

"Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yung dating member ng HUMSS Student Council, 'di ba?" kunot-noo kong tanong.

"Siya nga," matiim na sagot ni Xavien.

It's been four months. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa iba ang bigla niyang pagbitaw sa posisyon niya. Tila walang nakakaalam ng dahil kung bakit biglaan ang pag-alis niya. And we know that something is happening.

"See you on our next game, bro!" paalam nito sa mga kasama niyang kaibigan.

Agad namin siyang nilapitan. Nang makaharap namin siya ay tila nag-iba ang ihip ng hangin, pati na ang ekspresyon sa mukha nito. He's face was serious and dark just like Xavien's expression.

"If all of you are here just to ask me about that freak girl who's missing, you won't get any information from me. Sinasayang niyo lang ang oras niyo," sungit na sabi niya.

"Gusto ka lang sana naming-" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya kaming lampasan habang nakasilay ang ngisi sa labi niya.

"Sabi ko na sa inyo, wala kayong makukuhang impormasyon sa akin," aniya habang papalayo. "I'm busy to talk about that nonsense issue."

"Ang sungit pala ng lokong 'to. Birahin ko na kaya, bes?" mahinang sambit sa akin ni Larken. I just snubbed his remarks.

"Are you sure? Hindi ba't ikaw ang huling nakipagkita kay Karina noong gabi bago siya nawala?" nakangising tanong ni Larken. It was like he's already expecting his actions as if everything was already calculated enough to boggle his mind.

And right there, I saw it. That slight pause in Lester's step, the crack in his arrogant stance. That was it. Larken is trying to get his attention.

Sinubukan nitong lumingon ng bahagya, tila sumusulyap ng tingin sa amin.

"You're putting yourself in danger, Xavien. Hindi mo alam kung paano tumatakbo ang bawat student council. And I also wondered..." Saglit itong napatigil ng tuluyan na siyang humarap sa aming tatlo. "How did you get your position as SC President in Amethy High that easily?"

His eyes were piercing at Xavien, gano'n din naman ang lalaki sa kanya na hindi nagpatinag sa tingin niya.

"What do you mean?" I asked. "May kinalaman ba ang student council members sa pagkawala ni Karina?"

He smirked. "That's not the real question, Amie..." Marahan itong lumapit sa amin at bawat yabag ng paa niya ay dumaraan ang kaba sa puso ko. "Ang tanong, gaano ka kasigurado na sa kanilang lahat, malinis ang pagkuha nila sa posisyong tinatapakan nila ngayon?"

Bigla namanf humarang sa harapan ko si Xavien kaya muling nagtama ang tingin nilang dalawa. Mahigpit din ang kapit sa akin ni Larken na nasa gilid ko lang.

"I'm sure you already deduce it all, you just wanted to play in his game... or is it the other way around?" saad ni Xavien.

Hindi na nagsalita pa ang lalaki nang biglang tawagin ang pangalan niya ng kasama nito sa dorm.

Just like that, the question remains silent to us. And what's bothering me the most, is how he already knows our name.

Hindi kaya may alam siya sa pagkawala ni Karina?

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

Bukod sa dormitory ay isa-isa rin naming nilibot ang bawat sulok ng Amethy High para harapin pa iyong isang babae na kasama ni Karina bago siya nawala.

"May nahanap kami sa mga student records, and we found this," Viro said and handed the file to us. "Based sa file, matagal ng student council president si Lester Dela Paz sa isang prehisteyosong paaralan. 'Yung isang lalaking nasa retrato na katabi ni Miguel. At natigil lang ang posisyon niya bilang president ng makapasok siya rito."

"He aimed to be in the highest position, at napag-alaman naming may kumalat noon na rumors tungkol sa kanya-that he bribed other students para siraan si Karina," paliwanag pa ni Zeiro.

And that gives us a clue.

"He might be the one of the main suspects here, but everything about him is just lacking-too vague to tell if it's just for the position," Xavien retorted, brows starting to knot. I know that more questions are lingering in his mind. Halata naman ito base pa lang sa kilos niya.

"If it's too vague, kailangan pa natin ng magtanong sa mga taong nasa retrato," saad ni Ciandrei, seryoso pa ang ekspresyon nito.

"I think we can find our next suspect kung pupunta tayo sa Special Library," suhestyon ni Xavien, habang nakakunot ang noo na parang may sinusubukang siyang lutasin sa isip niya. "Baka sakaling nandoon siya... o may iniwang clue."

"Teka, Special Library?" agad na sambit ni Larken, halatang naguguluhan. "Parang ngayon ko lang narinig 'yon ah. Akala ko iisa lang ang library dito sa Amethy?"

Napakunot din ang noo ko. "Wait... may gano'n pala?"

Huminga ng malalim si Xavien bago ipinaliwanag. "Yeah... Special Library is only accessible for Student Council members. Exclusive sa amin. Dito ay pwede kaming mag-self study, mag-archive ng council records, at kumuha ng sources na hindi basta-basta available sa normal na Library na meron tayo."

"Bakit ngayon lang namin ito nalaman?" tanong ni Athena.

"Because this is exclusive. Hindi rin 'to openly sinasabi sa mga regular students. Parang secret case," dagdag pa ni Xavien. "Only council members have access to it. Nandito 'yung mga confidential documents, some project proposals, admin permits... at kung mga hindi dapat basta makita ng kahit sino."

"Pati ba 'yung mga... secret transactions?" tanong ni Larken, halatang seryoso.

Tumango si Xavien, mas lalong bumigat ang boses. "Most likely. Kung may tinatago si Lester... or kung may ebidensyang iniwan si Karina bago siya nawala, possible na nandoon 'yun."

"So, ano ang ginagawa nung tatlo s admin records?" natatawang sabi ni Larken.

"Regular records ng mga estudyante ang hinahanap nila, and that's our main assets here. Baka sakaling may makuha pa tayong ibang information tungkol sa mga nakasama ni Karina-including her dormmate," saad pa ni Xavien.

Hindi na nga kami nagsayang pa ng oras at tumakbo na patungong special library. Malayo ito sa STEM building at nasa pinakataas na palapag ito, sa may dulong bahagi na parang isang patagong room, pero kaunti lang talaga ang may alam na isa itong special library para sa mga SC members ng bawat strand.

"You can't just access the entrance here because you need a direct verification I'd. I'm lucky that I have special access to this room," Xavien muttered.

Isa-isa na kaming pumasok nang palihim sa loob, medyo kaunti lang ang natatanaw kong estudyante pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay ang isang babae na nakasalamin.

"Sakto, it's her!" aniya ko, saka itinuro sa direksyon ng babaeng nakaupo sa hulihang bahagi.

Heather Ashiana Salarzon, 21 years old, journalism student, and the secretary of the HUMMS Student Council.

Nagpatiuna naman akong nilapitan ang babae sa table at nang ibaba niya ang hawak na libro ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"H-hindi ba't bawal dito ang mga regular student?" kunot-noo niyang tanong.

"We know." Sabay upo ni Xavien sa harapan niya. "We just need to ask you some questions about the missing student. Do you know Karina Caile Galvez?"

May bahid ng gulat sa mata niya nang marinig nito ang pangalan. Napayuko pa ito at hindi makatingin sa amin.

"I know her, nagkita kami noong nakaraan. She wanted to bid her goodbye at sinabi niya sa akin na aalis na siya sa posisyon niya bilang student council president. Buo na raw ang desisyon niyang umalis, and just like Miguel, we don't know her reason." Isa-isang tumulo ang luha sa mata niya.

"Bukod do'n may iba pa ba siyang nabanggit sa 'yo?" tanong ko habang sinusulat ang salaysay niya sa papel.

Bahagya itong tumango, tila nagdadalawang-isip siya kung mayroon nga ba o wala.

"A-Ang alam ko lang ay may hinahanap siya at lagi siyang pumupunta sa clock tower. Kahit na alam niyang off limits ito ay palagi siyang gumagawa ng paraan para makapunta roon," salaysay niya. "Now, she's missing." dumeretso ang tingin nito sa amin habang umaagos ang luha sa mga mata niya.

Mabilis niyang hinaplos nang marahan ang kamay ko at nagmamakaawa. "Please, do everything to find her. Because right now, I have a bad feeling that she might be..."

Napalunok siya at hindi na natuloy ang gusto niyang sabihin.

"That she might be... dead," pagtuloy ni Vior, sabay tingin kina Zeiro at Xavien. "And if ever that your hunch is right, we will do everything to put the case closed."

Nangibabaw ang katahimikan sa amin. We don't know who's the culprit o kung buhay o patay na nga ba si Karina.

And if she's really dead... the killer might be lurking around the campus to attack its next victim.

Pinunasan ni Heather ang luha niya at tumayo ito. Pumunta siya sa isang glass cabinet na puno ng mga horizontal fillers, kung saan may kinuha itong makakapal na documents. Nang bumalik ito sa table ay nilapag niya ito at ibinigay kay Xavien ang isang asul na documents.

"This documents might help you finding her. Iyan lang talaga ang maitutulong ko," nakayukong sambit niya matapos na ilagay sa table ang mga folder na hawak nito. "I'm just warning you all that it might get you into trouble, pero kung makakatulong ito para mahanap si Karina ay hindi ako magdadalawang-isip na ibigay ito sa inyo."

Ano naman kaya ang laman ng kulay asul na binigay niya?

Tahimik ang buong cafeteria, wala masyadong estudyante na tumatambay ngayon dito dahil palubog na ang araw. Nakalinya sa harapan naming lahat ang mga ebidensya. Ang notes, polaroids, ang mga documents na galing kay Heather, at ang listahan ng mga huling taong kasama ni Karina.

"Okay," simula ni Xavien. "Let's wrap everything up from the start."

Tumango naman kami. Nakita ko kung paano tumayo si Athena at sumandal sa pader. Si Quade, nakasandal sa upuan habang iniikot-ikot ang ballpen sa daliri. Si Larken, pasimpleng nagbabasa ng notes, pero halatang hinihintay ang sabihin ni Xavien. Ako, sina Vior, Ciandrei at Larken ay nakikinig sa lalaki.

"Una ay si Karina Caile Galvez. Huling nakita sa STEM building na kasama si Miguel bago ito nawala. There was no CCTV footage of her leaving the premises. That alone was already suspicious, at malaki ang tiyansang alam ni Miguel kung nasaan si Karina," he explained.

"We found her last video message sa cellphone niya," dugtong ni Zeiro, na pasimpleng pumasok mula sa gilid na bitbit ang phone ni Karina. " It was recorded in the premises of clock tower. She was scared, and she mentioned someone following her."

"And this is where the question started to thicken," tuloy ni Xavien. "Sino?"

Nilapag niya sa gitna ng mesa ang polaroid at ang nasa retrato ay sina Miguel, Karina, Lester, at Felisha. And Heather? Her figure at the photo already faded kaya naman nalalaman namin na lima pala silang magkakasama noong ipinakita niya ang isa pang raw photo nilang lahat.

"Beside that polaroid thing, we know that Miguel mentioned someone pero hindi ito malinaw. Para bang pinapahulaan nito sa atin kung sino ang tinutukoy niya. And Heather confirmed na may off limits nga sa clock tower," saad ni Larken.

"Lastly, Amie saw someone intentionally leaving a note for us para lituhin tayo," dagdag ni Xavien. "If it's Heather, why would she leak council secrets? Why would she warn us? That doesn't make sense."

"So, sino?" tanong ni Quade.

Dito na nagpakawala ng matalim na tingin si Xavien.

"It was Lester Dela Paz," walang pag-aalinlangan na sabi ni Xavien.

"Si Lester?!" Lahat kami ay napalingon nang biglang bumungad sa harapan namin si Felisha.

Kanina pa ba siya nakatayo ro'n?

"Felisha..." mahinang tawag ko. Namumuo ang luha sa mga mata niyang may halong duda, takot at pagkalito.

Agad itong lumapit. "I-Imposibleng si Lester. I know him. Hindi siya gagawa ng ikakasira ng pagkakaibigan namin!" giit ni Felisha.

Xavien grinned. "Then look at this. Check if everything is verifiable to you para malaman mong hindi ako nagkakamali."

Tumayo si Xavien, kinuha ang isa pang papel mula sa folder at ipinakita ito kay Felisha.

"You're best friend, was the first target. Karina discovered something, it might be the fund discrepancy. Lester was using the Student Council's Special Library to hide unauthorized transactions, fake permits, and personal records, at alam 'yon lahat ng kaibigan mo," Xavien muttered. He was referring to Heather.

"I-Ibig sabihin siya ang-"

"Next target," putol ni Xavien. "Because she knew. And Karina... got curious about Lester's secret. Miguel confided in her before she disappeared, and tried to dig deeper, until Lester cornered her."

"W-we need to protect her, Xavien!" Felisha exclaimed, there's a hint of fear in his eyes. "B-Baka... hindi na natin siya maabutan pang buhay."

"We need to find Lester first. Ako na ang bahala kay Heather at sisiguraduhin kong mababantayan siya buong gabi," Vior said.

Mabilis kaming kumilos lahat at nilibot ang buong campus para hanapin si Lester.

❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜

It's already 8 o'clock at hindi pa rin namin nahahanap si Lester, kahit anino nito ay hindi ko nakita sa buong campus. Ang sabi ng isa sa mga kaklase nito ay busy raw siya sa research na ginagawa nila at baka may group study sila ngayon. He even called him pero naka-ilang missed calls na ay hindi pa rin ito sumasagot.

I'm tired and hungry. Kailangan na naming bumalik ni Athena and dorm dahil baka malista na naman ang pangalan namin at isang violation na lang talaga ay baka hindi pa kami makatungtong ng college nito.

"Sige na, ipagpabukas na lang natin 'to. Madadaanan din naman natin siya sa klase niya bukas," sabi ni Athena, halata sa boses niya ang pagod. Kita ko na rin 'yung bagsak ng balikat niya at 'yung lungkot na pilit niyang itinatago.

"We'll take care of everything," sabat ni Vior, kasabay ng isang malalim na hikab. "Mauna na ako sa inyo."

Isa-isa na silang nagsialisan at kanya-kanyang lakad pauwi sa dorm.
Tahimik. Walang masyadong ingay, para bang lahat kami, nauubos na rin ang lakas sa buong araw na ginagawa.

Pagdating ko sa kwarto, isinalampak ko agad ang katawan sa malambot na kama. My energy was completely drained. Pero kahit gaano ako kapagod ngayon, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Sino ba talaga ang tinutukoy ni Miguel sa sinabi niya kanina? Is it Lester or Heather?
Bakit parang ang labo at magulo? Parang may hindi ako nahihinuha sa pinupunto niya.

Napabuntong-hininga ako, tila ibinaling ang tingin sa kisame habang iniikot sa isip ang mga nangyari.

"Sino ba talaga 'yon... sino ba talaga ang may alam sa pagkawala si Karina..." bulong ko sa sarili. Mariin akong napapikit hanggang sa hindi ko na namalayan na naging malalim na pala ang pagtulog ko.

At sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay isang malakas na kalabog ang biglang bumungad sa katahimikan ng gabi.

Napabalikwas ako ng bangon sabay kusot ng aking mga mata na tika wala pa sa sariling diwa. Ano bang nangyayari?

Ilang saglit lang ay isang malakas na pagkatok ang narinig ko, kaya naman dali-dali akong bumalikwas sa kama ko, pero ng tuluyan kong buksan ang pinto ay isang pigura ng lalaki ang bumungad sa akin at nang magtama ang tingin namin ay malakas na kumabog ang puso ko-hindi dahil nakilala ko kung sino siya.

Dahil... 'yung munting bulaklak na nakita ko noon at ang rason kung bakit ako napapahamak ay muli kong nakita.

Blue orchid?!

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang itinutok ang kulay asul na hawak niya. Bago pa man ako makapagsalita o makakilos ay mabilis kong naramdaman ang unti-unting paglabo ng mata ko, kasabay ng pagbagsak ng aking katawan.

Hanggang nasilayan na lang ng mga mata ko kung paano nngumiti ang lalaki sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nang magkaroon ako ng malay ay ramdam ko agad ang lamig ng paligid na bumalot sa akin. Nang ilibot ko ang mga mata ko sa madilim na paligid ay hindi na ako nabigla nang bumalik na naman ako sa lugar kung saan natagpuang patay si Karina.

"Nandito na naman ako sa... clock tower," mahinang sambit ko. Medyo nanlalambot pa rin ako, pero ramdam ko na ang hapdi ng palapulsuhan ko.

Nakita ko na lang na nakapulupot na ang makakapal na lubid sa kamay at paa ko.

Pero... hindi lang pala ako. Nakita ko sina Lester sa gilid na walang malay. Si Miguel at Heather, parehong nakatali at mukhang gising na pero may bahid ng takot sa mga mata nila. Sinubukan kong piglasin ito pero halos wala akong lakas ngayon dahil sa tinamo ko sa ulo at ramdam ko ang pagtulo ng dugo nito sa batok ko.

Nasa may gilid kami ng pader at napukaw ang atensyon ko sa buong paligid.

Puro... nagkalat na dugo ang sahig at mga hindi makapaniwalang scratches sa bawat parte ng tower! Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa takot. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at hindi ko na maramdaman ang pagdampi ng paa ko sa malamig na sahig.

What the hell... ano na naman ba 'tong pinasok ko?

Mariin akong napapikit nang biglang may malakas na ilaw na tumama sa mata ko, kaya agad kong iniwasan ito at sa harap ko ay isang pigura ng lalaki ang lumapit sa akin. Nang magtama ang mata namin ay agad ko itong mamukhaan.

S-Si Felisha?!

May hawak siyang baril, at 'yung ngiti niya... 'yung ngiting halos hindi mo na makikila kung sino siya. Parang baliw. Parang hayok at isang hayop na gusto na niyang lapain ang nakita nitong biktima.

"I-Ikaw ang pumatay kay Karina?" tanong ko at bakas ang namumuong takot sa boses ko.

"Felisha... b-bakit...?" nauutal na tanong

Her mouth lifted on one side.

"Akala n'yo ba makakalusot kayo? Akala n'yo hindi ko alam ang mga galaw n'yo?" she muttered, and let out again a mischievous grin. "Do you think I will let your detective asshole friends na sumapaw sa mga plano ko?!"

Halos mapuno ng ingay ng kaba ang tainga ko habang tinitingnan niya ako.

She laughed hysterically in front of us, 'yung tawa na parang wala sa tamang pag-iisip. Iyong tawa na kikilabutan ka kapag narinig mo.

"She's fucking too dumb to let herself be my prey." She smirked. A thin but deadly smile that could lure you in a second. "Anong akala niya, makakahanap siya ng ebidensya para sirain ang reputasyon ko bilang student council?"

"Kaya... pinatay mo siya dahil ayaw mong lumabas ang katotohanan tungkol sa mga ginawa mo?"

Nilapit niya 'yung baril sa mukha ko at muling dumaan ang malakas na kabog sa dibdib ko. Parang bomba na handang sumabog.

"No, I killed her because she's too reckless for me. Hindi ko hahayaang gano'n na lang niya kadaling makuha ang posisyon na dapat ako ang namumuno," mariin nitong sabi. "Masyado pa siyang pakialamera at gumagawa ng paraan para makahanap ng butas sa akin. And that's the last straw I have; to kill her with my own hands."

Tumulo ang pawis sa sentido ko, pero hindi ako umatras. Madiin akong napalunok habang matalas ang tingin sa lalaki. "And do you think na hahayaan nilang mamatay ako sa mga kamay mo?" anas ko.

Kahit matapang ako sa mga mata niya ay hindi pa rin nakaligtas ang kaba at takot sa akin. Shit! Xavien... nasaan ka na ba?

"Masyado ka na ring maraming nalalaman, Amie. I might as well kill you before you even-"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang biglang isang malakas na kalabog mula sa ibabang palapag ang narinig namin.

"Amie!" rinig kong sigaw ni Xavien, habang papalapit ang mabibigat at mabilis na yabag niya papasok ng clock tower.

Mabilis na napalingon si Lester. Nahagip ko pa ang ngising ginawa niya- 'yung ngisi na tipong may halong kabaliwan at pagkadesperado, kahit sa mata nito ay alam kong walang siyang awa na nararamdaman.

Bahagyang umangat ang labi niya nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Mas gusto ko pang unahin 'yung gagong detective na 'yon," aniya.Parang may halong poot at hindi ko maipaliwanag na kasiyahan sa tono niya. "Baka mag-enjoy pa ako habang pinapatay siya ang gwapong detective na 'yon."

Nanlaki ang mata ko, "W-What the fuck... s-she's totally a maniac psycho!" pabulong kong bulalas.

Nanginginig ang boses ko habang pinipilit na tanggalin ang lubid sa kamay ko. Medyo mahigpit ito kaya iniiwasan kong mapadaing sa sakit kahit sobrang namumula na ito.

Nang makita ko ang pigura ni Xavien na halos basang-basa sa pawis at seryoso ang ekspresyon, agad itong pumasok ng kwarto. Nasa likuran niya naman sina Vior, Zeiro, at Quade na pare-parehong alerto.

Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na kahit anong pwede nilang gawing panangga o pangpigil sa huli.

"Put that gun down, Felisha... you'll regret it if you don't obey us," Vior said and a flash of a grin came across on his tiny-pinkish lips.

"Tangina, sino ka para utusan ako?!" sigaw niya at itinutok sa tatlong lalaki ang baril, pero ni isa sa kanila ay walang nagpatinag. "Baka gusto mong unahin na kita bago ko patayin ang kaibigan mo."

"Then... pull that fucking trigger," seryosong saad ni Vior.

Tangina, nababaliw na ba talaga siya?! Gusto niya pa yatang maunang mamatay kaysa sa 'kin eh!

"V-Vior..." pagtawag ko.

"F-Felisha, itigil mo na 'tong kabaliwan mo!" giit ni Miguel, lahat kami ay napatingin sa kanya. "We already know that you're not a student here. Nagpapanggap ka lang. And if you think na hindi malalaman ng bawat student council ito, nagkakamali ka. You're just ruining your own reputation and image."

"Shut your fucking mouth! Wala ka alam. You don't know how I manage to put everything I have just to be in your position," saad ni Felisha. "Matagal ko ng gustong maging parte ng student council pero laging humahadlang si Karina sa mga gusto ko."

"That's not true. I already took down my position months ago dahil... Iyon ang utos sa akin ni Karina. Gusto niyang ikaw ang pumalit sa akin-she sacrifice everything for you!" Miguel's voice almost roared the entire clock tower at isa-isang tumulo ang luha sa mata niya.

Nanginginig at parang nabuhusan ng malamig na tubig si Felisha.

"N-No... hindi 'yan totoo! Ginagawa niyo lang akong tanga para malinlang ako!" Itinapat nito ang baril sa amin kaya napapikit na lang kaming tatlo sa takot, at nang galawin nito ang gatilyo ng baril ay isang mahinang tunog lang ang narinig namin.

"P-Paanong..." hindi makapaniwalang sabi ni Felisha. "Shit! Bakit walang bala 'to!"

Xavien's lips curved into a sly grin. "We tricked you," he said, slowly stepping forward without her noticing it. "Pinalabas naming lahat na si Lester ang gumawa para hindi ka paghinalaan. And we make sure that you don't know that we already talked to him before our case started."

Nanlaki ang mata ni Felisha at bahagyang napaatras. "W-What..."

"Alam din naming may tinatago kang baril sa loob ng dorm mo. You keep it when you already know that we're hunting Lester. At isa pa, hindi lang si Heather ang binabantayan ko, kung hindi pati ikaw," dagdag pa ni Vior.

"F-Fuck!" bulalas ni Felisha, hindi makapaniwala sa mga isinisiwalat nila.

"You killed Karina," sabi ni Xavien na diretso ang tingin kay Felisha. "You made it look like she vanished. And when Heather started digging, you panicked. Lahat ng threats, clues, notes are all planted by you. Lahat ng polaroids, ikaw ang nag-iwan. You framed Lester, you fed lies to Heather, you tried to silence your so-called 'friends' And worst... you abducted Amie."

"F-Felisha... t-totoo ba 'to?" tanong ni Heather, hindi makapaniwala sa natuklasan niya.

Bakas ang pagpipigil ng galit sa mukha niya at 'yung biglang pag-singhap nito.

"You killed Karina because she found out. Hindi lang simpleng fund issue. She knew about your fake scholarship, the stolen money from different schools, and the forged council permits. Karina was going to report you, kaya mo siya pinatahimik," paliwanag ni Xavien.

"Stop!" sigaw ni Felisha, nanginginig ang kamay at tila hindi na makapag-isip ng tama.

"And she picked up the pieces Karina left behind. She knew where Karina hid the evidence. That night, Serena was planning to expose everything. But you were faster," Xavien added.

"Tama na!" sigaw niya.

"You tried to kill Amie," tuloy ni Vior. "Because she was getting too close. You also blame yourself for being too naive when we tried to figure it out-that the threats didn't match Lester's patterns, that Miguel lied under pressure, and Heather knew more than she admitted."

Napahagulgol si Heather sa gilid.

"F-Felisha... bakit...?"

"Because she's scared," sagot ni Zeiro, halatang bumibilis ang tibok ng dibdib niya pero kalmado pa rin. "She's desperate. Desperate to hide everything. She used the clock tower dahil alam niyang walang lalapit dito. She used her friendship with Amie, played victim, planted evidence, misled us-just to keep her secret safe."

"Do you know how I confirmed it?" Xavien asked, mas lalo pang lumapit. "'Yung mismong clue na iniwan mo. The note Amie found at the old stairwell." Pinakita nito sa harap namin ang note na nakasulat.

"Fools Eventually Learn. I Should've Hidden it All-and you should hide before the darkness comes. You're next."

"That's when we found out that I was you. You wanted us to believe it was Lester being targeted... so we tricked you, pero nakalimutan mo rin kaming linlangin sa iniwan mong sulat." Xavien's lips twitched into a sharp grin. "You've made one mistake, Felisha. You forgot that I don't fall for fear that easily. Every move you made, I already predicted it. The threats, the notes, the set-ups-you get sloppy when you're scared, at doon namin nahuli na wala ni isa sa suspects ang tamang deduction. It all leads to you."

Biglang nanginginig ang mga kamay ni Felisha. Kita ko kung paano naglabo ang mga mata niya, at kasabay nun ang unti-unting paglambot ng mga tuhod niya. Tuluyang bumagsak siya sa sahig, parang nawalan ng lakas.

"O-Oo... inaamin kong totoo ang lahat ng 'yon..." mahina niyang bulong, habang ang mga luha niya ay tuloy-tuloy na bumagsak sa pisngi niya. "Pero... h-hindi ko sinasadyang mapatay siya. Karina pushed me to my limits. She wanted to report me... wala akong choice. Natakot ako... nasakal ako. I made a way para mawala siya."

Mas lalo siyang napaiyak, nanginginig ang balikat habang tinatakpan ng mga kamay ang mukha niya.

"I was too selfish... I didn't realize na Karina was trying to protect me. Na she cared for me more than I did. Masyado akong nagpabulag... masyado akong naging sakim. Naging makasarili ako."

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Detective Mori kasama ang ilang mga pulis. Kanina pa pala sila nakaabang sa labas, inaantabayanan ang buong eksena.

Agad na tinungo ng mga lalaki ang direksyon kung nasaan kami at isa-isang tinanggal ang nakatali sa kamay at paa.

I thought this would be the end of us... pero nakalimutan ko pa lang napapalibutan ako ng magagaling na high school detectives.

Napangiti ako kahit papaano. I'm impressed by how their plans worked well.
Kung paano nila inayos ang deductions, kung paano nila na-trap si Felisha-at paano nila tiniyak na walang kahit kapirasong pagkakamali. The way these detectives clashed together-not for pride, but for the sake of our lives.

Napailing si Larken, sabay bulong habang nakatingin kay Athena. "Shesh... ang ganda pa naman niya at ang amo ng mukha... 'yun pala may masamang balak."

"Tss. Larken talaga. You're such a jerk," natatawang sabi ni Quade, sabay tapik sa balikat nito.

Kahit paano, unti-unti nang bumabalik ang normal na paghinga ko.

"Fear makes people sloppy. Lies make them desperate. And in the end, truth is always the sharpest weapon."

"Case closed, detectives. Good work!" Detective Mori said before leading Felisha to the police mobile, and bid his goodbye to us.

Sinamahan na rin kami ng ilang mga pulis pabalik sa Amethy ng ligtas. Nang sinuri nila Xavien, Vior at Zeiro ang buong clock tower ay duon lang lumantad ang katawan ni Karina na wala ng buhay. Her body found at the back of the clock, doon ay nakasiksik ang namamahong bangkay nito.

The next day, the higher position of the student council raised an announcement regarding of the clock tower at sinigurado nilang wala ng estudyante pang makakapunta roon.

But the question remains at the back of my mind. Bakit niya ako pinatulog gamit ang blue orchid?

"Anong kinalaman nito sa kaso namin?" bulong ko sa sarili.

If Vander is hiding something from us, then I need to figure out how that flower is connected to all the cases that we've been solving.

Is this a pattern of disguise or a thread to a new danger?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top