Kabanata 52
Kabanata 52
Forgive
Hindi ako pinapatahimik ng mga nasabi ni mommy sa akin. I feel so useless. But then I convinced myself that I shouldn't worry about it. Sinabi ko lang naman ang tingin ko'y tama.
Maaga akong dumating sa restaurant kung saan namin nagkasundong magkita ni Logan. May disenyo na ako para sa unang dalawang silid ng kanyang bahay. The first one is the blue room. Blue halos lahat ng gamit doon mula sa kurtina, bed, wallpaper, at carpet. Ang pangalawa ay ang red room. Pinaghalong pula at cream ang ginawa ko doon at sana magustuhan niya.
Inayos ko ang laptop ko. Sinadya kong mauna para maayos pa ang mga detalye ng mga ginawa kong disenyo.
Wala sa sarili akong napatingin sa glass door ng restaurant. Isang babaeng payat at matangkad ang pumasok. Ang malaking sun glasses niya at ang itim na long dress ay nagpapahiwatig ng karangyaan at class. My eyes are glued on her and I don't know why. Humakbang siya palapit sa isang lamesa at pagkaupo niya ay doon ko napagtanto kung bakit ako nakatingin sa kanya.
She's familiar. Binalik niya sa waiter ang menu ng pagkain at tumayo siyang muli. Isang beses niyang pinasadahan ng tingin ang buong restaurant bago siya tumayo at lumabas.
Nanlamig ang aking sikmura. Nakalabas na siya ngunit ngayon pa lamang ako nakaramdam ng matinding kaba.
Marina Fuentes graced the restaurant I'm in! Walang nakapagsabi sa akin kung nasaan na siya ngayon. Mukhang hindi narin sila partners ni Logan kaya hindi na siya ulit nabanggit ni Logan. I wonder what happened to her? And her family?
Wala akong nagawa pagkatapos ng isang oras. Natulala lamang ako. Hindi ko alam kung natatakot ako o sadyang namamanhid. Nang nagkita kami tatlong taon na ang lumipas ay muntik na akong namatay. And now... she's here freely gracing the paths I'm in?
Natanggal lamang ang kaba ko nang pumasok si Logan sa pintuan. Napasinghap ako at pinilig ko ang ulo ko para tapusin ang aking mga naiisip. Siguro ay kamukha lamang iyon ni Marina.
"Kanina ka pa?" salubong ni Logan sa nag aalalang tono.
Umiling ako ng wala sa sarili. "Kakarating ko lang." Kahit isang oras na ako dito. "I finished something."
Tumango siya. "I'm sorry, may tinapos akong meeting sa opisina."
Kahit hindi niya kailangang humingi ng paumanhin. He's 15 minutes early. Nagkataon lang talagang maaga akong nandoon para rito.
"That's okay. Inagahan ko naman. Hindi ka naman late..."
Pinagmasdan niya ako. Mukhang basang basa niya na may bumabagabag sa akin kaya tumuwid ako sa pagkakaupo at pinanatiling normal ang mga reaksyon.
"I want to order first. I'm hungry," sabi ko.
"Okay..." Tinawag niya ang waiter ngunit hindi natanggal ang mga mata niya sa akin.
Tila ba tinitimbang niya ang lahat ng galaw ko. Kahit anong gawin kong pagkatahimik ay hindi siya nakukumbinsi.
"i'd like some Solumeria..." sabi ko at iniwas ang tingin kay Logan.
Binanggit ulit ni Logan ang order ko. Binigay niya rin sa kanya at nag order siya ng isang mamahaling wine. Kumalma ako ng bahagya. Siguro nga ay guni guni ko lang iyon. It's not Marina Fuentes.
"You okay?" tanong niya.
"Yup..." sabi ko.
Naisip ko tuloy iyong mga sinabi ni mommy sa akin dahil kay Logan. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"You don't look fine, though..." aniya.
"I'm fine," ulit ko.
Imbes na ipagpaliban ang meeting para sa pagkain ay inuna ko na lang ito. Kinuha ko ang laptop ko at binigay ko sa kanya ang designs.
"These are the two rooms you want me to design. Hindi mo ako binigyan ng tamang mga detalye. Gusto mo lang na iba-iba ang designs ng bawat room kaya ito ang ginawa ko."
Natuon ang pansin niya sa mga ipinakita ko ngunit pasulyap sulyap parin siya sa akin.
"Carpeted floors and unique styles. Hindi kasing laki ng mga bathroom nito ang bathroom ng master's bed di ba kaya iyan ang disenyo ko. The bed's are not as big too and the curtains are unique."
Tumango tango siya sa aking disenyo. Iniisip kong may sasabihin siyang hindi maganda pero nilapag niya lang ang aking mga designs.
"I'm fine with that. So next week, ang next two rooms ulit?" tanong niya.
"Yup. I can do that. Anong design ang gusto mo?"
"Any. As long as it's unique. Tutal ay wala namang matutulog diyan. Iyong master's bedroom pa lang ang gagamitin."
Kumunot ang noo ko. Noon ko pa 'to gustong sabihin pero ngayon ko lang babanggitin.
"I can, you know, do designs for the living room and kitchen since hindi naman importante ang mga rooms. I can design them later. Para mas mapaaga ang paglipat mo doon."
Tumango siya habang tinititigan ako.
"You're right. Let's do it first? Maybe you want to visit my house at Forbes Park para makita ng malapitan ang lahat?"
Napataas ang isang kilay ko. "I'm sure I can do designs through the blue print..."
"Mas maganda parin iyong nakikita mo sa personal, Portia. I'm working in this business for years and I know..."
"Fine!" mariin kong sinabi.
Umangat ang gilid ng kanyang labi. I can't believe he's trapped me to this.
Dumating ang mga pagkain namin. Tinabi niya ang binigay kong mga kopya ng designs. Isa isang nilapag ng waiter ng mga pagkain. Nagsalin din siya ng wine sa aming mga kopita. Logan's eyes intensely bored into mine.
"So... when are we going to see my house?"
"I'm fine next Saturday," sagot ko.
"Okay then. I'll pick you up-"
"No!" sabi ko kaagad.
Ayaw kong pumupunta siya sa aking condo. Kahit sa mismong building lang.
"I can drive my way to Forbes Park!"
Tumawa siya. "Come on... What's wrong with picking you up? It saves you from driving and gasoline, Portia."
Gumapang ang kaba sa aking puso. Pakiramdam ko ay pag magpupumilit pa ako rito, mas lalo lamang siyang magdududa.
"Fine. Tawagan mo lang ako pag nasa basement parking ka na."
Binalingan ko ang pagkain. Kumain na lang ako para maiwas ang pag iisip sa iba pang bagay. He's watching me while I'm eating. Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan. Bawat pagsubo ko ay tipid. Napatingin ako sa kanya at naabutan kong umiinom siya ng wine habang tinitingnan ang aking labi.
What the hell?
Parang umulan ng alaala sa akin. Bakit ngayon ko iyon naaalala?
"You're blushing..." wika ni Logan.
Uminit pa lalo ang pisngi at tainga ko. Pakiramdam ko ay basang basa niya lahat ng naiisip ko. God! This is not good!
"Natatakot ka ba na makita kong magkasama kayo ni Clyde sa unit mo?"
Halos masamid ako sa kinakain ko dahil sa tanong niya. Seryoso ang kanyang mga mata. Binalingan niya ang kanyang pagkain at nagsimulang kumain.
"Clyde's not living in my condo unit."
"Oh yeah? Then why is he visiting you, then? Still at it?"
He's visiting Beau! Not me! "How did you know na hindi kami ni Clyde, by the way?"
Suminghap siya at uminom ng wine. "I just know..."
Damn! Pinapaimbestigahan niya na naman ba ako?
"Are you stalking me? Or paying someone to stalk me?" angil ko.
"No! Dammit, Portia! I don't do that anymore," mas iritado niyang sinabi.
Nagulat ako sa biglaan niyang pagkakainis. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Uminom ako ng tubig at pinagmasdan siya habang kumakain.
"Then how did you know?" I'm sure my mom didn't tell him. Lalo na si Katelyn. Paano niya nalaman?
"I just know. I don't want to pay people to stalk you anymore..." mariin niyang sinabi. "I fired the last man I hired."
Kumunot ang noo ko. I wonder why? Hindi naman dahil gusto kong pinapaimbestigahan niya ako! I'm just wondering what happened. Bago ko pa siya matanong ay tumunog ang kanyang cellphone.
Umigting ang bagang niya. Nanahimik ako at bumaling sa aking pagkain. Kinuha niya ang kanyang cellphone at inangat ang mga mata sa akin.
"I have to get this call. Excuse me..."
Ang akala ko ay tatayo siya para umalis pero nanatili siya sa aming lamesa. Dahan dahan kong sinubo ang pagkain habang nakikinig.
"Yes..." suminghap siya. "Okay... Okay... I'll... yup... I'll get there. Here?"
Luminga linga si Logan sa paligid. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Bumaling siyang muli sa akin. Nagtaas lamang ako ng kilay. Hindi maintindihan ang reaksyon niya.
"Dammit! Then search everywhere! I'll wait for his call!" Tumaas ang dibdib ni Logan sa katawag.
Sino kaya itong tumawag? Nagkibit lamang ako ng balikat at binalingan muli ang pagkain ko.
Binaba niya ang kanyang phone. Hindi pa siya nakakapagsalita ay may tumawag muli.
"Dad..." salubong niya sa tumatawag. "Yes... I'm with Portia right now..."
Natigilan na ako nang marinig ko ang pangalan ko. What is this all about?
"Yes. I'll be there... Yes, I'll do that. I'll send some..."
Nagkatinginan kaming dalawa. Nasa cellphone parin siya ngunit hindi matanggal ang tingin niya sa akin.
"I don't know. I can't risk it. I'd rather have her with me..." ani Logan.
Ang ama niya ang nasa kabilang linya, hindi ba? I wonder if it's about business?
Binaba niya ang kanyang cellphone. Huminga siya ng malalim bago siya nagsalita.
"Are you free tonight?" tanong niya.
"I am here with you. Wala akong gagawin kundi ang makipag meeting sa'yo. Why? What's the problem?" Natataranta na ako dahil sa mukha niya ay parang may malaking problema.
"I mean the whole night. I want to bring you to our headquarters..."
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung para saan ang gusto niyang mangyari. Beau's with Maja at siguro'y nasa bahay na rin si Clyde sa ngayon. Kung gagabihin pa ako ay pwede naman akong tumawag kay Mary.
"Where is your headquarters?" tanong ko.
"It's in Laguna. Baka bukas na tayo makabalik ng Manila. Are you free?"
Dammit! What is this for? Bakit ako sasama sa headquarters nila? Headquarters ng ano? Mas lalong tumindi ang kaba ko. Hindi kaya gaya ng nangyari ilang taon na ang nakalipas ay... no... I trust Logan. He won't hurt me. He got jailed for almost a year and... pero baka naman totoong maghihiganti siya?
Hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit.
"I just want to confirm something. It's about business. Sa Headquarters ng Trion Security, Portia."
Hindi ako kumibo. Hindi ko maitatanggi ang takot ko kaya hindi ako nakapagsalita.
I feel stupid. Dahil kahit ano man ang nangyari na sa amin ay nagtitiwala parin talaga ako sa kanya. I still feel secured. I still feel safe with him. Na kahit na isama niya man ako sa kuta ng mga taong nagtangka sa buhay ng aking ama ay kaya ko paring magtapang tapangan. I can't believe it.
"Don't worry. It's the safest place for you, Porsh. Hindi na mauulit iyong nangyari noon. Inayos ko ang lahat ng mga tao sa Trion. I can't risk it anymore. Ang mga nagtraydor ay matagal ko nang pinakulong. Whatever happened years ago was my responsibility that's why I couldn't blame your father for filing a case against me..."
Malinaw na inamin ni daddy sa akin na kagagawan niya ang nangyaring ambush. They were at it for Sen. Fuentes pero dahil nagkamali sila kaya nadamay ang mommy ni Logan. Kinagat ko ang labi ko. Nag init ang gilid ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. I don't know what's going to happen next but I don't want to carry this burden anymore.
"Logan, wala ring karapatan si daddy na kasuhan ka. Siya ang may kasalanan. He's at fault from the very beginning..."
Mataman siyang nakatingin sa akin. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mga mata.
"He's one of the masterminds of the ambush kung saan namatay ang iyong ina. I... I don't know if you know this and I don't care if you'll get mad at our family again-"
"I know that from the very beginning, Porsh. Kahit noong di pa kita kilala, alam ko na iyon," malamig niyang sinabi. "We didn't file a case because we lack evidences. At isa pa... pinagsisisihan ng daddy mo ang nangyari."
Umiling ako. Hindi ako makapaniwalang iyon lamang ang dahilan niya. "Pinagsisisihan ni daddy kaya ayos lang sayo, Logan? Ayos lang sayo? Kinalimutan mo na namatay ang mommy mo dahil sa daddy ko? Hindi ako makapaniwalang iyon lamang ang dahilan mo."
Mariing pinikit ni Logan ang kanyang mga mata. Parang kinukurot ang puso ko habang nakikita siyang nasasaktan. Para bang may pilit akong pinapaalala sa kanya na gusto niya nang makalimutan.
"You taught me to forgive Portia..." Dumilat siya. "Hindi ito maayos sa akin. The death of my mother still gives me pain, Portia but you... you taught me to forgive. I fell for you hard, Porsh. I don't want a feud to come between us so I'll choose to forgive..." aniya.
Natahimik ako.
"Please trust me. The company needs me and I need you by my side. Can I borrow you tonight?"
Kung ang tanong ay nagtitiwala ba ako kay Logan, then yes. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Ang matayog na dingding na nakapalibot sa aking puso ay unti unting nagigiba.
"I need to make some calls, then..." sabi ko at bumaling sa aking cellphone.
Sandali akong napatitig sa aking cellphone. Gumuhit ang isip ko kay Beau. Baby, I'll be back tomorrow. Baka sa trip na ito ay tuluyan ko nang masabi kay Logan na may anak kami.
"Okay. Thank you," marahang sinabi ni Logan.
Tumango ako at pinindot ang numero ni Mary para makatawag.
"I'll assemble my bodyguards outside. I'll be back in two minutes..." aniya.
Tumango ako at hinintay ang sagot ni Mary.
Palayo si Logan nang sinagot ni Mary ang tawag. Maingay sa unit. Nagtatawanan si Maja at Clyde sa background. Napahinga ako ng malalim. Mabuti naman. At least Beau won't be too lonely tonight.
"Mare, baka bukas na ako uuwi. Can you give the phone to Maja?"
"Sige po, ma'am. Teka lang po..."
Narinig kong tinawag ni Mary si Maja. Narinig ko ring nagtanong si Clyde kung ako ba ang tumatawag.
"Si Ma'am Portia po," ani Mary.
Natahimik si Clyde.
"Hello, Porsh..." ani Maja sa kabilang linya.
"Hey! Uh... Maja, I'm sorry sa abala. May lakad ka ba ngayong gabi?" tanong ko.
"Wala. Bakit?"
"I'm sorry to ask this but baka kasi hindi ako makauwi ngayong gabi. Can you-"
"Of course, Mommy Porsh! I'm more than willing to! Syempre pag nandito ka, kulang na lang hindi mo ipahawak si Beau sa akin kaya pwede ring wala ka muna dito para ako naman ang mag alaga sa anak mo."
Napangiti ako. "Babalik din agad ako bukas ng umaga."
"Kahit sa susunod na araw ka nang bumalik." Tumawa siya. "Kidding. What's this all about? hmmm?" Puno ng kuryosidad ang kanyang boses.
Nakita kong papasok na muli si Logan sa restaurant. I need to put my phone down.
"Basta. I need to do some things. Sorry, Maja. Thank you talaga, ha? Nahihiya na ako sayo-"
"Hindi naman palagi, Porsh. And you know I'm always willing for Beau..."
"Thank you so much..." sabi ko.
Nang nakalapit na si Logan ay binaba ko na ang tawag. May kaonting pangungulila sa aking puso ngunit isusugal ko ito. Sana ay magkaroon na ako ng tapang para sabihin sa kanya na may anak na kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top