CHAPTER 5: BEHIND THE RED MASK
Hindi ko na alam ang nangyari matapos kong mawalan ng malay. Tanging boses lang ni Quade ang narinig ko noong mga oras na iyon. Nang maidilat ko ang mga mata ay natagpuan ko na lang ang sarili sa isang kuwarto, nakahiga sa malambot na puting kama katabi ang isang malaking teddy bear.
"Teka! Hindi ko naman kuwarto ito 'ah?" gulat kong sabi. Napabalikwas ako at pinagmasdan ang paligid.
I noticed something and I was sure it was a man's room. Base na rin sa paligid na puro basketball. May nakasabit din na medalya at punong-puno ng tropeo.
"Kanino bang kuwarto ito?" Medyo hindi ko nagustuhan ang design ng kuwartong dahil bukod sa kulay itim, parang malungkot ang bawat sulok. Pati na ang nakatira dito ay parang hindi nauubusan ng problema.
Hindi kaya gusto niya lang talaga ng ganitong klaseng design? Bagay na bagay si Xavien dito. Gumawi ang tingin ko sa paligid, I saw a picture and my eyes widened.
"S-Si Quade?"
Nakita ko ang mukha ni Quade kasama ang isang lalaki na kaakbayan niya. Hindi pamilyar ang mukha niya, maybe because it's his brother. Based on his facial features.
Magkahawig kasi silang dalawa.
"I told you to be careful with your actions, hindi ka na naman nakinig!" Nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa kabilang pinto. Agad kong inalapag ang litrato at lumapit.
Boses iyon ng isang lalaki at nakatitiyak akong hindi iyon si Quade.
"Red, hindi ko alam na susundan ka pala niya. You didn't even notice na sinusundan ka na pala niya, and you even forgot to close the fucking door!" narinig ko ang pagsermon ni Quade.
Mukhang ang tinutukoy niya na Red ay ang kapatid niya.
"So, it's my fault? Do you want her to die here?" pagbabanta niya. Nanginginig ang kamay ko habang papalapit sa doorknob.
I sighed deeply. Binuksan ko na ang pinto at halos hindi maitago ang pagkagulat nilang dalawa. Nakita ko ang nasa kaliwang lalaki na tinutukoy niyang Red. Hawak pa nito ang red mask na nakita ko noong sinisilip siya kasama ng isa pang matipunong lalaki.
Finally, I saw his face behind his red mask. Guwapo rin naman, kaso sobrang sungit. Bagay nga talaga sila ni Xavien na magsama. I also notice his red piercing.
Hindi maitatanggi na magkapatid sila dahil halos magkamukha lang at kung pagdidikitin ay mapagkakamalan silang kambal-tuko.
"Amie, gising ka na pala." Magkahalong takot at kaba ang mayroon sa tono ng boses niya.
Hinawakan niya ang braso ko. "Mas mabuti pang iuwi na kita, ipapaliwanag ko na lang sa'yo-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang umeksena ang kaaway niyang lalaki.
Napagawi ang tingin ko sa kanya. He's wearing a red suit while holding his gun. "She's not going anywhere, Quade. You are the first person who brought a girl here and you know what it means," may pagbabanta sa tono ng boses niya.
"And who are you?" matapang kong tanong sa kanya, kahit sa loob ko ay puno ng takot at mas nadagdagan pa 'yun dahil sa hawak niyang baril.
Sa mga segundong ito nagdadasal na ako na sana makauwi pa ako nang buhay.
"Quade's Brother." Lumapit siya sa'kin at nagpakilala. "I'm Azriel Zade Torres." His husky voice almost gave me chills down to my spine.
Pagkatapos niyang magpakilala ay may isa pang lumapit na magandang babae.
A girl with a nice black outfit, with short hair and a chain on her clothes. She's like a mix of a mafia and a detective. Napansin ko rin ang kuwintas niya na kahawig sa suot nilang tatlo. I think it's a sign of their organization.
"Stop scaring him, idiot." Hindi namin mapigilan ang pagtawa ni Quade na may halong pag-ubo nang batukan si Azriel.
"I'm just testing her," aniya. Lumapit ang babae at inilapad ni Quade ang kanyang kamay sa harapan ko.
"My sister, Valerie Slade Torres," sambit ni Quade. Walang buhay naman na kumaway si Valerie sa'kin at pilit na ngumiti.
"Nice meeting you. I heard you are the new transferee student at Amethy High? Did you get along with Xavien?"
"Y-You know him?" gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala dahil ilang araw pa lang ako namamalagi sa Amethy ay marami na agad akong natutuklasan.
"Everyone at Amethy High knows him. Dati akong estudyante sa school na 'yan, but because of one student, napatalsik ako," saad niya.
So, does that means she's also a detective? Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Si Quade ay may kapatid na anak ng isang mafia at ang taong nagpadala ng pulang sulat?
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari ngayon.
"I'm the daughter of Valmoris," she stated with arrogance in her voice.
"You receive a red letter, Amie. Tama ba ako?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Azriel. I was a bit shocked, but I recovered quickly.
"P-Paano mo nalaman?" I uttered.
He replied, "I also got one that says violets are blue, I guess it's referring to this blue orchid." He pulled out in his pocket the faded, and yet still beautiful orchid. Nalanta na ito.
Hindi ko ngayon hawak ang sulat na nakita ko pero sinubukan kong unawain dahil alam kong may ibig sabihin sa likod ng sulat na ito.
"I'll get you home, you're not safe here," Quade said. Hindi naman umimik si Valerie at Azriel sa sinabi niya at hinayaan lang kami hanggang sa makababa ng hagdan.
Hindi tuloy ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos at basta na lang akong isinakay ni Quade sa kotse niya. Naging tahimik ang ilang sandali naming, habang siya ay diretso ang tingin sa daan.
I break the silence.
"So, you're telling me that you are a mafia and a mischevous detective?" I asked. Hindi pa rin siya kumikibo kaya kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko.
"I should tell this to Xavien," sambit ko. Napadausdos ako nang ihinto niya na lang ang kotse. "Slow down!"
Hindi niya ako pinakinggan at agad na kinuha ang cellphone ko. "Not him! Don't ever tell him anything, lalo na ang narinig mo sa party." Medyo napataas ang boses niya kaya natakot ako at walang nagawa.
Huminahon naman siya agad. Inilagay niya sa compartment ang phone ko at muling pinaandar ang kotse.
"This conversation never happened, Amie. Hindi mo alam ang pinasok mong gulo, at kapag nalaman ito ni Xavien baka manganib na rin ang buhay mo," paalala niya.
Hininto niya na ang kotse sa tapat ng school. It's almost quarter to twelve, sana lang ay hindi ako mapagalitan kapag nahuli ako.
Kinuha niya sa compartment ang phone ko at ibinalik rin. "Remember what I said," wika niya at lumabas na rin ng kotse. "Ako na ang maghahatid sa'yo sa dorm mo."
Napatango na lang ako at hindi na umimik pa.
Naglakad kami sa madilim na sulok upang hindi kami makita. Dahan-dahan pa kaming naglakad dahil may security guard na nakabantay. Sana lang ay hindi kami mahuli.
Medyo malayo pa ng kaunti ang dorm ng mga babae sa lalaki, pero agad naman kaming nakarating nang walang dinadalang kahit anong ingay. Nakasalubong namin si Athena at Xavien sa tapat ng kuwarto ko.
Nang magtama ang tingin namin ni Athena at Xavien ay lumapit sila.
Niyakap ako nang mahigpit ni Athena. "Where have you been? We thought something happened, okay ka lang?"
Tumango lang ako sa kanya.
I can see the concern in their faces. Hinaplos niya ang aking mukha at tiningnan kung may sugat ba ako o kahit ano sa aking katawan.
Sino ba ang hindi mag-aalala kung alam mong nalagay sa peligro ang buhay ng kaibigan mo?
"Kanina pa kami nag-aalala sa'yo. You just disappeared at the party. Akala ko bumalik ka sa dorm, pero wala ka naman dito. Nagpatulong ako kay Athena na hanapin ka, kahit na si Quade ay wala rin."
"We just talked. Nothing happened, we're safe," pagsisinungaling ni Quade.
"I think, I need to rest first," walang buhay kong saad.
Pumasok ako sa kuwarto at isinalampak ang katawan sa malambot na kama, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
NARINIG ko ang malakas na pagtunong ng alarm ng cellphone ko. Sinubukan kong idilat ang mga mata para tingnan ang oras at napabalikwas ako sa aking kama.
"Gosh! Late na ako." Tumayo ako at dumiretso sa pintuan ng banyo, pero hindi ko pa ito tuluyang nabuksan nang may biglang kumatok.
Wala akong nagawa kung hindi ang alamin kung sino ito. Pagbukas ko ay bumungad si Quade sa harap ko. Naka-uniporme na siya at maayos ang buhok, naamoy ko rin ang pabango niya.
"You look a mess, Amie. Para kang nilapa ng mga leon. Bilisan mo!" irita niyang sabi.
"Bakit ba nandito ka? Hindi ba't bawal ang mga lalaki sa dorm namin?" pagpapaalala ko sa kanya.
"Oh, that's right, but Xavien didn't inform you that we are the SSG officers in this school. We created that rule," amiya.
I rolled my eyes as I crossed my arms.
"Anong kailangan mo?" tanong ko. Hindi ko napansin ang hawak niyang mga libro na akala ko ay inuutos lang sa kanya para dalhin sa library, hindi pala.
"Here, take this. It will help you to find the answer about the red letter," sambit niya. Pagkuha ko ay bumigay sa kamay ko ang mga libro sa sobrang bigat nito.
"Ano bang mga librong 'to?" I asked. Humarang tuloy ito sa mukha niya dahil hindi naman ako katangkaran tulad niya.
"It's all Arthur Conan Doyle's Sherlock Holmes stories. It's full of deduction and mysteries. Magugustuhan mo 'yan."
Hindi na siya nagsalita pa at umalis na.
"What the- literal na babasahin ko ang lahat nang 'to?" Sa sobrang dami nito ay baka abutin pa ako ng isang taon bago ko matatapos ito lahat. Sobrang kapal kasi ng mga libro.
Sinarado ko ang pinto. Naligo na ako 'saka nag-ayos at nagbihis. Pagpasok ko ng silid ay nakita ko na lang siya sa upuan niya na abalang nagsusulat. Akala mo naman talaga masipag, pana'y rin naman ang pag-cutting class niya.
"Did you hear the news?" nakangiting banggit ni Athena.
"News about...?" I can't guess what she's talking about. Inilapit niya ang mukha niya na parang may ibubulong sa'kin.
"May bagong teacher daw sa Art room. Guwapo at mukhang bata pa," she whispered and giggled.
Hindi matawaran ang ngiti niya. Guwapo lang siya pero bakit gano'n na lang ang reaksyon niya? Masyado yata siyang kinikilig. Isa pa, ang aga-aga puro landi agad ang inaatupag niya.
Naging sentro tuloy ng usapang sa buong silid namin ang tungkol sa bagong guro, na papalitan ng dating guro na si Ms. Fey Evangelista. 'Yun ang narinig kong pangalan sa mga bulong-bulungan nila.
Damn! Now, I'm also curious who he is.
Nasa Cafeteria kaming apat dahil katatapos lang din ng klase namin sa matematika. Katabi ko si Athena ngayon habang kaharap ko si Quade na katabi naman si Xavien. Tahimik lang kami na kumakain at walang gusto na magsimulang magsalita.
Napapadalas yata ang hindi pagsulpot ni Larken, busy ba siya? Huli ko siyang nakita ay kagabi pa sa party pero hanggang ngayon ay wala pa siya.
"Are you looking for someone?" panimula ni Xavien. He grabbed the glass of juice on his side of the table and drink it.
Umiling ako. "Where's Larken? He's ditching classes lately. Ganyan ba siya palagi no'ng wala pa ako?"
Nagkatinginan sila ni Quade. It gave me a hint na parang magsisinungaling silang dalawa sa'kin. There's something off with him at nararamdaman ko iyon.
"He has some cases to solve kaya madalas siyang wala," sagot ni Xavien at patuloy lang ang pagnguya ng pagkain. 'Yan naman lagi ang naririnig ko sa kanya, wala ng bago.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino nga ba ang nagpasok sa'kin sa prehistiyosong eskwelahan na 'to. Sigurado akong makapangyarihang tao siya, pero paano ko naman siya mahahanap?
Isang tanong na laging gumugulo sa isip ko. Magpapakita pa kaya siya?
Napatingin kaming apat sa pintuan ng cafeteria nang may babae na naghuhumangos at pawis na pawis.
"S-Someone died in the Art room!" sigaw niya. Lahat naman ay nabulabog at mabilis na nakiusyoso dahil ilang lakad lang mula rito sa Cafeteria ang Art room.
Tumayo kaming apat at nagmamadaling pumunta sa pinangyarihan. Nakita namin na nakasandal ang katawan ni Ms. Evangelista sa isang canvas ng duguan at hawak ang isang paint brush.
Halos manlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. Napansin ko ang nakasulat sa bawat gilid nito pati na ang kanyang pinagsasandalan. Tig-iisang mga letra ito at isinulat gamit ang pulang pintura. Nakita ko rin ang pagtulo nito sa kamay ng guro.
"Step back," utos ni Xavien. Habang ang mga estudyante ay nagkukumpulan sa likuran namin at inaalam rin ang nangyayari.
"This is murder, and I'm sure about it," Xavien stated. Nagkatinginan pa kami at pinagmasdan ang mga nakapaskil na letra sa ibat-ibang canvas.
"EDCOEDR?" Anong ibig sabihin ng mga letrang ito? Is this another secret code for us to decipher?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top