Kabanata 19 : Eighteen


Kabanata 19 : Eighteen

Cheung Hotel


"Whooahhh!" sigawan ng grupo ng rumampa ang mga nagkagandahang mga modelo na mula sa modelling agency ng lola ni Shadow na si Joyce.

"Langya, Blaze iyong jowa mo!" sigaw ni Aqua na kanina pa tuwang tuwa sa mga nakikitang babae sa stage.

"Siraulo kay Bullet iyan!" sigaw ni Blaze.

"Mas trip ko iyong isa." nakangising sabi ni Bullet.

"Ikaw Ion pumili ka na." sabi ni Aqua sa pinsan na si Ion.

"Hahaha! Siyempre sa may boobs." natawang sabi ni Ion na ikinatawa ng lahat.

"Mata mo." sabi ni Elle sabay takip sa mata ni Wine na kanina pa nangingiti sa mga nakikitang magagandang modelo.

"Sa akin iyong slim." sabi ni Ciao na ikinatawa ni Ion.

"Akala ko ba hindi mo trip?" sabi ni Ion.

"Kilala ni Ciao iyan." tumatawang sabi ni Blaze na ikinatawa ng lahat.

"Uulit-ulitin." sigaw nila Blaze, Aqua at Bullet kay Ciao.

"Mga siraulo." sabi ni Ciao.

"Sasali kami." tumatawa pang sabi ni Bullet sa pinsan na si Ciao.

"Ikaw Rye, kanino ka?" sabi ni Blaze.

"Doon ako sa maingay iyong titili sa paghalik ko." napakantang sabi ni Rhythm na ikinatawa ng grupo pero sa pagtingin nito kay Twinkle napatigil ito at ngumiti ng pasimple.

Napatingin naman si Ciao kila Rhythm at Twinkle at napailing na lamang ito.

"Insan, ikaw? Sino sayo?" sabi ni Ciao kay Shadow.

"Sus! Huwag mong tanungin iyan dahil nagpapakasasa na iyan sa agency ng lola niya." sabi ni Bullet na ikinatawa ng lahat.

Hindi umimik si Shadow dahil ilang minuto na ang nakalipas ng tawagin si Adira at hindi pa ito bumabalik sa mesa nila.

"Wala sa mood." natawang sabi ni Heaven ng hindi umimik si Shadow.

Ilang sandali pa ng huminto ang pagrampa ng mga modelo na ikinatigil sa hiyawan ng grupo at ng mga tao.

"Magsisimula na yata." sabi ni Yummy.

"Tama para matapos na." seryosong sabi ni Althea na nawala sa mood ang kaninang masayang kuwentuhan nito sa mga mas bata sa grupo. Nang dumating kasi ang apat na lalaki kasama si Autumn nakaramdam siya ng inis ng maalala ang ginawa ng apat sa kanya at sa kakambal niya.

"Umuwi ka na kung atat ka ng umuwi." sabi ni Blaze sa dalaga na ikinataas ng kilay ni Althea.

"Nope, what I mean is hinihintay ko ang party which is...

... inuman galore." maarteng sabi ni Althea na ikinangisi ni Blaze.


"Hahaha. Huwag kang masyadong iinom at baka sa iba ka na mailagay."
sabi ni Blaze.

"Gago ka ha." sabi ni Althea na ikinatawa ng grupo ni Blaze pero hindi ng mga mas bata sa mga ito.

"Tama na. Birthday ni Adira, magbehave tayo." sabi ni Yummy.

"Amen." nakangising sabi nila Blaze, Aqua at Bullet sabay lahad ng mga kamay nito sa dibdib ng mga ito na tila nananalangin.

"Aissst Tumigil kayo." sabi ni Yummy na kanina pa naiilang dahil kanina pa siya tinitingnan ng kuya niyang si Heaven na alam niyang inutusan ng tatay niyang bantayan siya dahil may irereto na naman ang mga ito sa kanya.

"Shhh! Huwag kayo maingay. Si lola Joyce ang nasa stage." sabi ni Elle na ikinatahimik ng grupo.

"Visitors, alam kong nabitin kayo at nagulat na rin dahil matanda na ang host ng party na ito." sabi ni Joyce na ikinatingin ng grupo kay Shadow at ikinakunot naman ni Shadow.

"Siya ang host?" tanong ni Ciao sa pinsan na si Shadow.

"Malay ko. Hindi ko alam, pero sinabi niya di ba? So baka nga siya. Hindi naman siya marunong magjoke sa harap ng maraming tao." sabi ni Shadow na napakunot muli ang noo.

Napatingin muli ang grupo sa stage ng muling magsalita si Joyce.

"Huwag kayo mag-alala. Panimulang host lang ako, dahil nagrequest ako sa mga lolo ng debutante na bigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang pagiging host ng isang event na pang dalaga or kikay ba. So nang payagan ako, dinala ko ang mga modelo ko para na rin may sahog ang party na mukha naman nagustuhan niyong lahat.

Huwag din kayong mag-alala dahil buong oras ng party naririto ang mga alaga kong modelo." sabi ni Joyce.

"Bakit siya nandito?" mahinang sabi ni Heaven kay Autumn na kanina pa tahimik at tila wala naman doon ang isip ng pinsan.

"Malay ko, baka gusto magyabang ng yaman niya." seryosong sabi ni Autumn na ikinatingin ni Heaven sa pinsan saka ito napahingang malalim ng mahinuha na wala nga sa event na iyon ang isip ni Autumn.

"Pero bago ang lahat, masaya ako na naging bahagi ako ng event na ito kung saan ako ang magpapakilala ng isang importanteng tao sa inyo.

Naging bahagi siya ng buhay nating lahat, at sa pagbubukas ng bagong yugto ng buhay niya, salubungin natin siya ng may saya at ngiti sa ating mga labi.

Hindi ko na patatagalin dahil naririto ang ang debutante si Adira Gonzalez Valiente." pagpapakilala ni Joyce na ikinapalakpak ng lahat.

Mula sa gitna ng dance floor tumutok ang lahat ng ilaw na siyang tanging liwanag ng auditorium na iyon.

"Disi otso na ako, legal ko ng magagawa ang lahat." sabi ni Adira da isip ng magsimulang umilaw ang daraanan niya mula sa pinakasentro ng auditorium kung saan siya ang bida sa gabing iyon.

"Ito na Adira, ang buhay na malaya at ang buhay na hindi ka na nakatago at aasa kung meron nga ba." nakangiting sabi ni Adira sa sarili ng umilaw ang daan at siya na lamang ang hinihintay para lumakad patungo sa sentro.

Napangiti si Adira maganda ang long dress niya, sexy ang pagkakafit at nagustuhan niya iyon. Halata ding mamahalin ang tela at ang design tugmang-tugma sa personality niya.

"Ano kayang kabayaran nito? Huh! Mamaya ko na iisipin mag-eenjoy muna ako sa haplos ng luho ng lola ni Shadow." nakangiting sabi ni Adira sa isip.

"Kahit hindi siya kasali sa 18 roses ko, okay lang. Ipapakita ko na ako si Adira ang anak ni Athena na kayang tumayo sa sariling mga paa." nakangiting sabi ni Adira sa isip at nagsimula itong maglakad ng pumailanlang ang musika. 18 by One Direction .

"Gabi ko ito, ang simula ng kalayaan ko." muling sabi ni Adira sa isip saka ito napangiti habang naglalakad.

"Ohhhh." usal ng mga babae sa grupo ng makita ang suot ni Adira.

"Wow! Ano ito debut, wedding o pagpila sa mga suitors niya para kunin siya?" sabi ni Ciao habang nakatitig kay Adira.

Napatiim ng bagang si Shadow ng makita ang damit ni Adira, humulma ang magandang katawan nito sa suot. Isa nga iyong gown pero daring iyon at kahit nadala naman ng nobya ang damit tila nang-aakit ito sa paglalakad at pati sa pagngiti nito na tila natamo nito ang kalayaan.

"Ohhh. Kung hindi ko lang siya pinsan, jinowa ko na siya." sabi ni Rhythm na ikinatingin ng lahat dito. Napatingin si Rhythm kay Twinkle at ngumiti ito saka nito kinurot sa pisnge ang dalaga na ikinangisi ni Ciao ng lihim.

"Tsss. Marinig ka ng lolo mo." nakangising sabi ni Bullet kay Rhythm.

"Hahaha. Joke lang." natawang sabi ni Rhythm sabay akbay kay Twinkle na ikinatitig ng grupo dito.

"Saan nga pala kayo galing kanina?" tanong ni Ion kay Rhythm.

"Sa kotse, kinuha ang surpresa niya sa akin." nakangising sabi ni Rhythm saka nito inaayos ang pagkakaupo ni Twinkle, na nakuha pang ayusin ng binata ang nalihis na damit ni Twinkle sa pagkakaupo nito habang palihim na nakamasid si Ciao sa dalawa.

"Guys tingnan niyo. Grabe! backless ang likod." sabi ni Yummy sa mga kagrupo.

"Oh my God. Mabuti pinayagan siya ni lolo Lukaz na ganyan ang suotin. Halos iyong bola na lang niya ang nakatakip sa harapan." sabi ni Elle na ikinatawa ng mga lalaki sa grupo.

"Hahaha. Anong bola?" tumatawang sabi ni Aqua sa pinsan na si Elle na siyang pinakabata sa grupo.

"Bola, iyong dede. Laki bola niya. Ako malapit na rin maging ganyan." sabi ni Elle na ikinatawa ng buong grupo.

"Hahaha. Ang bibig mo. Bastos kang bata ka." sabi ni Blaze sa pinsan.

"Laki boobs ni Adira, saya mga mata niyo 'no? Susuot din ako ng ganyan kapag 18 na ako. Lalaki din dede ko." pilyang sabi ni Elle at akmang hahawakan nito ang dibdib ng mabilis ni Wine hawakan ang kamay ni Elle.

"Aissst. Huwag mo hawakan." sabi ni Wine na ikinatawa ng grupo.

"Saya ng magiging nobyo ni Adira. Malulunod sa bola niya." pilyang sabi pa ni Elle na ikinatawa ng lahat, at ikinatitig naman ni Autumn sa bunsong kapatid.

"Saan mo naman nalaman ang ganyang term? Sa kalsada? Sa kakasama sa katabi mo?" seryosong sabi ni Autumn na ikinatigil sa tawanan ng buong grupo.

"Wala lang, isip ko lang." sabi ni Elle at tumahimik na ito ng tila napahiya ito.

Nanatiling nakatitig si Shadow kay Adira hanggang makarating ito sa sentro kung saan mas nagliwanag at nakita ang kasuotan nito na lumalantad sa mahubog nitong katawan.

"Ang party ay magsisimula na. Oh! My God! Makakasayaw ko siya habang ang katawan niya nakadikit sa akin." nakangising sabi ni Ciao na ikinatawa ng grupo.

"Manyak ka, nandiyan ang mga lolo mo." sabi ni Yummy kay Ciao.

"Hahaha. Biruin niyo 18 roses! At ang ibig sabihin labing walong lalaki ang sasayaw sa kanya at suwerte ngayong gabi." masayang sabi ni Ciao na muling ikinatawa ng grupo.

"Siraulo, pinsan ko iyan."
sabi ni Ash na kabilang sa 18roses.

"Iyong iba, tulad ko. Ilan ba ang hindi pinsan ni Adira sa 18roses? Madami dami din." sabi ni Ciao.

"Hahaha. Nagsisisi ang isa dito, hindi man lang makahipo ng bahagya." sabi ni Blaze na ikinatawa ng grupo nito.

"Bakit naman ako magsisisi?" nakangising sabi ni Shadow.

"Owwsss, ikaw ba? May sinabi ba akong pangalan?" tanong ni Blaze.


"Ako lang naman ang hindi kasali sa 18 roses ni Adira, so ako iyon. Common sense."
nakangising sabi ni Shadow kay Blaze.

"Hahaha. Huwag kang mag-alala pinapagana ko ang common sense ko. Eh, ikaw kaya kailan mo pagaganahin?" sabi ni Blaze kay Shadow.

"Uyyy, tama na. Hanggang dito ba naman nag-aasaran kayo." sabi ni Yummy at nahinto ang sagutan nila Shadow at Blaze ng muling magsalita si Joyce.

"Uyyyy, iyan na." nakangiting sabi ni Ciao.

"Hahaha. Dikit-dikit lang okay na." sabi ni Wine na ikinatingin ni Elle dito.

"May dede din ako, dikit ka." sabi ni Elle na ikinatitig ng mga pinsan ni Elle sa batang babae ng idikit nga ni Elle ang dibdib nito kay Wine na ikinagulat ni Wine.

"Tumayo ka diyan." biglang sabi ni Autumn na ikinalunok ni Elle

"Kuya." sabi ni Elle.

"Tatayo ka, o magwawala ako dito?" seryosong sabi ni Autumn na ikinatango ni Elle.


"Tatayo na."
sabi ni Elle.

"Palit kayo ng upuan." sabi ni Autumn kay Aqua na nasa kaliwa nito nakaupo.

Tumayo si Aqua at nakipagpalit ito ng upuan. Naiiyak na umupo si Elle sa tabi ni Autumn habang si Aqua na ang katabi ni Wine.

"Iyan, lumandi ka na. Wala ka ng bantay." nakangising sabi ni Aqua kay Wine ng makaupo ito sa tabi ng binata.

Napatingin si Wine kay Elle, may nagbabantang luha sa mga mata nito na ikinahingang malalim niya.

"Tsss, mag-behave kasi. Iyan tuloy buong party magkahiwalay kayo. Hahaha." natawang sabi ni Bullet na ikinatawa ng grupo nito.

"Sisimulan na natin ang programa at ibibigay ko muna ang stage sa host." sabi ni Joyce na ikinatingin ng lahat dito.

Umalis si Joyce sa stage na ikinatingin ni Shadow sa lola niya, bumaba ang lola niya at naupo ito sa mesa ng mga lolo ni Adira na sila Ramon at LJ. Kasama ng lola niya ang lolo Arthur niya.

Nagsimula ang programa na tumagal din ng mahigit isang oras. Kada isinasayaw si Adira napapatiim ng bagang si Shadow ng sumasayad ang katawan ng nobya sa mga lalaking sinasayaw nito. Bukod kasi sa mga kagrupo o pinsan ni Adira, may mga kaklase din silang lalaki na kasama sa 18 roses at lahat ay nanliligaw kay Adira na ikinaiinis niya.

"Si Adira ang namili ng 18 roses, at talagang pinasama niya sila Francis para daw makilala niya ng lubusan." sabi ni Yummy habang nakikinig lang ang mga kagrupo at ang iba ay nakapila sa 18 roses at dances ni Adira.

"Talaga? So, talagang dalaga na siya at mukhang magpapaligaw na." sabi ni Althea.

"Okay lang ba kila Tito Aquila iyon?" sabi ni Louise sabay tingin kay Autumn na kakaupo lang.

"Okay lang ba iyon Autumn kila Tito Aquila at Tito Orion na magpaligaw si Adira?" tanong ni Yummy sa pinsan na si Autumn.


"Oo naman, hindi naman kayo bawal magkanobyo. Basta alam niyo ang limitation."
sabi ni Autumn sabay tingin kay Elle na tumahimik na sa tabi niya.

"So, puwede na pala. Kaya pala nagrereto na rin si Mama para kay Adira." sabi ni Louise.

"Bakit hindi sayo ireto?" biglang sabi ni Shadow na tanging lalaki na hindi umalis sa mesang iyon dahil ito lang ang hindi kasama sa 18 roses ni Adira o kahit saan pa sa program nito.

"Mayroon na kami ni Althea." sabi ni Louise.

"Talaga?"
sabi ni Yummy.

"Oo, nobyo ko na nga." nahihiyang sabi ni Louise.

"Ayos, ha. Mabuti pinatulan ka." sabi ni Aqua na kararating lang at narinig ang sinabi ni Louise.

"Oo naman. Nagkiss na nga kami." pilyang sabi ni Louise na ikinatili nila Yummy at Althea.

"Tsss, kinilig ka naman?" sabi ni Aqua na hindi naalis ang inis sa tono ng boses na ikinatigil din ng binata sa paraan ng pagsasalita niya at sa naramdaman niya.

"Oo, grabe nga humalik. Pero siyempre behave muna ako para hindi ako mabuntis. Magagalit sila Mama kapag nabuntis ako ng maaga." nakangiting sabi ni Louise na ikinangiti ni Autumn sa pinsan at ikinangisi naman ni Aqua pero hindi na ito nagsalita.

"Whoahhh! Ang lambot." masayang sabi ni Ciao ng makabalik ito sa mesa.

"Hahaha! Baliw. Marinig ka nila tito Aquila." sabi ni Bullet kay Ciao.

"Hahaha. Si Wine nga ang tagal." sabi ni Ciao sabay turo kay Wine habang isinasayaw si Adira.

"Sinusulit." sabi ni Bullet ng makaupo na ang dalawa.

"Grape Wine!" biglang sigaw ni Elle na ikinatingin ng lahat dito at bahagyang ikinagulat ni Autumn habang katabi nito ang bunsong kapatid.

"Balik ka na dito." umiiyak na sigaw ni Elle na ikinatawa ng grupo ng mga magulang nito.

"Upo ka na, tama na dikit mo dede ni Adira!" sigaw na umiiyak pang sabi ni Elle na muling ikinatawa ng lahat.

"Umupo ka na." mahinang sabi ni Autumn kay Elle ng mapansin nakakatawag ito ng atensyon, pero hindi nagpatinag si Elle.

At ilang sandali pa hindi inaasahan ni Autumn ng mabilis na umalis si Elle at sinundo talaga nito si Wine na noo'y kasayaw ni Adira.

"Uyyy. Bumalik ka." sabi ni Bullet sa pinsang si Elle pero mabilis itong nakapunta sa dance floor.

"Uwi na tayo, tama na iyan sayaw." sabi ni Elle kay Wine ng nasa dance floor na ito.

"Bumalik ka muna sa upuan, birthday ni Adira." sabi ni Wine kay Elle ng lumapit talaga ito na hindi man lang nahiya kung pinagtitinginan ito.

Napatitig si Elle kay Wine at umiiyak itong nagsalita.

"Ayaw mo hinto. Sayaw din ako. Hintay ka diyan, kuha ako lalaki." sabi ni Elle na ikinatawa ng lahat.

"Aisssst. Ang batang iyon talaga." sabi ni Orion at akmang kukunin nito si Elle sa harapan ng hawakan ito at pigilan ni Malic


"Langya pare sandali pampasaya ito. Umupo ka at magrelax. Manood tayo sa kabaliwan ng lahi mo. Hahaha!"
tumatawang sabi ni Malic na ikinatawa ng grupo ng mga ito.

Tumingin tingin sa paligid si Elle at ng makaisip nga ito ng solusyon umalis ito na ikinatingin ni Wine at Adira.

"Sorry, nasira party mo." sabi ni Wine na itinuloy ang pagsayaw kay Adira ng umalis si Elle.

"Hindi naman nasira, pero mukhang ngayon pa lang masisira." sabi ni Adira na ikinatingin ni Wine at napakunot ang noo nito ng hilahin ni Elle si Shadow sa dance floor.

"Sayaw din kami." umiiyak na sabi ni Elle habang hawak nito sa kamay si Shadow na ikinatingin ni Adira sa binata na halatang masaya ito habang hawak ito sa kamay ni Elle.

"Aissst! Bumalik ka na doon at nakakahiya." sabi ni Wine kay Elle.


"Hiya ka? Dapat lang mahiya ka, kasi manyak ka."
sabi ni Elle kay Wine na ikinatawa ng lahat.


April 18, 2022 2.35 pm

Fifth Street


Dreame Acct

Rose Chua Novels


FB Page

https://www.facebook.com/UnderwriterFifthStreet

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top