CHAPTER 2: FIRST CASE
Nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya ay naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Nova. Huwag daw ako makipagkaibigan sa lalaking iyon, pero hindi niya naman sinagot ang dahilan kung paano niya nakilala ang masungit na lalaking 'yon.
Hindi talaga ako makipagkaibigan sa kanya! Bukod sa bastos, ayoko sa lalaking laging mainitin ang ulo.
"I said, don't mind him. Let's go," sabi ng guwapong lalaki at hinila niya ang braso ko papasok sa malaking pintuan. Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya kaya lumapit ako at hinawakan siya sa balikat.
"Are you a student here, Mr...?" pinipilit kong hulaan ang pangalan niya habang nakakunot-noo.
Mas lumitaw ang kagwapuhan ng lalaking ito nang isuot niya ang salamin sa kanyang mabilog na mga mata.
"My name is Josh Larken Amores," pagpapakilala nito, "And you are?"
"A-Ako nga pala si Amie Celeste Mendoza," I replied.
"Well, Amie, make sure you are always ready," paalala niya at huminga nang malalim. "This school is not what you think it is, you have to protect yourself."
Nabahala naman ako sa sinabi niya habang papalapit kami sa principal's office. Why do I need to protect myself?
From whom?
"Meet the secretary of Amethy High." Inilahad niya ang kanyang kamay nang lumapit ang isang babaeng maganda at may balingkinitan na katawan sa harapan namin.
"Kiara Mae Santiago." Ngumiti siya at kinamayan ako. "Sumunod ka sa 'kin."
Sumunod ako sa utos niya at pagpasok namin sa principal's office ay bumungad sa'kin ang isang lalake.
He adorned a sleek, black polo shirt that hugged his frame, exuding a sense of casual elegance. Sinamahan pa nito ng suot niyang mamahaling itim na rolex. Parang nasa 40's na rin ang kanyang edad, pero hindi ito masyadong halata dahil makisig pa rin siya.
"Take a seat," paanyaya niya.
Umupo ako sa kanang bahagi habang siya naman ay nakatayo lang.
Kinakabahan ako sa sasabihin niya, hindi ko malaman ang dahilan pero parang may mali akong nararamdaman ngayon.
"I'm Mr. Cleo Morris. And I'm the one who invited you here," he stated.
I bow my head. "Salamat po sa imbitasyon niyo. Tatanggapin ko po ang inyong inaalok sa 'kin," buong loob kong sabi.
Gipit na gipit kami ngayon kaya malaking tulong talaga ang perang maibibigay sa'kin dito buwan-buwan.
"You're one in a million student who got invited in this school, Amie. Marahil ang iba ay hindi alam ang liham na aking pinadala, pero ikaw..." he paused, and his eyes squinted. "Nagawa mong i-decipher ang nilalaman ng liham na 'yun."
"O-Opo pero bakit po pala ako ang napili niyo na mag-aral dito?" tanong ko.
"Simple. You got a perfect score," he said and there's a hint of peculiar smile on his lips that I can't understand.
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala. Hinulaan ko lang ang iba do'n pero naitama ko pa ang lahat ng iyon? Nakapagtataka naman.
"Para mas maunawaan mo, maraming mga mayayaman na estudyante ang gustong makapasok dito pero nabibigo sila." Napatigil siya nang umupo si Mr. Morris at tila interesado siya sa sinasabi ni Larken. "Dahil naghahanap si Sir Morris ng isang taong makakuha ng atensyon niya sa pamamagitan ng pag-decipher at ikaw ang napili niya. Nakita niya ang kakayahan mo," dagdag na paliwanag nito.
Pero ang hindi nila alam ay pinag-aralan at sinuri ko lang nang maigi ang liham na iyon, kaya ngayon ay pamilyar na ako sa mga ito.
"Give her a tour around the campus," utos ni Mr. Morris kay Larken.
Tumango naman ang huli sa kanya at sumulyap ng tingin sa akin.
Lumabas na kami at ang una naming pinuntahan ay ang dorm para sa mga babae at lalaki. Nagningning ang mga mata ko nang buksan ni Larken ang pintuan ng magiging kuwarto ko.
"This will be your room, Amie. So, don't be surprised by what you see," wika niya.
Para akong isang prinsesa sa eskwelahan na ito, malawak ang kuwarto na pagtutuluyan ko at may aircon pa. May sariling cabinet at maganda pa ang tanawin sa labas, habang nasisinagan naman ng araw ang buong silid.
"Isang beses ka lang makakauwi sa loob ng isang buwan sa inyo at hindi mo pwedeng ipagsabi sa iba na dito ka nag-aaral," bilin niya.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Kailangan kong manatili rito habang nag-iipon ng pera at bawal ko pang sabihin sa kanila na rito ako mag-aaral ngayon.
Pero bakit? May tinatago ba sila?
Nilibot niya naman ako sa iba pang sulok ng paaralan. Sa library, cafeteria, iba't-ibang clubs na pwedeng salihan, at ang mga silid na gagamitin ko upang maging pamilyar agad ako sa mga ito.
Nakasalubong namin ang balingkinitan na sekretarya kasama ang isang nurse na may hawak na mga gamot.
"Maari ka nang tumuloy sa dorm ngayon o kinabukasan, pero bawal mong sabihin sa kanila na ikaw ang napili na makapasok dito," dagdag niya pa. Ngiti lang at puro pagtango ang aking naging tugon.
He then, bid his goodbye. Kumaway pa ako nang umalis siya.
May ilang binilin pa si Larken sa 'kin bago siya bumalik sa dorm ng mga lalaki. Tinawagan ko na rin si ina'y para sabihin na nakahanap na ako ng dorm at kailangan ko nang makalipat kinabukasan.
Nagpahinga muna ako saglit at pinakiramdaman ang malambot na kama. Ipinikit ko saglit ang mata ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nang mahigit apat na oras din.
"Hala!"
Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Kinusot ko ang mata at tiningnan kung anong oras na. Alas-sais na pala!
Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya tumayo ako at agad itong binuksan. Bumungad sa'kin ang isang babae.
"Amie, you're the new students here, right?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. Anong mayroon?
Tiningnan ko siya habang nagsasalita. Ang ganda niya kasi kumpara naman sa'kin. Mestiza, makinis at may kahabaan ang buhok. Nahiya tuloy ako ng magpakilala siya sa'kin.
"I'm Athena, and this is Quade." Kumaway naman ang isang lalaki na kasama niya, hindi ko siya napansin. Nakatutok lang ang mga mata niya sa cellphone.
"Hi," tipid niya sagot.
Medyo matipid sumagot ang lalaki at parang hindi naman interesado sa akin.
"If you don't have friends here yet, pwede mo naman kaming maging kaibigan." Malapad na ngumiti ang babae. "Okay lang ba sa'yo?"
Nakahahawa ang ngiti niya.
"Okay lang naman," aniya ko.
Hindi siya nakapagpigil at niyakap ako dahil sa tuwa. She's so friendly, siya ang unang tao na nag-approach sa'kin at para makipagkaibigan pa.
I pat her back and she immediately let go of the embrace.
"Right, sorry, natuwa lang ako masyado. And by the way, since classmates naman tayo, sabay na tayong kumain tatlo bukas sa cafeteria." sambit niya.
"Sure." Tumango ako pero may umeksena. Kapag minamalas nga naman at si Mr. Sungit pa ang bumungad.
"Bakit nandito si Quade?" tanong ni Mr. Sungit.
Siya lang naman 'yung bastos na pinaalis ako sa daanan kanina.
Kainis!
Napalingon si Quade at nagulat nang makita niya na nakahalukipkip si Xavien at taas-kilay siyang tiningnan.
"Sige na, babalik na'ko sa kuwarto ko," bulong ni Athena at nagpaalam na.
Nagsasalubong pa rin ang kilay ni Xavien kahit naka-alis na si Quade at nakapasok na si Athena sa kuwarto niya.
"Why did you let that boy step in this dorm? Alam mong bawal 'yan, 'di ba?" masungit niyang sambit at medyo may pagtaas pa ang tono ng boses niya.
"Eh, ikaw? Bawal ka rin naman dito, 'di ba?" pilisopo kong sagot, kaya mas nainis pa siya.
Gwapo sana kaso lang bastos at masungit.
"I remember you." Ginamit niya ang hintuturo at tinapat sa akin. "Ikaw nga. You're the girl who was blocking my way earlier."
Tama siya, ako nga iyon. At masasapak ko talaga siya dahil sa ginawa niyang pagsigaw kanina. Hindi niya naman pagmamay-ari ang danaan na 'yon, kaya wala siyang karapatang sigawan ako.
At isa pa, sobrang luwag ng daanan para sabihing nakaharang ako.
"Sungit mo naman!" usal ko.
Humalukipkip ako sa kanya. "Nakikipagkaibigan lang naman 'yung dalawa sa 'kin."
Lumapit siya at itinapat ang mukha niya sa tainga ko. "If you ever try to do this again, you might as well quit in this school. You don't belong here," he whispered.
His voice almost gives me chills. Nakakatakot naman ng lalaking 'to.
Napalunok tuloy ako nang madiin. Nang makaalis na siya ay agad kong isinara ang pinto. He struck me with his words. Hindi ko alam kung bakit ako pumasok dito at tinanggap ang imbitasyon nila. It's not just about the money, may itinatago sila sa 'kin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, unang beses ko yata bumangon sa kama ng maaga. Hindi kasi ako sanay na gumigising ng ganitong oras. 7:00 A.M pa naman ang simula ng klase at 6:07 A.M pa lang. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong si Athena.
"Kain na tayo," pag-aaya niya.
May muta pa nga sa magkabila kong mata. Pinapasok ko siya at naghilamos muna ako. Para lang akong nasa bahay namin, ang kinaibahan lang ay mas maganda rito. May sariling banyo, at kusina na lang ang kulang magmumukha ng buong bahay ko ito.
"Do you like here?" tanong ni Athena. Pinupunasan ko pa ang basa kong buhok. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako.
"Oo pero 'pag nasanay siguro ako ay hindi na. Since paulit-ulit lang din naman ang magiging routine na'tin dito," sagot ko.
"Exactly! How about your parents? Nasa ibang bansa rin ba sila ngayon?" Napakunot-noo ako sa sunod-sunod niyang tanong.
She was really interested to know me.
"We're not rich, Athena," sabi ko. Hindi naman siya nagulat sa tugon ko.
"That's okay, Amie. It's not a big deal. I hope we get to solve the case that we want," sambit niya.
Napakunot-noo ako. Anong case?
"Hindi ba't nandito tayo para mag-aral?" kunot-noong tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Exactly! We are here to solve crimes and cases as we study. This is the school where our intellectual intelligence is used to measure our analytical skills and cognitive abilities, hindi mo ba alam?"
Napaatras agad ako sa sinabi niya. Tama nga ang sinabi ni Nova sa'kin. "H-Hindi ko alam ang tungkol diyan," utal kong saad.
"I get it. You're newbie here. Bakit ba kasi pinaalis si Nova? Wala naman talaga siyang kasalanan," aniya pa niya.
Mas lalo akong naguguluhan sa mga naririnig ko. Ang dami ring tanong na hindi pa nasasagot, tapos ngayon ay nalaman kong kilala niya pala si Nova.
"Kilala mo si Nova?" gulat kong tanong.
She smiled. "Yes. Nabanggit ka na rin niya sa'kin before pero dahil mainitin din ang ulo niya at katulad siya ni Xavien, minsan ko lang siya nakakausap," paliwanag niya.
Walang nabanggit sa'kin si Nova sa mga nangyari sa kanya sa eskwelahan na'to. Marahil ay ipinagbabawal nga na sabihin ang kahit na anong nalalaman mo rito, at kapag nangyari 'yun malaking parusa ang nakatapatong.
"He was expelled last month because of Xavien. If I'm not mistaken, we're also crime partners," dagdag niya.
Hindi na niya napagpatuloy pa ang gusto niyang sasabihin sa'kin dahil nalingat kami sa oras. Malapit na pala mag-alas syete nang umaga kaya dali-dali kong isinuot ang nakahandang uniporme. Libre lang din ito, kasama ng iba pang mga gamit.
Magsisimula na nga ang unang klase at hindi ko inaasahan na makasalubong ko papasok sa silid si Xavien. Tiningnan niya lang ako at ngumisi, sabay iwas ng tingin.
Sungit talaga!
"Tabi na tayo," aniya ni Athena.
Athena sat beside my chair. I looked at Xavien, but the latter was just reading some kind of book. I looked at it, clearly, it's a detective book called "The Valley of Fear." Hindi ko alam na mahilig pala siya magbasa ng mga Sherlock Holmes.
Nakapagtataka dahil 7:10 A.M na wala pa ang aming guro. Nagpalinga-linga ako at nagulat kami nang biglang may mga guro na nagtatakbuhan pababa nang hagdan.
Anong nangyayari?
Napalabas kami sa silid nang wala sa oras at tinanong ang mga estudyante, pero hindi rin daw nila alam. Nakita ko ang pangunguna ni Xavien na bumaba kaya sinundan ko siya, hanggang sa bumungad sa amin sa infirmary ang isang malamig na bangkay na babae.
"S-Siya 'yung nakita kong nurse kahapon," sambit ko na nanginginig ang boses. Napatakip na lang ako ng bibig sa nakita ko.
Nagkatinginan kami ni Xavien. Hindi rin maipinta ang hitsura niya. Lumapit agad siya sa nakahandusay na babae.
"Ano pang tinatayo ninyo? Call the police and ambulance immediately!" he exclaimed. Sapat na iyon para marinig ng lahat at agad din naman silang kumilos.
Sinubukan niyang hawakan ang pulso ng babae pero wala na itong buhay. Ilang sandali lang ay dumating na ang mga pulis, nakikiusyoso pa rin ang iba pang estudyante sa nangyayari.
Hindi ba dapat nandito si Mr. Morris? Siya dapat ang kumakausap sa mga pulis ngayon. Agad na nagdeklara si Xavien na isuspinde ang klase upang maayos na imbestigahan ng mga pulis ang nangyari.
Ilang sandali pa ay nag-isip ako dahil sa napansin kong may kakaiba sa bangkay kanina. Hinawakan ko ang kamay ni Xavien at mabilis rin siyang lumingon.
"I think I know who's the culprit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top