Chapter 2
It's a Sunday bitches! Saya saya koya Wel! Ano kayang gagawin ko? Hmm, mamamasyal? Magfoodtrip?
"Bye guys! Aalis na kami!" Aba. Madadaya itong mga ito a
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Pierre sakanila.
"Si Patrice at Noelle pupuntang Myeongdong. Si Shadwell naman tsaka si Mae, may date. At ako, pupunta sa computer shop. HAHAHAHAHA"
Hinayaan nalang namin sila. Habang si Pierre ay napagdesisyunang pumunta sa library ng school namin, ako naman napagisipan kong magfoodtrip nalang magisa dito sa may lugar ng dorm namin.
Nakasuot lang ako ng simpleng black jeans at medyo crop na white shirt. Tapos black rubber shoes. Nagbaon na rin ako ng coat na black.
Habang naglalakad ako, naramdaman kong may umakbay saakin. Nang lingunin ko ito, aba ang Taeyong nakacap at nakashades tapos naka-all black. Mabuti at walang makakakilala sakaniya dito. Nagshades na rin ako.
"Ang ganda mo ngayon a. Bakit ikaw lang magisa?"
"May kanya kanya silang lakad e. Ayoko naman sayangin oras ko sa dorm. Kaya naisip kong magfoodtrip." Tinignan naman ako nito at tinignan ko rin siya. Nagtawanan nalang kami.
Una kaming pumunta sa tteokbokki. libre na daw niya. Isa lang inorder namin. Kasi kapag tigisa kami, siguradong mabubusog agad kami. E foodtrip nga diba?
"sige ganito. Challenge tayo. Kapag naubos na natin yung tteok, dapat hihigupin mo yung sauce." knowing na sobrang anghang nung sauce, at sobrang hina ni Taeyong sa maanghang.
"Ayoko nga! Atsaka ano naman ang mahihita ko kapag sinunod kita?" Napaisip naman ako. Ano nga ba?
"Wag na nga." Sakto ubos na rin ang tteok. Nauna na ako maglakad sakaniya at tumigil sa bilihan ng fish cakes. Naramdaman ko namang may humila saakin. At nakita kong iritang irita na si Taeyong saakin. Bumalik kami sa tteokbokki. nagulat ako nang inumin niya ng walang hingahan ang Sauce ng tteok.
"Hoy! Ayos ka lang?" nagaalala kong tanong dito. Jusko pulang pula ang mukha nito at naiiyak na.
Hinila ko ito sa convinience store. Kumuha ako ng dalawang milk tea at kimbab at ramen. Sige na maanghang din ang ramen. Napapakain kasi ako e. At alam ko namang gusto rin niya.
"O. inumin mo yan." inabot ko sakaniya ang milk tea at agad naman niya ito ininom. Nangalahati agad e.
"Bumili ako ng dalawang ramen at kimbab." inabot ko rin ito sakaniya.
habang hinihintay namin na maluto ang ramen namin. Naramdaman ko na isinandal ni Taeyong ang ulo niya sa balikat ko.
"Napagod ako. Bwisit ka" sabi nito at pumikit. masaya naman ako na kasama ko si Taeyong. Family friends ang mga pamilya namin. Hindi man kami sabay na lumaki, pero nang nakilala ko siya, pinagkatiwalaan agad siya ng pamilya ko. At ganun din naman ang pamilya niya.
Medyo nagdidilim na rin. Dahil hapon na rin nung kumain kami.
Habang hinihintsy namin na maluto amg ramen namin, biglang bumukas ang pinto ng shop at nagulat ako nang makita ko si Jaehyun kasama si Mark. Si Taeyong naman nakatulog na ata. Kawawang leader.
"Uy Mich!" inapiran ako ni Mark at umupo sa tabi ko. Habang si Jaehyun naman ay umupo sa tabi niya.
"Hey Mark." Nginitian ko ito. "kakain din kayo?" Tanong nito at tumango ako.
"Kami din e. Sige kuha lang kami tas babalik.kami dito." Tumayo sila at naningin ng makakain.
Tinignan ko mula sa inuupuan ko si Jaehyun. Ang lakas talaga ng dating ng mukha niyang parang lagi nakapoker face. Yung dimples niya na effortless na lumalabas. Yung tindig niya na ewan ko kung ako lang or ano pero basta ang gwapo niya talaga.
Eversince smrookies days nila, siya talaga lagi kong pinagmamasdan. okay. SoOo wEeiIrd.
"Mich, kamusta yung sayaw niyo? Balita ko stress kayo ngayong buwan na ito a?" Nang nakabalik si Mark, nagsimula na kami kumain. Nagising na rin si Taeyong at sa kasalukuyang nilalantakan ang ramyeon niya.
"Oo sobrang busy kasi kami ngayon e. Kahapon pinuntahan kami sa dorn ng coach namin. sabi niya saamin next month na yung ball games namin. Tapos yung school works pa namin. at siempre yung performance namin sa katapusan ng taon. Arghh!" nagulo ko nalang ang buhok dahil ngayon ko lang narealize na ang dami pala naming kailangan gawin.
lakas ng loob kong magfoodtrip ngayong araw. Edi sana gumawa nalang ako ng notes para sa exam namin next week.
"May ano daw kayo e. Ano tawag dun? The.. Thesis?" Oo nga pala. Hindi nga pala uso thesis dito.
"May thesis kami. Yun yung parang research paper. Gagawan namin ng research or article ang isang topic then ipapasa namin sa teacher yung ginawa namin paper. After nun magu-undergo kami sa defense. Dedepensahan namin lahat ng tanong ng teacher namin tungkol sa ginawa naming research."
"Stress nga yan. Lahat pa naman kayo mga focus lahatnsa studies. Kami kasi wala kami pake sa studies noon e. HAHAHAHAHA" hayup na Mark to.
"kailangan din kasi namin imentain yung grades namin. Kung hindi dahil sa grades namin wala kami dito." napatango tango naman si Mark.
"Kamusta ka Jaehyun oppa? Okay na ba yung sugat mo?" Tanong ko kay Jaehyun na ngayon ay napatigil sa pagkain. Narinig ko rin si Taeyong na napaubo. Lul ka Taeyong.
"Okay na ako. Gomawo." Di man lang ako liningon. Nginitian ko nalang siya kahit hindi niya ako nakikita.
Inubos lang namin ang kinakain namin tapos sabay sabay na kami umalis.
"Mauna na kayo. Ihahatid ko muna si Mich." Sabi ni Taeyong kina Mark. Tumango naman si Mark at humiwalay na sila saamin.
Pagalis nung dalawa ay inakbayan naman ako ni Taeyong. Naramdaman kong inamoy amoy niya ang buhok ko.
"Baho." Siniko ko naman smg tiyan. hayup to.
"Edi wag mo amuyin!" Nakabusangot na ako dito habang siya e naluluha na sa kakatawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top