Move Six

The First Invitation
~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nasa Starbucks kami ni Cait at ni Patricia nung mag-text si kuya na may competition daw sila this upcoming Saturday. Of course, normally, agad akong papayag na sumama. Pero this time, humindi ako kasi nag-promise ako kay mama na uuwi ako this weekend. Last weekend hindi ako nakauwi dahil sobrang naging busy si kuya na walang p'wedeng mag-drive sa akin, tapos marami din akong homework at project na dapat gawin. Nagtampo ata sa'kin si mama kaya this weekend, kailangan ko talagang umuwi. At nung sabihin ko 'yun kina Cait, agad nila akong pinilit na umuwi nalang after the competition.

"Hindi nga kasi p'wede," pang-anim na sabi ko na ata sa makulit kong best friend. "Nagtatampo na ata si mama sa'kin, e. Alam niyo namang mahilig magpasuyo 'yun."

Tumawa si Patricia tapos ay tumabi sa'kin. Nandito kasi kami ngayon sa apartment nina Cait at Miko, and yes they live together. Seryosohan na sila. "Vanny, uuwi ka naman. After nga lang ng competition. Tsaka by that time wala nang traffic so makakauwi ka ng maaga sainyo. Las Piñas lang naman."

"True," singit ni Cait at binato ako ng unan. "Ano ba? Nag-away na naman ba kayo ni Zane kaya 'di ka pupunta?"

Pagbanggit niya ng pangalan ni Zane ay agad akong namula. Natandaan ko kasi 'yung nangyari noong Friday, e. Noong sinabi niyang pinapasaya ko siya kaya ayaw niya sa'kin. After he said those, hindi ako nakapag-salita at agad niya akong inasar hanggang sa napikon na ako at nag-away na naman kami. Nagtake out lang kami ng tapsilog kasi nasira na 'yung peace time naming dalawa tapos pareho kaming nagdadabog nang makauwi na kami. Usually, hindi ako maaapektuhan masyado kapag nag-aaway kami kasi sobrang nasanay na ako. Pero sa araw na 'yun... Gosh. That day was different and I know why. Dahil lang sa lintik na sinabi niya! Dahil lang doon!

Napakurap ako nang maramdaman kong may tumulak sa'kin at agad kong inirapan si Patricia. "Para saan naman 'yun? Grabe siya."

"Natulala ka bigla, e." Ngumisi siya ng mapang-asar. "Iniisip mo si Zane, 'no? Ayiie! Kinikilig ka ba, Vanny?"

Napangiwi ako. "Kung ano-ano naman sinasabi mo d'yan. Naisip ko lang kung paano ko ba siya ililibing—kung patay ba o buhay."

"Echos mo lang 'yan, e," asar ni Cait tapos ay kinurot ang bewang ko. "Ano? May nangyari ba at biglang nagshift ang atmosphere sainyo?"

"Shift? Ha?" Minsan talaga hindi ko ma-gets ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Lalo na kapag pinagpipilitan nilang may something sa amin ni Zane maliban sa hate and war. Because as far as I know, puno lang ng away ang relation namin.

Tumango si Cait tapos ay napasimangot. "Come to think of it, mas dumadami na ang peaceful moments ninyong dalawa. Hindi na nga physical ang away niyo, e. Puros bangayan nalang."

"Nagkaka-inlababoan na ba kayo?" excited na tanong ni Patricia kaya napasimangot ako.

"Unang-una sa lahat, hindi ako mai-in love kay Zane. Hell no! Pangalawa, hindi kami talo. Aso't pusa nga kami, e. And lastly, akala ko ba ang pusta mo ay hindi kami magkakatuluyan, Pat?"

Nagkibit-balikat si Patricia. "Pinusta ko 'yun noon, noong medyo fresh pa at magrabe pa ang war niyo. Pero ngayon mas kumalma na at napapansin ko na 'yung chemistry."

"Tama!" Natawa si Cait at kinikilig na napatili. "Kayo nalang ni Zane ang 'di nakakakita non."

"At hinding-hindi namin 'yun makikita," sabi ko pero natawa lang sila pareho kaya napailing ako.

"Whatever," sabi ni Pat at may hinanap sa bag niya. "Basta pumunta ka doon sa competition this Saturday, ha? Baka mainis sa'yo ang mga Troopers."

Nagkibit-balikat ako. "Maiintindihan naman nila, e. Tsaka hindi naman matampuhin si Cody at Angelo. Si kuya Vin naman, alam niya 'yung promise ko kay mama. At si Miko naman... Well, madali lang suyuin 'yun. Makikipaglaro lang ako sa PS4 niya."

"Hindi mo ata binanggit si Zane?" taas-kilay na tanong ni Cait.

Napasimangot ako. "Seriously, kayo ata ang may obsession kay Zane, e. Bakit ba lagi niyo siyang sinasali sa usapan?"

"Kasi laging ikaw ang kausap namin," sabi ni Pat at nakangising pinakita sa'kin 'yung phone niya. "Sinabi ko nga pala kay Zane na ayaw mong pumunta."

Tinaasan ko siya ng kilay. "So? As if naman magre-react 'yan sa—"

"Sabi niya 'make her go' daw," singit ni Cait na nasa phone nadin niya. Napasimangot ako at aagawin na sana 'yung phone niya pero nilayo niya sa'kin. "Nasa group message po! Check mo kaya?"

"Fine." Nilabas ko ang phone ko at pumunta sa group message namin.

Patricia: Hindi daw sasama si Vanny sa competition this Sat

Miko: bakit? away sila ni zane???

Zane: WTF MIKO. Ako agad? Hindi kami nagaway. Drama queen lang yan.

Napairap ako. "Pati talaga sa text hindi ako maiwasang laitin, e!"

"Hindi ka din niya maiwasang mahalin," asar ni Cait kaya pinaningkitan ko siya ng mata pero nag-apir lang sila ni Patricia.

"Bet ko 'yang sinabi mo, Cait! Galing galing mo talaga," sabi ni Pat kaya tumahimik nalang ako. Kapag nagsalita pa ako, alam kong mas aasarin lang nila akong dalawa.

Patricia: Zane ayaw talaga niya

Zane: make her go

Vin: LOL

Miko: #ZaNessa

Cait: Zac Efron and Vanessa Hudgens??

Miko: ...

"Tanga mo talaga, Cait," sabi ni Pat at maski ako ay natawa.

Napalabi si Cait. "Grabe naman, nagbibiro lang kaya ako! Alam ko namang si Zane at Vanny 'yun."

"Ewan ko sainyo." Napailing ako at napasandal sa inuupuan ko. I sipped my frappe and shook my head. "Hindi magiging kami ni Zane. Itaga niyo 'yan sa bato."

Tumawa si Pat. "With us as your friends, baka ibato namin 'yang bato na 'yan sa dagat."

"What?" Sumimangot ako.

This time, si Cait naman ang tumawa. "Tanggapin mo nalang, Vanny. It will happen. You and Zane will happen."

=•=

"Kuya Vin, ayaw akong tantanan ni Miko!" nagdadabog na sigaw ko at pumunta sa sala kung saan nagp-practice si kuya Vin at Zane ng routine nila para sa Sabado. Tinulak nila sa gilid 'yung mga couch at 'yung coffee table kaya mas space sa gitna at medyo natigilan ako nang makitang shirtless si Zane at pawisang umiinom ng tubig. Ayoko man, bumaba ang tingin ko sa dibdib niya at napalunok ako nang makita ang abs niya. One, two, three, four, five... Damn! Six packs!

"—hindi ba p'wede 'yun, Vanny?"

Napakurap ako at napatingin kay kuya na kinakausap pala ako. "Ha? Ano 'yun, kuya?" Sorry, nadistract ako sa abs.

Huminga ng malalim si kuya Vin. "Sabi ko, hindi ba kasi p'wedeng next week ka nalang umuwi? Ako na ang kakausap kay mama. First competition 'to ng Troopers o."

Pinagkrus ko ang mga braso ko at napalabi ako. "Kuya, gusto mo bang magpasuyo ng bongga si mama? Ako din naman mahihirapan kasi ikaw spoiled ka, e."

Napangisi si kuya Vin. "Kasalanan ko bang ako lang ang anak na lalaki?"

"Vanny, hayaan mo nalang kasi na si Vin 'yung sumuyo kay tita," singit ni Miko at inakbayan ako. "Diba, Vin?"

Tumango si kuya. "Alam naman ni mama na kayo ni Cait ang cheerleaders namin, e. Maiintindihan niya 'yun, at sasamahan kita next week."

"Kuya..."

"Nessa."

Napatigil ako at napatingin kay Zane. "Oh, bakit?"

"I'm gonna see you there," saad niya at walang sabing pinatunog na naman ang remix nila. Natulala ako saglit sa sinabi niya at hindi ako nakapagsalita agad. Si Miko naman, natutuwang niyakap ako.

"Si Zane lang pala kailangan, e," aniya tapos ay hinalikan ang noo ko bago tumabi kay Zane at sumabay sa pagsayaw nito. Maang na napatingin ako kay kuya Vin at nang-aasar na kumindat lang siya sa'kin.

Ilang minuto ko pa sila tinitigan bago ako tahimik na pumanhik sa kwarto ko. Wala sa sarili naupo ako sa kama ko at nilabas ang phone ko, and next thing I know, I was texting mama.

Mama: It's OK Vanny. I'll see you next week. Good luck to the Troopers! :*

=•=

"Carmella, good luck sainyo," sabi ko sa isa pang dancer ng Troopers. Hindi kami ganon ka-close, kasi hindi siya masyadong nakikibonding sa amin pero mabait siya and she's like my ate. Next to Cait and Patricia, sakanya ako tatakbo kapag may problem.

Ngumiti siya at mabilis na niyakap ako. "Thanks, Vanny. I loved your pictures pala, noong welcoming party."

"Ang ganda mo kasi kahit stolen!" Tinignan ko ang outfit niya at pinuri ko ulit siya. She's so fit! Alam ko kasing nagwo-work out siya halos araw-araw kahit busy siya. Her stomach was toned and her legs and thighs, too. Body goals talaga 'tong si Carmella.

"Baliw ka, hindi naman masyado." Ngumiti siya tapos ay tumingin sa paligid namin. Nasa dressing room kami ngayon na para sa Troopers, at medyo magulo kasi nagme-make at nag-aayos 'yung mga girls. Maski nga si Cait na hindi naman magpe-perform ay nagpa-ayos sa stylist. Zane and Miko were on one corner, rehearsing some steps habang si kuya Vin at Patricia ay nasa isang gilid. "Buti naman nakapunta ka ulit? Akala ko hindi ka na pupunta."

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang, napag-tripan ko." Of course, hindi 'yun ang totoo. Pero ayokong aminin sa kahit kanino na si Zane ang dahilan kung bakit ako andito ngayon. Napabaling ako saglit kay Zane at nang magtagpo ang tingin namin ay agad din akong umiwas. Gosh, what's happening to me?

"Kayo na ni Zane?" tanong ni Carmella tapos ay sumandal sa inuupuan naming couch.

Nanlaki ang mata ko at mahina ko siyang hinampas. "Carmy, hindi! Bakit ba lahat kayo 'yan ang sinasabi?"

Natatawang napailing siya. "Alam mo, okay lang 'yan. Kasi 'yung asawa ng ate ko ngayon? Bago sila naging mag-on, halos magpatayan na silang dalawa."

Napangiwi ako. "Hindi naman kami ganon ni Zane, e. Iba kami."

"Vanny, walang iba sa pagmamahal."

Napasimangot ako. "Hindi kami—"

"Brat!"

Napairap ako. "Ano na naman?!"

Ngumisi si Zane at tumayo sa mismong harap ko kaya napatingala ako para makita siya. "Go get me a water bottle."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow. Maka-utos ka, ah? Upakan kaya kita?"

"Ba't di mo nalang gawin? Alis na. May vending machine d'yan sa hallway," utos niya at hinila ako patayo. Tinapakan ko ang paa niya kaya napaliyad siya. "Fuck! Bitch!"

Pinitik ko ang noo niya. "Sa susunod na utusan mo pa ako na walang please talagang makakatikim ka ng suntok!"

"Akala mo naman takot ako sa'yo? You hit like an ant," he hissed at me. Tinulak niya ang mukha ko kaya hinawakan ko ang kamay niya at kinagat 'yung isang daliri niya. "Shit, Nessa! Aso ka na?!"

Binelatan ko siya at kinuha mula sa back pocket niya 'yung wallet niya. "Huh. Whatever, Zane. Kasalanan mo din 'yan, e."

"Vanny, did you bite him?" Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Cody na nasa tabi na ni Angelo.

Ngumiti lang ako ng malawak sakanila at lumabas na ako ng dressing room. Agad akong napaubo at napahawak sa dibdib ko. Sobrang sikip kasi ng hallway tapos madami pang gamit kaya paniguradong maalikabok. Madami ding tao na dumadaan-daan at maraming sobrang pawisan. Napailing nalang ako at sinubukang sumingit-singit sa mga tao hanggang sa makita ko 'yung vending machine na sinasabi ni Zane. Halos matapilok pa ako kasi 'di ko nakita 'yung isang bag sa sahig. Tinadyakan ko pa sa inis at tumungo na sa machine.

Nang makuha ko na ang tubig ng maarteng si Zane. Hindi ko nga alam kung bakit pumayag ako, e. Pabalik na sana ako sa dressing room pero may nakita akong picture sa bulletin board kaya napatigil ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ko 'yung babae sa picture at nanliit ang mata ko nung subukan kong alalahanin kung saan ko nga ba siya nakita.

"Hmm... Natalia Ford?" Saan ko nga ba ulit nakita ang babaeng 'yan? Uh...

"Nessa, you brat! Hurry up!"

Napatingin ako sa pinto ng dressing room kung asan si Zane at inirapan ko siya. Malapit lang siya kaya binato ko sakanya 'yung isang bote at halos matamaan siya sa mukha pero yumuko siya. Natawa ako. "Gago!"

"Come back here, bitch!"

"Bwisit ka!"

"Tangina! Maghalikan na nga lang kayo!" rinig kong sigaw ni Angelo mula sa loob at namumulang nilagpasan ko si Zane at tumabi kay Carmella.

Tumawa siya at inakbayan ako. "So... kayo na ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top