Chapter 2: Substitution

Winter's Pov

"She's awake. Guys, she's awake!"

A girl's voice is what I heard the moment my eyes parted. All I see is white. All I heard are unfamiliar voices.

Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga kaya sinubukan kong umupo para makalanghap ng hangin.

"'Wag ka munang gumalaw masyado dahil baka mabinat ka." Isang boses ng babae na naman ang narinig ko. Hindi ko siya makita dahil nakapikit ako habang hawak ang aking ulong kumikirot.

Wait. Why does I feel strange? Nasaan ba ako.

"Okay ka lang? Ano'ng nararamdaman mo?" May humawak sa'kin kaya napilitan akong mag-angat ng tingin sa babaeng may hanggang balikat na buhok.

Teka, eh sino naman 'to? Ano nga ulit ang nangyari? Diba nasa gubat kami—wait, where the hell is Inari?!

"Si Inari? Nasaan siya, kailangan ko siyang makita." Agad kong sabi sa babaeng kaharap ko. Napatingin naman siya sa aking likuran kaya napalingon din ako pero isang lalaki naman ang nakita ko.

"Where am I? Where's Ina?" Tanong ko pa. Pero walang sumagot.

Doon ko lang napansin na may iba pa palang tao sa loob ng malaking kwarto maliban sa aming tatlo.

Lahat sila naka tingin lang sa'kin. Anim silang lahat kasama ang babaeng nasa kanan ko.

"She's ....ahm..she's beautiful,"

Wala sa sariling usal ng lalaking may batang itsura. Unang tingin, masasabi kong gwapo siya at cute lalo na sa suot niyang uniform.

"Che! Mas maganda ako 'no! "

Ang babaeng may mahabang buhok naman ang nagsalita samantalang ang iba ay nanatiling nakatitig sa'kin.

Wait, I'm confused as hell! Who are these people?

Where's Inari? The last time I remember....I felt chest tightened remembering what happened to us. To her. Sumisikip ang aking dibdib habang inaalala siya.

"Ako si Kiana Ishino. Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Tanong na naman ng babae sa kanan ko. May suot siyang salamin na sakto lang ang kapal.

"Where's Inari? Gusto ko siyang makita."

"Kung ang tinutukoy mo ay ang kaibigan mo...well patay na siya. Nilibing namin siya. Loki Llezzur nga pala."

Ang lalaking may blangkong mukha naman ang sumagot. Lahat sila hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha dahil nakatitig lamang sila sa'kin. Lalo na ang babaeng naka-dekwatro sa paanan ng kama ko na maigi akong tinititigan.

Nagulat pa ako sa sinabi ng lalaki na wala na raw si Inari at nilibing nila. Hindi ako makapaniwala at ilang minuto pa bago ako naka-react.

Agad akong umiling at parang pinanghinaan ng loob. She's gone. She's really gone, Winter. Now what? You were left alone.

"Ako nga rin pala si Blaise Fernandez. Nice to meet you beautiful, grabe ang ganda mo,"

Anang lalaki na may malapad na ngiti sa labi sabay abot ng kamay niya. Tinignan ko lang yun dahil gulat pa rin ako.

"I-I want to see her grave." I uttered without eyeing them. And so they went silent.

"Mag pagaling ka muna bago yun. Sariwa pa ang sugat sa braso mo."

The girl with a long straight her answered after a minute. She pointed my bended forearm. May benda pa'to at sumasakit pa ng kunti.

But I did not listen to her. Sinubukan kong bumaba sa kama pero muntik na akong matumba kaya napaupo ako ulit.

"Told you. Ang tigas kasi ng ulo mo. And what's your name anyway?"

The girl with a long wavy hair asked. She's beautiful, even at first look. Tahimik naman ang iba.

"Winter Montreal."

"Ah, kaya pala ang ganda mo—ah, Isabelle?!"

The boy who has a baby face sneered when Isabelle—the girl who has a long hair nudged him. Nagbangayan pa silang dalawa.

Tumayo na ako habang hawak ang braso ko at napatingin sa aking katawan.

I was shocked when I saw that I'm dressed up differently. Sinong nagbihis sa'kin?

"Sinong...."

"Don't worry, Winter. Kami ni Kiana ang nagbihis sa'yo."

It's Isabelle.

"Dalhin niyo ako sa kaibigan ko. Gusto ko siyang makita."

"What? No. Not until you've rested enough and get recovered from your friend's death first."

"I'm fine Kiana. Dalhin niyo na ako sa puntod niya."

Pagpupumilit ko pa pero nanatili silang naka-upo lang lahat. Ano ba. Hindi ba nila ako naririnig?!

"Adira, what to do?"

Tanong nila sa babaeng hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ng komportable at malamig akong tinititigan.

"Do as she say. Wala tayong paki-alam kung ano man ang mangyari sa kanya."

"Of course we care. That's Leader's order, remember?"

Si Kiana pa rin ang sumagot.

"That's what she want. Do as our guest say, morons."

Ani Adira at tumayo na. Mabilis siyang naglakad palabas ng kwarto pero wala man lang akong narinig na mga yabag.

"Okay. Dadalhin ka namin sa puntod ng kaibigan mo, pero pagkatapos nun mag pahinga ka na ha."

Muling wika ni Kiana.

Isa-isa silang lumabas ng kwarto ng hindi gumagawa ng ingay mula sa mga yabag nila.

Ako naman ay binigyan ng bagong damit ni Kiana para makapagpalit.

*****

Nasa ilalim ng isang puno ng mangga ang puntod niya. Parang 'di ko kayang tignan ang puntod. Kahapon lang kasama ko pa siya pero ngayon nasa harapan ko na ang puntod niya. Ang bilis naman niya akong iwan.

Napapikit ako para pigilan ang umiyak at napakuyom na lang ng sobrang higpit. Pilit kong iniintindi ang lahat at sinusubukang tanggapin.

"I-Inari, sorry, I didn't do anything do save you. You died in that man's hand. I swear I w-will…" Lumunok ako dahil parang may nakabara ata sa aking lalamunan. Hindi ko magawang magsalita ng maayos. "I will make him pay. I will find Alizza…"

Kahit na anong pagpipigil ay napa-iyak pa rin ako. Agad kong pinalis ang luhang nalaglag mula sa'king mata.

Ako na lang ang mag hahanap sa kanya ngayon. Pero paano, saan ko siya hahanapin at saan ako magsisimula.

Now that Inari's gone, I'll be facing it all alone.

"Nahuli kami ng dating, wala na siya nang dumating kami at ikaw lang ang naisalba namin. Sorry....Winter pero hindi na kayo dapat pumasok pa dito. Ito na ata ang pinaka piligruso at dilikadong lugar. "

Singit ni Kiana na nasa aking likuran. Hindi ko siya sinagot at sa huli'y hinayaan ko na lang ang aking mga luha na pumatak.

"Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa dorm. Winter." She's about to touch me but I caught her hand.

Hinarap ko siya at inilingan saka walang pasabing naglakad palayo doon. Hanggang sa tumakbo na ako at napunta sa isang lugar na hindi ko alam.

May nakita akong lumang building na may isang palapag lang.

Napatiim bagang ako dahil sa kakaibang aura ng lugar. Natigil ako sa pag-iyak at nag dadalawang isip na bumalik.

This place is creepy and dark. It's an abandoned building. Where am I this time? Parang nahinto sa ere ang mga luha ko at napayakap na lang sa sarili ko. This place is freaking creepy.

Babalik na lang sana ako sa pinanggalingan ko nang may lumangitngit sa aking likuran.

Para akong natuod at nanigas sa kinatatayuan ko, hindi na ako makagalaw lalo na nang pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin mula sa likuran.

The hell, where am I this time? I hope it's not a ghost but I also hope it's not one of those masked-guys.

Mas dumubli ang kaba sa'king dibdib nang pakiramdam ko ay malapit lang siya sa likuran ko, hindi na ako makahinga. Literal na kinakapos na ako ng hininga sa presensya ng tao sa likuran ko ngayon. Parang nanghihina ang mga tuhod ko at gusto ng bumigay. Oh no. No way. I can't move a bit.

The hell talaga. Saan ka ba kasi nagsususuot, Winter?

Kahit nanginginig ang aking tuhod ay pinilit kong maglakad palayo at napatakip ako sa'king tenga nang may narinig akong mga ingay. Mabilis ang lakad ko at diri-diritso na sana nang biglang may humawak sa balikat ko dahilan ng aking pagsigaw at kasabay nun ay nadapa ako.

***

Isang puting kisame ang una kong nakita bago lumitaw ang mukha nina Kiana at ng iba pa niyang kasama sa paningin ko.

Teka, ano bang nangyari? Diba nasa-aah. Oh noes. Bigla akong napabangon at nanlalaki ang matang tinignan sila isa-isa. Paanong nandito ako? Diba
nasa gubat ako?

"Paano ako napunta dito? Diba nasa...."

"Nasa?"

Nasaan nga ba ako nun. Ah sa abandoned building.

Pero nasa kwarto na ako kung saan ako unang nagising ngayon.

"You passed out. Sinundan ka namin at nakita ka ni Loki sa abandoned building, kamusta na ang pakiramdam mo?"

Ani Kiana, ah. So si Loki pala ang nakahanap sa'kin. Napatingin ako kay Loki at para bang may kakaiba sa kanya.

*****

Kaming dalawa nalang ni Kiana ngayon ang naiwan dito sa dorm nila. May kung ano siyang ginagawa samantalang ako naka upo lang sa tabi ng bintana. Tanaw ang mataas na palapag ng building na hindi ko alam kung ano.

"Kiana, anong building ba yung natatanaw mula rito?"

"Skwelahan yan. Nasa Hidden University ka at kagaya nga ng alam mo nasa kabilang pader lang ang Supreme Academy."

Yeah. Pero bakit naka kulong sila dito. Wala bang ibang daan palabas.

"Wala bang ibang daan palabas? At paano nila natatago 'to. I mean, ito ba ang sekreto ng mga admin sa SA?"

Obvious ba, Winter? Ito talaga yun, walang duda.

"There's no way out. That wall is unbreakable, tested and proven na yun. Makapangyarihan lang talaga ang mga nasa labas kaya natatago nila kami dito. This place is like hell. Maraming namamatay at maraming pumapatay para mabuhay. Kaya nga bakit ba kasi pumasok pa kayo dito. We're enough."

I clenched my jaw. Now, whose fault is this, Winter?

"I-Ilang taon na ba kayong nakakulong dito? Paano kayo nabubuhay?"

Bumakas ang unang emosyon na nakita ko sa mukha niya. Lungkot.

"It's been 5 long years Winter. Five years, nabubuhay kami dahil lumalaban kami. Kaya nga ang swerte niyo sa labas. Malaya kayo at walang kinakatakutan na baka isang araw...dito na kayo mamamatay."

Hindi ako sumagot at nagtagis lang ang panga. Hindi ko alam na may mga studyante talaga dito. I never believed about this secret of Supreme Academy that is now proven to be real.

"Kiana, Kilala mo ba yung mga nakamaskara? Yung sa gubat? Sino sila?"

Masigasig kong tanong sa kanya. I have to know. That masked man killed my friend. Sa harap ko mismo.

"Devillion League"

Maiksing sagot niya. So that gang has a devilish name as well. Tama lang sa kanila. Pero sila, they saved me, malamang may gang din sila.

"Eh..kayo? Ano ang pangalan ng gang niyo?"

Sunod na tanong ko sa kanya na nakakuha ng buong atensyon niya. Bakit may mali ba sa tanong ko.

"What made you think that we have a gang? We hadn't been in a one table yet. You doesn't know us that well."

Balik tanong niya. Bakit, wala ba? I just thought they had one, they had guts to fight to Devillion League.

"I just thought, bakit wala ba?"

I asked back. She chuckled sexily and smiled. I'm getting curious.

"Having this big room in Girl's Dorm, being a VIP everywhere? Of course we have a gang."

Tumayo siya at tumayo ng tuwid saka inilahad ang kamay. Pero ang ikinatigil ko ay ang pag bago ng reaksyon ng itsura niya. Mula sa mala-anghel niyang mukha ay naging nakakakilabot na walang emosyon iyon.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa kanyang kamay na nakalahad.

"I'm Kiana Ishino, fourth higher rank in Adira's army. I'm one of the strong member of Black Elite Society. Do you have any more question, our beautiful guest?"

Aniya na nag palaglag sa panga ko. She's back to being an angel again.

Naka ngiti na siya ngayon ng subrang lapad.

Did I heard it right? She's a member of a gang named Black Elite Society?

And a rank four?! That's cool.

Natulala lang ako sa kanya at ilang segundo pa bago ako naka move on.

"T-That's cool. Rank four? What is Adira then?"

"Ah, she's the first general of Leader. Leader has seven generals and every general have their own army. You know "

That's freaking cool. But dangerous. I don't want to mess with them.

At may dalawang gang pala dito. Dalawa lang ba talaga?

"Isa pang tanong, ilang gang ang mayron dito sa Hidden University? "

"Four. The highest one is the BES, second is the DL, third is the Spider with eight great members, and lastly the Rival Monarchy. Each gang has a leader and of course each leader has a mysterious identity. We are VIPs because we're at the top. Ang saya nga eh!"

Aniya at tuwang-tuwa pa. That's great, in five long years they built a home and a group.

But I don't know what this school has to offer. But one thing is for sure, I'll be playing with Death as long as I'm here. And so I needed a protector.

Muli akong nabalot ng lungkot nang naalala ko na naman si Ina. For three days pinagluluksa ko ang pagkamatay niya pero hanggang hindi nag babayad ang lalaking yun. The man with a mask and metal fingernails.

"Nga pala, sino yung lalaking pumatay sa kaibigan ko, yung may metal fingernails?"

Those fingernails, I will break them into pieces!

"His name is Nazi Blackhood. He's their leader, his face is unknown to everyone but to us, he's no longer anonymous."

Nazi Blackhood. Tatandaan ko ang pangalang yan.

"Wala kaming ginawa sa kanila pero bakit gusto nila kaming patayin?"

"I heard that's their business, to kill every newbie that will enter Hidden University."

"Bakit?"

"Kasi sa tuwing may mga bagong naliligaw dito na taga labas, nagkakaruon ng himagsikan. Gustong makalaya ng mga studyante kaya pinapatay nila sila. One way or another."

Ano? Paano si Ate Alizza? Pinatay rin ba siya nila?  Siya ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi pwedeng wala na rin siya.

No way in hell.

"You look bothered. Anong iniisip mo?"

"Nothing"

I need to find her as soon as possible. But the question is, how? Where?

Paano ko siya mahahanap. It's been three months.

"Sige, Winter maliligo na ako. Magbihis ka na rin para makasama ka na sakin. Mag-eenroll ka pa."

Napa-angat ako ng tingin kay kiana. Mag eenroll? Pwede pa ba? Pero August na.

Nabasa yata niya ang nasa isip ko kaya ngumiti siya at nag paliwanag.

"Tumatanggap pa rin sila ng late enrollees, kung galing ka sa labas sa SA malamang na nag-aaral ka rin dun. Parang nag transfer ka lang ng school dito. Kaya tayu na diyan, Winter."

She's right, parang nag transfer lang talaga ako ng school. From Supreme Academy to Hidden University.

**

"Hi Arthor good morning!"

Naka ngiting bati ni Kiana sa lalaking parang nasa late twenties lang. Ang bata pa niya at ang gwapo ng dating. He's the teacher.

"You're late Ishino, pero dahil mabait akong tao papalagpasin kita at...."

Lumipat sa akin ang mata niya saka sinuri ako ng tingin lang. He's so cool while he's doing that at parang may kamukha siya.

"The rumours were true, the newbie is a goddess. Welcome to Hidden University, It's the place that you must never enter."

Nakangiti paring aniya at senenyasan kaming mag hanap ng mauupuan.

Ilang segundo pa bago ako naka kilos dahil sa natuon ang atensyon ko sa kanya pero may nahagip ang mata ko.

It's a tattoo, on the left side of his neck the tattoo was engraved. Isang kutsilyo na kulay itim ang talim pero kumikinang sa linis, may naka kawit na dragon pero may pakpak sa katawan ng kutsilyo at sa hawakan nito ay may nakasulat na B.E.S.

That's so cool. Ang ganda pa ng pagkatattoo sa kanya.

"His name is Arthor Deltora, the fifth general of our gang. Every general has a tattoo like his. He's our teacher anyway."

Hindi ko namalayang nakatayo na pala ako sa pinakahuling upuan sa likod at nasa harap ko na si Loki.

Natulala ako bigla hindi dahil sa nalamang member din siya ng BES kundi dahil sa apelyedo niya.

Why Deltora? Of all surname na pwede niyang dalhin bakit pareho pa ng kay Sir Naythan. Coincidence  lang ba yun?

Umupo ako sa tabi ni Kiana. Lahat ng studyante sa harap ay tahimik at tila mga tuod na naninigas. They can't look back, bakit naman.

Katabi ko si Kiana at nasa tapat ako ng glass sliding window. Tanging si Loki at Kiana lang ang kilala ko rito.

Maya-maya pa nag simula ng mag lecture si Sir Arthor at gustuhin ko mang makinig ay hindi ko magawa. Why? It's because of the uniform I'm wearing. Ang iksi ng skirt na hindi man lang umabot ng tuhod at ang pang-itaas ay fitted. Bakas na bakas ang hubog ng katawan ng mag susuot at kung magkataong malaki ang dibdib mo naku, ewan ko na lang.

Bored na napalingon na lang ako sa bintana sa tabi ko nang biglang may duguang kamay ang humampas dun dahilan para mapasigaw ako sa gulat at bigla.

"Oh shit!"

Tarantang sigaw ko at napatayo para umusog palayo sa bintana.

I can feel my nerves trembling in shock again.

"T-Tulungan niyo ako...parang awa niyo na...tulungan niyo ako—"

Hindi na natapos ang isang lalaki na puno ng dugo ang mukha at katawan at hindi na halos makilala. Marami siyang pasa, sugat at bago siya bumagsak nakita ko pa ang malaking gunting na nakatusok sa kanyang likod.

Nakisigaw na rin ako sa iba pang studyanteng nakakita at parang bumaligtad ang sikmura ko sa nakita ko.

Ano na naman 'to. Patayan na naman. Ganito ba talaga ang lugar na'to.

Nanghihina ang tuhod na kumapit ako kay kiana. Hindi ko na napigilan ang yumakap sa kanya.

I hate this. Ayukong makakita ng taong namamatay mismo sa harap ko, naalala ko lang kaibigan ko. This is ruthless. Mamamatay ata ako sa gulat nito.

"It's okay winter. Wag kang matakot nandito lang ako, nandito kami."

Rinig kong sabi ni Kiana at hinahagod ang likod ko.

I swallowed hard and calmed myself. Okay, Winter, listen. Be brave, you need to survive. You can't die, understood?

Ayukong may namamatay.
But this place sucks, this place is like hell.

"O-Okay na ako. Salamat."

Usal ko sabay lunok at kumawala na sa yakap niya.

Halos lahat ng mga studyante kita ang takot sa mga mukha nila. May mga umiiyak na rin, may mga nag yayakapan at ang iba ay nag bubulungan.

"They killed him. He's a substitute."

Anang isang studyante at tumingin sa'kin ng masama pati na yung ibang nakarinig sa kanya ay tinignan rin ako ng masama.

Ano bang sinasabi niya? What does he mean he's a substitute?

"Don't mind them, dito ka lang ha, pupuntahan ko lang sina Zetro at ang iba--"

"Sasama ako"

Agad kong alsa, ayukong maiwan dito ng mag-isa. Hindi maganda ang tingin sa akin ng mga studyante at wala naman akong kilala.

Lumapit kami kina Zetro na nakikiusyuso sa ibang studyante na tinitignan ang bangkay ng lalaki kanina.

Nahawi ang mga tao nang dumaan kami kaya natignan ko ng maigi ang bangkay na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil muli na naman akong nabalot ng takot. They killed a young man.

Puno ng sugat ang katawan nito, mula paa hanggang ulo. Halos punit na ang damit niya at hindi na makilala. Halatang pinahirap siya ng mabuti, kawawa naman siya.

Sinong walang puso naman ang may gawa nito.

Maya-maya lang may mga guro nang dumating at ang iba ay napatakip bibig pa.

"It's DL's doing, he's a substitute for her. "

Ani Blaise at tinignan ako pero nag-winked lang siya sa'kin.

Ang ibang studyante ay tinignan na naman ako ng masama maging ng ibang guro. Ano ba ang problema, anong ibig nilang sabihin na substitute ang lalaking yun?

"Hay, ang hina talaga nila. Pati nerd pinagdidiskitahan. Di nalang naghamon sa'tin ng rematch."

It's Zetro. Nandito na rin sila. Gusto kong magtanong kung ano'ng ibig sabihin nilang substitute ang lalaking yun.

"Ano ba ang ibig mong sabihin, Blaise? He's what?"

Usisa ko pa. Parang ayaw pa niyang sabihin pero tumango lang si Loki sa kanya nagsalita na siya agad.

"Nazi failed to kill you so they killed a third class student. "

I blinked. What again? Bakit nadamay ako?

"Pero bakit siya, ako ang kailangan nila diba?"

"Ginagawa nila yun para matakot ang mga studyante at hindi na sila makikipag tulungan sa'yo. You might be our key to freedom."

Key to freedom? Ano naman yun? Hays, seriously? Ang dami kong hindi maintindihan ngayon.

I was bothered and they noticed it.

"Wag ka ng mag-isip ng kung ano. Dahan-dahan lang, marami ka pang malalaman sa pagdaan ng mga araw. Keep cool okay?"

Hindi ko napansin ang pag dating ni Isabelle at ngayon naka-akbay na siya sa'kin.

Nag kakagulo pa rin ang mga studyante at maging mga guro.

"Linisin niyo ang dugong nagkalat. Bumalik na ang iba sa mga klase nila."

Utos ng matandang guro pero walang nakikinig sa kanya at patuloy pa rin ang gulo at ingay.

"Hindi siya dapat namatay. Kasalanan to ng newbie na yan, kung hindi dahil sa kanya buhay pa sana siya."

"Siya dapat ang namatay eh, nandamay pa ng iba."

"Mas lumala pa ang sitwasyon dahil sa kanya."

Para akong sinasaksak ng patago sa mga narinig ko. Parang bumalik yung dating nararanasan ko sa labas.

Why do they have to blame me? I am innocent! I just want to live and what just happened isn't my fault.

O baka nga in denial lang ako.

"Gusto niyong sumunod sa lalaking yun? Magsabi lang kayo."

Napa tingin ako sa seryusong nagsalita. It's Isabelle at nakakatakot siya sa sinabi niya.

Can she kill? Did she kill?

Parang mga pinagalitan naman ng mga magulang nila ang mga nag-uusap kanina.

Inawat naman nina Blaise at Zetro si Isabelle.

Pero nag kakagulo pa rin ang mga studyante kahit wala na ang bangkay.

"Students of our beloved Hidden University, please calm down. The corpse was already been taken away and the classes must go on. I order everyone to go to their respective classes."

Isang tinig ng isang matikas na lalaki ang nagpatahimik sa mga studyante.

Nakatayo siya ng tuwid at may isang babae na kasama. Mukhang masungit ang babae pero hindi mo maikakaela ang ganda.

At nang napatingin siya sa'kin, para akong kinapos sa hangin ng ngumisi siya. Ang mga mata niya, para akong sinusuri pati kaluluwa ko.

What's with her?

"It's nice, our very own Student Council President is here. Tara na at matulog, Loki!"

Si Blaise yun, nag walk out na at nag lagay sa likod ng ulo ang dalawang kamay niya.

But Loki's can't be found anywhere. Umalis na ba siya? Kailan?

Nag si-alisan na rin ang mga studyante. Ang guro naman na walang magawa sa mga studyante nila ay umalis na rin.

Now it's only me, Kiana and the president together with his mysterious girl behind him.

"Miss Ishino"

Lumapit sa'min ang president at bumaba ang mata ko sa dibdib niya kung saan naka kabit ang maliit na metal. May nakasulat na " Blake Keythone".

"I'm thankful that you saved her. Maraming nabuhayan ng loob sa pag dating niya...na buhay."

Pasalamat nito kay Kiana, tinignan niya ako pero hindi ko na siya matignan pa. The girl behind her looked at me differently. And those eyes, I think I've saw them before.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top