Kabanata 25

Kabanata 25

Company

Zeus smiled at me and shook his head.

Zeus is a kind person. Noong una ko siyang nakilala, alam ko na kung gaano siya kabuti bilang isang tao. I've seen him watching me like an older brother of mine, he defended and helped me. To hurt him in my ways is like a sin. How could I hurt my friends? Masaya ako kapag masaya sila, nasasaktan kapag nasasaktan sila, at nalulungkot kapag malungkot sila.

But I'm torn. I feel like I did the right thing for helping Roswell, but at the same time I feel like I betray him.

"I-I'm sorry, Zeus-" He cut me off kaya naluluha ko siyang tinignan.

"Don't be sorry, Hera. Ano ka ba. Kaibigan mo kaming... parehas ni Roswell. Alam ko namang gagawin mo rin iyon sa akin kung ako ang humingi ng tulong sa'yo, 'di ba?" He stated playfully, but I can sense his pain.

Umiling ako at walang hiyang tumulo na ang aking luha. Nagulat siya kaya agad akong hinawakan sa balikat.

"Why are you crying?" He's shocked and a bit hysterical because of my falling tears.

Bakit ang madalas na nasasaktan ay ang mayroong mabubuting puso? Zeus doesn't deserve the pain, but will the circumstances will be different if I didn't help Roswell?

Pinalis ko ang luha ko at inalis na rin ang kaniyang kamay sa aking balikat. He looked at me intensely and I can't help but remember Eros face on him. Namomroblema ka na't lahat, si Eros pa rin ang iniisip mo.

"Don't think about it, Hera. I regret telling it to you tuloy." Aniya at nagiwas ng tingin. Halata ang pagsisisi sa mukha.

"If you just told me that you like Augustina 'edi sana-"

"Who told you I like Augustina?" pagalit niyang tanong.

Naningkit ang aking mga mata at hindi nakatakas sa akin ang kaniyang pilit na pagtanggi. I am not stupid, you god.

"It's obvious. You won't react like that if not." I said matter-of-factly.

"Tss. I am just concern because she's our friend." Dahilan niyang alam kong labas sa kaniyang ilong.

Umiling ako at tinuro siya.

"You can't fool me."

"I am not fooling you. Who will like that maarte at suplada?" Umirap siya na tinawanan ko.

Who will? 'Edi kayong dalawa ni Roswell!

Hindi na ako nakipagtalo at umiling iling na lang dahil hindi ako naniniwala sa kaniya. My heart is a bit still in chaos because of guilt, but knowing that Zeus is not mad at me, and he's still pursuing that he doesn't like Augustina calm my heart a little.

"Don't tell anyone."

Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita pagkatapos ng isang katahimikan. There is a smile plastered in my face when I looked at him. He looked at me warningly kaya hindi ko na naisatinig ang aking sasabihin.

Tago ka pa, ha.

"I'll be a man. I will try my best para ako ang piliin ni Augustina."

Natapos ang kaniyang sinasabi nang saktong may dumating at humawak sa aking braso.

"Anong pinaguusapan ninyo?" Tanong ni Augustina na agad kasinungalingan ang isinagot ni Zeus.

Innocently she laughed with what Zeus told her. Madalas mang mag-away ang dalawang ito, I know that deep down them, there are something special hidden in their hearts with each other.

Huling dumating si Eros at agad kaming nagpasyang umalis. He walked fast towards us, and I can't help but noticed his dishevelled hair that is ruined by the ruthless wind. Ngumuso ako at umiwas ng tingin. I get more and more amaze with him. Minsan naiisip ko, baka mapansin niya na ang masyado kong paghanga sa kaniyang hitsura.

"I just finished my report." He said when he gets nearer to us.

Tumabi siya sa akin at agad akong nakaramdam ng matinding kaba. Kailan ba ako masasanay sa kaniyang presensiya kapag magkalapit kami? At katulad nang nakasanayan, he sat beside me when we ride a tricycle.

Naglinis ako ng katawan pagkauwi at nagbasa ng ilang libro habang hinihintay ang pagdating ni Mama.

I was busy reading the climax of my favourite book when I get distracted with the noise outside. Sumilip ako sa aking bintana at natanaw ang maiilaw na tahanan. In a not so far Narra Tree, I saw Augustina in her phone, giggling.

Kumunot ang aking noo. Ibinalik ko sa dating ayos ang kurtina at hinagilap ang aking cellphone. I contacted Roswell but it's said the other line is busy. May ideya na ako kanina bakit tumatawa si Augustina habang may katawagan, now I am sure that it is because of Roswell.

"I'll be a man. I will try my best para ako ang piliin ni Augustina."

Zeus' voice echoed in my head at agad ako nakaramdam ng sakit para sa kaibigan.

"Andy!"

Narinig ko mula sa baba si mama at pinagkibit balikat na lang ang naiisip. Lumabas ako at nagtatakbo sa hindi kahabaang hagdanan ng bahay. I hugged her.

"I bought your favourite ulam." Aniya sabay pakita sa supot na may lamang paborito kong ulam.

We talked about school while we're eating. Madalas naman kami mag-usap ni Mama, but lately I become so busy, lagi ako sa kwarto at naggagawa ng paper works.

"Bukas na pala ang Christmas party ninyo." Si mama habang nagliligpit ako ng pinagkainan.

Tumango ako at sinabunan ang mga baso. Narinig kong umakyat siya sa taas at inabala ko na lang ang sarili sa paglilinis. When she return, tapos na rin ako. We decided to stay in the sala para manood.

Talagang pinagpapasalamat ko kapag wala masyadong gawain sa school dahil nagkakaroon ako ng oras para sa aking Mama. While a famous drama is going on, she hugged me like I'm still a kid. Ngumiti ako dahil hindi madalas mangyari ang ganito gayong nagdadalaga na ako.

"This will be your seventeenth Christmas." She whispered.

May humawak sa aking puso dahil sa kaniyang isinatinig. It's like telling that my seventeenth year will end that we both survived this life with just us two.

"Ang bilis nga po ng panahon. Parang kailan lang noong nagbagong taon, tapos ito na ulit, ilang linggo na lang."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Humilig ako sa kaniya at narinig ang normal na tibok ng kaniyang puso.

"Hmmm... at parang kailan lang noong marami ka pang tanong." Tumawa si mama at hindi ko na rin napigilang matawa.

"Mas lalo nga po atang dumadami ang tanong ko sa buhay, eh."

"It's natural. You're growing."

Hindi ako umimik at tahimik na tumango na lang. May isa akong tanong na gusto kong tanungin sa kaniya ngayon... but I don't want to ruin this moment. At ilang beses ko na rin naman siyang tinanong tungkol kay Papa, laging direkta at walang halong istorya ang kaniyang sagot. I know that Papa left us because his love faded, just like how young love works. To think that my mother experienced that, hindi kaya malabo na mangyari rin sa akin iyon? If ever that is my fate, could I resist it?

Bumuntong hininga ako sa naiisip. Why I'm still looking for him is a big question when I have enough friends, my mother who loves me unconditionally.

"What's on your mind?" Napansin ata ni Mama ang malalim kong pagiisip.

"Can... someone be contented but not completely happy?" I asked randomly.

Hindi umimik si Mama kaya nilingon ko siya. Her small chinky brown eyes remind me of my own reflection. With her still natural curly hair, invisible lines in her face, she still looks young and beautiful. The reason why I always wonder how he ends up losing his love for this beautiful woman.

"What do you mean?"

Because of her question, hindi ko na napigilan ang sarili sa paglalabas ng aking tunay na nararamdaman.

"For seventeen years, I got to learned how to love this life with just us two. I actually feel contented with the love you're giving me, including my friends love. Masaya ako sa pagmamahal na binibigay ninyo sa akin. Pero, Ma, why do I feel like... at my deepest soul, I am not completely happy?" Pumiyok ako sa huling salita at naramdaman ang paginit ng aking mga mata.

Bumagsak ang tingin ko sa marmol na sahig at inabangan ang pagbagsak ng mainit kong luha sa aking kandungan.

I know I should be happy. Iyong iba nga walang pamilya, walang disenteng tahanan, hindi makapagaral at makakain ng tatlong beses sa isang araw. In fact I'm still lucky compare to other children, pero ewan ko ba at pakiramdam ko ay galit sa akin ang mundo para hindi ako pagbigyan na makilala man lang ang aking Ama.

Humigpit pa lalo ang mahigpit na yakap sa akin ni Mama. She inhaled in my hair at naramdaman ko rin ang hirap niya sa pagsasalita.

"Ma, hindi ko sinasabi, pero naiinggit ako kapag nakikita ang iba na mayroong tatay. I also want to have him in our house, kung hindi man, sana ay makilala ko man lang siya. Baka sakaling kung mangyari iyon, maging masaya na ako ng buo at walang kulang."

In that night, I sleep soundly. Hindi nagbigay ng ano mang komento si Mama at hinayaan lang ako maglabas ng nararamdaman. She attentively listened to me, and everytime I'll look at her, she seems thinking too deeply.

Hinawakan ko ang aking eyebags habang pinagmamasdan ang sariling repleksiyon sa salamin. Hindi halata na umiyak ako kagabi dahil nakatulog naman ako ng maaga at maayos. Hindi rin ganoon kagrabe ang aking iyak kaya hindi ito nagresulta sa pamumugto. I smiled and tried to put a light red lip tint in my lips. I don't always wear make ups, but I do occasionally.

Wearing a maong wide leg pants and a green sleeveless turtle neck crop top paired with a white famous sneakers, I make my way to the salas.

Nginitian ako ni Mama nang makitang bumababa na ako.

"Your height is now highlighted because of your clothes. You're really now growing, Andy."

Si mama ang bumili at pumili ng damit na ito. Hindi na ako nagka'oras para bumili dahil kung walang pasok si Mama, marami naman akong ginagawa. What she bought is not actually my style, I love dresses, but this outfit looks fine. I think I no more look like a kid?

Hinawakan ni Mama ang aking panga at hinimas ito. Nginitian ko siya bago ako nagpaalam. Lumabas ako at sinalubong na agad ni Augustina. When we entered the school, everyone is dressed with their chosen porma on today's Christmas party.

"Bakit kasi ang layo ng room ninyo. Tatlong palapag, kakapagod maglakad pataas baba." Reklamo niya bago kumaway at dumiretso na sa kanilang building.

On my way to our floor, may iilang grade 12 students and batchmates ang bumati sa akin. Some boys even asked for a picture with me.

"P-pwede ba?" Medyo nahihiya ng isang payat pero matangkad at maputing lalaki.

"Oo naman." Nakangiti kong sagot at tumabi sa kaniya.

Ilan pang kaibigan niya ang nakigaya sa kaniya na nagpa'picture sa akin bago sila umalis at hinayaan na akong dumiretso maglakad pataas. Nginitian ko sila habang kumakaway sila sa akin. When I turn my back on them ay hindi pa tapos ang aking ngiti nang sumulpot si Eros sa aking harap.

Napasinghap ako sa gulat. Muntik pa akong mapaatras kung hindi ko lang nakita ang masama na naman niyang titig. His wearing dark blue polo long sleeves, the two buttons are unbuttoned revealing a bit of his massive chest, black pants and white shoes that is a male version of my mine.

Agang-aga nagagalit.

"You're already late tapos nakiki'picture ka pa dito." He annoyingly accuses me.

"They block my way and asked for a picture. I don't want to be rude so..." I trailed off, assuming he knows what I mean.

He only 'tssed' and started walking towards the staircase in the second floor.

Ngumiti ako at sumunod sa kaniya. Agaw eksena siya habang naglalakad pataas. Girls looked at him like he's some model they can't take their eyes off. With that outfit and looks, he indeed really like a runaway model.

Umirap ako sa naisip at mas binilisan ang lakad. Hindi ko alam bakit ako naman ngayon ang naiinis.

Naiinis ba talaga ako? I feel my throbbing heart.

"Papicture tayo mamaya sa kaniya." Naririnig kong bulungan ng mga batchmates namin nang dumaan ako sa kanila. They are obviously pertaining to him, and this model is so oblivious. Hindi niya ata alam na pinagtitinginan at pinag-uusapan na siya dahil diretso ang lakad niya, mabilis at walang preno.

When I met him, binalingan niya lang ako ng isang beses at supladong nagiwas ulit ng tingin.

"We have the same shoes." I said to divert my attention to something, far from my throbbing heartbeat.

"Uh-huh." He only said.

Suplado naman nito. Hindi na ako umimik at tahimik kaming sabay na pumasok sa loob ng classroom. With disco ball in the center of the ceiling, artistic design of the walls and photo boot. The whole room is covered with black cartolina paper to dim. Marami na sila roon nang pumasok kaming dalawa. Ang iba ay nagkekwentuhan na, ilan ay nagaayos ng mga pagkain at speakers for the music and program.

"Hera, buti at nandiyan ka na! Check mo nga itong ginawa kong opening remarks." Si Kylene, ang chubby pero cute kong kaklase.

Ngumiti ako at dumiretso sa kaniya. I checked her remarks and we started the program at exactly eight. Hindi ko na naabutan ang flag ceremony sa gymnasium dahil alas siyete sila nagsimula.

The Christmas party is fun and amazing. Halos lahat ng laro ay sinalihan ko at ilan doon ay nanalo ako. They all cheered me when I joined the 'baby shark' challenge. And they were all surprised when I get to answer in only fifty seconds sa Pinoy Henyo.

"Talagang kailangan ng utak kahit sa laro." Sigaw ni Ian na parang dismayado pero nagtawanan ang lahat.

Eros also joined some games, pero hindi katulad ko, wala siyang halos napalanuhan.

"I really don't mind winning." He said coldly when he was teased for losing.

Ngumisi ako dahil pakiramdam ko ay nagsisingungaling siya. He saw me smirking kaya kinagat ko ang labi ko at nagpresintang sasali ulit sa laro. Nagsimula kaming kumain noong alas onse y media na at halos lahat ay parang nawalan na ng gana maglaro kaya saktong alas dose ay pinauwi na kami.

Naiwan ako kasama si Eros pababa dahil tuwang tuwa at nagmamadaling bumaba si Roswell. He has a date. Kinawayan ko ang mga kaibigan ko nang nakababa kami at napansin na wala si Augustina sa grupo. We took a picture without Augustina at dumiretso na pauwi. That's when I realized how sad it is to take a picture na incomplete.

Kumaway ako kay Eros nang bumaba na ako. Kumaway din ako kina Zeus, may gala ata silang mga lalaki.

Nang nakaandar na at nawala na sa aking tanaw ang sinasakyan, pumasok na ako sa loob. Bubuksan ko pa lang ang pintuan ng bahay nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko muna pinansin at baka si Roswell lang iyon at nagbabalita. Nagulat ako nang makita si Mama sa salas at nanonood ng tv.

"Ma!" Pumunta ako sa kaniya at nginitian niya ako.

"May pumalit na sa akin. My leave is already approved. Makakauwi na tayo ng Manila."

Madalas ay dalawang beses lang sa isang taon kami nakakauwi ng Manila, kaya kapag nagp'plano kaming umuwi, tuwang tuwa ako. Kahit na alam kong maaaring malaki na ang pagbabago sa pagbabalik ko dahil alam ko namang hindi lang ako ang lumaki sa aming magkakaibigan. I am not sure if my friends there still wait for me, but Manila always has a big part in my heart.

Nang nakapasok sa loob ng kwarto ay binuksan ko na ang aking cellphone. I expected Roswell's news, pero unknown number iyon.

Unknown number:

You'll go with us this Saturday?

Sa tanong pa lang na iyon, alam kong isa ito sa mga kaibigan ko. But I have their numbers registered on my phone except for Eros. This could be him? Eh bakit niya naman ako it'text? Without thinking much, I assumed that this is really him.

Me:

Unexpected, but my Mama's leave is approved. Aalis kami sa martes.

I typed Eros' name on my phone.

Eros:

Manila?

Me:

Yeah.

Eros:

Kailan balik mo?

Me:

Probably after New Year. Ganoon naman lagi.

Ngumiti ako pagka'send ko sa kaniya noon at nagdesisyon na maglinis muna ng katawan bago ituloy ang paguusap. Excited akong umakyat at hindi pa natatanggal ang tuwalya sa aking buhok nang binuksan ko ang cellphone ko. Agad akong nadismya sa kaniyang reply.

Eros:

Okay.

Ngumuso ako. He only likes small talks, huh? Paano siya nakaka'diskarte sa babae kung hindi siya marunong bambola? Magpahaba ng usapan?

Kinabukasan, nagpresinta ako kay Mama na ako na lang ang bibili ng mga pasalubong sa bayan. There is a Mall there and a tiangge. Marami rin ang nagtitinda ng mga pampasalubong na mga pagkain.

"Sigurado ka? Malayo layo ang bayan." May pagaalinlangan sa boses ni Mama but I assured her that it is fine.

Dalaga na naman ako at hindi na bata. Ilang beses na akong nakapunta doon kasama siya kaya hindi na rin ako maliligaw. In the end, pinayagan niya ako at binigyan ng tingin ko ay sobrang pera. Kaya tanghali ay lumakad na ako.

I wear my knitted custard long sleeve that is tucked in my white shorts. I wear my old black adidas white shoes and a small bag crossed around my body. It took me almost an hour bago nakarating sa bayan. Marami rin kasing sasakyan.

And I was surprised to see tons of people in tiangge dahilan kung bakit mas pinili ko na lang ang Mall na katabi lang naman. At tama naman ako dahil mas kontrolado ang tao dito kaysa sa labas. Masyadong marami na natatakot ako baka hindi ako makabili ng ayos. At alam kong maraming manamantala lalo na sa katulad ko.

Dumiretso ako sa isang store na nagtitinda ng famous delicacies ng Iloilo. I bought sweet treats like Biscocho. Dinamihan ko ang supot ng mga napipili kong snacks. Pagkatapos kong halos mapuno ang basket ay nagbayad na ako sa counter. Now, mamimili naman ako ng panregalo kagaya ng mga damit.

I walked towards boutique and scanned each. Mapili ako sa damit, minsan ay ang gusto nila ay hindi ko gusto. Tumigil ako sa tapat ng isang vintage shirt. Panlalaki ito with a print of 'boys'. I tilted my head to see more the details of the shirt but I was caught off guard when I realized na kanino ba ito ibibigay. Sa mga kumare lang at inaanak lang naman magreregalo si mama, na lahat ay babae at mga bata.

"Usong-uso 'to, Ate. May ganito na ba ang boyfriend mo?" Sulpot ng isang sales lady sa tabi ko.

Nginitian ko ito. "Wala po akong boyfriend. Nagandahan lang po ako."

Sa huli ay hindi ko rin binili dahil wala naman talaga ako bibigyan. Diretso ang lakad ko sa natatanaw na popular na store sa Pilipinas nang may makasalubong akong dalawang matitikas ang pangangatawan na naglalakad palapit sa akin.

Nginitian ko si Van at Eros. Ganoon din ang ginawa ni Van but Eros remained serious and dark like how he usually is.

"Nandito kayo!" Puna ko. Siguro ay naggagala sila?

"Nagbabaka sakaling makita ko 'yong usong damit." Si Van ang nakipagusap sa akin kaya bumaling ako sa kaniya.

Magsasalita na ulit sana ako nang malamig at malalim akong tinanong ni Eros. Bumalik ang tingin ko sa madilim niyang titig at ewan ko ba na kahit kinakabahan ay nangingiti ako.

"Why are you here?"

"Bumili ng pasalubong. I told you last night na aalis kami." I answered him, a bit meaningful dahil sa huli niyang text sa akin.

"Ng magisa?" Ngayon parang nagi-intriga niyang tanong. Tumango ako.

"You should have texted me so I can accompany you. Delikado ang magisa lalo na ngayong maraming tao."

Napakurap kurap ako sa kaniyang sinabi at hindi agad naproseso ang kaniyang sinabi. He remained stern and cold kaya umiwas ako at nakita ang kapatid niyang nakangisi na ngayon.

"I-I can do it myself." Ewan ko pero halos mabulol ako.

"I'll go with you. Umuna ka na umuwi, Van."

I turned to him a bit shock but he only gave me a bored look.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top