Kabanata 16 : Ashes by Run

"Anong nangyari?" sabi ni Ash kay Dash na hindi pa rin nagkokompirma kung sino ito.

"Umuwi na kayo, tapos na ang lunch break." sabi ni Dash at humiwalay ito ng yakap kay Elle.

"Ayoko!" sigaw ni Elle at nagulat si Run ng umupo si Elle sa kalsada at kahit nakasuot ito ng uniporme nagawa nitong maglupasay.

"Aisssst, ang daming tao. Nakikitaan ka na." sabi ni Wine sabay upo nito para aluin si Elle.

"Si lolo Ralph iyan." sabi ni Elle.

"Hindi nga daw siya si lolo Ralph?" sabi ni Wine.

"SI lolo iyan." sigaw ni Elle.

"Tumayo ka na at nakikitaan ka na. Madumi ka na rin." sabi ni Dash kay Elle.

"Lolo, yakap." sabi ni Elle kay Dash.

"Okay pero uuwi ka na." sabi ni Dash kay Elle.

"Oo." sabi ni Elle kay Dash.

Dinaluhan ni Dash si Elle at niyakap ito. Tinulungan ni Dash makatayo si Elle at nakuha pang ayusin ang damit nito.

"Umuwi na kayo." sabi ni Dash.

"Sandali, si Run ka. Paano ka nabuhay? Sino iyong nasunog?" nagtatakang tanong Ash.

"Si Dash ako." sabi ni Dash kay Ash.

"Hindi ka si Dash. Sandali lang." sabi ni Ash at kinuha nito ang cellphone at mabilis na kinuhanan ng larawan si Dash na ikinatitig lang ng binata sa kapatid.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Dash ng kunin ni Ash ang cellphone nito.

"Walang aalis." sabi ni Ash at nag-dial ito ng numero sa cellphone.

"Aisssst, sinong tatawagan mo?" sabi ni Dash kay Ash

"Si Kuya Autumn." sabi ni Ash.

"Shit huwag." sabi ni Dash saka nito inagaw ang cellphone ni Ash

"Bakit?" sabi ni Ash.

"Hindi puwede." mahinang sabi ni Dash.

"Bakit?" tanong ni Ash

"Basta. Umalis na kayo." sabi ni Dash.

"Ayoko nga." sabi ni Ash.

"Kapag hindi ka umalis, mapapahamak lalo si Ate Winter. Kaya umalis ka na at isama mo itong dalawa." mahinang sabi ni Dash kay Ash.

"So, si Run ka nga?" sabi ni Ash.

"Oo na. Umalis na kayo." mahinang sabi ni Run kay Ash

"Okay, para malinaw." sabi ni Ash at napatingin ito sa itsura ng kapatid.

Napakunot ang noo lalo ni Ash ng makita ang suot ni Run, nakapantalon ito ng luma at kupas, madumi na tila maraming putik nakalong sleeve na pang construction. Kaya napatitig ito sa kapatid.

"Construction worker ako, at huwag kang maingay." sabi ni Run kay Ash.

"Shit, pumasok ka sa pagiging... patingin nga ang palad mo." sabi ni Ash at kinapa nito ang palad ni Run.

"Bakit?" sabi ni Run ng kapain ni Ash ang palad niya.

"Langya may kalyo ka na." sabi ni Ash kay Run.

"Okay lang iyon. Basta umalis na kayo." sabi ni Run.

"Kailan ka uuwi?" tanong ni Ash kay Run.

Nakamasid lang si Muddy kay Dash at Ash na mahina nag-uusap. Samantalang inaalo naman ni Wine si Elle na hindi siya pinapansin at umiiyak ito sa inis na pagsuntok ni Wine sa inaakala ni Elle na reincarnation ni Ralph Cheung.

"Kapag namatay na ang gagong iyon." sabi ni Run kay Ash.

"Sino?" tanong ni Ash kay Run

"Basta." sabi ni Run kay Ash.

"Aiisssst, ayoko ng paligoy-ligoy." sabi ni Ash kay Run.

"Iuwi mo na sila tapos kokontakin na lang kita." sabi ni Run kay Ash.

"Okay, sabi mo iyan ha." sabi ni Ash kay Run.

"Oo. Basta iuwi mo na sila." sabi ni Run kay Ash.

"Halika na kayo. Uuwi na tayo." sabi ni Ash ng bumaling ito sa tatlo.

"Sandali iyong project natin. Paano?" sabi ni Muddy kay Ash.

"Ako ng bahala" sabi ni Ash kay Muddy.

"Talaga?" sabi ni Muddy kay Ash na ikinatingin ni Run kay Ash.

"Oo." nakangiting sabi ni Ash kay Muddy

"Okay." sabi ni Muddy kay Ash.

"Halika umuwi na tayo." sabi ni Wine kay Elle.

"Sinuntok mo ang lolo ko." sabi ni Elle kay Wine.

"Hindi ko naman alam na lolo mo siya." sabi ni Wine kay Elle.

"Seloso ka kasi pati lolo ko pinagseselosan mo." sabi ni Elle kay Wine.

"Sorry na nga." sabi ni Wine sabay tago sa baril nito sa likuran ng pantalon nito.

"Cool off tayo." sabi ni Elle saka ito nauna sumakay ng kotse ni Wine.

"Hala cool-off sila pero sa kotse ni Wine sumakay." sabi ni Muddy sa isip ng marinig ang LQ nila Wine at Elle.

"Sa akin ka na sumakay. Mag-aaway pa ang mga iyan." sabi ni Ash kay Muddy, ng kunin ang susi ng kotse niya kay Elle.

Tumingin si Run kay Muddy ng pumunta ito sa kotse ni Ash. Napangisi naman si Ash ng sundan ng tingin ni Run si Muddy,

"Don't worry hindi ako pumapatol sa dukha . Aissst ang baho tingnan." nakangising sabi ni Ash kay Run.

"Wala naman ako sinasabi at hindi ko siya kilala o wala naman kami relasyon." sabi ni Run kay Ash.

"Siya si Muddy ang rug princess mo." natawang sabi ni Ash kay Run.

"Talaga?" sabi ni Run kay Ash.

"Oo baka nalimutan mo lang kasi kalimot-limot talaga ang tulad niya." sabi ni Ash sabay tapik sa balikat ni Run.

"....marami pang babae, at ang Muddy na iyan ay hindi natin kauri." sabi ni Ash kay Run.

Napatitig si Run kay Muddy habang papasok na ito ng sasakyan ni Ash. Napangisi si Run ng makitang alam ni Muddy magbukas ng mamahaling sasakyan.

"Sige mauna na kami, huwag kang aalis diyan pupuntahan kita sa susunod na araw." sabi ni Ash ng magpaalam ng tuluyan kay Run.

"Muddy...rug princess, huh." napangising sabi ni Run sa isip.

.....................

"Bati na tayo." sabi ni Wine kay Elle habang nakasakay naman ang dalagita sa tabi niya kung saan nagmamaneho si Wine ng kotse nito.

Napatingin si Wine kay Elle kanina pa ito hindi umiimik pero napangiti naman siya dahil sa kanya pa rin sumakay si Elle.

"Cheesecake. Sorry na, nagselos kasi ako. Hindi ka nagpaalam tapos nakita ko may kasama kang iba. Nakakabaliw kaya." sabi ni Wine habang nakatingin na ito sa daan.

"Si lolo nga iyon." sabi ni Elle.

"Hindi ko nga alam. Nandilim ang paningin ko.

Ganoon pala iyon kapag nagseselos ang isang tao, kaya siguro nabaliw-baliw si Autumn ng iwan siya ni Ate Cha." sabi ni Wine.

"Masakit sa ulo?" tanong ni Elle.

"Oo, nakakademonyo para gusto mo magwala." sabi ni Wine.

"Sabi mo kanina nobya mo ako. Nobya mo na ba ako?" tanong ni Elle kay Wine.

"Oo." sabi ni Wine.

"Manligaw ka muna." sabi ni Elle.

Napatingin si Wine kay Elle at napangiti ito sa sinabi ng dalagita

"Sige, pero sasagutin mo ako ha." sabi ni Wine.

"Oo." sabi ni Elle na ikinangiti ni Wine.

"Sige, magdate na tayo para mabilis ang prosesong sagutan." sabi ni Wine.

"Sa turo-turo?" sabi ni Elle.

"Hindi." sabi ni Wine.

"Saan?" tanong ni Elle.

"Dito sa loob ng kotse ko." nakangiting sabi ni Wine.

"Kuripot." sabi ni Elle.

"Hahahaha, wala pa akong sahod." natawang sabi ni Wine.

"Sige pero kiss muna." sabi ni Elle sabay nguso nito na ikinangiti ni Wine.

"Mahilig ka sa kiss."sabi ni Wine.

"Ayaw mo." nakangusong sabi ni Elle.

Napatingin si Wine kay Elle, inilapit ni Wine ang mukha kay Elle saka ito napangiti.

"Gusto. Gustong gusto." nakangiting sabi ni Wine.

Pagkalapat ng labi ni Wine kay Elle napapikit ng mata si Elle na ikinangiti ni Wine. Bahagya ni Wine kinagat ang labi ni Elle na ikinaungol ni Elle.

"Hmnnn." ungol na sabi ni Elle ng kagatin ni Wine ang labi niya.

"Tama na, kiss lang muna." masuyong sabi ni Wine ng bitawan ang labi ni Elle at tumingin na ito sa daan.

"Kiss muna so anong susunod?" sabi ni Elle.

"Hahaha." natawang sabi ni Wine at niyakap ng isang kamay nito si Elle.

...................

Samantalang kanina pa tahimik si Muddy sa kotse ni Ash. Napapatingin naman si Ash sa kaklase niya na never naman niya nakausap lagi ng matagal dahil may allergy nga siya sa tulad ni Muddy. Pero ang katahimikan ay nakakabinge para sa kanya.

Nakatingin lang si Muddy sa labas ng kotse ni Ash, alam niyang si Run ay si Dash at sa pag-uusap kanina ni Dash at ni Ash alam niyang kompirmado iyon. Ang iniisip niya hindi man lang siya nakilala ni Run.

"Okay ka lang?" tanong ni Ash habang patingin tingin ito kay Muddy at sa daan na tinatahak nila papuntang tulay na nagdurugtong sa dalawang isla.

"Oo." sabi ni Muddy.

"Kilala mo siya di ba?" sabi ni Ash na alam niyang si Run ang iniisip ni Muddy.

"Oo." sabi ni Muddy,

"Kaya ba kami ni Elle ang naisip mong makasama sa grupo para makumpirma sa sarili mo na si Run nga ang nakita mo?" tanong ni Ash sa dalagita na hindi man lang makuha tumingin sa kanya.

"Parang." sabi ni Muddy at napabuntung hininga ito.

Napatitig si Ash kay Muddy at napangisi ang binata sa reaksyon nito.

"Si Run ang tipo ng tao na maraming gustong gawin sa buhay. Iyong tipo ng tao na mag eexplore siya." sabi ni Ash.

"Mukha nga." sabi ni Muddy.

"Kung ako sayo, kalimutan mo ang kapatid ko, kasi hindi ka tatanggapin ng pamilya namin." nakangising sabi ni Ash.

Napatingin si Muddy kay Ash, kilala niya ito alam niya na ang pamilya ni Run ay mga mayayaman din ang nakatuluyan. O kung hindi naman... yumaman at mayaman pa rin bago nakatuluyan ng pamilya ni Ash.

"Si Wine." sabi ni Muddy.

"Hahaha, si Wine? Nagbibiro lang na mahirap iyon. Nasanay lang iyon sa nanay niya manamit pero mayaman si Wine. Nagmamay-ari si Wine ng ekta-ektaryang manggahan sa El Paradiso at dito sa Isla Verde." sabi ni Ash.

"Pero simple lang siya at gusto siya ni Elle." sabi ni Muddy.

"Hahaha, kahit anong sabihin mo mayaman pa rin si Wine. At ang tulad mo ay madaling kalimutan tulad ni Run sayo." sabi ni Ash.

Natahimik si Muddy, hindi naman talaga siya umaasa na magiging prinsesa siya ng isang prinsipe. Pero masakit sa dibdib na malaman na wala talaga siya sa memorya ni Run.

"Alam mo Muddy hindi naman ako masama tulad ng naiisip mo. Nagpapakatotoo lang ako. Masasaktan ka lang lalo kapag pinilit mo ang sarili mo kay Run.

Si Run ay tulad ni Lolo Ralph makikita mo nga sa itsura pa lang. At kung anuman ang dahilan kung bakit hindi pa siya bumabalik sa amin o kung anuman ang nangyari sa kanya... sa amin niya sasabihin at hindi sayo.

Kasi kung ako sayo, dapat unang kita pa lang ni Run sayo dapat sinabi na niya kung sino siya.

Pero mukhang hindi nagtitiwala si Run sa tulad mo." sabi ni Ash na ikinalunok ni Muddy.

"Alam ko naman iyon. Hayaan mo hindi ko na siya pupuntahan." sabi ni Muddy.

"Mabuti." nakangiting sabi ni Ash at hindi na nito kinausap si Muddy.

......

May 19, 2021 8.37am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top