Chapter 28

SA labas ng gilid ng eskwelahan. Tumakbo ang isang batang si Zara bitbit ang bag nito nakasabit sa kaniyang likuran. Sumilay ang kaniyang biloy sa magkabilaan na pisngi nang maabutan nito ang batang si Wesley sa kabilang panig ng kalye.

"Ang tagal mo. I want to buy kwek-kwek pa naman. Umalis na tuloy si kuya," nakabusangot na saad ni Zara sa pinsan na lalaki.

Ginulo naman ni Wesley ang buhok ni Zara habang may nakapaskil na ngiti ito sa mga labi.

May edad na labing tatlo si Wesley habang si Zara naman ay may edad na labing dalawa. May isang taon ang agwat ng dalawa at hindi mapagkakaila ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa.

"Ano ba kasi ginawa mo?" dagdag na tanong pa ni Zara dito habang inaayos ang nagulong buhok. Nagsimula na rin silang maglakad papunta sa mga nakahalerang street food.

"Sa ibang kwek-kwek na lang tayo bumili," ani Westley. Nagawa pa nitong kunin ang bitbit na bag ni Zara. Umikot ang mata ng babae. Hindi kasi ni Westley sinagot ang katanungan nito at umiwas na naman.

"Ayoko no'n. Mas gusto ko 'yong kanina. Mas masarap sauce ro'n." Tanggi ni Zara. Pero parehas na ang dalawa nakatapat sa isang street cart nagbebenta ng mga kwek-kwek, kikiam, at fishball.

Nakabusangot pa rin si Zara dahil ang tagal ni Westley lumabas ng school habang ang lalaki naman ay nagaabot na ng pera sa manong. Niluluto na nito ang kwek-kwek na kanina pa ni Zara nirereklamo.

Bumaling ang tingin ni Westley sa babae. Hindi namalayan ni Zara ang pagkuha ang pagbili nito ng inumin dahil sa pagsusungit dito.

"Oh, magpalamig ka muna. Ang init na ng ulo mo," may pang-aasar ni Westley.

Mas lalo naman nainis si Zara pero nagawa pa rin nito kunin ang binigay na palamig sa kaniya. Tumalikod pa ito habang uminom. Hindi kasi maitago ni Zara ang ngiti sa gesture ng lalaki sa kaniya.

Kahit nakakainis ito ay palagi naman siya nito inaalala at inaalagaan.

Kung ang tingin ng karamihin ay mag pinsan silang dalawa. Alam nila Zara at Westley na wala itong katotohanan. Bata pa lang sila ng lalaki ay alam na nila ang sekreto ng kanilang pamilya.

At dahil doon hindi napigilan ni Zara ang mahulog sa lalaki sa bata nilang edad.

PATAGONG hinawakan ni Westley ang kamay ni Zara. Dalawang taon ang lumipas nang magkaaminan sina Zara at Westley ng kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Walang nakakaalam sa totoo nilang relasyon. Maski ang kanilang mga pinsan ay walang may alam. Pinilit ng dalawa itago ito lalo na't hindi sila sigurado kung maiintindihan ba sila ng mga ito kapag nalaman nila ang tunay na estado ng relasyon mayroon ang dalawa.

Kahit sabihin pa na alam ng magulang nila na alam nilang hindi sila tunay na magpinsan. Hindi naman sila makaamin dahil sa kanilang mga pinsan at sa mga matang nasa kanilang paligid.

May lungkot na ngumiti si Zara kay Westley nang dumako ang tingin ng babae sa kanilang kamay na magkahawak.

Zara wanted to hold him in front of them like everyone else. But unfortunately, their family we're not like everyone else.

"Do you think what we have is right?" bigla na lang natanong ni Zara. Umangat pa ang tingin nito kay Westley na halatang nagulat sa sinabi ng babae.

"I know we're still young to say this but..." saglit huminto si Westley. Ang kamay nilang magkahawak ay tinapat nito sa dibdib at hindi inalis ang tingin sa mga mata ni Zara. "All I know is that my love for you will always be right."

Bumusangot si Zara. Agad nito pinahiran ang taksil na luhang bumuhos sa kaniyang mga mata. Hinalikan naman ni Westley ang noo ni Zara pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ng babae.

Parehas naman natawa ang dalawa nang napagtanto nilang sobrang seryoso na nilang dalawa.

May nakapaskil na ngiti sa kanilang dalawa nang parehas silang magulat dahil sa biglang sulpot ng isa sa kanilang pinsan na si Phoenix.

"What's going on here? Bakit kayo nag-iiyakan?" nagtataka na tanong ni Phoenix sa dalawa. Mabilis naman napahiwalay sina Zara at Westley sa isa't sia. "Kailangan ko na rin bang sumabay umiyak sa inyo?" walang hiyang tanong pa ni Phoenix.

May inis naman na binatukan ni Westley ang pinsan. "Ang gago mo."

Napakamot si Phoenix sa ulonan. "What? Anong ginawa ko? Ano ba kasing problema?"

Sabay nagsalita ang dalawa. Parehas din may masama ang tingin. "Wala!"

"Ano nga?!"

"Bumalik na lang tayo sa loob," ani Zara na sinundan naman ni Westley. Busangot naman na sumunod si Phoenix sa mga ito.

Nang makabalik sila sa loob ng club house. Bumalik doon ang mabigat na pakiramdam ni Zara habang pinagmamasdan ang kanilang magpipinsan na masayang naglalaro.

SABIK na sabik hinalikan ni Westley ang mga labi ni Zara matapos na hindi magkita ang dalawa mahigit isang linggo.

May edad na disiotso si Zara habang si Westley ay disinuwebe na. Saglit namasyal ang mag-anak na sina Zara at mga kapatid nito sa ibang bansa.

Habang si Westley naman ay isang linggo hinintay ito at nang makita ulit ito ay hindi nag aksaya ng oras ang binata at agad na hinagkan ang kasintahan.

"Sobrang namiss kita," amin ni Westley. Hindi naman mapigilan ngumiti ni Zara sa kaniyang narinig. Nagagalak na tinugon ni Zara ang bawat halik na binibigay ni Westley sa kaniya.

"Namiss din kita," pag-amin din ni Zara sa binata. Pinatitigan ito ni Westley. Hindi makapaniwala kung gaano nito kamahal ang dalaga nasa kaniyang harapan.

"Mahal na mahal kita, Zara."

Nabigla naman si Zara. Natigilan. Sa ilang taon nilang magkarelasyon. Ngayon lamang nasabi ng binata ang mga katagang iyon kahit pa ilang beses nitong sinabi at pinaramdam ang pagmamahal sa kaniya.

Para kay Zara. Iba pa rin pala talaga kapag ginamit nito ang gano'ng mga salita para sa kaniya. Ngumiti si Zara.

"Mahal din kita," anito sabay halik ulit sa binata.

Mariin na niyapos ni Westley ang pisngi ng dalaga habang naghahabulan ang mga ito ng halik sa isa't isa nang makarinig sila ng nabasag.

"T-the fuck?!"

Parehas napalingon sina Westley at Zara kay Gray na gulat na gulat sa nasaksihan.

ISANG linggo na hindi niya nakita si Chase tapos bubungad sa kaniya ang isang balita na hindi niya mawari kung totoo ba o hindi.

Kakagising niya lang at nang bumaba siya sa kanilang sala ay naabutan niya ang kapatid na si Phoenix. Kausap nito sa kabilang panig ng telepono si Paris.

Rinig na rinig at kitang-kita niya ang pagkagulat ng kapatid sa narinig galing sa ate Paris niya.

"Kuya," kinakabahan niyang tawag dito.

Tumingin si Phoenix sa kaniya na gulat din. Mabilis nito naibaba ang tawag at lumapit sa kaniya. Pinatitigan siya nito sa mga mata. Pinigilan niya ang hindi umiyak.

Isang linggo niya hindi nakita si Chase. Isang linggo niya rin ito hindi nakausap pagakatapos niya ito makausap no'ng araw na iyon.

Tapos makakarinig pa siya ng balita patungkol dito. At hindi lang iyon, narinig niya ito sa ibang tao. Hindi mismo sa bibig ng binata.

"Gene, are you listening to me?" Winagayway ng kuya Phoenix niya ang kamay sa kaniyang harapan para kunin ang kaniyang atensyon.

Hindi naman ito nabigo dahil bumalik siya sa kaniyang ulirat at pinatitigan ito.

"Kuya, is it true? Nabuntis ni Chase si Valerie?"

Tanong.

Nagtatanong lang naman siya pero bakit ang puso niya ay sobrang pinipiga?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top