Episode 33

"HAHAYAAN mo na lang ba na magtapos ang lahat dito?" Ang pagpapatuloy ng malaki niyang boses na animo nanggaling pa talaga sa kailaliman ng lupa dahil sa kapal.

Right now, I am just sobbing and crying and letting all of my emotions out as I stared at her red eyes.

Eufrocina.

Yes, it is Eufrocina's.

Nakatayo pa rin siya sa aking gilid. Sa lakas ng hangin ay umaalon ang mahaba at ginintuan niyang buhok. Ganiyon na rin ang kanyang bestida.

"Isinakripisyo ni Liwanag ang kanyang buhay para sa iyo, para mapagtagumpayan ninyo ang misyon ninyo dito," she continued.

Her voice, her tone . . . is different. Mula sa pagiging cold ay may emosyon na akong nararamdaman dito. Could it be sadness? But most of all, paano niya nalaman na nandito ako ngayon? At paano niya rin nalaman ang tungkol sa pagkamatay ni Liwanag?

Pero tila ba nabasa niya ang laman ng utak ko. Nang muli siyang magsalita ay nakuha ko rin sa kanya ang sagot sa katanungan ko.

"Nalaman ko ang lahat sa mga duwende na kumupkop sa kanya. Gamit ang kanilang kapangyarihan ay nahalungkat nila ang alaala ni Liwanag bago siya namatay."

Hindi ako makasagot. Wala akong maisagot. I am just here, crying everything that is hurting me right now. Staring at her with nothing but pain on my heart and a lot of tears from my eyes. Still lying on the mud with the rain drops still pouring towards my face to only blur my vision. Wala nang pakialam kung magmukhang kawawa. I am just done with this life and so as in protecting my pride.

But Eufrocina kept on speaking.

"Alam mo ba na kapag pumasok ka sa loob ng isang tiyanak, para ka na rin lumangoy sa dagat ng lason?" She asked and that made me blink.

"Pero ginawa pa rin iyon ni Liwanag. Pinasok niya pa rin ang loob ng tiyanak para sa iyo. Nagbuwis siya ng buhay para lang matapos na ang paghihirap ninyo dito."

Dinuro niya ako. "At kung magpapakamatay ka lang dito, kung pipiliin mo lang naman ang sayangin ang buhay na ibinuwis ni Liwanag para sa iyo . . . Hindi ako mahihiyang sabihin na isa kang walang kwentang nilalang."

Talagang natigilan na ako sa lahat ng narinig. I was dumbfounded and confused to what to feel at the same time.

Dapat ba ay magpasalamat ako kay Liwanag? O dapat lang na malungkot? O pareho? Pero paano ko naman iyon gagawin kung ang hirap tanggapin na wala na siya ngayon?

Na kahit gusto ko siyang bumalik, hindi pwede. Na kahit talikuran na lang namin itong misyon na ito, makabalik lang siya . . . hindi na kaya. Kasi wala na siya. Tapos na ang misyon niya dito. Tapos na ang tadhana niya kasama ako.

Tangina. Ang hirap naman.

"Alam ko na wala ako sa sitwasyon para sabihin ito, alam ko na hindi ako malapit sa iyo pero, pero bilang isa sa nakasaksi sa kung papaano kayo naghirap sa misyon na ito . . . sana ay 'wag kang tumigil. 'Wag kang huminto."

Sa lahat ng mga sinasabi niya ay walang ibang pumapasok sa akin kung hindi ang ideya na mukhang sinadya ni Liwanag ang lahat. Na alam niya na iyon lang ang tanging paraan para mapatay ang tiyanak. Alam niya na may isang dapat magbuwis ng buhay . . . at pinili niya ang gawin iyon para sa akin.

For the last time, she is still so selfless and that is killing me now.

And then Eurfrocina offered her hand to me. She stared at me with so much determination on her eyes.

"Nandito ka na, Ezra. Kumapit ka pa. Malapit ka na sa dulo ng iyong misyon."

Ang hangin ay patuloy sa paglakas. At kahit basa na ang mahaba niyang buhok ay umaalon pa rin ito alinsunod sa malakas na hangin.

"'Wag mong sayangin ang lahat ng nagawa ni Liwanag para sa iyo. 'Wag mong itapon lang ang lahat dahil malungkot ka, dahil lugmok ka. Tandaan mo na sa likod ng madilim na pagkabigo ay nagtatago ang pag-asa na magbibigay sa atin ng liwanag para lumaban pa."

I was still crying as I reached for her hand. Para akong bata na humahagulgol. Hindi makapagsalita. Hindi makapagsabi ng kahit anong salita. Umiyak lang talaga ako nang umiyak habang ang buhos ng ulan ay tila ba nakikisama sa akin. Para ba kasi itong papalakas din nang papalakas.

"Si Liwanag ang nagsilbi mong liwanag sa nagdaang mga araw. At ngayong wala na siya, ngayong ikaw na lang ang nandito, ilaban mo. Ilaban mo at magsilbi kang liwanag ng sarili mong misyon. Hayaan mong ang lahat ng lungkot na naranasan mo ang maging susi para sa liwanag ng iyong kadiliman."

Inalalayan niya akong tumayo.

"Sa buhay, sadyang may mga mangyayari talaga na hindi natin gusto. Pero kahit na ganoon, kailangan nating sumabay sa agos nito. Kailangan nating lumangoy para hindi tayo malunod. Kailangan nating sumagwan para hindi tayo matalo ng malakas na alon nito . . . dahil ang buhay ay isang malaking dagat ng pag-asa at pagkabigo. Hindi natin mapipili kung saang parte tayo aanurin, pero mayroon tayong kakayahan na magpatuloy lang sa pagsagwan . . . na magpatuloy lang sa buhay kahit na ang hirap pa nito. Kahit na nakakapagod na ito."

She is now tapping me on my back. "May pag-asa pa, Ezra. Hindi pa huli ang lahat. Kailangan mo nang gumalaw ngayon."

Sa mga narinig ko sa kanya ay talagang hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko. I just cried and cried and fucking cried for the whole time. And I never thought that in this lifetime, I can found my comfort with Eufrocina's gentle taps on my back.

Kinalangan ko pa yata ng ilan pang minuto bago ako tuluyan na kumalma. Bago naging malinaw ang lahat sa akin. Bago ko maunawaan na katarantaduhan ang ginawa ko nitong mga nakaraang araw.

Hindi sana ako sumuko.

Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.

Kasi kasama ang mga alaala namin ni Liwanag sa mundo na ito . . . kasama ang mga sakripisyo na ibinigay niya sa akin, kailangan ko nang kumilos para hindi masayang lang ang lahat ng mga iyon.

I have to fight now.

I know that I should fight now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top