Episode 27

THE next morning, I woke up with a heavy heart. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko si Liwanag, abalang nagluluto ng umagahan namin. Nakaupo siya patalikod sa akin. Hindi niya pa napapansin na gising na ako.

Isang malalim na hininga naman ang kumawala sa akin nang bumangon na ako. At akmang kukusutin ko na sana ang mga mata ko nang mapansin ang piraso ng tela na nakapulupot sa mga kamao ko. Nang tumingin ako sa suot ko ay napansin kong galing ang mga telang iyon sa manggas ng t-shirt ko.

I winced when I suddenly felt the pain from my wrists. Dito ko lang bigla naalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Nailing na lang talaga ako.

Last night, I definitely hit my rock bottom. And I hate it. I fucking hate the fact that I cried and hurt myself over that shitty tiyanak. Bigla tuloy akong nakonsensya doon sa puno na pinagdiskitahan ko. Sabi siguro n'on sa akin: parang gago 'to, anong kasalanan ko?!

Isang malalim na hininga na lang ang muli kong pinakawalan. Matapos ay nagpasya akong kalimutan na lang ang lahat.

Start over.

Reset.

Today is never too late to be brand new.

Kasi ano pa nga ba ang dapat kong gawin? We are in this world where problems are inevitable. We can never stop every uncertainties that will slap our faces, but we have the choice to just hold on and wait for that right timing where everything will be finally okay.

Ang buhay ay puno ng mga bagay na hindi natin kontrolado. Ang kontrolado lang natin? Syempre iyong kung papaano tayo mag-re-react mula sa problemang iyon.

Right now, alam kong sobrang malabo pa ang pag-asa kong makalabas sa mundong ito. Pero alam ko, sa lahat ng paghihirap ko ay may naghihintay na saya sa dulo. Destiny will never give me this problem if I can't handle it. At isa na lang talaga ang pinanghahawakan ko ngayon-ang panalangin na sana ay buhay ako sa dulo ng lahat ng mga ito.

"Good morning," ang bati ko kay Liwanag bago ko siya niyakap nang mahigpit mula sa likod. At nakakagulat na 'di gaya nitong mga nakaraang araw ay hindi siya pumalag.

Napangiti ako nang bahagya.

Prung gaguh tuh.

"Good morning," she greeted back. "Okay na ba 'yang mga kamao mo?"

I rest my chin on her shoulder blade. "Masakit pa rin pero kaya naman."

Huminga siya nang malalim at hinarap ang mukha sa akin. Her face is dangerously close to mine that our lips are almost touching. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi habang ngumingiti.

Halikan ko kaya 'to?

There were a series of genuine concern from her eyes as she continued diverting her eyes at me. Lalo na sa kanyang malumanay na boses noong magsimula na siyang magsalita.

"H'wag mo na uling sasaktan ang sarili mo. Kung mayroon man dapat masaktan dito, ako lang 'yon."

"And . . . why?"

She looked away. "Basta."

But I hugged her tight and that made her look at my eyes again. Sobrang lapit na talaga ng mga labi namin. Kaunting pag-galaw ko lang ay tiyak na didikit ang labi ko sa kanya.

"I will never let you be hurt under my watch." I told her, "kahit na wala akong kapangyarihan katulad mo, poprotektahan pa rin kita kahit buhay ko pa ang nakataya doon."

Nakita kong biglang namula ang mga pisngi niya. She rolled her eyes artificially then tried her way to get away from my tight hug. "Puro ka kalandian. Kumain na nga lang tayo."

Panira talaga lagi 'to ng momentum.

"At ikaw lang naman ang gusto kong landiin." Natatawa ko na lang na sagot.

Patuloy ang pamumula ng kanyang mga pisngi ay binaklas niya ang pagyayakapan namin. Matapos din niyon ay tumayo siya at hinanda na ang mga pagkain namin ngayong umaga.

Sa isang dahon ng saging ay inilapag na niya ang inihaw na isda. Doon ay nagsimula na kaming kumain. And I really don't know why but the food that we are eating for the last few days taste really good. Wala itong kahit na anong preservatives. Tanging natural na sangkap lang ang nilalagay dito pero masarap pa rin.

"May pick up line pala ako sa 'yo, Liwanag." Sambit ko habang ngumunguya.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay tila bang ikinagalak niya ang narinig. Nakita kong may maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi na agad niyang itinago. "Ano na naman 'yan?"

"Piattos ka ba?"

Hinawi niya ang kanyang buhok at halatang nagpipigil siya ng ngiti. "Bakit?"

"Kasi mahal na yata kita." Ang mabilis kong sagot.

Doon ay napalunok siya ng nginunguya. Namula na naman ang mga pisngi at tainga niya. I can really feel how her face is heating up right now and it's an entertainment to my wondering eyes.

"Nasaan 'yung piattos doon?" Ang tanong niya. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang ngiti nang mag-iwas siya sa akin ng tingin.

"Nasa tindahan, nagkakape." I answered without any warning. Without any context behind it.

Doon ay unti-unti niyang ibinalik sa akin ang tingin. Nawala ang pamumula ng mga pisngi niya. Right now, she is frowning at me as if she is about to hit me hard.

"Alam mo, kumain ka na lang kung ayaw mong bugbugin kita diyan!"

I laughed hard as I continued to just eat. She is really cute whenever she is mad like this. Para tuloy ang sarap niyang lambingin hanggang sa mag-babytalk siya sa akin. Kakagigil.

Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. At matapos niyon ay napagkasunduan namin na maligo sa ilat. Ngayon ay nakababad ang mga katawan namin sa malamig na tubig. Ang sarap sa pakiramdam habang ang mga isda sa ilalim ay para bang minamasahe ang mga paa ko. Mas okay pa nga yata ito sa mga foot massage na napuntahan ko dati sa mundong ibabaw, eh!

"Uhm . . ." Ang biglang sambit ni Liwanag habang nasa tabi ko. Pareho kaming nakaupo sa malaking bato sa ilalim ng tubig.

"Sorry," she continued.

"Sorry for what?" Agad na lumingon ako sa kanya.

Nang makita ko ang kanyang mukha ay tila ba siyang maiiyak na. Nagbubutil ng luha ang kanyang mga mata. Her lips are doing an upward curve. And she looked so nervous and sad at the same time to what she is about to spill next.

What . . . is happening?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top