Chapter 32
Chapter 32
Hindi ako maka-tulog.
Kanina pa paulit-ulit sa isip ko iyong sinabi ni Shanelle. Did she mean that... she's gay? Iyon ba ang ibig sabihin niya? I kept on repeating our conversation inside my head pero doon talaga ako paulit-ulit na bumabagsak. That she's gay... Because that's what she meant, right? Nung sinabi niya na hindi siya attracted kay Samuel at hinding-hindi siya maaattract? Or maybe she's asexual?
This case was driving me insane. I needed another drink. I should really start charging Shanelle sa mga iniinom ko. Gagawin talaga akong alcoholic ng kaso na 'to. Parang hindi ko na kayang matulog ng walang tulong ng alak sa sistema ko.
Naka-tingin lang ako sa kisame hanggang mag-alarm iyong cellphone ko. Mabilis akong naghanda para sa pagpasok ko sa opisina. I needed to work to distract myself. This was just a case—this wasn't my life. I shouldn't put all my energy into this case.
Pagdating ko sa opisina ay ako pa ang nagbukas nun—ganoon ako kaaga. I made myself a strong cup of coffee—iyong enough para magpalpitate na ako. Pagpasok ko sa mismong opisina ko, hinubad ko iyong heels ko at nagpalit ng tsinelas. I figured I'd just be finishing doing my pleadings today. Iyon ang gagawin ko. Aasikasuhin ko iyong ibang mga kaso ko.
"What?" I answered nung kumatok si Therese sa pintuan ko.
"What time ka pupunta?" she asked.
"Pupunta saan?" naka-kunot noo na tanong ko.
"Event?"
There was a cloud of confusion hanging over my head for a split second... bago ko naalala na ngayon nga pala iyon. Shit. I completely forgot! Sa dami ng nangyari sa buhay ko at sa kaka-isip ko sa sinabi ni Shanelle sa akin kahapon, nakalimutan ko na iyon!
"Nalimutan mo?"
Tumango ako. "Pwede ba na 'wag na ako pumunta?"
"No," sabi niya. "You know—"
"Fine, pupunta na," I said, cutting her off, dahil alam ko naman kung saan papunta iyong sasabihin niya. She'd lecture me again about how although we're but a small firm, we still needed to 'mingle' with other lawyers. Ganon naman talaga—one lawyer can't handle it all. And we needed to make connections para in case na hindi nila kayang hawakan, sa amin nila ipapasa. That's how it usually works.
Dahil alam ko na magagalit sa akin si Therese kapag hindi ako pumunta, umuwi na ako sa condo. I took a quick shower. Paglabas ko ay saka pa lang akong namili ng isusuot ko. It's usually a black-tie event. I got my black floor length gown na off shoulders. Tinatamad akong magsuot ng heels kaya flats na lang ang isusuot ko. Wala namang makaka-kita. Nung decided na ako sa isusuot ko, I was about to look for the blower nang matigilan ako.
"Dapat na kitang itapon," sabi ko habang naka-tingin ako sa may Dyson na blower. Ilang beses ko ng sinubukan na itapon iyon, pero lagi akong natitigilan. Una, mahal. Pangalawa, bakit ko naman itatapon? Naisip ko na lang na pagkatapos ng lahat ng ginawa at sinabi sa akin ni Samuel, deserve ko 'tong gintong blower na 'to. Ito na iyong moral damage niya sa akin—kulang pa nga 'to kaya tinago ko lahat ng regalo niya sa akin noon.
Sinubukan ko na gamitin iyong blower, but for some reason, nauwi ako sa paggamit ng electric fan para patuyuin iyong buhok ko. Instead, tinali ko na lang iyong buhok ko nang mahigpit and put some gel para mukha naman akong malinis tignan. Naglagay lang din ako ng red lipstick at ng konting pabango.
The event was in some fancy hotel. As expected, puno na iyong parking. Doon ako nagpark sa malapit na resto. Bumili na lang ako ng pagkain doon para 'di naman nakaka-hiya. Kapag kasi sa hotel pa ako nagpark, aabutin ako ng siyam-siyam dahil sa haba ng pila sa valet kahit sa normal na parking. Been there, done that.
Tahimik akong naglalakad. Papunta pa lang ako sa event ay excited na akong umuwi... pero baka hindi rin. Kasi baka kung ano na naman ang maisip ko kapag nasa condo ako at naka-tingin sa kawalan. Baka bumalik na lang ako sa office at magtrabaho. At least doon, magkaka-silbi ako kaysa mag-overthink na naman ako to the point na wala na akong magawang iba.
"Tagal mo!" reklamo ni Therese nung makita niya ako.
"Pasalamat ka nga pumunta pa ako," sabi ko sa kanya.
Bago pa man ako makapagreklamo ay umikot na kami ni Therese. Hinanap ko sa paligid iyong dalawa pa naming kasama. Nandito kaya si Jill? Sa G&Z na siya, e... Hindi niya na kailangan mag-effort sa mga ganito.
"CR lang ako," sabi ko after what felt like an hour na pakikipagchismisan namin sa mga tao dito. Dumiretso na ako palabas ng ballroom bago pa ako sundan ni Therese. I didn't want to lie so sa pinaka-malayong CR na lang ako pupunta. Naglakad ako papunta sa elevator. Tahimik sana akong tatayo sa harap nun para maghintay ng pagbukas nang mapa-tingin ako sa gilid.
He looked just as surprised to see me.
"Dea—" he said and then stopped himself. "Atty. Manjarrez," he continued, correcting himself.
I nodded to acknowledge him. Ayokong maging bastos. Ayokong kalimutan iyong manners ko. Ayoko siyang sigawan. Ayokong ibunton iyong frustration ko sa kanya. Ayoko na gawin sa kanya iyong ginawa niya sa akin dati kasi alam ko kung gaano kasakit iyon.
Kumunot ang noo ko nang tumayo siya at pumunta sa tabi ko.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"My lawyer's already preparing to submit our documents."
Tumango ako. "I'll wait to be furnished with my copy," pormal na sagot ko sa kanya. I could do this... I could talk to him as long as he kept it professional.
"Did... did Shanelle tell you anything?"
Mabilis na tumingin ako sa kanya. "You know I can't talk about my client with you," seryosong sabi ko sa kanya.
"I know. I'm sorry."
"Alam mo naman pala—then stop asking," sabi ko at naka-hinga ako nang maluwag nung bumukas iyong elevator. Mabilis akong humakbang papasok. Agad na kumunot ang noo ko nang pumasok din si Samuel at tumayo sa tabi ko. "What are you doing?" naka-kunot noo na tanong ko nang bigla niyang pindutin iyong close button ng elevator.
"Deanne, I don't want to drag you into this."
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at humugot ng malalim na hininga. "Samuel," pagtawag ko sa pangalan niya so that he'd know how ridiculous he sounded when he calls me by my name like we're fucking friends! "I am your wife's lawyer. I'm sure you know that I shouldn't be talking to you about your annulment proceeding. This is so unprofessional!"
"I know—"
"Alam mo naman pala, so bakit mo ginagawa? Sa taon ba na hindi kita nakita, nawala ba iyong utak mo along the way?" naiinis na tanong ko sa kanya dahil maliit lang iyong mundong ginagalawan namin. And surely it would be interesting to some people to know na hawak ko iyong annulment case ng ex ko. How would it look like kapag nakita na ganito na nag-uusap kami? Mamaya pagbintangan pa kami na may collusion!
Although it would be favorable to Shanelle... if the prosecutor's office will suspect collusion...
Tsk. No. Ang pangit tignan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
I hated that I could see the expression on his face on the door. Nang bumukas iyong elevator ay mabilis akong lumabas. Hindi ko dapat siya kausapin. I hated this, I hated everything about this, but the moment I accepted Shanelle as my client, she's already got my loyalty. I will be by her side hanggang matapos 'tong... kalokohan na 'to.
I love my job—and I will be professional in every step of the way.
Pumunta ako sa CR. Kung pwede lang na umalis na ako, aalis ako, pero alam ko na simangot ni Therese ang una kong makikita bukas kapag nalaman niya na umalis ako. Pagbalik ko, nakita ko si Samuel sa may bandang pool. He was all alone. Naka-tingin sa kawalan. Parang malalim ang iniisip.
'Go back and socialize,' sabi ng matinong parte ng isip ko. 'Bobo ka talaga,' muling sabi niya nang makita niya na dinadala na ako ng mga paa ko papalapit sa kanya.
"Don't," I said nang makita ko na tumingin siya sa akin. I kept my distance. Nandoon ako sa kabilang dulo at naka-hawak sa railings. "I'm just here... at nagka-taon na nandito ka rin," I added. "Plus it's an event for lawyers. So, it's not unusual na magkita tayo."
Tumango siya. The wind blew in my direction. Halos mahigit ko iyong paghinga ko nang maamoy ko iyong pamilyar na pabango. Bakit iyon pa rin ang gamit niya? Bakit hindi siya nagpalit?
"My client wants this case dismissed," I told him as professionally as I could.
"No," he replied.
"Then, why marry her in the first place?" I asked. When Shanelle told me that it was a marriage for convenience, I believed it... At least, for her. Sa nakikita ko kasi, masaya na siya sa ganon. Maybe hindi masaya—more like she's... fine with it. Pero si Samuel? I never pictured him as someone who would marry just because it's convenient. O baka ganoon na rin siya. I should really stop comparing the Samuel I knew back then to the Samuel I am looking at now. Magkaibang tao sila. Kagaya ng iba na rin ako sa nakilala niya dati.
"It sounded like a good idea at that time," sagot niya.
"And it's not anymore?"
"It never was a good idea," he replied.
"Then why did you do it?"
"You won't like my answer."
"Why?"
"Because then I'll have to talk about you."
Napaawang iyong labi ko. Humigpit iyong hawak ko sa railing nang maramdaman ko iyong pagtingin niya sa akin. I knew I should be reminding him not to look at me, but I couldn't find my voice at the moment.
"Are you blaming me for the failure of your marriage, Samuel?" tanong ko habang naka-tingin sa kanya.
Umiling siya. "No," he replied. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa buwan nang mapatigil ako. "But sometimes, I couldn't help but think that if you were my wife, I wouldn't have to go through any of this."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Gusto kong magalit.
Gusto kong matawa.
He really had the fucking audacity to tell me that gayong siya iyong nakipaghiwalay sa akin!
"Don't, okay? Just don't," sabi ko nang maiayos ko ang sarili ko. If he couldn't be professional, then I'd be professional for the both of us. "May asawa ka. Tandaan mo 'yan."
"I'm sorry."
"Don't be sorry—be professional," I told him.
He nodded. We stayed quiet for a while—tanging tunog lang ng mga sasakyan na may mahinang hampas ng alon ang naririnig naming dalawa. I need to leave—I should leave.
"Sinabi niya na ba sa 'yo?" he asked to break the rather uncomfortable silence. "Because I don't want to talk about it unless it came from her first."
Bahagya akong tumingin sa gawi niya. "I'm... not sure," sagot ko sa kanya. "I think I understood what she said, but I couldn't be too sure," I continued. "But she said she wants this case dismissed," I added because Samuel was already aware of that.
"She won't even listen to me."
"Because she wants to stay married," I said, ignoring that little pain I felt because... I shouldn't. I couldn't. No.
"Because she needs to stay married," Samuel replied. "I'm doing this for her, too."
Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Naramdaman ko iyong pagbaling niya ng tingin sa akin. Kumunot ang noo niya.
"May nakakatawa ba?" tanong niya.
"Yes. This. Me, your ex, being your wife's lawyer in your annulment proceeding. Nakaka-tawa. Parang joke ng tadhana."
Pero hindi siya tumawa. Nanatili lang na seryoso iyong mukha niya habang naka-tingin sa akin—for a second, I was reminded of the past—nung mga panahon na magulo na kami, nung mga panahon na parang gagawin ko lahat para lang makita iyong ngiti niya dahil parang nalilimutan ko na kung ano ang itsura nun.
Ang layo ko na, pero ang bilis kong mahatak pabalik.
"I have a case, Deanne. I will get my annulment," he said.
"I'll do my best to have it dismissed, then," I replied, staring right back at him.
"I don't think your best can help you."
"You don't know me or how I work," diretsong sagot ko.
"How you work does not have a bearing here, Atty. Manjarrez," sabi niya sa ibang tono. "Shanelle knows I have a case that's why she hired you."
"Iniinsulto mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"No," he quickly replied. "I know you're good at your job," dugtong niya na naging dahilan ng paglalim ng kunot ng noo ko. "But me and my lawyer did a great job compiling our documents. Tell Shanelle that I will have Vito and Clary summoned if need be," he said like that meant something. "I will get my annulment, Atty. Manjarrez—consider yourself informed."
**
This story is already at Chapter 38 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top