GOING
"Papaano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya napangisi siya at tiningnan ulit ako mula ulo hanggang paa, seriously?
"Iyan din ang tanong ko sa'yo. Papaano mo ko nakilala? May sinabi ba si Jack sa'yo tungkol sa akin?" Tanong nito sa akin.
"Eh? May sinabi din ba si Jack sa'yo tungkol sa akin? Siya ba ang nagsabi sa'yo ng pangalan ko? At bakit naman niya sasabihin sa'yo?" Tanong ko rin sa kanya.
"You're really weird, tama nga siya." Natatawa nitong sabi sa akin. "Alam mo Miss Erised hindi tayo magkakakilanlan kung hindi mo sasagutin ang tanong ko at puro tanong lang din ang ibabalik mo." Sabi pa niya.
Tiningnan ko nalang siya dahil kaylangan ko nga pala mag-ingat, I'm with Yuhan so I need to be wiser.
"Fine, but at least answer this question. Why are you here?" Tanong niya.
"I need to talk to Jack. Pwede mo ba akong tulungan?" Pagmamakaawa ko sa kaniya. He look at the front desk at may isinenyas siya doon bago ako sinamahan papunta sa elevator.
"Who's that?" Tanong niya sa akin ng makasabay na kami sa elevator.
Don't tell me ngayon lang niya napansin na may nakasukbit na bata sa akin?
"Gusto mo ako na magbuhat sa bata na iyan para sa iyo?" Suggestion niya, umiling nalang ako sa sinabi niya.
"Kaya ko na 'tong kapatid ko." Seryosong sabi ko sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba kapatid mo siya, kamukhang kamukha mo kasi." Natahimik kaming pareho sa loob ng elevator.
Hindi ako makapaniwalang kasama ko si Jay, feeling ko ba ay maiinggit na naman sa akin si Jeanne pati na rin ang iba pang mga nagbabasa ng story ko.
"Ate... Nagugutom na ako..." Bulong ni Yuhan. Napabuntong hininga ako at napatingin sa umiilaw na number sa elevator.
"Shh, saglit na lang Yuhan." Bulong ko dito.
"Di pa kayo kumakain? Dapat ay kanina mo pa sinabi sa akin para nakapunta tayo sa condo unit ko, ipagluluto ko sana kayo." Suhestyon niya.
"Thanks but no thanks, I really need to talk to Jack and besides why do you care about us. You don't need to--"
"Ginagawa ko lang 'to dahil naku-curious ako sa'yo." Diretsong sabi niya.
Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya.
"Because you're curious?" Nagtatakha kong tanong, tumango siya sa akin.
"Curious ako kung anong ginawa mo kay Jack at kung bakit hindi ka niya makalimutan. Bakit ikaw ang laging bukambibig niya? Nagseselos na nga si Erika sa'yo. Malapit na silang ikasal pero palaging nasa iyo ang atensyon nitong si Jack, kaya ayun curious talaga ako." Napakunot pa lalo ang noo ko.
"Anong ibig sabihin mo sa kung anong ginawa ko?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"I'm pretty sure na may ginawa ka sa kanya. So tell me... What did you do?" Nanunuya niyang tanong sa akin.
"I-I-I-I didn't do anything!" Kinakabahan kong tugon.
"Oh! Easy! Kalma lang tayo Miss Erised." Natatawa nitong sabi sa akin.
Wait... I have my cellphone with me, so I have that picture? Oh geez. Thanks to you J-Dope! Nakagawa na agad ako ng plano ko.
Nang makarating kami sa tamang palapag ay sinundan ko nalang siya hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang pwesto, napanganga ako ng matandaan kong gantong-ganto nga ang nasa isip ko. Baka kaya naghahallucinate lang talaga ako?
Pinindot niya ang doorbell doon at agad din iyong bumukas, nakita kong sa akin agad dumapo ang tingin ni Jack at hindi kay Jayson.
Nakita kong bahagyang nanlaki ang mata niya habang tinitingnan ako.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.
"Let's talk in private." Sabi ko sa kanya, napatingin siya kay Jayson at si Jayson naman ay nginisihan lang siya bago ito nagtaas baba ng kilay sa kanya.
"Fine! Fine! Aalis na ako, wag kayong papahuli kay Erika. Bilin ng isang matinong kaibigan." Aniya bago umalis papalayo habang nakataas ang isang kamay sa ere.
"Fuck you!" Sigaw ni Jack kay Jayson pero tinawanan lang siya neto.
Nang mabalik ang tingin sa akin ni Jack ay nag-iwas siya agad ng tingin.
"Come in." Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan, napanganga ako ng makita ko ang makabagong moderno na desenyo sa kaniyang condo unit. Damn. Kagaya nga ng nasa isip ko.
Habang naglalakad ako papasok ay hindi ko maiwasan na mamangha, lahat ba ng ito ay gawa ko lang? Damn...
"Upo ka." Suhestyon niya bago siya umalis papuntang kusina.
Ibinaba ko si Yuhan sa sofa at umupo ako sa tabi nito, medyo hindi maingat ang pagkakababa ko kay Yuhan kaya nagising ito.a
"Nagugutom na talaga ako..." Anito.
Napatingin ako kay Jack na naghahanda ng pagkain, napabuntong hininga ako at binalik ko ang tingin ko kay Yuhan.
"Oo, naghahanda na siya ng pagkain." Bulong ko kay Yuhan kaya naman napatingin din siya kay Jack, tumingin din ako dito.
Nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya naman nagpalitan kami ng titig sa isa't isa.
"Sino siya Ate? Nasaan tayo?" Tanong ni Yuhan sa akin.
"Wag kang madaming tanong." Sabi ko kay Yuhan para hindi na siya magtatanong pa.
"I can't believe that I'm starting to believe that you're an alien." Pangbungad ni Jack sa amin noong inilalapag niya ang juice at sandwiches.
Hindi na ako nagpasubili at kinuha ko agad yung dalawang sandwich, inabot ko kay Yuhan ang isa at ang isa naman ay kinain ko na. Nagugutom na din ako eh!
Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko, but so what? Kung di ko pa kukunin yun ay baka malipasan pa kami ng gutom ng kapatid ko.
Bumagsak ang tingin niya sa kapatid ko at pagkatapos ay sa akin ulit.
"Sino yan? Anak mo ba yan?" Tanong nito sa akin, hindi ko alam kung mao-offend ba ako sa sinabi niya o sapakin ko nalang kaya siya para hindi na ako maoffend.
"Hindi, kapatid ko siya, mukha ba akong may anak na?" Tanong ko.
Nakita kong napangiwi siya sa sinabi ko pagkatapos ay napatingin ulit siya sa kapatid ko na kanina pa inuubos lahat ng sandwich na inihanda niya.
"Anong dahilan ng pagpunta mo dito?" Tanong niya sa akin.
"May favor ako sa'yo." Diretso kong sabi sa kanya, nakita kong napataas ang isang kilay niya at napasandal sa sofa.
"Sa tingin mo ganoon tayo ka-close na dalawa para manghingi ka ng favor sa akin at sa tingin mo ba ganoon tayo ka-close para gawin ko 'yang favor mo?" Sarcastic na tanong nito sa akin.
"Sa tingin mo ganoon lang ako kadaling sumuko? Sa tingin mo ba pupunta ako dito ng wala akong bala kapag tinanggihan mo ang favor ko? Like what I've said, I know you more than you know yourself." Panggagaya ko sa sinabi niya.
Nakita kong napa-igting ang panga niya habang nakatingin sa akin.
"Ano yun?" Napangiti ako ng palihim dahil sa tanong niya.
"First, kung bumalik man ako sa mundo ko at hindi ko nasama ang kapatid ko, dahil hindi ko naman kasi alam kapag babalik ba ako ay makakasama siya, wala akong alam. Kaya kung sakali man na mangyari iyon, I want you to take care of my little brother." Nakita kong napakunot ang noo niya at magsasalita na sana siya pero tinaas ko ang isang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita.
"Second is, can you give me one hundred thousand pesos? Wala kasi kaming titirhan ng kapatid ko pansamantala, wala din kaming makakain." Diretsong sabi ko.
"One hundrerd thousand pesos?! Ano sa tingin mo ang hinihingi mo huh? Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang 100,000 pesos?! Parang nanghihingi ka lang ng piso ah?" Inis na sabi nito sa akin.
Kung hindi dahil sa akin hindi ka mayaman, sarap isampal sa mukha niya ng salitang ito. Kainis.
"Fifty thousand pesos." Tawad ko sa kanya.
"Tss..." Umirap ito sa akin, what the?! BAKLA!
Pero syempre hindi ko na sinabi iyon, kinimkim ko nalang dahil kaylangan ko talaga ng pera para na rin mapakain ko ang kapatid ko sa mga susunod na araw.
"Forty thousand pesos?" Tawad ko pa. Tinitigan lang niya ako kaya naman napabuntong hininga lang ako.
"Thirty thousand pesos???" Halos patanong nalang iyon.
"Fine! Twenty thousand pesos! Saware wala ka pa rin noon? Ang yaman-yaman mo! Barya lang sa iyo yan." Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Kung mangungutang ka lang sana ay sinabi mo agad." Diretsong sabi nito sa akin.
"Hindi ako mangungutang! Nang hihingi ako, wala akong pera! Hindi ko yan mababayaran! At isa pa tinulungan naman kitang iligtas noong muntik ka ng mahulog sa tulay, you can pay me with twenty thousand pesos." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasabi ko.
"Papaano kung hindi kita bigyan ng twenty thousand pesos, anong gagawin mo?" Tanong nito sa akin.
"Let's see." Sabi ko habang binubuksan ko ang cellphone ko, ipinunta ko iyon sa wattpad at binuksan ko ang chapter kung saan may picture namin noong magkahalikan kami.
Napangiwi ako ng makita ko na naman iyon pero kaylangan kong tatagan ang sarili ko, isinave ko iyon sa gallery ko at tsaka ko binuksan pagkatapos ay pinakita ko sa kanya.
Nakita kong nanlaki ang mata niya ng makita niya iyon pero agad din niyang inalis ang gulat sa mukha niya, umubo pa siya ng isang beses bago umayos ng upo.
"Ipapakalat ko iyan sa social media kapag hindi mo ako binigyan ng twenty thousand pesos." Walang pasubiling sabi ko sa kanya, napakunot ang noo niya sa akin at mariin niya akong tiningnan.
"Tinatakot mo ba ako? Blackmailing? What?" Naramdaman ko ang inis sa mukha niya.
"Di ba ikakasal na kayo ni Erika next week? Napakalaking pasabog nito kapag nalaman nila iyan, alam ko pa naman kung gaano mo kamahal si Erika kahit na ang harsh mo sa kanya. Ikaw naman kasi, bakit mo ko hinalikan noon? Eh alam mo naman engage ka na, playboy of the year. Kitang kita pa ang engagement ring niyo dito." Nakangisi kong sabi sa kanya.
"Walang ka bang natitirang kahit konting pride?" Nawala ang ngisi ko dahil sa sinabi niya.
"Ipapakalat mo ang sarili mong picture na may kahalikan para lang makakuha ng twenty thousand pesos? Sa tingin mo ba ay sa akin lang magagalit ang mga tao? Pati sa'yo! Iisipin nila na kabit kita--"
"I don't care!" I cut him off.
Nakita kong napalunok siya dahil sa sinabi ko.
"I don't care, hindi rin naman ako taga dito! Kapag bumalik na kami ng kapatid ko sa mundo namin gagawa ako ng paraan para hindi ako makabalik ulit dito, I know that you love Erika pero kaylangan naming makasurvive ng kapatid ko dito. Kahit ilang araw lang--"
Bigla niya akong hinalikan.
Parang nalaglag yung puso ko dahil sa biglang paghalik niya, hindi ako makagalaw sa pwesto ko at para akong naestatwa doon.
After that ay umalis agad siya sa harap ko at tiningnan akong muli nito na para bang nagtataka siya.
"Oh bakit hindi ka pa nawawala? Di ba noong hinalikan mo ako nawala ka?" Simpleng tanong nito habang ako naman ay masyadong nabigla dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin kaya hindi ako makagalaw.
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat ko.
"ARRRRRRRGGGGGGHHHHHHH!!" Sigaw ko sa kanya ng mag-sink in na sa utak ko yung ginawa niya, agad kong kinuha ang mga unan na nasa sofa at pinagbabato ko iyon sa kanya.
"Ate..." Napatigil ako sa pagbabato ko at napatingin kay Yuhan na nakatulala sa akin.
"Yuhan..." Bigla akong kinabahan dahil nakalimutan kong nasa harap pala ako ng kapatid ko.
"Nakikita ng kapatid mo 'yang mga katarantaduhan mo." Aniya.
"Excuse me?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Fine, ayokong maglabas ng pera. So, dito nalang kayo tumira ng kapatid mo sa condo ko, malaki naman 'to at may extrang kwarto naman diyan na walang laman, diyan nalang kayo. Dahil baka mamaya ay ginogoyo mo lang pala ako dahil ang totoo niyan ay itatakas mo lang yung pera ko, at ang matindi noon ay baka ipapangbili mo lang ng drugs mo yun."
"What? Excuse me ulit?" Sarkasitkong tanong ko ulit sa kanya.
"Alam mo miss, mahirap ng magtiwala ngayon--"
"Edi wow." Iritadong sabi ko.
"Look Erised. Tinutulungan naman kita kahit hindi ko naman obligasyon na tulungan ka, sa ibang paraan nga lang. Just stay here in my house dahil delikado kayo sa labas lalo na kapag nalaman ng ibang tao na bigla-bigla kayong nawawala. Mabait naman ako." Paliwanag niya.
"Wow! Si Jack Anthony Cole mabait? Wow! Wow talaga!" Halos pasigaw at sarkastikong sabi ko.
"Right, tama 'yan. Wag mong aalisin yung Anthony." Paliwanag niya kaya naman napataas ang kilay ko. Kung ayaw niyang alisin ko, edi aalisin ko.
"Wow! Jack Cole--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng marealize kong masagwa nga kaya napatingin sa akin ang kapatid ko at tsaka ko palang naisip yung sinabi ko kaya napahawak ako sa bibig ko para takpan iyon at nakita kong natawa siya dahil napahiya ako sa kapatid ko kaya naman inapakan ko ang paa niya na naging dahilan para mapasigaw siya.
"Aray! Ikaw na nga 'tong nangangailangan! Papaano kung hindi kita tulungan ha?" Sigaw niya sa akin.
"Tutulungan mo ko! Kasi alam kong matulungin ka kahit gago ka!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Natahimik kaming dalawa bago kami magkatitigan. K. This. Is. Awkward.
"A-Alam mo, matutulog na kaming dalawa ni Yuhan, s-saan ba yung kwartong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Dun, sa tabi ng pintong nasa pinakadulo." Sabi niya habang tinuturo niya iyon.
"Thanks." Tipid na sabi ko bago ako lumapit kay Yuhan.
"Tara na, doon na tayo sa kwarto." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin kaya naman hinawakan ko siya sa kamay bago kami pumasok sa loob ng kwarto.
"Ate? Sino yung guy? Kilala mo ba siya? Bakit nag-aaway kayo?" Tanong sa akin ni Yuhan.
"Magkakilala kami Yuhan, don't worry. Hindi ka sasaktan niyan." Sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa buong kwarto, halos kasing laki na ito ng sala namin sa sobrang ganda nito, ngayon ko palang naappreciate ang ganda ng mga nasa paligid ko.
"Ang ganda dito Ate, sana kasama natin dito si Mama." Sabi niya sa akin.
Bigla ko tuloy naalala si Mama, papaano kung nag-aalala na sa amin yun? Paniguradong nagpapasearch and rescue na yun kapag nalaman niyang nawawala kami.
Naiisip ko palang na nahihirapan si Mama ay naiiyak na ako, pero pinigilan ko iyon sa halip ay nahiga nalang ako sa kama dahil sa sobrang pagod ko. Naramdaman kong gumalaw ang kama ibig sabihin ay nakahiga na rin si Yuhan.
"Matulog na tayo, pagod na pagod na ako." Sabi ko sa kanya.
"Sige Ate, pero wag kang masyadong tatabi sa akin ah. Alam mo naman na hindi ako sana na may nakayakap sa akin, alam ko namang nangyayakap ka." Sabi nito.
"Ay sus, wag kang masyadong feeling big boy na dahil baby ka pa. Tsk!" Inirapan ko siya bago ko kinuha nalang ang isang unan para iyon nalang ang yakapin ko.
"Good night Ate." Sabi niya sa akin.
"Good night din Yuhan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top