Chapter 24

Chapter 24
Be It

Simula noong nangyari kagabi ay hiyang hiya na ako kay Sien. Kung dati ay matalas ang bibig ko sa pagsusungit sa kanya ngayon ay tila naglaho na ang dila ko.

Alam ko iyon eh! Base sa ngiti niya! He was amused that I kissed back. Tuwang tuwa ang mokong. Nakakabwisit! Hindi na rin niya tinigilan iyong cheeseburger.

Dahil sa paparating na quiz bee at examinations ay palagi kaming nagkakaroon ng group study kasama si Jasean. Ngayong gabi ay sa bahay nina Jesca at Drian kami nanatili. Mabuti na lang talaga at si Jasean ang higher year na kasama namin para may panlaban ako kay Drian.

"Siguro naman ay papasa na tayo sa exams. Ilang araw na ring naka-on ang super duper ultra zombie mode ko para mag-review!" Khean exhaustingly said.

Nasa sala kami ng bahay. Tapos na kaming mag-aral at naghihintay na lang ng kanya kanyang sundo. Si Papa ang susundo sa akin ngayon dahil busy si Mama sa pagluluto ng dinner.

"Kahit naman mag-review ka at ibigay mo ang lahat may tsansa pa rin na bumagsak ka," sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin. "What? It is true. Sometimes it's not about the efforts anymore."

"Totoo ka ba, Mae?" natutulalang sabi ni Anica, "We are talking about acads! Not Sien!"

Nanghina ako bigla. Hindi na ako kumibo ngunit sila naman ang umingay. Wala akong pinagsasabihan ng nangyari noong isang gabi sa amin ni Sien. Although parang itong si Drian ay may alam.

"Ang tagal ng sundo ko. Please tell me I won't get stuck in here."

Sina Anica at Khean ay nauna ng makauwi. Tanging kami na lang ni Jasean ang natitirang naghihintay. Pagtingin ko sa labas ay madilim na madilim ang ulap at lumalakas pa lalo ang ulan.

Ayoko namang maiwan dito sa dalawang love birds because... duh! If anyone has seen how they flirt with each other, they're gonna puke. Okay, joke! OA lang!

"Sien's outside, Mae. Pwede ka nang makauwi," ani Drian.

Napayakap ako sa throw pillow. Tumawa si Drian at umiling iling. Ayoko ng maiwan na ang kasama lang ay ang isang iyon. Walang nangyayaring maganda, swear!

Nahagip ng mata ko ang pagtawag ni Sien sa phone ni Drian. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang nangyari. Hindi ko na matanggal sa sistema ko. Hindi na maganda.

"Hindi. No way. Nakuponaman! My gosh. Dito na lang ako."

I paced back and forth. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin!

"Ang sabi ko naman kasi sayo, Drian, si Papa ang icontact mo. Paano naging magkatunog ang 'Sien' at 'Papa'? Are you deaf?!"

"Bakit? Papa mo rin naman si Sien ah?" nakangisi niyang sabi. May alam nga ang isang 'to!

Napasabunot ako sa sarili ko. Pero slight lang naman.

Binigay sa akin ni Jesca ang phone ni Drian. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ko kinuha iyon.

"Mae, let's go. I promise, hindi na ulit kita hahalikan," sabi niya sa mapang-asar na boses, "Unless gusto mo pa."

"Shet ka!"

He only chuckled, "I'm kidding. Let's go. Alam kong gutom ka na."

The rest of the days went on like that. Nagbunga ang pagaaral namin dahil nanalo kami sa quiz bee. Well, Jasean did mostly everything. But we learned. Isa pang premyo sa akin ang pagsasayaw pagkatapos ng exams. Isinabay ko ito habang nagaaral para sa midterms. So far ay nakakaya ko namang pagsabayin ang pagaaral at pageensayo. Time management at determinasyon talaga ang susi.

"So ganito, may series of dance battles na magaganap. Tatlong round iyon. Ang unang round ay magaganap sa opening. The declared winners will advance to the next battle, hanggang sa makarating sa huli," anunsyo ni June.

"Kaya ba natin? I mean, we've already signed up for the competition in Tagaytay. Mapagsasabay kaya natin?" nagaalalang tanong ni Cess.

"I know we can. This will kick-start us for the bigger competition. Isa pa ay ang routines naman ay hindi dapat lalagpas sa tatlong minuto kaya hindi ganoong kadugo ang mangyayari."

Hininaan ko ang sound para marinig nang maayos ang pinaguusapan nila. Kumuha ako ng tubig at uminom.

"So more or less three minutes. I think this will be a battle of uniqueness, don't you think? Doon pa naman magaling si JV!" frustrated na usal ni Yanis.

Tumayo siya para lakasan muli ang sounds. Nagsimula siyang sumayaw at sumabay na rin ako. May nabuo na silang choreography ngunit kada araw ay napapalitan ang iba rito. Iba ang pressure ngayon sa kanila dahil gusto naming makaabot kahit sa ikalawang dance battle.

Nang matapos ang tugtog at natahimik ang lahat ay hindi ko namalayang napatulala na ako. Naging mabilis ang takbo ng oras dahil busy kaming lahat.

Nagkayayaan kami noon sa Robinsons para ligawin si Jesca sa kanyang problema. Wala akong masyadong ideya kung ano ang nangyayari kay Drian, but I'm hoping he won't hurt my friend any further.

Uiinom ako ng frappe nang makita ni Jesca ang hinahanap mula sa labas ng Starbucks. Nakatingin ako sa kaibigan ko habang nakatuon ang mata niya sa kaganapan sa labas.

"Sorry, Jes. Hindi ko alam na magkikita sila," marahang sabi ni Sien kay Jesca.

Pinanood kong maging denial ang kaibigan ko at wala akong magawa. She's trying to lighten up the mood so I tried, too.

"Come on, baka friendly meeting lang iyon. We don't have to assume anything at all."

"Sigurado ka? Pwede natin silang sundan, if you want," pabiro kong sinabi. I gained glare from the mighty Sien. What? Why?

"Or we can just ask them to come over," suhestiyon niya. What in the world! Who would, in their right mind, ask two people that's causing someone's heartbreak to come over for some coffee?!

Umiling ako sa kanya. We were left with no choice but to send Jesca home. Balak pa naming manatili but then I knew that she would want to be alone for now. Alam kong mas mapapaisip siya habang mag isa ngunit tingin ko ay wala rin maitutulong ang presensya namin ni Sien sa kanya.

Hinatid niya na rin ako sa bahay pagkatapos. Tumigil kami sa front porch at umupo sa hagdan. Habang sumisipol ang hangin ay daan-daang paksa na ang umikot sa isip ko. Mula sa pagaaral, pagsasayaw at... sa amin.

"May itatanong ako, Mae." Napatingin ako sa kanya nang masama. Natawa siya ngunit agad siyang nakabawi at nagseryoso, "This is serious. I promise."

Binalik ko ang tingin sa ulap. Hindi pa ganoong madilim ngayon, kulay kahel pa ang mga ulap at bago pa lang nagsisimulang maging madilim na asul.

"Kapag tinatanong ko sayo iyong tungkol doon sa Gage, bakit ka umiiwas?" seryoso ang tono niya. Ramdam ko sa gilid ko ang pagtitig niya sa akin. "Iyon ding Ravi. Ilang beses ko na kayong nahahalata, at kapag binubuksan ko naman ang tungkol doon, hindi ka makasagot nang maayos."

Napaubo ako. Kumurap ako nang maraming beses bago nakapagsalita.

"Simple lang kasi," I cleared my throat again, "Wala namang dapat sabihin."

"Ang imposible no'ng wala," matipid siyang ngumiti, "Kwentuhan mo na lang ako kung paano mo sila naging kaibigan."

Hinarap ko siya.

"I've had many friends. But I did not see you take interest in them just as how you are inquisitive about Gage and Ravi."

"Iniiba mo na naman, Mae..."

I frustratingly bit my lip, "Wala kasi talaga. I swear! You met Ravi already, right? There's nothing. Halos sabay lang natin siyang nakilala."

"Pero mas matagal mo siyang nakakasama," he reasoned out. Nakakunot na ang noo niya.

"Woah, woah, Sien! Are we really going to fight because of this again? Napakababaw. You are not even my boyfriend, so what's up!"

Nag iba ang ekspresyon sa kanyang mukha. Lumambot ito ngunit hindi sa magandang paraan. It looked like he lost a battle he's trying to win for so long. Tumayo siya at humarap sa akin.

"Sana hindi mo irason sa akin iyan, Mae. I am only asking. Matagal ko ng sinubukang kunin ang loob mo at ibalik sa dati, but all you ever did was build more walls. Ayoko sanang sabihing napapagod din ako dahil hindi ako mapapagod."

He took a step back. And then another one. Yumuko siya para magisip. His forehead creased again until he looked up to me and faintly smiled.

"May mga tao ring sumusuko hindi dahil sa pagod, pwedeng nagtagumpay na silang itatak sa kokote nila na wala na talagang pag-asa pa."

Kinurot ko ang braso ko para ibahin ang emosyong nararamdaman ko ngayon. I want the physical pain, not this.

"You are being unfair, Sien. You're forcing me to explain things that don't have any meaning to me at all. Ano bang gusto mong sabihin ko? Will it stop you if I say that I've had history with them? Hindi diba... So why are you being like that?"

Mahina siyang tumawa at umiling, "You're right. I'm sorry. Hindi dapat kita pinipilit."

Mabagal siyang naglalakad patalikod patungo sa dinadaanan. Nakatungo siya na para bang nagiisip kung may sasabihin pa. Lumikha ng ingay ang bakal nang masandalan niya ito.

"I'll go. Bye, Mae."

Shit. Why does it sound like he's really saying good bye? Hindi naman ito ang gusto ko... Pero kung ito ang gusto niya, so be it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top