022
08:12 pm
Pogi: Hi Sam!
Pogi: Sorry hindi na ako nakabalik kagabi, pinagpahinga na kasi ako ni mommy e. Tyaka uminom din pala ako ng gamot! Hehe
Sam: Kahit naman hindi ko sabihing uminom ka ng gamot papainumin ka pa rin ng mommy mo.
Pogi: Ehehe
Pogi: Nagback read nga pala ako ng convo niyo ni Makee. Inang yon. Hayaan mo Sam hindi ka na niya guguluhin
Sam: K lang. Medyo masaya naman siyang pagtripan.
Sam: S, I'm just curious okay.
Pogi: Woah. Ano yun?
Sam: Magkapatid ba talaga kayo ni Makee? Kasi yung pakikitungo niya sayo... "sa sooobrang kabaklaan ko pinagnanasaan na ako ng kapatid ko" yan yung mga sinabi niya kagabi.
Sam: Ang tunay na magkapatid nagbabangayan, hindi yung ganyan because dude, nakakadiri yun.
Sam: Lagi kaming nag-aaway ng mga kapatid ko kaya yun ang obsevation ko, ewan ko lang kung may iba pang magkakapatid na gaya niyo.
Pogi: ...
Sam: What.
Pogi: Sam, you're so smart and I hate it.
Sam: And...
Pogi: Kung ang hinala mo hindi talaga kami magkapatid, tama ka ron.
Sam: Aha. Kudos, Sam.
Pogi: Langya haha
Pogi: Ampon lang ako... :))
Sam: Sorry.
Pogi: Wala kang kasalanan ano ba.
Sam: Pero sigurado akong masakit yun.
Pogi: Oo naman. The fact na iniwan lang din ako ng mga magulang ko sa ampunan gaya ng mga nangyayari sa teleserye at hindi na nagpapakita pa.
Pogi: Nakakalungkot, pero hindi ko na iniisip yun ngayon kasi inampon nanaman ako ni mommy. Ang pag-ampon niya sakin ang pinakamasayang araw ko
Sam: Naalala mo pa yun.
Pogi: Of course. I was already seven years old that time.
Sam: Pwede pala kayong dalawa ni Makee.
Pogi: LUH SAM ANO BANG SINASABI MO
Sam: Pero tama ka, parehas tayo.
Pogi: ???
Sam: Wala na rin kaming mga magulang.
Sam: Namatay si mommy noong ipinapanganak niya yung kambal tapos habang papunta naman si daddy sa hospital nun, naaksidente siya.
Pogi: Ah. Kudos, Sam...
Sam: Gago.
Pogi: Sabi ko naman sayo eh, may similarities tayo. Yun nga lang, tungkol sa pagkawala ng nga magulang natin.
Pogi: #medyomasakit
Sam: Ang bakla mo.
Sam: Wait shit. Ang sama ng tiyan ko bye.
Pogi: Teka!
Pogi: Uminom ka ng gamot ha! Tapos magpahinga ka muna!
Sam: Ge.
Sam logged out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top