CHAPTER 3: RED
Halos hindi ko na matingnan ang katawan ng bangkay dahil sa tuwing ilalapit ko ang tingin sa kanya ay halos kilabutan ang buong katawan ko sa takot.
Abala naman ang Scene of the Crime Operatives. They are the ones who gather evidence, and on the handling storage of sensitive information. They also exhibit outside of police premises.
Larken flashed his smile. Hindi ko namalayan ang pagdating niya. May hawak pa siyang kape at dahan-dahan pang pinapaikot-ikot ito. Saan naman kaya galing ang lalaking 'to? At bakit parang normal lang sa kanya na makakita ng bangkay?
Inalis ko muna ang mga tanong sa isip ko dahil inaalam ko ngayon kung paano nangyaring naging malinis ang pagpatay sa nurse. Something is fishy about this sudden death of nurse, o sadyang may hindi lang ako napansin na kakaiba.
"This is pure murder disguise as a suicide," sabi ni Larken. Sinilip niya pa muli ang bangkay. "And I think I also know who's the culprit."
"Detective Larken!" galak na bati sa kanya ng isang detective na kausap ni Xavien. Halos manlaki ang mga mata ko sa aking narinig.
DETECTIVE SIYA?!
"Kanina pa kita hinihintay at mas nauna pa sa'yo si Xavien. Nag-away na naman ba kayong magpinsan?" tanong ng huli sa kanilang dalawa.
Mas nagulat pa ako sa narinig.
"He's your cousin?" I asked. Xavien immediately nodded.
"Isn't it obvious, Amie? We both have the same surnames, so..." He hints at me for a second and I realized what he said. Napatango na lang siya ulit nang makuha ko ang sinasabi niya.
That's why they have the same last name because they are cousins on the father's side, obviously. Akala ko parehas lang talaga ang apelyido nila.
Ang tanga ko talaga! I face palm after I realized that.
"Do you have any suspect who did this?" tanong muli ng detective kay Xavien habang nakapamulsa.
Nag-iisip pa siya at sinuri muli ang bangkay, habang nakapatong sa ilalim nito ang itim na nakatakip sa buong katawan ng bangkay.
"Larken is right. This is a murder, base na rin sa naiwang suicide note sa table ng nurse, hindi ito ang sulat kamay niya," walang ekspresyon na sumagot si Xavien sa kaharap niyang detective.
"She wouldn't let herself die. Dahil wala naman itong history na kahit anong nilabag o ginawa niya. Wala ring bakas ng sugat sa kamay at paa o ibang bahagi ng katawan. That means there's someone behind her death." Huminga siya nang maluwag bago ipagpatuloy ang salaysay niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapahanga sa sinasabi niya ngayon.
He's definitely a detective. A cute one.
"How about you, Amie? What's your deduction?" Biglang lingon niya sa'kin.
"A-Ako?" utal kong tanong. Lahat sila ay nakatingin sa akin and they're anticipating my answer. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"Kung titingnan ng malapitan ang nurse, napansin ko na may mapula sa kanyang leeg. Maliit lang ito, pero nakuha nito ang atensyon ko kanina," pageeksena ko.
"Is this your friend, Xavien?" tanong ng detective. Nag-alangan pa siyang tumingin pero tumango rin naman.
"Yes, Detective Mori. She's my friend," seryosong sabi ni Xavien.
"She's also my friend," singit ng guwardiya—este ni Larken.
"Do you notice anything unusual before this incident happened?" tanong sa akin ni Detective Mori. Sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan.
Nasa silid kami kanina ni Xavien kaya wala akong napansin pero kahapon ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa hawak no'ng nurse bago ako bumalik sa dorm.
"Mukha pong may nag-inject sa kanyang lason base sa pamumula ng kanyang leeg. Kung titingnan din ang mata nito ay mapapansin na mapula pa." Lumunok ako nang madiin bago ko ipagpatuloy ang salaysay ko. "Marahil ay mabilis na dumaloy ang lason sa katawan niya kaya't bumagsak siya at iniwan agad ng salarin ang nurse."
"Amie is right, napansin ko rin kahapon na may dalang mga gamot si Ms. Sanchez at kakaiba ang mga kinikilos niya kagabi kaya naghinala ako. Pero hindi ko alam na aabutan na pala na'tin siyang bangkay na," sagot ni Xavien.
Nakapagtataka rin na kahit isang estudyante ay walang nakarinig o nakakita ng pagpatay sa kanya. Bigla na lang dumating ang isang scene of the crime officer at kasabay nito ay ang hawak niyang mga estudyante.
"Nandito na po ang dalawang lalake at babae na huling nakausap ni Ms. Sanchez," wika niya.
"Bitawan niyo nga ako!" Nagpupumiglas ang lalaki kaya naman agad siyang binitawan.
Hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko. Ngayon lang kasi ako naging interesado sa ganitong kaso. Isa pa, wala akong alam pagdating sa mga ganitong bagay.
Ito kaya ang dahilan kung bakit ako pinadala rito ni Mr. Morris? Para maglutas ng mga kaso rito sa Amethy High? I'm not detective like them, at alam kong hindi ako magaling sa gawain ng isang detective.
Nagpakilala ang apat na estudyanteng sina Ariel Salvez, Warren Delos Reyes, Akhiya Mae Paracio, and Yohan Deib Gomez.
Even though there is an infirmary located inside their department, it is impractical for all these students to go to the STEM's infirmary since their department is in a different building. All these students are in the 12th grade and belongs to the ABM department.
Kausap ngayon ng mga pulis ang mga taong huling nakausap at nakasama ng nurse bago nangyari ang pagpatay.
Xavien is patiently listening and observing one of them. Mukhang may deduction na siyang nakuha sa apat at hinihintay niya na lang na mahuli ang gumawa nito sa nurse.
Medyo mahaba ang usapan nila. Hanggang sa lumapit na sa'min si Xavien para sabihin ang nakalap niyang impormasyon mula sa apat.
Una ay ang grade 12 student na si Ariel, nagpunta lang daw siya nang bandang 6:00 A.M sa infirmary para manghingi ng gamot dahil ilang araw na siyang hindi dinaratnan. She's experiencing spotting, cramping, frequent urination, and fatigue for almost three consecutive days.
Habang si Warren ay nanghingi lang daw ng gamot dahil sinisinat siya mula pa kagabi. Si Akhiya naman ay kinamusta lang daw ang nurse, sabay pa nga raw sila nag-almusal sa cafeteria at umalis na rin dahil may klase pa raw siya. At ang huli naman ay si Yohan, nagka-injury raw siya sa una niyang klase kaya tinulungan siya ng nurse na bendahan ito at umalis din pagkatapos.
"This is weird, Detective," sabi ni Xavien. Malalim ang iniisip niya at maiging sinusuri ang mga salaysay nila. "Walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa pumatay sa nurse, imposible 'yun."
Hindi kaya isa sa kanila ang pumatay?
"Pwede na ba kaming umalis?" tanong ni Warren na may pagtaas sa tono ng boses niya, halatang galit at nagmamadali.
Napansin ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ni Ariel na nagtatago sa kanyang likuran.
May mali sa mga kinikilos nila.
"Hindi pwede, hangga't hindi nahuhuli ang salarin sa gumawa ng krimen na ito," sabi ni Detective Mori. "Wala ba talaga kayong napansin na kakaiba?" They all shook their heads and silence envelope us for a moment. Hanggang sa may naisip ako.
"Wala po talaga," mahinang sagot ni Yohan.
Wala namang kakaiba sa kilos niya. He's calm at ramdam ko na hindi siya ang tipong taong gagawa ng ganitong klaseng bagay. Isa pa, paano niya magagawang patayin ang nurse kung may injury siya?
"They should all know that if one of them is the killer, hindi lang sila matatanggal sa eskwelahang ito. Matinding parusa ang kakaharapin nila sa punong-guro," sabi ni Larken.
Bakas ang mga kaba sa hitsura nilang apat na animo'y pinagtatakpan nila ang taong gumawa nito sa nurse.
Lahat ba ng salaysay nila kanina ay puno ng kasinungalingan?
I was about to enter in the infirmary to check some evidence when I felt Xavien cold hand. "What the fuck are you doing?! It's not safe there!" he exclaimed.
"I need to find a piece of evidence. Hindi sapat ang mga sinabi nila para malaman kung sino ang pumatay sa wala nang buhay na nurse ngayon." Binitawan niya naman agad ang pagkakahawak sa akin at hinayaan akong makapasok.
Pinagmasdan ko ang paligid. Kahit takot ako ay pinilit kong itapak ang sapatos ko sa mga nagkalat na dugo sa sahig. Sinubukan ko ring tingnan ang bawat sulok, at naghanap ng maaring ebidensya. Mula sa drawer, mga bakas, at pati na ang mga lalagyan ng gamot.
Napansin kong nagkulang ng isang gamot ang isang lalagyan, hinanap ko ito hanggang napunta ako sa banyo. Wala namang kakaiba rito dahil malinis at maayos. Pero parang may mali?
Nang buksan ko ang vanity na nasa harapan ko ay nahulog ang isang puting mahabang bagay, pinulot ko ito at tiningnan.
It's a pregnancy test! Hindi ako pwedeng magkamali. Pregnancy test can tell whether a person or a woman is pregnant by checking their sample of urine or blood.
Nakita ko and dalawang red line na nakaindika sa pregnancy test at isa lang ang ibig sabihin. One of them is pregnant!
Si Akhiya o si Ariel? Maaring isa sa kanila ang ginamit ito na naging dahilan ng pagpatay sa nurse.
The killer wants to shut the nurse's mouth by killing her, but why?
Anong kinalaman ng pregnancy tests sa pagkamatay ng nurse? Nakahanap din ako ng maliit na bote na maaaring ginamit ng killer sa pagpatay sa nurse.
Binasa ko ang nakasulat dito, it's Strychnine at halos manlaki ang mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali, isa itong nakamamatay na lason!
Strychnine is a strong poison; only a small amount is needed to produce severe effects in people.
Lumabas ako at ipinakita ang nahanap ko kay Xavien. Nanonood lang si Larken at walang balak na tumulong. Teka, Alam niya na ba kung sino ang salarin?
"Care to explain?" walang ekspresyon na sabi ni Xavien at itinaas ang hawak niyang maliit na bote at pregnancy test. "Alam niyo naman siguro kung ano ito?"
"We don't know anything about that!" giit ni Warren. Tila ba sa boses niya ay parang may ipinagtatangol siya. "Hindi kami ang pumatay sa kanya!"
"Why are you so defensive, Warren? It's just a simple question, are you... the killer?" Xavien asked. May pang-aasar sa tono ng boses niya na ikinagalit ng lalaki.
"How dare you to accuse me! That's not enough evidence to prove that I'm the killer!" sigaw niya. Nakakuyom ang kamay nito at nagsasalubong ang kilay.
Pinipigilan siya nina Yohan, Akhiya at Ariel pero hindi ito nakikinig sa kanila. Nakita kong mahinahon lang si Xavien sa harap niya na parang hinihintay nito ang susunod na gagawin ni Warren.
"This is your pregnancy test, Ariel. Right?" tanong ni Detective Mori pero itinatanggi niya ito. "Then, this must be Akhiya's pregnant test." Idinuro niya ito kay Akhiya.
"Nakasisiguro akong hindi akin 'yan!" diretsahang sagot ni Akhiya.
"Tama si Akhiya, hindi sa kanya ang pregnancy test dahil hindi naman siya nagtagal sa infirmary at umalis din," sambit ko.
Kahit alam kong hindi ako sigurado sa sinabi ko nakakatiyak ako na hindi kay Akhiya ang nahanap kong pregnancy test. Kung hindi kay Ariel mismo.
"I should explain to them behind this murder scheme case of them," sambit ni Xavien. Tahimik naman na nakikinig si Detective Mori sa kanya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ni Akhiya. Nanginginig ang boses niya.
"Pinalabas nila na nagpakamatay ang nurse para hindi sila madawit at nag-iwan pa ng pekeng suicide note para mapaniwalang nagpakamatay nga ito." Huminga muna siya ng maluwag. Nakita ko ang pangangatog ng paa ni Ariel. "Pero kung gano'n nga ang ginawa ng nurse bakit walang bakas ng sugat sa leeg, kamay o hindi kaya laslas sa kahit anong parte ng katawan niya? Hindi ba't nakakapagtaka kung suicide ang nangyari?"
They were all left astound by Xavien's statement. Hanggang sa umeksena na ang pabibong si Larken, itinapon niya sa basura ang kaninang hawak niyang kape.
"Base sa symptoms na nararamdaman ni Ariel it could be a sign that she's pregnant. Kaya para pagtakpan at walang makaalam na buntis siya, ginamit ni Warren ang nahanap niyang gamot sa tokador at basta na lang isinaksak ang syringe sa nurse habang nanlalaban ito sa kanya. Tama ba?"
"W-Warren, totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Akhiya.
"Hindi totoo 'yan!" Hindi na nakapagtimpi pa si Warren at sinigawan si Larken.
Halos agresibo ang kinikilos niya, ngunit hindi niya nilapitan si Larken para saktan. Ako naman ay nanginginig na ang tuhod sa mga nangyayari pero kalmado pa rin sa mga paningin nila.
Napakagat labi na lang ako at bumuntong-hininga.
"Your eyes say it all. You're protecting her—No! Your relationship with her, and just killed an innocent woman. You injected a Strychnine to kill her instantly–" Hindi na naituloy ni Larken ang sasabihin niya nang naglakad papalapit si Ariel.
"A-Ako po ang pumatay kay Ms. Sanchez." Inilahad niya ang magkadikit na kamay habang tumutulo ang luha. "I-Ikulong niyo na ako, hindi ko ginusto na mamatay siya. Hindi ko intensyon 'yun. Natakot lang po kami." Hindi naman siya pinakinggan ni Mr. Mori.
Halos maghalumpasay sa sahig at nagmamakaawa si Ariel na siya na lang ang ikulong habang pinoposasan ng pulis si Warren. Malinaw ang ebidensya na pinaikot ni Warren ang istorya, wala siyang sakit. Ang dahilan ng pagpunta niya sa infirmary ay dahil sinusundan niya si Ariel.
Nang marinig niya na buntis si Ariel ay nagmakaawa si Warren sa nurse na huwag itong sabihin sa punong guro, hindi pumayag si Ms. Sanchez. Hanggang sa nandilim na lang ang paningin niya at napatay ang nurse.
Dahil kasabwat si Ariel sa pagpatay kay Sanchez ay inako niya ang kasalanan ni Warren. Parehas silang natanggal sa listahan ng mga estudyante rito sa Amethy High.
"You, three, should be a detective partner. It would be a great chance to have a smart detective here at Amethy High," biro ni Detective Mori. Nagpasalamat siya sa amin sa paglutas ng kaso at nagpaalam na rin.
"It's your first case, Amie. Thank you for your cooperation, and to Larken as well," wika ni Xavien. "The case is finally closed!"
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. I heard Xavien chuckled. "Mukhang hindi ka pa rin nakaka-get-over sa nakita mo," pang-aasar niya.
"Really? Pagkatapos ng nangyari ay ganun-ganun lang 'yun? Eh, halos mangatog nga 'yung tuhod ko sa takot dahil sa nagkalat na dugo at 'yung bangkay ni Ms. Sanchez," reklamo ko, pero sinabayan lang ni Larken ang pagtawa ni Xavien.
Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon.
Dahil walang klase, bumalik na ako sa dorm at inihagis ang sarili ko sa malambot na kama hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulog ko.
❛━━━━━━•(⚖)•━━━━━━❜
NASA Cafeteria kami at bulong-bulungan pa rin sa STEM department ang nangyari kahapon sa nurse. Baka nga pinagtsismisan na kami sa ABM department dahil kami ang nakalutas sa kaso.
Tahimik lang ako na kumakain habang nag-aasaran naman sina Quade at Athena sa harap ko. Luminga-linga ako, wala ngayon si Larken. Nasaan kaya siya?
Tapos na rin naman ang parusa niya na maging guwardiya pero hindi ko pa siya nakikita sa campus ngayon araw. Is he doing some cases?
Natapos na nga ang klase namin at hindi pa rin nagpapakita si Larken, kinakabahan na ako dahil hindi rin daw siya um-attend sa klase niya.
"Have you seen, Lakren? Hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon," tanong ko kay Xavien habang papalabas kami ng silid.
"He has errands to do, busy siyang tao kaya 'wag mo na siyang isipin. Isa pa, bakit interesado ka na malaman kung nasaan siya ngayon?" tanong niya at binitbit na ang bag niya.
Ang sungit naman! Nagtatanong lang 'yung tao 'eh.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya, akala ko kung ano na ang nangyari kay Larken.
Wait? Bakit ba ako concern sa kanya, 'eh susulpot naman 'yung loko na 'yon.
"N-Nothing," I murmured.
"Oh, wait!" Hinabol niya pa ako at lumingon naman ako agad. "Just to remind you, there will be a party that will be held at the Vellion's Village. Will you come, tonight?"
I was wondering if I should accept his invite. Wala pa naman akong magandang susuotin para sa party na sinasabi niya.
"Ako na ang bahala sa susuotin mo," saad niya.
Is being a gentleman a thing here in this school? I bet that as a yes.
Lumawak naman ang ngiti ko sa sinabi niya. Aba! Lume-level up na siya.
Hindi pa nga kami lubos na magkakilala, 'eh nag-aaya na agad ng date sa isang party, pero dahil pa-fall ako kay Mr. Sungit ay tumango ako sa kanya at ngumiti.
"And also, we have some business to do," dagdag niya. Naramdaman ko ang presensya ni Larken sa likuran ko.
Is the business he was talking about are the new cases that we need to solve? My ghad! Sana mali ako ng iniisip dahil hindi pa ako nakakapag-move-on do'n sa nurse.
"Kung sasama siya, sasama rin ako!" eksena ni Larken. I twitch when his loud voice echoed through my ears. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot ng walang pasabi.
"Just be there at eight o'clock sharp. Halika na." Hinila niya ang I'd ni Larken.
Nagpaalam sila na babalik na sa kanilang dorm, gano'n din ako at sumapit na nga ang gabi. May kumatok sa pintuan ko at pagbukas ko ay may matipunong lalaking bumungad na may hawak na malaking puting kahon.
"This is for Celeste Amie Mendoza," sambit niya. "Ikaw ba 'yon?"
"A-Ako nga po iyon." Binigay niya naman sa'kin ang malaking kahon at may pinapirmahan lang.
Sinarado ko agad ang pinto at inilapag ito sa kama ko. Ito na yata ang susuotin ko para mamaya. Tiningnan ko ang orasan, 7:30 P.M na at kalahating oras na lang magsisimula na ang night party sa Vellion's Village. Medyo malapit lang ito sa school kaya lahat kami ay may pahintulot na pumunta.
Pagbukas ko ng kahon ay may isang papel na pumukaw sa atensyon ko. Kulay pula ito at may mga nakasulat na hindi ko malamang mga numero na paulit-ulit.
A secret code?!
0100010 01000101 01000100
01000110 01001111 01010010
01010010 01001111 01010011 01000101
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top