Simula
“Chelsea! Teka lang, bakit ka ba tumatakbo?” hinihingal na sigaw ko habang hinahabol ang kaibigan kong si Chelsea. Nagmamadali kasi ito patungo sa labas ng entertainment company building kung saan isa ako sa sikat na aktres at si Chelsea na kaibigan ko ay ang aking manager.
Nang tumigil ay ngumiti siya sa akin. “Yes! Girl, naabutan ko 'yong fortune teller! Tara, pahula tayo.” Kumunot naman ang noo ko at pinag-cross ang aking mga braso.
“Do you believe in such things? It's 2025 now.”
“Nako, wala namang masama sumubok 'di ba? Kaya tara na!” hinila niya ako palapit sa manghuhula na nasa gilid ng kalsada.
Paglapit namin ay sabay kaming nagulat ni Chelsea nang magsalita ito kahit hindi nakatingin sa 'min. “Destiny ang pangalan mo hindi ba?” nagkatinginan kami ni Chelsea dahil do'n.
“Huh? Ah, opo,” sagot ko naman.
“Pumili ka ng tatlong baraha.” Kahit nagtataka ay sinusunod ko ang sinabi niya at pumili ng baraha sa mga nakalatag sa maliit na mesa.
Kinuha niya ang barahang pinili ko at tinitigan ito. “Hmm...hindi sila dapat magsama,” aniya sabay tingin sa akin. I felt nervous when our eyes met. Bulag siya pero parang nakikita niya ako.
“P-po? Sino po?”
“Ang kasalukuyang ilaw at haligi ng inyong tahanan,” napahawak ako sa dibdib at tumingin kay Chelsea na seryosong nakikinig sa matandang babae. “Hindi dapat nila itinuloy ang pagmamahalang matagal ng tapos. Nagkamali ang tadhana para sa kanilang dalawa. Kamatayan ang kabayaran sa pagsasama nila.” Nagulat ako at hinampas ng malakas ang mesa.
“Ano po bang sinasabi mo? That's not a good joke. Stop saying nonsense! Hindi 'yan totoo! Kamatayan? You're crazy!” I grabbed Chelsea's arm and was about to leave when the old woman spoke, so I stopped.
“Ibang kapalaran ang naghihintay para sa kanila.”
Umiling-iling ako at umalis na. But I didn't expect that decision to ignore it was something I would regret for the rest of my life. If only I had listened to what the fortune teller said...
“Be careful there, Ma and Stepdad.” Naka-busangot ako habang nakatingin sa kanila. Kasalukuyan kaming nasa restaurant at kumakain ng hapunan. Ngayong gabi ang alis ni Mama and Stepdad patungo sa italy para i-celebrate ang kanilang 10th Anniversary.
“Congrats sa inyong dalawa. Ang saya naman. You celebrate the Anniversary but we both never celebrate my birthdays. I'm so happy for you, Ma.” Mapait akong ngumiti at nawala naman ang malawak na ngiti sa labi ni Mama.
“Destiny...” lumapit siya at hahawakan sana ako pero umiwas ako at tumayo sa kinauupuan.
“Mag-enjoy at mag-ingat kayo ro'n.” Iyon lang ang sinabi ko at umalis na sa lugar na iyon.
But I didn't expect that it would be the last time I would see my Mama dahil habang nasa kalagitnaan ako ng aking tulog ay nabulabog ako ng sunod-sunod na ring ng aking phone at nang sagutin ay para akong nabingi hanggang sa makarating ako sa hospital at tumatakbo patungo sa emergency room ay paulit-ulit na laman ng isip ko ang sinabi ng nurse na naka-usap ko.
“Don't be surprised, ma'am, but Mr. and Mrs. Villarosi was rushed to the emergency room because of a big car accident near the Airport.”
“Ma, please! Don't die!”
Ngunit nang makarating ako sa E.R ay parang gumuho ang mundo ko nang makita na bawian ng buhay ang aking ina. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at walang ibang naririnig kun'di ang iyak ng aking stepbrother dahil magkasabay na binawian ng buhay si Mama and Stepdad.
Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko at natumba sa kinatatayuan ko. Mariin kong hinawakan ang dibdib at walang tigil na umiyak. Sinisisi ang sarili sa mga pangyayari.
Hanggang sa lamay at libing ay malinaw pa rin sa alaala ko ang sinabi ng matandang manghuhula. Maraming nakilibing at umiyak sa pagpanaw nilang dalawa at doon ko lang nalaman kung gaano kabuti ang aking ina dahil sa dami ng nagluksa. It was only then that I found out how much Mama loved me, she was always proud of me in front of her co-workers and I regretted so much that I got angry at inisip kong hindi niya ako mahal dahil anak niya lang ako sa pagka-dalaga.
“Ma...I'm so sorry. I'm sorry because I hurt you, became a burden and caused you suffering. I didn't think about all the sacrifices you made for me, I scolded you, I was angry with you and...and I didn't do anything to save you. I'm sorry, Ma. It's all my fault...hic hic...if I had believed what the fortune teller said, if I had prevented you from leaving—no. If I had prevented you and Stepdad from getting married, this would not have happened.” Hinaplos ko ang puntod ni Mama habang pumapatak ang mga luha ko rito. Tatlong araw na ang lumipas mula ng mailibing sila at sa tatlong araw na 'yon hindi ako makakain, makatulog at walang tigil na umiiyak.
“If only I could change your fate, Ma. If only I could be given the chance to go back to a time when you and Stepdad didn't cross paths again yet...I'll bet my life to separate and prevent you two from meeting.”
Matapos kong magtungo sa cemetery ay nagtungo ako sa apartment na tinitirhan ni Cody para alamin kung ayos lang ba siya. Kahit naman hindi kami magkasundo ay naging magkapamilya naman kami.
Nang makarating ay hindi ko inaasahang matagpuan siya sa rooftop ng apartment. Nanlaki mga mata ko at inisip na magpapakamatay siya kaya naman lumapit ako sa kaniya para pigilan siya.
“Hey! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Magpapakamatay ka talaga?!” sigaw ko at hinila siya mula sa railings. Hindi siya umimik at galit lang na nakatingin sa akin kaya napa-atras ako.
“It's your fault why Dad died!” napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya.
“A-ano bang sinasabi mo?”
“If you want stepmom to die, why does Dad have to be involved?!” umawang ang labi ko at sinampal siya
“Gan'yan ba talaga kasama tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? If anyone is hurt more here, it's me! Because Mama died before I could even tell her how much I loved her, I didn't even make her feel that!”
Yumuko ako para itago ang luhaan kong mga mata pero nag-angat ako ng tingin sa kaniya dahil sa sunod niyang sinabi. “Then it's Stepmom's fault.”
“What?”
"She had the idea to go to Italy in the first place—" lumapit ako sa kaniya at pinaghahampas siya.
"Nababaliw ka na ba?! Sisisihin mo pa talaga ang Mama ko! Gan'yan ang gusto mo, huh! Then, kasalanan ni Stepdad ang lahat! He was driving the car, wasn't he?" nagsalubong ang mga kilay niya at masamang tingin ang ipinupukol sa akin.
"No! It's Mom's fault!"
"You! You still feel like calling her 'Mom' after blaming her! It's your Dad's fault because he was driving the car!" galit kong sigaw saka hinila ang buhok niya na ikinagulat namin pareho.
"Walang kasalanan ang Dad ko! You and your Mom are to blame for why my Dad died! If you didn't come into our lives, he would still be alive and we would still be happy! Kasalanan niyo ito, mga malas kayo!" katulad ko ay hinawakan din niya ang buhok ko at hinila.
Kapag mas dinidiinan ko ang paghila sa buhok niya ay mas dinidiinan din niya hanggang sa hindi na namin alintana ang posisyon na kinaroroonan namin. Sa malakas na pag-ihip ng hangin ay parehas umawang ang labi namin at nanlaki ang mga mata dahil sa hindi inaasahan at kaawa-awang sitwasyon ay nahulog kami sa railings ng building.
He took me by the arm and hugged me tightly as we slowly fell from the rooftop. I just closed my eyes and hugged him tightly because of the fear of seeing death.
Is this all my life? No! Please! I'm scared! I don't want to die!
Nang bumagsak sa malamig na semento ay nag-uumapaw na sakit ang aking naramdaman. Sobrang sakit, bawat parte ng buong katawan ko ay ramdam ko ang sakit. Kahit nanghihina ay tumingin ako kay Cody at nakaramdam ng lungkot dahil tuluyan na siyang binawian ng buhay.
Is this really our fate? Is it final? Is there really no hope to fix everything?
Mas lumala na ang pananakit ng aking ulo hanggang sa unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin at nararamdaman ko na rin ang pangangapos ng aking hininga.
Pero bago tuluyang malagutan ng hininga ay nakita ko ang matandang babaeng manghuhula na nakatayo ilang metro mula sa pwesto namin.
"H-help..."
"Destiny! Anak! Gising na, malalate ka na!" napadaing ako dahil sa lakas ng boses ni Mama na sinasabayan pa ng malakas niyang katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"Ma...ano ba? You're so loud, I'm still sleepy..." Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagmulat ng mga mata.
"MA?! WHAT?!" I got up and looked around the entirety of my room only to fall to the floor creating a loud thud enough to wake me up and sink into my head that I wasn't dreaming.
This...this room...this is my room when I was in high school!
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top