Chapter 7
Dedicated to: cassiopeiachkassie
Chapter 7
"Mom...mommy, mom..myyy." Iyak ng batang nasa harapan nina Faith at Rafael.
Kanina pa sila umiiyot sa buong sky ranch ngunit wala pa rin silang mahanap na taong nakakakilala man lang sa batang babae.
Kaya mas lalo namang naawa si Faith sa bata ngunit hindi naman malaman ni Faith kung paano patatahanin ang batang nasa harapan niya ngayun.
Simula ng makita nila ito kaninang umiiyak dahil na pahiwalay yata ito sa mommy nito ay wala na itong ginawa kondi umiyak na lang ng umiiyak.
Kahit pa sabihin nila dito na hahanapin nila ang mommy at tita daw nito ay hindi pa din ito tumitigil sa kakaiyan. Natataranta na nga si Faith sa kakaiyak nito ngunit hindi niya ito ipinahahalata sa asawa at sa batang umiiyak ngayun sa harapan niya. Kahit nga rin ang asawa niya ay pinipilit na din itong patahanin. Ngunit wala pa ring epekto. Umiiyak pa rin ito ng umiiyak kaya naman binaba mona ni ito sa pagkakabuhat niya at pina upo sa lamisa.
"Sweetie, tahan na hahanapin natin si Mommy and Tita mo ha. Kaya please tahan na." Paki usap ni Faith sa bata.
Ngunit mas lalo pa nga itong umiyak. "Mahal paano to?" Tanong ni Rafael sa asawa.
Tumingin naman si Faith dito saka binuhat yung bata. "Tahan na Sweetie, ito na oh! Hahanapin natin ulit sila." Naka ngiting sabi ni Faith sa bata. Kumapit naman sa balikat ni Faith ang bata sabay subsub ng mukha nito sa balikat niya.
Umiiyak pa din ito ngunit hindi na tulad nong kanina. Ngayun humihikbi na lamang ito sa balikat niya.
Sumunod naman si Rafael sa asawa niyang buhat-buhat ang batang nakita nila na umiiyak kanina pa. Nabitawan siguro ito ng ina nito kaya ito naiwan. Hindi naman alam ni Rafael kung saan dadalhin ng asawa niya ang bata. Dahil impossible naman na kilala ng asawa niya ang mukha ng ina ng batang karga nito ngayun.
"Mahal saan mo ba balak dahil yang bata?" Tanong niya sa asawa.
"Mahal, hahanapin nalang natin ulit yung nanay nitong bata." Paliwanag naman sa kanya ng asawa.
Napangiti nalang si Rafael sa nakikita niyang ginagawang paghagod nito sa likod ng bata para tumahan ito. Kung sana bigyan lamang ito ng panginoon ng isang pagkakataong magkaron sila ng sariling anak tingin niya magiging mabait at mapag alaga ito sa magiging anak nilang dalawa.
"Mahal bakit parang ang bigat na niya?" Tanong naman ni Faith kay Rafael kaya naman na patingin ni Rafael sa batang naka yokyok sa balikat ng asawa niya.
Napangiti naman si Rafael ng makitang tulog na ito sa balikat ng asawa niya. "She's sleeping, mahal." Naka ngiting sagot ni Rafael sa tanong ni Faith.
"Really? Buti naman kong ganon. Kanina pa kasi siya umiiyak baka na pagod na rin siya at inantok na rin." Naka ngiti ring sabi ni Faith sa asawa.
"Come let me help you, mahal." Sabi ni Rafael rito sabay kuha sa batang tulog na tulog na nga sa balikat ng asawa.
"Sandra!" Biglang sigaw ng isang babaeng hindi nila kilala sabay lapit sa kanilang pwesto.
"Oh! God! Baby." Naiiyak na sambit nito sabay sapo sa mukha ng bata na nasa balikat ni Rafael.
Nagising naman mula sa pagkakatulog nito ang batang babaeng tinawag na Sandra ng bagong dating na babae.
Inisip ni Faith na baka ito yung ina ng batang babaeng na nagngangalan palang Sandra. Siguro subra itong nagalala sa anak dahil kitang kita naman niyang haggard na haggard ang maganda nitong mukha. Umiiyak rin siguro ito kanina pa dahil maga rin ang mga gilid ng mga mata nito.
"Mommy!!" Masiglang sigaw ng batang babae ng makita yung mukha ng babaeng sumapo sa mukha nito.
Kinuha naman nito at niyakap agad yung batang babae at tulad ng ginawa nong babaeng bagong dating niyakap rin ito pa balik ng batang babae.
"Mom...mommy." Sambit pa ulit ng batang babae.
"Yes! Baby, I'm if i lost you. Mommy won't do that again. Mommy won't take away her eyes on you again. I'm sorry, I'm sorry." Sabi ng ina ng bata sabay halik sa nuo nito at saka niyakap ulit yung bata.
Tumingin naman si Rafael sa asawa niyang tahimik lamang na nasa tabi niya at nanunood sa mag inang nasa harapan nila ngayon.
"You, okay mahal?" Bulong na tanong naman ni Rafael sa asawa.
Ngumiti naman si Faith sa asawa niya. "Yeah! I'm fined mahal. Masaya ako't na hanap siya ng mommy niya." Sagot naman ni Faith sa asawa niya.
"Hi! I'm Sabrina, Krisandra's mother. I just want to say, thank you for taking care of her." Pakilala ng ina nito kina Faith.
Inabot naman ni Faith at Rafael yung kamay nito na naka lahad sa kanila. "I'm Faith! Siya naman yung asawa ko." Turo ni Faith kay Rafael.
"I'm Rafael! BTW, your welcome." Naka ngiting sabi naman ni Rafael kay Sabrina.
"Maraming salamat, talaga sa pagaalaga rito sa anak ko." Naka ngiting sabi sa kanila ni Sabrina.
Ngimiti rin naman ang mga asawa sa kanya. "Sab!!" Bigla na naman silang metpn narinig na boses mula sa likuran nila.
"Samantha, I found her." Masaya namang sambit ni Sabrina sa babaeng bagong rating sa tabi nila.
"Thanks, god!" Masaya rin sambit ng babae sabay yakap sa kay Krisandra.
"Tita." Masayang yakap ng si Krisandra rito.
"It most be her tita." Bulong naman ni Faith sa asawa. Ngunit parang na tuod na yata ang asawa niya dahil naramdaman nalang bigla ni Faith na para ba itong naninigas na bato sa tabi niya.
Tiningnan naman ni Faith yung asawa niya para tingnan kung okay lang ba ito. "Are you okay, mahal?" Tanong ni Faith rito.
Napatingin naman si Rafael sa asawang nagtataka yata sa kinikilos niya. Nagulat kasi si Rafael ng bigla niyang makita ang mukha nong babaeng tinawag na tita ni Krisandra.
Kilalang-kilala niya kung sino yung may-ari ng mukhang yon. Hindi rin inaasahan ni Rafael na pagkatapos ng lahay ng nangyari magkikita ulit silang dalawa ni Samantha!
Matagak na niyang kinalimutan na naging malapit siya sa babae yan. Pinagsisihan niyang hinayaan niya itong maging malapit ito sa kanya at wala na siyang balak na mapalapit pa ulit ito sa kanya muli at lalong-lalo na sa asawa niya.
"Mahal!?" Tawag pansin ulit ni Faith sa asawa. Ngunit wala mang lang salitang lumabas sa bibig nito humarap lamang ito sa kanya sabay hawak sa kamay niya at balak yata nitong umalis na silang dalawa sa harap nina Krisandra at ng mommy saka tita nito.
Nagtataka nga si Faith kung bakit nagkakaganon ang asawa niya. Tatanongin na sana niya ito ng magsalita naman yung tita ni Krisandra na si Samantha.
"Rafael!!?" Gulay na sambit nito sa pangalan ng asawa niya. Nagpalipat-lipat naman yung tingin ni Faith sa asawa niya at kay Samantha.
Hindi niya alam na magkakilala yung dalawa. Hindin niya matandaang naging kaibagan nila ito dati.
"Raffa! It's me, Samantha!" Masayang pakilala ni Samantha sa kanyang sarili. "Natatandaan mo pa ba ko?" Tanong pa ni Samantha.
Tumango naman si Rafael sa tanong ni Samantha. "Yeah! BTW, aalis na pala kami ng asawa ko! Gabi na rin kasi malayo pa yung byuhe namin." Paalam ni Rafael sa mga to. Akmang hihilahin na ni Rafael ang asawa pa alis ng pigilan sila ni Samantha.
"Wait! Ang tagal nating hindi nagkita. Baka pwede naman sumabay nalang kayong kumain samin." Naka ngiting anyaya nito sa kanila.
Tumingin naman si Faith sa asawa ngunit hindi ito naka tingin sa kanya. Maitom itong naka tingin sa malayo. "Pasensya kana pero kailagan na naming umalis. Saka hindi pa naman kami gutom." Tangi naman ni Rafael sa paanyaya ni Samantha.
"Mahal, okay kalang ba? Wala naman problema kung sasabay tayo sa kanilang kumain ah." Biglang sambit naman ni Faith sa asawa niya.
Bumuntong hininga naman si Rafael sabay tumingin na rin sa nagtataka paring asawa niya. "Gusto mo bang sumabay sa kanilang kumain?" Tanong ni Rafael rito. Tumango naman si Faith sa asawa.
"Okay, fine sasabay na kami sa inyo. Pero hindi rin kami magtatagal." Merong finalidad na sambit ni Rafael.
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top