SIMULA

PITCH

Grade 10 Days

"Nice one, Ally!" Nakipag-apir sa akin si Nich. I proudly smiled at him as I show him my gold medal.

I just won first place sa bowling. My sport.

"Dami na nito ah. Paarbor naman ng isa." Kinuha sakin ni Carter ang medal at ibulsa. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako.

Carter, Nicholas, Ferris, Lexi and Molly are my friends- Oh wait! My sisters and brothers rather. Of course not by blood but by heart.

"Nasan yung tatlo?" Ginala ko ang tingin sa paligid dahil hindi ko nakita sila Molly, Ferris at Lexi.

"Na miss mo na agad kami?" May gumulo ng buhok ko mula sa likod and I know na si Ferris yun because he's the only person who always do that to me.

Mahina ko siya siniko kaya binitawan niya ang buhok ko.

"We bought some doughnuts." Lexi showed me two boxes of doughnuts.

"And a matcha tea, of course." Molly showed me as well six cups of matcha tea from starbucks.

"You guys know me so well." I said habang may malaking ngiti sa labi. Basta may laro ako, binibilhan nila ako niyan kasi alam nilang favourite ko ang doughnut and anything Matcha flavor.

One of the reason kung bakit hindi ko kayang iwanan ang mga to.

"Kami pa." Inakbayan ako ni Carter habang mayabang na sinasabi yun.

"Anong kami pa? Excuse me lang huh, Carter pero wala ka kayang ambag dito," Lexi said tapos ay inirapan pa si Carter na tumatawa sa tabi ko.

"Ibuhos ko sayo to eh," Molly added pertaining to the teas na hawak hawak niya.

The boys and I laughed dahil sa sinabi nila Lexi and Molly but we were interrupted dahil may lumapit sa akin.

"Congrats, Pitch." It was Millet. Kasama niya sila Clayton, Radon, Ander, Miller at syempre si Raden.

I smiled at them.

"Thanks," I said pero kay Raden ako naka tingin na naka tingin din sa akin. Nginitian niya ako at nag salute pa sa akin.

"Huwag pahalata," bulong pa sakin ni Lexi tapos sinundot sundot pa yung tagiliran ko tapos parang kinikilig pa yung tono ng pananalita niya.

Tinulak tulak nila si Raden papalapit sa akin na naiiling lang sa mga kaibigan.

"Huwag ng mahiya, tol," tumatawang sabi ni Miller na siyang pasimuno nanaman. Piningot ni Millet si Miller sa harap namin kaya tumawa naman ang mga kasama nila.

"I'm hungry, let's go." Napatingin kaming lahat kay Clayton na nag lalaro ng rubix at parang walang paki-alam sa paligid.

Well, hindi na bago sa amin yun.

"Edi umalis ka kung gusto mo," Molly said
kaya natigilan ang lahat. These two hates each other for some reason.

"I'm not talking to you, wag kang sumabat," Sagot ni Clayton. Walang nag salita sa aming lahat.

"Uh-oh." I heard na pang-aasar pa ni Lexi.

"Hey, bro. Ayusin mo yang sagot mo." Lalapitan pa sana ni Carter si Clayton pero hinila ko si Carter.

"Carter," I warned him.

Tinaasan ng kilay ni Clayton si Carter at itinuloy ang pag lalaro ng rubix.

"Whatever." At nag simula na siyang mag lakad papalayo.

"We're sorry sa attitude ni Clayton. Anyway, mauna na kami." Millet gave us a shy smile dahil sa pinakita ni Clayton.

Tumingin ako kay Raden.

"See you around," he said at kinindatan pa ako.

I felt na nag-iinit ang pisngi ko kaya inasar nanaman ako ni Lexi. Hindi ko siya pinansin at tinignan lang ang grupo ni Raden na naglalakad papalayo sa amin habang hindi mapigilan ang ngiti.

.......

"Ang ganda niya talaga."
"Ang galing pa sa sports."
"Liligawan ko yan pre."
"Paano kaya maging isang Pitch ano?"

Ilan lang yan sa mga naririnig ako araw araw at mga nababasa sa comment section sa mga post ko sa social media. Aware ako na maraming umiidolo sa akin but I always keep my feet on the ground.

But one of the thing sa hindi ko alam kung paano ihahandle or paano ako mag rereact ay kapag shiniship ako sa iba't-ibang lalaki.

But one of the best ship that they ever made is PiDen. Pi for Pitch and Den for Raden. Corny, yes but I don't care.

"Hey."

Napa-tingin ako sa nag salita. Si Raden. Ibinababa niya yung bag niya na halos wala namang laman sa upuan na nasa tabi ko.

"Hi," ngiti ko sa kaniya.

Umayos ako ng upo at tumingin lang sa harap. I am a very confident person pero pag dating kay Raden, tumitiklop ako.

May lumitaw na chocolate sa harap ko kaya lumingon ako sa tabi ko.

Tinignan ko si Raden, halata sa mukha ko ang pagtataka kaya tumawa siya ng mahina.

"I know you love chocolates." I was stunned dahil hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung paano mag rereact. Akala ko kung ano na pero inilagay niya lang pala yung chocolate sa kamay ko.

"Thanks." Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

Nilagay ko sa bulsa ko yung ibinigay niya tapos ay hindi na ako nag salita. Pinanood ko lang ang mga classmate ko na nag uusap tungkol sa wala akong pakialam na mga bagay. Usual scenario sa classroom.

"Pitch." His voice is like a music into my ear. Ang sarap pakinggan na tinatawag niya ang pangalan ko.

"Yes?" Napakamot ng batok si Raden.

"Pwedeng pa-kopya?" Tinignan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Assignment sa science." Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung maiinis ba, matatawa o ewan pero ibinigay ko parin sa kaniya ang assignment ko.

......

Present

"Really, Pitch Allison?" Inagaw ko yung notebook na hawak ni Raden at ibinato sa kung saan. Andito kasi kami sa condo ko ngayon. He's reading my diary and for sure, aasarin na naman niya ako.

"Pwede ba, Raden?" Naiinis na sabi ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Kumuha siya ng chips sa ref at bumalik sa sofa na kinauupuan ko.

"Since grade 10, I see." Tumatawang sabi pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam niyang gusto ko siya and he's using it against me.

"So?"

Inagaw ko yung chips na hawak niya at kumain.

"Wala naman. I already cleared thing to you. We're just friends, alright?" Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ako makahanap ng salita para isagot sa kaniya.

Ayoko mang aminin pero nasaktan ako dun. Syempre umaasa pa rin ako na magugustuhan niya ako na higit pa sa kaibigan, kahit pa alam kong malabo.

"May nasabi ba akong mali?" Tinignan niya ako na para bang nagtataka tapos inagaw din sakin yung chips na hawak ko.

"Wala." Simpleng sagot ko at nanood nalang sa tv na nasa harap ko.

•••

Sa mga naguguluhan, yung unang part is nung grade 10 days palang nila. Yung pangalawang part is yung present na.

CONTINUE READING...



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top