05 | complicated
Ang kumplikado talaga ng Math! Just like life...
"This is just easy. You just have to substitute x with 5."
Tinitigan ko 'yung Math homework namin. "All the x?" Medyo natigilan si Kiefer pero tumango naman siya kaya binura ko lahat ng x na nakita ko sa papel, kahit 'yung nasa mga sentences.
"No, no, no! I mean, all the x's in problem number 1!" Ano?!
"Sabi mo all x!" tinaasan ko na siya ng boses. Nakakabwiset na kasi eh. Sabi niya kasi lahat ng x! Sinusunod ko lang naman siya.
"Sabi ko all x's in number 1!" aba't tinaasan rin ako ng boses!
"Why are you shouting at me?!"
"Because you're shouting at me!"
"You're the teacher here! You should be patient!"
"You're the student here! You can't shout at the teacher!"
"Ahhhh!" I shouted in frustration. He's just as complicated as the subject he's teaching.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa ice cream shop. Bakit ba kasi dito ang napili niyang tambayan? Magsisigawan lang pala kami.
Kinuha niya ang papel ko at binura lahat ng bura ko. Buti pala lapis ang gamit ko. Pagkatapos niyang burahin, nilapag niya ang papel sa harap ko. "Okay, I'm sorry. Maybe you're just tired... even though we're just starting to answer the first problem." Nagpapaka-sarcastic ba siya? Hay ewan.
"I told you, I'm not good at this," halos pabulong ko nang sabi. Ayoko nang sumigaw, nakakapagod. At tsaka nakakahiya na rin sa ibang customer, baka paalisin pa kami.
"I know. I said, I'm sorry," poker face niyang sabi. Di ko tuloy alam kung sincere siya o ano.
Mahabang katahimikan ang pumagitna sa amin. Pasulyap-sulyap siya sa menu na nasa harap namin. Di pa kasi um-order, halata namang gusto niya ng ice cream. Siya ang nagsabi na dito kami mag-tutoring kuno sa ice cream shop, of all shops. Pwede namang sa coffee shop na lang o sa isang fast food chain pero sa ice cream parlor pa talaga ang nais. Sa bagay, ayos na rin kasi malamig dito, unlike sa labas na ayaw patalo sa init ng impyerno.
"Do you want ice cream?" tanong niya.
"No, why?" Mukhang nagitla siya sa sinabi ko. What's with the face? Ice cream is for kids. Technically, 13 is not a kid anymore.
He shrugged. "Wala lang. I want one."
"Then buy."
"I don't have money. I thought ice cream here is cheap," he said then he puffed some air. Para siyang bata, nakakairita!
Dinukot ko ang wallet sa bag ko at inabot 'to sa kanya. "Go, buy."
"Are you sure?"
"Ayaw mo?"
Hindi siya nakasagot. Baka hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng ayaw. Nilapag ko ang wallet ko sa table at itinulak papunta sa kamay niya.
"That's your money and I'm going to buy my ice cream?"
"Huh? I thought you're smart? Why are you asking me that?"
"I mean, you don't want ice cream, right?"
"Yeah, I don't." Ano bang gusto niyang ipahiwatig?
"And I want ice cream and I'm going to use your money. Is that okay?"
I sighed exasperatedly. "Would I hand my wallet to you if it's not okay?"
"But Miss Lakewood--"
"What flavor do you want?" I cut him off.
"Cookies and cream. Wait, why?"
"How many scoops?"
"Two? Miss Lakewood--"
Tumayo na ako bago pa man siya magpatuloy sa pagsasalita. Dire-diretso ako sa cashier at um-order ng dalawang scoops ng cookies and cream. Mabilis lang naman itong nabigay sa 'kin kaya dinala ko na agad 'to sa table namin. "Here. Eat it before it melts," sabi ko sabay bigay ng kutsara at tissue sa kanya.
In-examine niya 'yung cup na binili ko. Ano? Walang lason 'yan. "Are you really sure, Miss Lakewood?" mahina niyang tanong na para bang kausap niya lang ang sarili niya.
"Yeah, I'm sure."
Tumingin siya sa 'kin. "Thanks."
"What 'thanks'? That has payment." Wala ng libre-libre ngayon.
"I'll just pay you tomorrow."
Umiling ako. "No, pay me later."
"But I don't have money right now."
"Just finish eating that first. I don't need money, okay?"
Natahimik naman siya at nagsimula nang kumain ng ice cream.
–×–
Pagkalabas namin ng ice cream parlor, tinanong niya ako, "How do you say 'you're welcome' in Tagalog?"
"Walang anuman," sagot ko.
"Walang anuman, walang anuman," paulit-ulit niyang sinabi. Tinuruan ko kasi siya ng ilang basic phrases in Tagalog kanina habang kumakain siya. "By the way, salamat for the ice cream."
"Walang anuman. And as I've said, that has payment."
"Ano?"
"Do you know Asher Rivera's house?"
"Um, yeah. It's near my house. Why?"
"Take me there."
"Why?"
"For your payment," sagot ko. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero binara ko siya. "No more questions. Come on, let's go! I'm getting toasted here!" Tinakpan ko ang ulo ko habang hinahagilap ko ang payong ko. Init-init naman dito sa Florida! Sa lahat ba naman kasi ng lugar na pagtitirhan ng tatay ko sa mala-hurno pa. Mas mainit pa sa Pinas! Well, sa sobrang lamig ba naman niya, kapag sa Alaska pa siya tumira baka maging malaking ice cube na lang siya bigla.
Nagsuot ako ng cap tsaka binuksan ang payong. Nilingon ko si Kiefer. "Let's go!"
Sumilong siya sa payong ko nung magsimula na kaming maglakad. Wala naman sanang problema; siya naman ang nahihirapan kasi nakayuko siya. Ang kaso nga lang, pang-isahan lang ang payong ko. Ang sikip! "Uy ano ba! Get out!" tinulak-tulak ko siya pero di siya natinag kundi kinuha niya pa ang payong ko at siya ang naghawak. Nasisinagan tuloy ulit ako ng araw. "Ang kapal ha! Akin na 'yan!" pilit kong inaabot 'yung payong pero chill niya lang na iniiwas-iwas. "Ano ba, naaarawan ako! Araw means sun!"
"I'll hold the payong for you. Just stay close," sabi niya tapos inakbayan niya ako at inilapit sa kanya. "Stay in my shadow because if you'll cross the boundary, you'll burn."
Natakot naman ako dun sa "burn" kaya mas lalo pa akong lumapit sa kanya. Nadikit ang tenga ko malapit sa kanyang dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso niya... Parang 'yung drum beats sa mga paborito kong rock songs. "Miss Lakewood..." ang lumanay rin ng boses niya, para siyang kumakanta. Ganto pala 'pag sobrang lapit mo sa isang tao? First time ko 'to eh. "Who are you going to write to in our project in English?"
In-announce kanina ni Ma'am Kyla—ang aming English teacher—ang project namin na ipapasa bago magsimula ang winter break. Gagawa kami ng short story tungkol sa isa naming kaklase, ipapasa namin kay Ma'am, tapos siya ang magbibigay sa kaklase namin nung story pagkatapos malagyan ng grade. Kaklase ko naman sa English si Jin so baka siya ang sulatan ko.
"I'm going to write to you," sabi ni Kiefer na nakapagpawala ng mga thoughts ko.
"T-to me?" nalilito kong tanong. Bakit sa 'kin? Di naman ako makatingin sa kanya kasi sobrang lapit niya.
"Yeah."
"Okay," wala na 'kong masabi.
Di na ako umimik hanggang sa nakarating kami sa isang subdivision. Pero di pa rin maalis sa isip ko kung bakit niya ako susulatan. Ang sama ko kaya sa kanya! Lagi ko siyang sinisigawan. Umiinit palagi ang dugo ko sa kanya. Ano naman ang maisusulat niya tungkol sa 'kin? At kung susulatan ko siya, anong sasabihin ko?
Kapag kay Jin, marami akong masasabi. Isa na dun ay kung paano ko ina-admire ang pagka-positibo niya. Alam ko rin na gustong-gusto niya manalo sa basketball championship kasi humingi pa nga siya ng tulong sa 'kin para kumbinsihin si Kiefer na...
Oo nga pala! I need to convince Kiefer!
"Kiefer..."
"We're here," sabay na sabay niyang sabi nung tinawag ko siya. "This is Rivera's house," turo niya sa isang simpleng bahay na puti ang pintura at pula ang roof. Kumpara sa mga bahay dito, medyo maliit ito, pero kung iko-compare sa bahay namin sa Pilipinas, magarbo na 'to. "My house is just next to this street," pagpatuloy niya.
I bit my lip then I faced Kiefer. "Kiefer, I saw you last Saturday playing basketball. I was a bit pissed off because you said you hate it, but it turned out that you were so good at it. Why don't you join the team?"
Lumaki ang mata ni Kiefer. Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "Jin always say that I should join. But it's not that I don't want to..." he trailed off.
"Then what is it?"
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. "I can't, okay? I just can't... I'm sorry, I'm leaving," sabi niya at tumalikod na siya.
"Kiefer," tawag ko pero tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Mainit pa, di mo kinuha 'yung payong ko. Aish, bahala ka dyan.
Di pa naman ako nababaliw. Nakita ko siya nung Sabado na naglalaro at hindi lang siya basta-basta. Tuwing titingin ako sa kanya, pasok ang mga tira niya. So ano 'yung sinasabi niyang hindi niya kaya? Parang ewan lang.
Kiefer Jacinto, mas kumplikado ka pa sa Math, alam mo ba 'yun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top