Episode 4
KINGINA.
Up until now, I still can't process the moment. Tipong para akong nananaginip lang na para ring hindi? Iyong gusto mong sampalin ang sarili mo para magising na sa katarantaduhang ito pero aware ka rin na totoo itong lahat? Na nandito ka talaga sa realidad at hindi ka nananaginip?
Magulo, oo.
Sobrang gulo.
Pero lalo lang gumulo ang isip ko sa mga lumipas na pangyayari. I witnessed it all. Unti-unti ay bumaba sa lupa iyong lalaking may pakpak ng agila. Sa pagbaba niya ay nahahawi niya ang mga tuyot na dahon na tahimik na nakahiga sa lupa. Iyon ang dahilan kung bakit nagliparan sa ere ang mga dahon na iyon.
"Ilang ulit ko bang dapat ipaalala sa iyo na 'wag galawin ang kung sino mang taga-daigdig na maliligaw dito sa mundong ilalim?" The eagle man mumbled at the old lady who looked more of a witch rather than a normal one.
Ang matandang babae naman ay tila bang takot na takot. Nanginginig ang kanyang tuhod. Nawala na ang kaninang nakakatakot niyang ngiti. Napalitan ito ng labis na kilabot mula sa kanyang mga mata. Para ba siyang nakakita ng multo. Para siyang ako noong nag-anyong multo siya. Bilis talaga ng karma, pucha.
"Sumagot ka, Hukluban!" The eagle man's fury voice roared all over the maze. "Ilang ulit pa bang pagpapa-alala ang gusto mong gawin ko nang sa gayon ay matauhan ka na!"
I was just here, listening and trying to assess the moment. Para akong batang nakikinig sa away ng mga matatanda. Para akong inutil na kikisap-kisap lang ang mga mata dito sa kanilang tabi.
"Magpasalamat ka at yumao na ang Bathala. Kung buhay lang sana siya ngayon, naidulog ko na sana sa kanya ang kitilin ka!"
Naiiling na lumakad ang matandang babae nang papa-atras. Sa puntong ito ay lumabas na ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. "H'wag po, Lakambini! Parang awa mo na, h'wag po!"
Kitang-kita ko ang labis na takot sa mga mata niya. I can literally see her fear to reflect on her wide eyes. Hanggang sa bigla, nagliwanag na naman ang kanyang katawan. And before I can even knew it, she is now a crow. Mabilis siyang lumipad papalayo sa amin.
And just like that, I am left here with this . . . this bird man?
"Paano ka nakarating dito, taga-daigdig?" Ang sambit ng maskulado niyang boses. Doon ko lang napagtanto na sa akin na pala naka-focus ang kanyang mga mata.
At some point, I was stunned by his gaze. His eyes are hazel brown and it's intimidatingly beautiful. And with that face of him, there is one word that could describe him right now— Godly.
Mas mukha siyang babae keysa lalaki. His face is perfect. It is really flawless that even Liza Zoberano's beauty will be intimidated by it. Para bang may natural na filter ang kanyang mukha.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makasagot. May kakaibang epekto kasi talaga ang kanyang mukha. Hindi ko man gustong mabighani ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. I just found myself enjoying the view of his face rather than answering his simple question.
"Sumagot ka, taga-daigdig." Ang sambit niyang muli. This time, he is walking towards me with the tip of his wings touching the ground. "Papaano ka nakarating dito sa mundong ilalim?"
But I really can't speak. I can't even think of anything right now. I was just lost on his eyes. I can't even move a finger. Paralisado lang talaga ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
Pero laking gulat ko na lang nang bigla, mabilis pa sa ihip ng hangin ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang na nasa leeg ko na ang kanyang kamay. Hanggang sa pumagaspas na naman ang kanyang pakpak.
Before I can even ready myself for it, we are now in the middle of the sky. With him, constricting my neck as if aiming for my life. And with me, choking to the fact that I might face my death today.
Badtrip talaga!
Mamamatay na nga lang, mukhang dahil sa isang mulawin pa! Letcheng buhay 'to!
Tulong, Mama!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top