Episode 1
HINDI ako iyong tipo ng tao na sobrang lalim kung mag-isip pero para sa akin, ang buhay ay parang tanga. At oo, parang ako lang din— ako na tumalon sa isang malalim na ilog para sa isang bobong rabbit.
Kaya ngayon, heto si bobo. Hindi makaahon. Kahit na anong langoy papaitaas ang gawin ay hindi ko magawa dahil sa patuloy na pagbigat ng katawan ko. Patuloy rin ang paglamon sa akin ng malalim na ilog na ito. Tila bang hindi ko na talaga magagawa pang iligtas ang sarili ko.
Mukhang hindi COVID-19 ang papatay sa akin, iyong katangahan ko pala.
"GahsgzOqms!" Ang sigaw ko mula sa ilalim ng ilog. 'Di ba, ang tanga talaga? Alam nang nasa ilalim ng tubig, sisigaw? "Tuloxansbxusng mAgwad gQxsago kWxuayO!"
Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko na talagang hindi ko na kaya. Na ga-hibla na lang ang tysansa ko para mabuhay pa. Hanggang sa bigla, napakisap ako nang may kung anong buhangin ang tila pumasok sa mga mata ko.
At sa muling pagmulat ko ay kasabay niyon ang malalim kong paghugot ng hininga. Habol-habol ang hininga ay nilibot ko ang mga mata ko sa kung saan ako naroroon ngayon.
Wala na ako sa ilalim ng ilog.
I was really puzzled to what I saw. Because I am stupid, I am more intrigued to what I saw rather than to how I was able to transition from basically losing my life at the river to here . . . to this cave.
Ngayon ay nasa loob ako ng isang kweba. Maliwanag ito dahil sa mga alitaptap na lumilipad sa itaas. Ito ang naging ilaw ko sa kung papaano ko malinaw na nakita ang maganda at nakakaakit at makukulay na usok. The vivid fog seemed dancing as it roamed around the cave. It really feels like I am watching a 3D fantasy movie . . . Astig!
My mouth is forming a perfect O when all of a sudden, my eyes caught something from my peripheral vision. Agad akong lumingon doon. And from the entrance of the cave, I saw the fucking rabbit. Walang kamalay-malay na tumatalon papalabas ng kweba.
At doon lang ako natauhan.
Doon lang ako nag-panic.
Where am I?! Gagi! Paano ako nakapunta dito when in fact, halos mamatay-matay na ako sa pagkalunod kanina?! Taena, langit na ba 'to? Pero teka, bakit sa langit ako napunta? Aba, mukhang mapagpatawad nga talaga si Lord—
"Hoy, potaena ka talaga! Hindi ka mang-iiwan! Gago ka!" Ang bigla kong sigaw nang makitang tuluyan nang nakalabas ang rabbit.
Agad akong tumakbo para sundan siya. Medyo nahirapan pa nga ako dahil hindi patag ang lupang inaapakan ko. May malalaking bato ang sumasagabal para mabilis akong makalabas dito.
"Hoy! Sandale!" Ang bulyaw ko sa siraulong rabbit.
Pero hindi ko talaga ito inakala nang bigla, lumingon siya sa akin na para bang naiintindihan niya ako. And my mouth went agape when all of a sudden, the rabbit started to light up as if a spotlight. And before I can even ready myself for it, the rabbit is now nowhere to be found.
I . . . totally lost my . . . mind.
Ang nandito na lang ngayon ay ang isang magandang babae na nakasuot ng puting dress. May nakasabit na bag na para bang gawa sa sanga ng puno sa kanyang balikat. Mahaba ang itim na itim niyang buhok. May kwintas ng sampaguita ang nakapulupot sa kanyang ulo.
What the hell . . . Are you telling me that the fucking rabbit just transformed into this gorgeous woman?!
Sa sobrang gulat ay nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa lupa. Kikisap-kisap ang mga mata at nanginginig sa pinaghalong takot, kaba at pagkalito.
Taena! Ano ba talagang nangyayari?!
Patuloy ang pag-nganga ko sa gulat nang makitang lumalapit na sa akin ang babae. Sa paglapit niya ay para bang paganda nang paganda ang kanyang mukha. She has this perfect round shape eyes, it is making her look more pure and innocent. Ang kanyang ilong naman ay saktong hindi pango at hindi rin matangos. Pero ang pagka-saktong iyon ay tila bang mas pinaganda pa siya. My eyes went straight to her lips and sweet mercy, that was her greatest asset. It was pink and looking soft at the same time.
If I am only on my usual self, I will really run to her only to steal a kiss. She's not a human. With that beauty and grace, she is qualified to be a goddess.
"Ano?" Ang sambit niya nang tuluyan na siyang makatayo sa harap ko. Ngayon ay nakapamaywang siya habang nakataas ang kilay sa akin.
Hindi ako makapagsalita. This is the fucking first time that I became too timid to speak with a girl. I am too stunned to even mumble a single word.
"Hoy, ano?! Kanina lang ay sinisigawan mo ako, bakit ngayon ay para kang napipi riyan?!" Kumunot ang noo niya.
Lumunok ako ng laway. I forced myself to speak to save myself from this untimely embarrassment. I really can't embarras myself— not infront of this gorgeous woman!
"U-Uhm . . . Just want to a-ask." Fuck this tongue! Hindi naman tongue twister itong sinasabi ko, bakit ako nauutal?! "Nasaan ako? A-At bakit . . . papaano ka naging tao mula sa pagiging bobong rabbit—I mean, mula sa pagiging r-rabbit?"
"Pft . . ." She only mumbled. Her lips looked like she is surpressing a laugh. Matapos ay hindi ako naging handa nang pinalaki niya ang kanyang boses. Sounding like she is mimicking my voice only to insult me.
"N-Nandito ka sa lugar k-kung s-saan nandito k-ka. A-At naging tao ako m-mula sa p-pagiging r-rabbit d-dahil t-trip ko l-lang." Ang lakas-tamang sagot niya hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sarili, tumawa siya nang tumawa na para bang mamamatay na siya bukas.
Doon na kumunot ang noo ko. Tumayo ako at patuloy ko siyang tiningnan nang masama. "Sabi ko na, adik."
Para pa rin siyang tangang tawa nang tawa nang bigla, tumakbo siya nang mabilis papalayo sa akin. Sa sobrang bilis niya ay isang segundo lang yata ang nakalipas, nawala na agad siya sa paningin ko. Doon ako biglang nataranta. Doon ako biglang napatakbo sa direksyon kung saan siya nagtungo.
Ang daan na tinatahak ko ngayon ay puno ng mga talahib. Para ba itong isang maze. Ang mga talahib na ito ay tumatangkad nang tumatangkad habang dumadaan ang mga segundo. Pakiramdam ko talaga ngayon ay para akong high sa shabu dahil sa mga kakaibang nangyayari sa paligid.
Sinubukan kong pabilisin pa ang pagtakbo ko. Pero bigla . . . bigla na lang akong natigilan nang sa isang simpleng pagliko ko ay may biglang sumulpot mula sa harap ko.
Isang lalaki. Nakasuot siya ng barong at itim na pantalon. Maputla ang kanyang mukha at violet ang kulay ng kanyang labi. Hanggang sa napalunok ako nang tingnan ang kanyang mga paa.
Nakalutang siya sa ere.
Nanlalaki ang mga mata ay napasigaw ako. Kasabay iyon nang mabilis kong pagtakbo papalayo sa kanya.
"Hoy! Tapos na ang November 1, siraulong multo 'to! Hindi ka na dapat mananakot!" Ang labis kong pagsigaw habang kitang-kita ko kung papaano ako habulin ngayon ng multong iyon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top