CHAPTER 4: BLUE ORCHID

Agad akong umupo at sinuri ang nakalagay sa sulat. Medyo pamilyar ang ganitong codes sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Binary code.

Binuksan ko ang laptop na hiniram ko kay Athena mula sa kabilang kuwarto. Agad kong inilapat ang mga kamay ko sa keyboard at itinipa ang ganitong klaseng codes.

Binary code was invented by Gottfried Leibniz in 1689 and appears in his article Explication de l'Arithmétique Binaire. It is a coding system where it uses a binary digit from 0 and 1 to represent a letter, digit, or other character in a computer or other electronic device.

"May kakaiba..." bulong ko sa sarili ko. Kunot-noo kong sinuri isa-isa ang mga numerong ito. Ilang saglit na lang ay mag-uumpisa na ang selebrasyon sa Vellion's Village.

Sino kaya ang nagpadala nito sa'kin at anong pakay niya?

Naghanap pa ako sa ibat-ibang pahinarya ng mga tungkol sa ganitong klase ng cipher, at kasabay nito ang pagsuot ko nang pulang dress na binili sa'kin ni Xavien. Nag-ayos na rin ako at naglagay nang kaunting kolorete sa aking mukha.

Lumabas ako at hinanap si Xavien, baka sakaling makatulong siya. Tiyak ako na alam niya ang tungkol sa bagay na ito. Mahahanap ko rin kung sino man ang nagbigay ng mensaheng ito.

Base sa pagkakaintindi ko sa mga numero ay nagrerepresinta ito ng mga letra. Muli ko itong sinuri isa-isa hanggang sa makuha ko ang lumabas na salita dito.

01000100- R 01000101- E 01000100- D

01000110- A 01001111- R 01010010- E

01010010- R 01001111- O 01010011- S

01000101- E 01010011- S

"Rare eros des? Hindi kaya mali ako ng pag-decipher nito?" Sinubukan ko muling isa-isahin ito at napagtantong mali nga ako dahil hindi magkakasunod ang mga numero na sinundan ko.

Ilang saglit pa ay napatayo ako sa aking kinauupuan ng malaman ang nasa sulat.

01000100- R

01000101- E

01000100- D

01000110- A

01001111- R

01010010- E

01010010- R

01001111- O

01010011- S

01000101- E

01010011- S

"Red are roses." dahan-dahan kong banggit. 'Yan ang mga salitang lumabas mula sa magkakahalong mga numero. Anong naman kaya ang ibig sabihin nito?

Gosh! Ginugulo nito ang isip ko ngayon!

Mayamaya pa ay nakita ko mula sa labas ng Vellion's Village si Xavien. Lumapit ako at kumaway naman siya, pero napatigil ako nang makita ko ang malawak niyang ngiti. May kakaiba sa ngiti nito na parang nakakaasar.

"You're so beautiful in that red dress." I couldn't help but to blushed and smiled quickly after he complimented me.

"You're blushing, Ms. Mendoza," he chuckled. He's wearing a black tuxedo with a gold watch on his right arm. I know his rich, but not rich enough to have a gold watch.

"This is not the right time for that. Look at this, Xavien," I said and immediately handed him the letter that I found in his gift.

Sana lang ay may makuha akong sagot sa kanya. Ilang saglit lang ay nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Nawala rin iyon agad.

"Red are roses, what does it mean?" sabi niya. Hindi ko inaasahan na mabilis niyang mahuhulaan ang nasa sulat.

He's really a genius detective; like Larken.

"This is a poem from Sir Edmund Spense," wika niya. Tumango naman ako at muli siyang tumingin sa'kin. "Do you know who might be behind this red letter?"

Umiling lang ako, at wala ring ideya kung kanino ito. His eyes were focused and tried to examine the letter again. Mukhang may nakuha na siyang impormasyon tungkol dito.

On the other hand, wala akong kilala sa Amethy high bukod kina Quade at Athena na pwedeng magbigay sa'kin ng pulang sulat na ito. Baguhan pa lang ako dito, at hindi ko pa masyado kilala ang pangalan nila. Tanging ang mga mukha lang nila.

"Red are roses. The origins of this poem can be traced as far back to 1590 by Sir Edmund Spense, and later in 1784 made famous by Gammer Gurton's Garland," sambit ni Xavien.

"What does it mean? Get to the point, Xavien."

Kinakabahan na ako sa susunod na salitang kanyang bibigkasin. Masama ang kutob ko.

"That means he's into you, Amie." Inilapat niya ang kamay ko at binalik ang sulat.

"Sa'kin?" pagtataka ko. Tumango naman siya agad at ibinaling ang tingin niya sa paligid.

Ano naman kaya ang mahalaga na makukuha nila sa'kin, aber? Mas nanaig sa isipan ko kung sino ang taong nasa likod nito.

"If he or she's into me, ano naman ang kailangan niya?" tanong ko. Walang maisagot si Xavien at tanging kibit-balikat lang ang ibinalik na sagot.

I really need to know who's behind it at hindi ako titigil hangga't wala akong sagot na nakukuha.

"Your body, I guess..." he chuckled. Tiningnan ko naman siya agad nang masama.

Tingnan mo 'to nasa panganib na nga ang buhay ko nakuha pang magbiro. Hinapas ko siya sa balikat pero pana'y pa rin ang tawa niya.

"Stop it. I'm serious, Xavien," I declared with a soft voice. "So, what does that red letter mean?"

"Red can be symbolize many things like danger, anger or even sacrifice but it can also be a passion and desire in a positive way." Inintindi kong mabuti ang sinasabi niya. Dito na ako kinutuban dahil kung nasa panganib nga ako marahil ay nakamasid lang siya ngayon sa'min.

"Let's go, the party will start in a minute. Just stay calm, I will keep you safe tonight." I can feel the seriousness in his face.

Tumango na lang ako. Sana lang ay tuparin niya ang sinabi niya.

I wrap my hand around him as we get inside. Marami na rin ang mga bisitang dumarating, buti na lang ay may guwardiya sa loob at labas na nakabantay ngayon kaya medyo nakahinga rin ako nang maluwag.

Sana lang ay maging ligtas ang gabing ito. I secretly crossed my finger as a sign to be safe tonight. Hindi inaalis ni Xavien ang tingin sa'kin.

"Finally! You've arrived." A woman greeted us with a wide smile. Matangkad siya nang kaunti sa'kin at nagniningning ang ganda niya.

She's wearing an elegant red dress with a diamond ring in her ring finger. Hindi na nakapagtataka na mahilig siya sa mga alahas dahil namumutawi ito sa buong katawan niya.

"Nice meeting you again, Mathilda," Xavien replied as he greets her with his cute smile. Hindi naman nakamamatay 'yung ngiti niya 'noh?

Hindi ko alam na kilala niya pala ang babaeng nasa harapan namin ngayon, habang ako umaakto lang sa gilid. Hanggang sa nagtama ang tingin namin at ngumiti siya.

"Well, look at that! Is she your new girlfriend?" Mathilda teased him. Nailang tuloy ako sa sinabi niya pero ngumiti pa rin ako.

"No. I'm Xavien's friend and also his classmate from STEM department," I quickly replied before Xavien could take the conversation in the wrong way.

"I see. Enjoy your night, darling." Bago siya nagpaalam ay binigyan niya kami ng hawak niyang bulaklak.

It's my favorite flower, the Vanda Coerulea, also called as blue orchid. It is rare and mostly hard to find—especially in the Philippines. And only 10% of flowering plants are blue, making it a rare and coveted color.

They say the reason why it's rare is because the rarity is an organic compound called delphinidin. It is an anthocyanidin, or plant pigment, that makes some flowers like delphiniums blue. It is also present in some fruits like grapes, cranberries, and pomegranates.

"I like this flower," sabi ni Xavien. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "It's your favorite flower, right?"

I simply nodded. "H-How did you know?"

"Just a guess. Kanina mo pa kasi inaamoy-amoy 'yan kulang na lang malanta na 'yan sa kalalanghap mo," pang-aasar niya.

Hinayaan ko na lang siya at naalala ko na mahahanap lang pala ang mga ito sa bansang tulad ng India at China. Natuwa naman ako at buong puso itong tinanggap, dahil ilang taon na rin akong hindi nakakakita ng ganitong bulaklak.

"Take care of this flower as I leave." That was her last word to us. I will surely take care of it.

Mayamaya pa ay sinalubong na rin kami nina Quade, Larken, at Athena.

"I thought you don't like parties, pero si Xavien pa mismo ang kasama mo ngayon," Athena said.

I deeply sighed. "I don't want to talk about it."

Walang kibo naman sa gilid namin si Xavien at parang hindi naririnig ang mga sinasabi namin.

"Is he your boyfriend?" tanong ko sa kanya, referring to Quade.

She snakes her hands around me. "Sayaw na lang tayo."

Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko ay agad niya akong hinila para sumayaw. There is nothing suspicious as we dance, while the three boys are busy laughing to each other. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?

"Is there a problem? Kanina ka pa lingon nang lingon diyan," Athena asked. Napabalik naman ako ng tingin sa kanya.

"Nothing," I replied and faked a smile.

Hindi ko alam kung may balak ba talaga siyang tulungan ako na mahanap kung sino ang nagbigay ng sulat na iyon. Kailangan ko na yatang maghanap ng clue dahil alam kong nasa paligid lang siya at nagmamasid sa susunod kong ikikilos.

"Don't tell me you like Xavien?" biro niya habang sumasayaw kami.

"What? No fucking way, Athena. I will never fall in love with that detective boy. Bukod sa masungit na, manhid pa," saad ko.

"Don't deny it, halata naman sa mga mata mo," dagdag niya pa.

I don't know where our conversation is going now pero pana'y lang ang tawanan namin habang inaasar ako ni Athena. Pagkatapos naming sumayaw ay sina Quade at Athena naman ang nagsalo.

"You're really good at dancing," he said, along with cute smile. Alam kong cute siya, pero 'wag naman sana niyang pinapahalata ang pambobola niya. Nakakainis kasi.

"What's good about it? I don't even know how to dance well, mukha akong tanga kanina. I even caught you staring at us," sabi ko. Hindi naman matawaran ang ngiti niyang na halos kanina niya pa ata itinatago.

"Ehem! Nandito lang naman ako sa harap n'yong dalawa," biglang singit ni Larken. Hindi ko naman siya agad napansin.

"Nandiyan ka pala, akala ko waiter ka namin," I sarcastically said.

Umawang naman ang kanyang labi at tinapunan ako nang masamang tingin. Looking at his elegant clothes, masasabi kong mukha talaga siyang waiter dahil hindi niya suot ang coat niya. Hindi naman naiwasan na mapahalakhak ni Xavien.

"Nice joke, Amie," he answered and rolled his eyes on me. "Did you notice? There's something off today?"

Bigla kaming napatingin ni Xavien sa kanya. Is he reffering to someone? Xavien gives me a signal using his eyebrows pero wala naman akong maisagot sa kanya.

"Like what?" Xavien asked.

"Nothing. I think I'm just overthinking, ang dami ko kasing iniisip lately," sambit niya.

Umalis siya sa harapan namin para kausapin ang mga bisita. I think he has a great connection with this people dahil ang bilis nilang maging komportable sa kanya. Isa pa, ang mga kasama namin ngayon ay mga impulwensuyadong tao sa politika, may iilan din na influencer, at artista.

So, this is how the rich people celebrate their party, huh?

Habang papunta ako sa palikuran ay hindi ko maalis sa tingin ko ang isang lalaking nakasuot na pulang maskara. I also notice his snake tattoo. Isa ba siyang mafia boss?

This is not a masquerade party, pero bakit siya nakasuot ng maskara?

Because of curiosity, I just found myself sticking in his business. Malakas ang kutob ko na may gagawin siyang masama. Wala ring nakapansin sa kanya sa kakaiba niyang ikinikilos.

He went to a secret room. Medyo madilim ang paligid at mapapansin na kami lang dalawa ang taong dumaan sa sulok na lugar na ito. Habang nakamasid ako ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nagdadalawang-isip pa kung susundan ko siya.

Bahala na. Napansin kong nakausli ng kaunti ang pintuan at may konting ilaw na sumisinag doon, kaya naglakas-loob na akong lumapit. Hindi pa ako tuluyang nakalalapit sa pinto ay tila may boses na ng lalaki na pumintig sa aking tainga.

"He's here. He knows our plan, Davien. Do something!" sigaw niya. Sinilip ko mula sa pinakasulok ng pinto ang pinagmumulan ng boses ng isang lalaki.

Know something?

Nakatangal ang maskara niya, ngunit nakatalikod siya kaya hindi ko mamukhaan pero nakikita ko naman ang lalaking kausap niya. Matangkad ito, maskulado, at may hawak na baril.

"We can't kill him this time, may kasama siyang babae. I think it's her girlfriend," sabi niya na ikinalaki naman ng mabibilog kong mga mata.

I'm not his fucking girlfriend! Why all of them assumed that? Gosh!

"Don't do something else. If we can't kill him, we need someone who is important to him," wika ng maskuladong lalaki. Mukhang ako nga ang tinutukoy niya.

"Who?" The man with a red mask replied.

"His girlfriend."

What the hell?! Tama ako. He's part of a Mafia and I think that guy is his boss. Kailangan ko nang makaalis dito agad.

Habang nakasilip ako ay tinayuan ako ng balahibo sa buong katawan nang biglang may kumapit sa balikat ko. Napapikit ako at dahan-dahan akong lumingon, saba'y dilat ng dalawang mga mata.

"What the hell are you doing here?" Quade whispered. Nakahinga naman ako nang maluwag ng siya ang nakita ko. Hinila niya ako agad palayo nang marahan sa pintuan.

"Let's go!"

Nang makalayo kami ay himinga ako nang malalim bago ko hinila ko ang kamay niya habang naglalakad kami.

"Paano mo nalaman na nagpunta ako ro'n, sinusundan mo rin ba ako?" tanong ko. Hinarap niya naman ako at bumuntong-hininga.

"I don't care whatever you think it is but I'm sorry, Amie." Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

Sorry for what?

"Take this." May ibinigay siya sa aking isang bulaklak. It's a blue orchid. "You know too much."

"A-Ano bang sinasabi—" Nakalanghap ako mula sa bulaklak na ibinigay niya na isang kakaibang amoy dahilan para mahilo ako. Halos manghina ang buong katawan ko at ang paningin ko ay unti-unting naglalaho kasabay ng pagbagsak ng talukap ko.

"It's for your safety." Huling salita na narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top