Chapter 32

Chapter 32
The Silly Jealousy, S

"Uy kinilig ako dun sa pinost ni Sien na photo! May pag-only hers pang nalalaman. Bet!" June chirped.

"One Axis' Facebook page even shared it. Couple goals talaga!"

Tinapat ni Yanis ang phone niya sa akin. Nakabukas ito sa page ng dance troupe ng Summerridge. Marami ang nagulat, even the dancers from other competitive dance groups posted comments. Thankfully, none of it all were negative.

"Ni-like ni Dez iyong photo. Balita ko pa naman ay crush niya si Sien."

"Sinong Dez?" tanong ko kay Yanis.

"Dancer ng Sizzlers. Narinig kong sobrang head over heels siya kay Sien, but she can't make a move. Alam mo naman. There was always this norm that girls should not make the first move."

"Pero okay na 'yon. That norm spared her heart from an imminent heartbreak," sabi ni Darrah. Nagkibit ng balikat si Yanis at napatango naman si June.

"If anything, dapat alam na ng lahat ng babae na hindi nila maaakit pa si Sien. Hell! Para kayang may nakadikit na sign sa noo ni Sien saying, 'Property of Mae!'" dagdag pa ni June.

I felt my cheeks burn. Hinampas ko ang kanyang balikat at nagprotesta. "Hindi naman! OA lang talaga kayong lahat."

"We're OA because Sien is too much! Kung magkakaroon ako ng manliligaw ay dapat kasing motivated at compulsive niya. Hard to get kaya ako," tawang tawang pag-share ni June.

"Edi sayo na si Sien." I laughed too.

"No. As much as possible ayoko ng dancer. Gusto ko iyong normal sa buhay lang. Duh! Have you seen how he gets jealous of your admirers? And duh second part! Have you seen your self get jealous because of his fangirls? Ang gulo ng buhay niyong dalawa sa part na 'yon!"

"But it's cute!" pagtatanggol ni Yanis. Napa-buga ng malakas na hangin si June dahil sa sinabi niya.

"You're only defending them because you're in a similar relationship as them. Oh, well. I admit, cute naman. But I don't belong to cutesy stuff, baka mapaaway lang ako if may lumandi sa non-existent boyfriend ko. I'm a slight war freak myself, thank you."

The rest of the day went on like that. June subtly bullying this kind of thing Sien and I have, while Yanis relentlessly defends us. I wanna know what's the score between her and JV, pero ang dalawa ay engrossed na engrossed sa kanilang mini-debate kaya hindi kami makasingit.

Nang papalapit na ang Final Dance Battle ay doon na bumuhos ang school works; be it quizzes, exams, practical exams, even recitations! Hindi na nga kami nakukumpleto sa rehearsals kaya malaki ang nagiging adjustments namin.

Come Saturday ay tsaka pa lang kami nabuo. Napagusapan namin na ito na ang huling rehearsal namin for the dance battle dahil Finals Week na. Sakto namang inilipat ng organization ang date ng event to make way for the exams. Isa pa ay ipinagbawal din ng admin na mag-hold ng event ang mga orgs next week.

"On the scale of one to ten, how ready are you for Friday?" tanong ni Sien habang nagmamaneho.

"Ten 'yung pinaka-ready?" tanong ko, tumango naman siya. "Five ako! Ikaw ba?"

"I'm always a ten, Mae," he chuckled. Kumunot ang noo ko sabay irap. Mas lalo lang siyang natawa. This guy! "It's good you're only at five. 'Wag mong masyadong galingan."

"Ang unfair mo! Lagi mo akong sinasabihan niyan. If I know you're really sabotaging our group."

"I'm sabotaging your plans of bagging more admirers," mahina niyang sabi ngunit halata ang pagkainis nito.

"What's up with you and my admirers? Ni wala ngang nagtatangkang kumausap sa akin. You're being delusional, Mr. Pelarez! Ugh!"

"Oo, wala. But it's only because I'm flaunting it to the world. You should do the same, you know. Para hindi ka na magselos doon sa mga kumakausap sa akin..." His eyes twinkled while watching the dark road.

"No. Because even if I... flaunt y-you, some girls are still sneaks. You know what they say, talo ng malalandi ang magaganda, right?"

Umiwas ako nang malakas siyang tumawa. I know I'm blushing real hard right now. I did not intend to convey that I'm beautiful, and that it's not enough to win over the flirty people that's vying for his attention. Sure it's easy to jokingly brag to friends that I'm pretty, smart, and funny, but he's not just a friend to me now. He's so much more... and I am awfully embarrassed right now!

From time to time I would catch him suppressing a smile from my peripheral vision. Kaya hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Dapat pala ay sumabay na ako kina June umuwi mula sa dance studio. Kung hindi lang siya mapilit na magpahintay ay kanina pa siguro ako nakauwi.

Pagkadating sa bahay ay naabutan namin si Mama na naghahain ng hapunan sa mesa. Nang makita niya si Sien ay agad siyang nagpakuha ng isa pang pinggan kay Ji.

"Dito ka na magdidinner?" tanong ko kay Sien. Kinuha niya ang dala kong bag mula sa balikat ko.

"Bakit, anak? Pagbabawalan mo pa ba? Halos manungangin ko na nga iyang si Sien nang ganito kaaga."

Napaiwas ako ng tingin at napamura. Nakakahiya si Mama! Habang nakatago ang mukha ko ay kumuha na ako ng mga baso. Hindi ko malingon ang kumag para alamin ang reaksyon niya.

"Nga pala, Mae, kanina pa tunog ng tunog iyong iPad mo. May tumatawag yata roon sa Skype mo," ani Mama nang magsimula kaming kumain.

"Si Kuya Gage iyong tumatawag kanina, Ate. Nakakaasar nga, ang ingay ingay kanina! Hindi ko naman masagot o ma-end."

"Pinatay mo na lang sana iyong tablet, Ji. Nakakaasar nga iyon," biro ng katabi ko. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang mapait niyang tono.

"Tell me, Ate, manliligaw mo rin ba siya?" kaswal na tanong ng kapatid ko.

"Ji!" Nanlaki ang mata ko sa kanya habang siya ay nag kibit lang ng balikat at nagpatuloy kumain.

Sumulyap ako sa katabi ko. Nakangisi siya at napapa-iling iling habang kumakain. Tahimik na siya hanggang matapos ang hapunan, ngunit sumasagot naman siya pag tinatanong ni Mama.

"Ate, tumatawag na naman," inis na sabi ni Ji habang nakadungaw mula sa itaas ng hagdan.

Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo. I am both confused and somewhat high-strung. Hindi ako makaisip ng rason kung bakit tatawag si Gage, at kung bakit tila hindi siya mapakali hangga't hindi ako nakakausap.

And then I feel so nervous because of the person beside me. Mabagal siyang napatayo. He's watching me and waiting for my next move. Pagod ang kanyang mata, at ang kanyang labi ay kumukurba na paibaba.

Inabot sa akin ng kapatid ko ang tablet. Sumulyap ako kay Sien bago ko sinagot ang tawag. May gusto pa sana akong sabihin sa kanya ngunit tumalikod na siya at inayos ang kanyang mga gamit na nasa sofa.

I answered the call with video. Nagaayos ayos pa ng buhok si Gage nang masagot ko ang tawag. Hindi ko napigilan ang pag tawa dahil sa kanyang pagkagulat. Mabilis niyang inayos ang hitsura at umubo pa to clear his throat.

"Hey," masaya niyang bati. Mukhang kakagising lang niya sa hitsura niya ngayon.

"Hi... Gage," I smiled a little and pursed my lips after. Pinipilit kong silipin iyong kumag na nagaayos ng gamit sa may sofa ngunit nahilo lang ako.

"How have you been? You seem pretty busy with your dancing, I hope you're doing fine though?"

"Okay naman ako. Masaya," sagot ko. Ramdam kong natigilan si Sien sandali, ngunit nagpatuloy lang sa ginagawa niya. What's up with his bag anyway! Ugh! "Ikaw ba?"

"Mae, I'm..." his face turned serious. Inayos niya ang view ng kanyang video at tsaka nagpatuloy, "I'm really really missing you. Everyday... every night. I don't know if this is the right thing to feel but... f uck!"

From that moment ay nanginig na ako. Nagiisip pa lamang ako ng sasabihin kay Gage nang narinig ko ang pagsara ng zipper ng bag ni Sien. Isinakbit niya ang kanyang bag pagkatingin ko sa kanya. Tumango lang siya at itinuro ang pinto. Sumenyas ako na maghintay siya kahit sandali.

"I'm sorry, are you busy? We can talk later..." nagaalalang tanong ni Gage. Umiling ako. But then I realized that it's not the right answer so I nodded. Napapikit na lang ako dahil sa panic.

"Gage, next time na lang? I'm kind of in the middle of something kasi," I faintly smiled.

"Okay! Okay, Mae..." he flashed a relieving smile. His eyes blinked twice before saying good bye, "I still miss you, Mae. I hope we can talk later."

Tango lang ang naging sagot ko. Mabilis akong ngumiti at ipinatay ang tawag. Halos maihagis ko na ang tablet sa sofa dahil sa kaba. It felt like gorillas were pounding on my chest as I feel the tension in the room. Hindi na ako hinintay ni Sien, naglakad na siya palabas ng bahay.

"Sien..."

Huminto lang siya nang tawagin ko. Napansin ko pa ang malalim niyang pag hinga bago ako lingunin. May ngiti sa labi niya. It looked like he's trying to give me a normal smile but I just know that something was up. Nakahawak na ang kamay niya sa gate at parang handang handa ng makaalis dito.

"It's getting late. I need to go home, Mae. Good night."

And confirmed. He's acting so cold. Simula pa noong dinner, nang sabihin ni Ji iyong tungkol sa tawag.

Nanghina ang tuhod ko. If we were in a movie, I'd see this scene as the one where the guy leaves because he's letting go of the girl he loves for the other guy. I suddenly remember one of the several what-ifs that I was thinking lately. Kung mapapagod ba si Sien sa akin, at kung oo ay kailan kaya iyon?

Ngayon na ba? Sh it!

Papalabas na siya sa gate nang takbuhin ko ang distansya namin. Nakatalikod pa siya nang yakapin ko ang kanyang likod. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para gawin to, but seeing him leave while we both know we're not okay is just unbearable.

"Uy... Sien. Ano bang problema? May nagawa ba ako? Did I say something a while ago that made you upset? Sien, as far as I know I only said less than thirty words."

Isiniksik ko na ang mukha ko sa kanyang kilikili. My tears were starting to fall. Lalo na ng narinig ko ang kanyang mahinang halakhak. Hinawakan niya ang kamay ko. Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya para paharapin ako ngunit hindi ako nagpatinag.

"Isa, Mae! Bitaw! I need to see you."

"Ayoko nga!"

"Bakit ayaw mong magpakita? Ang ganda mo kaya." Muli siyang humalakhak.

"Bwisit ka! Ano na, bakit di mo sinasagot ang tanong ko?" inis kong sabi. Sasagutin lang naman niya e! Tagal tagal pa.

"Kasi nga po, gusto kitang makita. And why are you even crying? Ako nga itong dapat maiyak. Sa dami kong kaagaw sayo, iyong isang 'yon yata ang pinakamalala. Ayaw magpatinag. Nakakaasar!" I heared him cussed a little. Natawa ako. Hindi pa rin ako bumibitaw sa kanya.

"Ang cold mo kasi, e! Nakakaasar. May pa drama drama effect ka pa dyan sa pag alis mo. Gusto mo lang yatang magpalambing, e." Nakakaasar!

Nang lumuwag ang pagkakayakap ko ay kinuha na ni Sien ang chance na maiharap ako sa kanya. Ngayon naman ay pinipilit niya akong yumakap sa kanya paharap pero ayoko na. Gusto ko na lang siyang suntukin, tapos tsaka ko siya yayakapin pag umiyak na siya. Char.

"O, bakit ayaw mo ng yumakap? Umaamin na nga po ako na gusto ko ng lambing mo diba," marahan niyang sabi at pinisil pa niya ang pisnge ko. Umirap ako ngunit tumawa lang siya. Humalik siya sa noo ko. Kinuha niya ang braso ko para ipulupot sa katawan niya. Hindi na ako nakaangal. Just this once, hindi ako magpapa-bebe.

"Okay na ba tayo? Sige, makakauwi ka na," biro ko sa seryosong tono.

"Mae..."

"Joke lang! Please answer my question na."

"Habang magkayakap tayo?" Parang narinig ko ang pang-ngisi niya sa kanyang tono. Pinalo ko ang kanyang likuran. Lumayo ako ng kaunti para makita niyang iniirapan ko siya. "Sweet naman namin ng girlfriend ko," humalakhak siya.

What the fuuu...

Kinalas niya ang pagkakayakap namin at napatawa siya nang malakas. "By the look on your face it seems like you wanted me to court you first."

"What! You shut up now, Sien, before you say anything that would make me think twice about Gage." Tinaasan ko siya ng kilay. Nawala ang ngisi sa labi niya. Napapikit siya at umiling iling. "Joke lang!" pambawi ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinigit ako palapit muli sa kanya. Dinala niya sa labi niya ang palad ko. Akala ko ay hahalikan niya, pero kinagat niya ang daliri ko. Napa-aray ako. Bwisit na 'to!

"Ikaw kasi. Nakakaasar ka po. Kanina mo pa ako pinagti tripan. Kung pwede lang ba kitang gantihan e," bulong niya pa.

Humalakhak ako, "Edi gumanti ka. As if magseselos ako."

"Sige, subukan ko?"

Kinurot ko ang tagiliran niya. "Talagang papatulan mo ha?"

"Hindi na po, mahal na reyna." He laughed. Humalik siya sa ulo ko, "I'll go. Uuwi na muna ako. You sleep tight. No skype calls, Mae, okay?" matigas niyang paalala.

"Di ko sure e, tatawag pa si G—"

"Sleep, Mae! According to a study, hindi magandang nags-Skype call before going to sleep. Unless you're on a call with someone named Sien. And I'm not even kidding."

Oh, he is definitely kidding!

-

At last, I finally updated! Hello new readers. :) Tyaga tyaga lang, matatapos na natin this. Thank you for appreciating the story. As a thank you, if you'd like a chapter to be dedicated to you, comment which one. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top