Episode 50

Bumaba ang maligno na iyon sa puno. Kitang-kita namin kung papaano umalog iyon dahil sa kanyang simpleng pag-galaw lang. At nang tumalon na siya sa lupa ay talagang yumanig talaga ito na para bang may isang mabigat na bagay ang tumama dito.

"Salamat sa iyong ginawa noong nasa kaharian pa tayo ni Reyna Crizanta. Ngayon ay may kasintahan na akong sirena!" Ang biglang bulyaw nito nang makalapit sa amin. Para pa nga itong teenager na marupok kung makangiti ngayon.

There, I began to realized who he is. Siya pala iyong never been kiss at never been touch na kapre na nakilala ko sa kaharian. 'Yung sadboi. Siya iyong ipinares ko sa isang broken hearted na sirena para lang hindi na niya ako kulitin pa.

"H-Huy, ikaw pala iyan." I am trying hard to reflect from his high energy. Because practically, I am on the verge of my life now. The least that I want to focus at now is nothing but the only possible way for me to get out of this God damn world now.

"Salamat, ha! Mukhang bukas na yata ang kasal namin!" Sambit pang muli ng kapre.

Ha? Bukas na?! Napakarupok naman ng dalawang ito! Ilang araw lang sila nagkakilala pero bukas na agad ang kasal nila?!

"Wala na tayong panahon para sa walang kwentang pag-uusap!" Pumagitna si Maria Makiling sa amin. Halatang stressed na stressed na ito lalo sa pagdating ng kapre.

"Kailangan na nating makarating sa isla ng Panginoong Sidapa, ngayon din! Tumatakbo ang oras, walang mangyayari kung mananatili lang tayo dito!"

Napakamot ako sa ulo at talagang na-warshock na lang. Nataranta ako at agad na pumili ng tamang daan. Lalo pa akong nataranta nang gatungan iyon ni Maria Cacao. Hinayawan niya rin ako na dapat na raw akong magdesisyon.

Pero mas pala-desisyon ang kapre keysa sa akin. "Maaari ko kayong dalhin sa dagat ng mga sirena nang mabilisan! Malapit na lang iyon sa isla ng Panginoong Sidapa! Sa ganoong paraan ay mabilis kayong makakarating doon!"

"Talaga? Paano?!" Sabay-sabay naming tanong sa kanya.

Bagkus na sumagot ay nagulat na lang ako nang bigla, hinawakan ng kapre ang mga balikat ko. Matapos ay inangat niya ako sa ere. Pero napasigaw na lang talaga ako nang bigla, bumwelo siya. At huli na ang lahat ng inihagis niya ako sa ere!

Sa kanyang lakas ay para ba akong isang rocket ngayon na ang landing destination ay ang dagat. Wala na talaga akong nagawa nang bumulusok ako sa malalim na parte ng tubig. Muntik pa nga akong malunod! Kainaman talaga ang kapre na iyon!

Pero sadyang mabilis talaga ang mga pangyayari, bago pa ako maka-recover ay namalayan ko na lang talaga na nandito na rin sa tabi ko ang dalawang maria at si Liwanag. Lahat sila ay hinahabol ang hininga dahil kamuntikan na rin silang malunod!

"Grabe 'yon! Hindi man lang nagpasintabi ang kapre na 'yon!" Hingal na bulalas ni Liwanag. Ngayon ay para ba siyang nag-lalangoy aso.

"Gusto pa niya yata tayong patayin—" magpapatuloy na sana ako sa pagsasalita nang bigla ay matigilan ako.

Mula sa ere ay nakita namin ang kapre. At talagang hindi na nga kami naging handa pa nang siya naman ang tumama sa tubig. Sa bigat nito ay para na talagang sinalanta kami ng tsunami pagkatapos!

Bago pa kami talaga makabwelo sa kawalangyaan niya ay bigla itong sumigaw habang nagpapalinga-linga sa iba't-ibang parte ng dagat. Kaya kami't heto, napakatakip na lang sa aming mga tainga. Bukod kasi sa malakas ang boses ng maligno ay talagang ang sama talaga nitong pakinggan.

"Mahal! Nandito na si Ezra! Ang taga-daigdig na naging dahilan ng ating pag-iibigan!"

Ang corny, ampota.

I winced.

Pero talagang muntikan na akong mapatili na para bang isang babae! Bigla ay may lumitaw na ulo ng isang tao sa aking harapan. Ito ay isang babaeng maganda. Ngiting-ngiti ito na para bang nakita niya ang yamashita treasure!

"Huy! Ikaw pala iyan!" Sambit ng babae sabay kaway ng kanyang buntot na pang-isda!

Oo, siya nga ang sirena na siyang nakapareha ng kapre.

Pero bago pa man talaga ako daldalin nito ay pinalayo siya ni Liwanag. I even smirked because she looked jelous by the way how dangerously close that mermaid to me.

"Tama na ang satsat! Dalhin mo na lang kami sa isla ni Panginoong Sidapa dahil wala na kaming oras pa!"

Handa na sanang makipagdebate ang sirena sa kanya ngunit mabuti na lang ay napigil siya ng kapre. Siya na ang nag-atubiling magpaliwanag sa kanyang kasintahan. Dito ay umirap na lang ito kay Liwanag bago biglang ngumiti sa akin.

"Dahil sa pagpapakilala mo sa akin sa kabiyak ng aking puso, ako na ang bahala sa 'yo!" Sambit niya sa akin. At oo, bagay nga sila ng kapre na iyon. Parehong silang corny!

Doon ay biglang nakarinig na lang kami ng isang magandang huni mula sa sirena. It was a hum. It was so heavenly that I can't help but to stay calm. Para ba itong isang lullaby at ako ay isang sanggol na nahihimbing sa mga braso ng aking ina.

Napapikit ba lang talaga ako habang ine-enjoy ito.

At bago ko pa mapansin na marami na ang sirena ang nakaharap sa amin, namalayan ko na lang na tinutulak na nila kami sabay sa alon ng malamig na dagat. They are all humming in chorus that I can't help but to close my eyes once more and enjoy their voices.

Pero sadyang hinehele talaga kami ng kanilang kakayahan, hindi na namin namalayan na nasa dalampasigan na kami. Hiniga nila kami sa puting buhangin at dito ay bigla rin naman silang naglangoy papalayo. Natirang kasama namin ang kapre at ang sirena.

"Sana ay makauwi ka ng ligtas sa inyo, taga-daigdig." Sambit ng sirena habang buhat-buhat siya ng kapre na tumango sa akin habang nakangiti.

Isang matamis na ngiti naman ang iginawad ko sa kanila bago ako sumunod sa dalawang maria at Liwanag. Sila ay tumakbo na kasi agad patungo sa kakahuyan.

"Mukhang mahuhuli na tayo! Malapit nang sumapit ang paglitaw ng araw!" Nakatingalang saad ni Maria Cacao habang tumatakbo sa aking unahan.

Nang mapatingin naman ako sa langit ay nakita kong para ngang nagliliwanag na ito. Hudyat na paparating na ang araw para kumaway at isalya papalayo ang oportunidad ko na makatawid patungo sa mundo ko.

Matapos ay biglang natigilan si Maria Cacao. Iyon ang dahilan kung bakit lahat kami ay napahinto din.

"Mauna na kayong magpunta sa lagusan ng Panginoong Sidapa! Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tawagin ang bakunawa at kainin ang buwan nang pansamantala. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ko pa kayo ng karagdagang mga minuto para magtagumpay!"

"Maria Makiling," there is so much flame of motivations on her eyes, "ikaw na ang bahala sa kanila."

Tumango sa kanya ang diwata. Matapos ay inutusan na nito kaming magmadali. Tatlumpung minuto. Iyan ang itatagal ng buwan sa tiyan ng bakunawa bago nito ito iluwa. Iyan din ang itatagal ng mga minuto para kami ay magtagumpay sa aming pakay.

Dito ay wala na talaga kaming sinayang pang sandali. We ran as if our lives depends on it—well, as for me yes. At hindi nga nagtagal ay nakarinig ako ng isang flute. Ani Maria Makiling, si Maria Cacao raw iyon. Tinatawag na niya ang bakunawa.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Walang hinto. Matitisod pero aalagwa. At napakurap na lang ako nang bigla ay para bang dumidilim ang aming dinadaanan. Nang mapatingin naman ako sa kalangitan ay hindi ko maiwasan ang biglang kilabutan.

Ang bilog na buwan ay nasa bunganga na ngayon ng isang napakalaking dragon. Kamuntikan na talagang manghina ang mga tuhod ko dahil sa takot. Mabuti na lang talaga at naalalayan agad ako ni Liwanag.

Tumakbo pa kami nang tumakbo. 'Di na inalintana pa ang mga kakaibang bagay na nasasaksihan namin sa pagdaan ng mga oras. Basta ngayon, kami ay patuloy sa pag-alagwa. Nagdadasal na sana . . . sana ay makarating na kami sa lagusan ng Panginoong Sidapa.

"Malapit na tayo! Walang hihinto!" Sambit ni Maria Makiling.

At hindi nga talaga siya nagkamali. Sa isang pagliko kasi namin ay may nakakasilaw na liwanag ang tumatagos sa mga puno. Patuloy akong sinisilaw nito sa pagtakbo namin sa parteng iyon.

And then the magic starts when one blink of an eye, napunta kami sa isang bakanteng parte ng kagubatan. Pinaliligiran kami ng mga higanteng puno.

Pero sa gitna ng lugar na ito ay may isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng bahag at maskulado ang pangangatawan. Matangos ang kanyang ilong at nangungusap ang kanyang mga mata. Aaminin kong mas gwapo siya sa akin. Pero ang pinagkaiba lang namin, siya ay may mahabang sungay at ako naman ay may mahabang toot toot—ano ba, Ezra?! Mamatay ka na nga't lahat, iyan pa rin ang naiisip mo!

"Panginoong Sidapa . . ." Lumapit si Maria Makiling sa panginoon na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. "Ako ay may idudulog na naman sa iyo."

Dito ay nagsimula siyang ipaliwanag ang lahat sa Panginoon. May mga oras pa nga na para bang hindi ito sumasang-ayon pero sadyang mapilit ang diwata. Siya ang naglatag ng mga dahilan para ako ay payagan niyang makalabas. Ginagawa niya iyon habang maya't maya ang pagtingin sa bakunawa sa langit. Sa paraan ng kanyang paghinga nang malalim, mukhang kaunti na nga lang talaga ang natitirang oras para sa amin.

"Isa kang Panginoon. Dapat ang hangarin mo ay ang walang iba kung hindi ang maitama ang lahat ng kamalian dito sa mundong ilalim," dagdag pa ng diwata. "Kung hindi mo mapapalabas ang taga-daigdig na ito matapos mailuwa ng bakunawa ang buwan, ibabalita ko ito sa lahat ng mga Panginoon."

And her finale words are nothing but with a raising eye brow, "makikilala ka bilang isang Panginoon na pinabayaan ang isa na namang inosenteng buhay na makulong dito sa mundong ilalim habang buhay."

Sa mga dahilan ni Maria Makiling—na may halong pananakot ay napaisip ang Panginoon. Iyon ang dahilan kung bakit kami ngayon ay para bang mga atat na atat na naghihintay sa kanya. Sa hitsura kasi ng lalamunan ng bakunawa ay para bang ano mang oras, mailuluwa na niya ang buwan! Nagbabadya na rin ang pagsikat ng araw! Wala na kaming oras para sa pagdadalawang isip niya!

"Bilang panginoon ng kamatayan na siyang naatasan para kolektahin ang mga namatay na," panimula ng Panginoon. Nakakainis na para bang slow motion pa siya kung magsalita! "Pinahihintulutan ko na ang pagtawid ng taga-daigdig na ito patungo sa kabilang mundo. Hindi siya dapat na naririto sa una pa lamang. Isang pagkakamali na siya ay nandito kaya ito'y aking iwawasto."

Doon ay para bang nabunutan ng malaking tinik ang aking dibdib. Matapos niyon ay wala na talaga akong sinayang na oras. Agad kong ibinigay kay Maria Makiling ang mahiwaga kong bag na naglalaman ng kanilang mga hiling. Mabilis akong nagpasalamat at sinabing kung may oras lang talaga ako, luluhod ako sa kanila para sila ay pasalamatan.

"Mag-iingat ka at sana ay mabuhay ka nang mapayapa sa mundong ibabaw," nakangiting saad niya sa akin.

Ngumiti ako pabalik sa kanya. Matapos ay sumulyap ako kay Liwanag na ngayon ay butil-butil na ang luha sa mga mata. Natawa ako dahil marahil, akala niya ay iiwanan ko na siya . . . pero ang hindi niya alam, may plano ako.

Isasama ko siya sa mundong ibabaw.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Dito sa parte na ito siya humikbi. And when I hugged her, I smiled wide for what I am envisioning us to be in my world.

We are going to be each other's future.

Kasi kung dito siya dadaan, magiging isa na siyang tao at hindi na isang hayop. 'Di na katulad ng laging nangyayari sa kanya sa paglabas niya dati sa ilog kung saan niya ako pinadaan papunta dito—na otomatikong nagiging hayop, nananalig ako na isa na siyang tao kung sa lagusan na ito siya makakalabas. Sa lagusan kung saan matatagpuan ang aming walang hanggan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top