Chapter 33

Commercial: I uploaded the prologue of my next story, it's called Something That Will Last. If you're interested, check it out on my profile hahaha what a shameless plug)

---

Chapter 33

The Silly Jealousy, M

The final dance battle was eventful yet the happenings were all familiar to me. Same excitement, same adrenaline rush, and the same faces we see every performance on the crowd. And what do you know, the emerged champions have successfully defended their throne. Fiery Heroes still has the crown.

Now that the battle was done, dalawang bagay na lang ang kailangan kong intindihin: Final examinations, and the Dance competition in Tagaytay this sem break.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil walang pumapasok sa isip ko. Final exams ko na bukas and I'm still stuck on the first page of my reviewer. I looked at the clock and it said nine pm. For others, it's still early but for medical students like me that screamed challenge! I cannot make mistakes tomorrow. I can't fail.

"Do you want coffee?"

Tumango ako. Napasandal ako sa sofa at pumikit nang mariin. Pagkamulat ko ay likod na lang ni Sien ang naabutan ko dahil pumunta na siya sa kusina. Nandito kami sa sala. We've been reviewing together ever since the finals week came. Kadalasan ay hindi na siya nakakauwi sa kanila at dito na siya sa sala natutulog. Wait, scratch that. What is sleep?

Ganoon din naman ako. Nakakatulog nang may reviewer na nakatakip sa mukha. Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako, marerealize ko na lang iyon kapag ginigising na kami ni Mama sa umaga.

The enticing aroma of the coffee meant Sien is back. Nginitian niya ako nang ilapag niya ang mug sa lamesa.

"Come on, Mae, study! Hindi ka magpapatalo sa huling all-nighter mo this semester."

Lumapit siya sa akin at minasahe ang balikat ko. Napangiwi ako at ngumawa.

"Ayoko na! Sheeet! Bakit ba ako nag-medtech? This is a curse!"

"Every program is a curse. Walang madali."

Hinarap ko siya at umirap, "Ikaw... you make it seem like Civil Engineering isn't a stressful program. It doesn't really look like it's wearing you out."

"Nasa nagdadala kasi 'yan," humalakhak siya. Wala akong nagawa kundi umirap.

Sa aming dalawa ay siya talaga ang nakakakuha ng maayos na tulog. Ako ay sa lapag na inaabutan ng antok habang siya ay nakahiga pa sa sofa.

Nagpatuloy ako sa pagrereview. Sien was already done by midnight, and I was more than jealous! I became edgy that all that's coming from my mouth were insults and straight sarcasms. Tinatawanan niya lang naman ako o di kaya'y hindi na pinapansin.

"Stop texting, Sien! Matulog ka na lang please. Stop rubbing it to my face that you're already finished," naiinis kong sabi.

Kanina pa niya kaharap ang phone niya. I don't know if he's really texting. But he's smiling from time to time! He must be talking to somebody.

"Hindi ako nakikipag-text, Cazandra Mae, I'm... wala," pinigilan niya ang ngiti niya, "Would you rather see me sleeping than texting? Baka mas lalo kang mainggit?"

I bit my lip as I hit him with a throw pillow.

"Tapusin mo na po kasi 'yan. Masyado ka tuloy napapaisip. Don't be jealous, I'm not texting anybody. Ikaw lang naman ang gusto kong kausap," sabi niya kasabay ang pag-kindat. Natawa ako at umirap.

"Do you know another perk when you decide you're ready for your exams and stop reviewing?" makulit niya na namang tanong. I faced him with a stolid expression, "Pwede ka ng mahiga rito sa tabi ko. Pwede na tayong magyakapan." Nagtaas-baba ang kanyang dalawang kilay.

Hindi na ako naging mabait, highlighters na ang ibinato ko sa kanya imbes na unan. Tumawa lang ang bwisit. Kinailangan ko pang magbanta na itatapon ko siya sa labas ng bahay kapag hindi siya tumigil. Natauhan naman siya.

"Do you know, do you know? Ang supportive ng university sa two groups na sasali sa dance competition sa Tagaytay!!!" Malakas ang tili ni June sa announcement niya. "They will provide the university bus to us and Fiery Heroes on the day of the event. Isa pa ay sagot nila ang hotels na titigilan natin. And I heard that when we do better, and by better means one of the group wins, they'll send us somewhere to relax!"

"Damn right, Summerridge! One of your best decision so far for the betterment of your students!" madamdaming sabi ni Cess.

Tumango tango si Yanis. She silenced us by letting all of us take a peek of her planner. Kanina pa namin iyon gustong tingnan dahil sobrang engrossed siya roon simula ng magkita kita kami. Nang inilapag niya iyon sa lamesa ay nakita namin ang itinerary na ginawa niya. She planned our rehearsals, from tomorrow to the day of the event. May saktong oras pa na kasama!

"Hindi ko inakalang may pagka-choleric pala itong si Ate Girl," biro ni Cess kay Yanis, "Kamusta naman itong nasa huling part. You guys, she even planned by two events! We'll push through event A plans, if we win, and we'll mourn with event B plans, if we do not," natatawa niyang dagdag.

Hinablot ng nahihiya nang si Yanis ang kanyang planner. Yakap yakap niya iyon nang umiling iling siya, "'Wag na lang natin sundin. Besides, planned trips are boring, right? We'll do spontaneous this time."

Pinilit kong kunin ang planner niya ngunit di ko na maabot. Nasa likod ni Yanis si Darrah nang makuha niya iyon. Tumango ako sa kanya bago niya binasa ang agenda namin bukas. Walang nagawa si Yanis kundi mamula. Yumakap sa kanya si Cess at ginulo gulo pa ang kanyang buhok.

"Tomorrow we'll meet Joy Lucero at eight am for the pitching of dance routines," panimula ni Darrah, "That's until twelve in the afternoon. Tapos lunch na tayo 'til one pm then resume tayo by two. We'll try to make our own dance routines na by that time, right?" she asked Yanis at tumango naman ito.

Gabi na ng umalis kami sa bahay nina Yanis. Sandali kaming nagkaroon ng meeting-kuno, then the rest of the day were spent chilling. Nanood kami ng movies at kumain nang kumain. We basically celebrated the end of the semester.

Pagkadating ko sa bahay ay naabutan ko si Sien na kumakain ng dinner kasama nina Mama at Papa. Napataas ang kilay ko dahil mas mukha pa siyang ang anak kaysa sa akin. Kumain na ako ng dinner kaya't mansanas na lang ang kinuha ko. Umupo ako sa tabi ni Papa.

"Akala ko ay hindi ka na uuwi. Kanina ka pa hinihintay ni Sien. Ang sabi niya ay may lakad daw kayo pero hindi mo sinipot," naka kunot ang noo ni Papa. Sa sinabi niya ay nahawahan ng pagkunot ang noo ko.

"Wala naman po kaming lakad, Papa," pagtatanggol ko sa sarili ko. Wala naman kasi talaga! I looked at Sien and he's acting like a sad puppy. Aba't nagsumbong pa sa mga magulang ko.

"Ang sabi niya ay sasamahan mo raw siya sa appointment niya sa doctor ngayong araw. Hindi tuloy nakapunta si Sien."

"Pa, malaki na po iyan. Di na kailangan ng patnubay ng magulang," sabi ko. Napatingin ako sa kumag, pa-inosente pa rin ang role niya ngayon.

Inaayos ko ang mga gamit na dadalhin ko bukas sa rehearsal. Tumawag din ako kay Ate Kayla para magpasalamat sa pagkumbinsi niya kay Joy na i-meet kami bukas. I'm excited and I wanna see what's going to happen tomorrow. We'll explore new dance steps for the competitions, but we'll also never forget to incorporate our signature dance moves.

"What's taking you so long?"

Nilingon ko siya. Buti ay tapos na ako sa phone call. "Akala ko umuwi ka na? Uwi na. May appointment ka pa sa doctor bukas diba?"

"Labas tayo bukas."

"I'm busy." Nagpatuloy ako sa pagaayos ng gamit. Nagdala ako ng tatlong top and one extra sweatpants para sure.

"It's break, ano pa bang pagkakaabalahan mo bukod sa akin?" Napatingin siya sa kama kong puno ng gamit, "Right. Dancing. Dinner, then?"

"Hindi ko sure, Sien. We'll be busy until the competition's over. Kayo, wala rehearsal ang Fiery Heroes?"

"JV and Ricks are already halfway done with the choreography. Hindi na ako tumulong dahil I want to spend some time with someone before the bloody rehearsals. But I guess she's busy," he shrugged.

"Of course I'm busy! Of all people, you should know the dedication we have for dancing."

"Ikaw ba ang sinabi ko, Mae? I didn't drop a name." Malakas niya akong tinawanan. Namula ako. Napatakbo ako sa bathroom para mag ayos na. Walangyang Sien 'yon! Bakit, may iba pa ba? May iba na naman ba?

Tinagalan ko ang half bath ko para sana pagkalabas ko ay wala na siya dahil sa pagkainip. Dahan dahan pa akong sumilip sa kwarto at maingat na lumabas nang hindi ko nakita ni anino niya.

Nagulat pa ako nang makita ko siya sa may pinto. Nakatingin siya sa phone niya. Sumulyap siya ng tingin sa akin ngunit binalik ang atensyon sa phone niya.

"Matulog ka na, okay? I'll go ahead. May imi-meet pa ako bukas besides the doctor," kaswal niyang sabi at walang bahid ng pagbibiro.

I really want to ask who the heck! Pero baka pagtripan na naman niya ako kaya hindi na lang. Tumango ako at lumabas na siya ng kwarto ko. Maaga akong gumising kinabukasan para makapaghanda. Kailangan mauna ako sa studio dahil ako ang kilala ni Joy.

I noticed Joy's already booked a studio so I canceled mine. Sumilip ako bago pumasok. Nagsasayaw siya nang makita ako. Napangiti siya at tumigil para lapitan ako at bumati. Nagkakamustahan kami nang dumating sina June. Nang makumpleto kami ay dumiretso na si Joy for the ideas.

"You girls should totally wear a top that would show some of your skin to accentuate your curves. Mas makikita ang galaw niyo kung ganoon," Joy suggested after we exchanged dance moves.

"Pakisabi iyan kay Mae, Ate, I don't even think she has guts to wear a bikini on a beach... where it's basically the usual wear!" pangiti ngiting sabi ni Darrah.

"What's not appropriate about shirts and shorts? Anyway, the revealing top is not up for bargain! Mas okay na iyong usual nating designs for our costumes."

Tumingin sa akin si Yanis. Napakagat siya sa labi. "I think I'll have to agree with Joy, Mae. Kung makikita mo lang ang nakikita namin kapag nagsasayaw ka, bonus points lalo iyong costume na naiisip ni Joy."

Ano bang nakikita nila? The walls here are basically mirrors, nakikita ko ang nakikita nila so I didn't know what's up.

"Good heavens, rain some vanity on our beloved girl, Mae!" Napailing na lang si June at sumunod naman silang lahat.

I mouthed, "What?"

On mornings we spend our day rehearsing. Kung dati ay hindi ako tumutulong sa choreography ngayon ay napapasubok ako dahil ako ang iginigiya nila para mamuno. Sinulit namin ang tatlong araw kasama si Joy dahil may flight siya paalis ng bansa on the fourth day.

"If my time permits, hahabol ako sa Tagaytay. I heard Kayla, Ravi, and others will be there, too! I don't wanna miss the fun," sabi ni Joy, "If you won't mind me asking, do you talk to Ravi, Mae?"

Ngumuso ako. "Nope." Hindi naman kami ganoong ka-close. Although we had some talks back then, it wasn't so much to categorize us as close friends.

"Are you sure?" Kakaibang ngiti ang pinakita sa akin ni Joy, "Because that guy can't seem to forget about you. Shoot!" Napatakip siya sa bibig niya nang makitang nanlaki ang mata ko.

"Nako, Joy. Sanay na kami dyan kay Mae. Walking guy-magnet talaga iyan. And you know what's another bonus? Iyong mga matitino at talagang package deal pa ang nalu-lure niya!" sabi ni June.

Tumawa si Joy. Ngumiwi naman ako kay June, but the lady just shrugged!

"Too bad for my friend, then."

Papauwi na kami nang maalala ko si Sien. I was walking out the building with Yanis.

"Parang nakita ko si Sien kaninang umaga sa studio. I was drinking water by the fountain when he got out from the studio next to ours. Hindi ko na siya natawag dahil nakapasok na siya sa elevator. He didn't see me so..."

Hinihintay niya akong mag-react. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko rin naman alam na nandoon siya. I think he knows that our group are always there, day by day. He didn't come to see me... and that's okay.

But the next day I saw him. Ngumiti lang siya sa akin bago pumasok sa isang studio. He looked like he was in a rush and not to be disturbed by anything or anyone. Naninikip ang dibdib ko pagkapasok sa studio namin.

Sinubukan kong mag-concentrate. Hindi naman dapat ako nagiisip ng ganito. Heck, I shouldn't even feel this way. Siguro ay nasanay lang ako na palagi siyang nandyan.

"Mae, pahinga ka muna. Mukhang hindi ka yata okay?" tanong ni Darrah.

Umiling ako at nagsayaw pa rin. I'm okay.

"Sure ka? Mag-water ka muna," Yanis suggested.

I gave in. Kinuha ko ang water bottle ko only to find it empty. Lumabas ako para kumuha ng tubig sa water fountain na nasa hallway. I drank straight up because of being spent.

Nakita kong medyo bukas iyong pinto ng studio na pinasukan ni Sien kanina. I know that it's already enough to see what's happening inside... and I'm curious and really want to take a peek. Kahit one second lang?

Shit... this is so wrong.

Dahan dahan akong kumilos, careful not to draw any attention. Sinilip ko ang kabuuan ng studio. Naroon si Sien kasama ang isang babae. Nagsasayaw sila at nagtatawanan. The girl was simply gorgeous. Simple ang kanyang pananamit at halatang hindi siya dancer. Dahil kung dancer siya ay dapat magaling siyang sumayaw. Or if not, at least she has to have some moves.

I'm not being bitter. Don't be bitter, Mae!

Natapos sila sa pagsasayaw. Nag usap sila sandali. I realized that I was idling for so long because I was snapped back into reality by Sien. Nasa harap ko na pala siya. Nagulat ako at tumakbo paalis. Narinig ko pa ang tawa niya.

Hinihingal akong umupo sa floor ng studio. Hindi naman malayo ang tinakbo ko pero dahil sa kaba ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Anong hitsura ko kanina? Mukha ba akong kawawa? Desperada?

Mas bumilis ang paghinga ko nang may kumatok. Pinapasok ni Darrah si Sien kaya't napatungo ako nang mabilis. Nagsasayaw pa rin sina June, at laking pasasalamat ko na abala sila sa steps.

His scent attacked my olfactory when he sat just beside me.

"Kamusta naman ang ninja ko? Can you teach me that damn ninja moves?" tumawa pa siya.

"We're rehearsing! Bawal ka rito!"

"That's what you always say. Hindi naman ako traydor. Not with the love of my life," humalakhak siya nang umirap ako.

"Sino na naman 'yon?" inis kong tanong. I need to ask this time para hindi naman ako magmukhang assumera.

"All these years, all these stupid chasing and love-professing shits, you still have to ask?"

Tumingin lang ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"I'm not gonna say it. You say it," kaswal niyang sabi at nagkibit pa siya ng balikat.

"No clue. I'm not a mind reader."

Tumayo siya at pilit inaabot ang kamay ko. Pinagpaalam niya ako sa groupmates ko para mailabas niya ako sa studio pero ayaw ko. Wala siyang nagawa kundi ang buhatin ako palabas.

"Sien, bitaw! Nakakainis ka! Bumalik ka na ro'n sa pinanggalingan mo..." sobrang inis kong hiyaw habang kumakawag para makaalis sa yakap niya.

"Saan ba ako nanggaling, Mae?"

"Doon! Basta kahit saan! Just leave me alone!" Sinusubukan kong abutin ang braso niya para makagat pero hindi ko kaya. I'm getting more frustrated.

"Saan nga ako nanggaling? Huh? Answer me, Cazandra Mae," aniya sa mababang tono. Napatigil ako dahil doon.

"Sa babae..." mahina kong sabi, hindi ko naman natuloy. Binaba niya ako. Minatahan niya ako habang kinakalkula ang bawat galaw ko.

"See, you are jealous," umangat ang gilid ng kanyang labi.

Umirap ako. I know. I roll my eyes a lot. He made me the master of eye-rolling. Nice.

"Hindi."

"She's Natalie, Drian's cousin, if you'd like to know," sabi niya. Tumango lang ako. Umatras ako mula sa kanya ng isang hakbang.

"Okay..."

"That's it? Hindi ka na magtatanong kung bakit nandoon kami?"

"No. Because it's entirely your business. Kung busy ka, then you should go back. I don't think you should have the time to even talk to me right now." Pinilit ko namang hindi mag sungit.

Natalie... she's pretty. Kahit hindi siya dancer tulad namin ay may kakaiba sa kanya. She's definitely one type of girl that are loved for a very long time. Iyon ang tingin ko. She's carefree and fun, and guys like Sien go head over heels for someone like her. What am I going to do with that? Nothing, of course.

"Alright. Kung wala ka ng itatanong, ako meron," pinilit niyang hulihin ang tingin ko. "What happened between you and Gage? You talked to him already? What does he want?"

Napakagat ako sa labi ko.

"No. I don't answer his calls. And he makes it very clear every time he calls... the thing he wants."

Huminga siya nang malalim at tumango. "Ikaw..."

We spent a minute or two in silence. I know he's thinking of something to say, and so am I. I want to give him assurance, I want nothing else between us but blissful moments, and funny and crazy ones. I want to give my word to him, the words that I know he deserves to know, and the words that I know he wants to hear.

"Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa kanya, Mae. What does he want from you? Kasi pakisabi wala na siyang makukuha. Because, Mae, akin ka lang, diba?" Kinuha niya ang kamay ko. Pinisil niya iyon nang hindi ako sumagot. "I'm yours, Cazandra Mae, are you not mine?"

Umiling ako at napatungo. This is what he wants. He wants me to say that I am his. He wants me to be proud of him.

"What, Mae? I want to hear the words from you. Dahil sa simula pa lang, wala na akong hinangad kundi ang sabihin mo iyon. We've come too far to not continue this. Mae... I really really want this." Nilapit niya ang katawan ko sa kanya sa pamamagitan ng paghila sa bewang ko. His hands rested there for a while. "Do you want this?"

"Yes..." I croaked out.

Ngumiti siya. Inilapit niya sa akin ang mukha niya. Kinailangan pa niyang mag-bend down para matapatan ako. Nakangiti pa rin siya nang kagatin niya ang ibaba niyang labi. Napatawa ako dahil doon.

"Mae... I really want to kiss you right now," sabi niya, hindi pa rin mapawi ang ngiti.

Pinipigilan kong makagat ang sarili kong labi. I don't want him to get the hint that I'm curious as to how it would taste like, his lips. His gaze didn't leave mine. The longer we engage ourselves in this stare-fest, the stronger the connection that's binding both of us right now.

"Mae!" Napahiwalay ako kaagad kay Sien nang marinig si June. I swallowed while I stepped back some more. Napatakip ng bibig si June. "I'm so sorry! Uhm... carry on? Carry on!"

Nagmamadaling pumasok na si June sa loob. Mabilis pa rin ang pag kabog ng dibdib ko. I feel so red as of the moment.

"Bakit ka umatras?" humalakhak si Sien, "You moved back too defensively like we're doing something bad. Kissing is not bad."

Hinawakan ko ng mabuti ang water bottle ko. "Ewan ko sayo, Sien! I'll go back to rehearsal."

"Alright. Don't do well, my love," sabi niya na sinabayan pa ng kindat.

"Ayaw mo talaga kaming manalo! Nakakasar ka." Mahina kong inihampas sa kanya ang bote.

"JV, Ravi, and I make sure that our Sweet Intensity doesn't win," humalakhak pa siya, "You don't know how possessive we are of our girls."

Umiling lang ako. "Babalik na ako sa studio. Ang tagal ko ng nawala sa loob. Hinanap na nga ako ni June, oh."

"Kasalanan ko ba na matagal kang mag-stalk?" Namula na naman ako dahil pinaalala pa niya! "I'm kidding. Pero dito ka muna. Na-miss kita. They're not letting me see you. It's unfair."

"Mananalo kami sa competition," sabi ko.

"You are so cute!" Pinisil niya ang pisnge ko.

"Mananalo nga kami. Wanna bet?" Tumaas ang kilay ko.

Napangisi siya. He strengthen his stance and challengingly accepted my stare.

"Okay. We'll bet, Mae. If our group wins... you'll let yourself love me again, completely and irrevocably, Cazandra Mae. You are going to give me all of you as willingly as I am to give all of me to you."

"And if my group wins?" I asked.

"Ikaw, how are you willing to gamble?" Nagkibit siya ng balikat.

Wala akong maisip na pwede kong ipagawa o makuha mula sa kanya. Because in just one word I know he'd do anything. That's how passionate he is about loving someone. He gives everything.

So I'm going to give him that's going to challenge and shake his entire being.

"If my group wins, you'll have to leave me alone," sabi ko. Ngumisi ako nang makita ko ang pag angat ng labi niya at panlalaki ng mga mata.

"'Wag naman ganyan, Mae," he cried. Nakakunot na ang noo niya at halatang hindi natuwa sa sinabi ko.

"What?" tumawa ako. "Ang sabi mo mananalo kayo, diba? Why are you scared suddenly?"

Nag iba ang emosyon niya. Hindi ko makita iyong giddy na si Sien. And it looked like he wasn't going to joke for some time now. Kinabahan ako bigla.

"If that's what you want, then deal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top