Chapter 23
Chapter 23
Cheese
What happened last summer was a blur. Puro sayaw lang ang inatupag ko. Minsan ay kasama si Ate Kayla, pero madalas ay sina June. Isang araw kasi noon ay napagpasyahan naming sumali sa isang competition outside school. Sa November pa iyon magaganap. We were all in since si Yanis ay graduating na. Ngunit ngayon lima na lang kami dahil kinailangang pagtuunan ng pansin ni Cheryl ang thesis niya.
Pagkatapos ng kumpetisyon na iyon ay titigil na muna kami sa pagsasayaw para mas pagtunan namin ng pansin ang pagaaral.
Ngayon ay nagkakagulo kami sa laboratory. Nagaagawan kami sa mga higher year na MedTech students na pupwedeng sumali sa team namin for a quiz bee. Competing means incentive for Biostat.
Sa ngayon ay si Jasean ang nasa watch namin. Matalino ito, at nakuha pa namin mula sa ibang students na magaling din itong magturo. Kung sasali kami ay bakit hindi pa namin karirin, diba?
Ramdam ko ang inis ni Jesca sa tabi ko. Paulit ulit namin siyang pinapakiusapan na pilitin si Jasean. Well, she's a perfect bait.
"Hindi naman required ang pagsali diba?" bulong niya sa akin.
Nagpapaypay ako ng sarili dahil sa init dito sa lab. Walang klase rito kaya't naka-off ang ventilation. Napakarami pang estudyante ang nangungulit sa mga higher years na rito kasalukuyang nagre-review.
"No. But if you want to pass, you have to join. Malaking incentive daw ang binibigay ni sir sa mga sumasali sa activities ng organization na handle niya. At kung gusto mong makapasa, kukumpletuhin mo ang grupo natin!" Niyugyog ko ang katawan niya nang paulit ulit.
Tagumpay kaming nakabuo ng grupo. Malapad ang ngiti namin ni Anica habang naglalakad pabalik sa room dahil doon.
"Mamaya na raw magbibigay ng reading materials si Kuya Jasean. I don't know if I'm gonna read already. Masyadong malamig ang panahon para mag-aral," inaantok na sabi ni Anj.
"It's true. Ulan ng ulan, kala mo naman talaga may problema ang mga ulap," makahulugang sabi ni June.
Naggawa si Anica ng group chat at doon kami naguusap usap. Pagkabigay ni Jasean sa amin reading materials ay agad na akong nagsimula... well... after kong manood ng movie, kumain, nag-sound trip ay tsaka ako nagsimula.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at umaga na. Ganito lagi ang routine ko mula pagpasok hanggang paguwi sa bahay. Minsan naman ay sa kama ako nakakatulog, madalas kasi ay sa study table na ako inaabot ng antok.
"Sien, nagaaral ako. Tumawag ka na lang sa ibang araw," inis kong sagot.
Naka-speaker phone ang tawag dahil naghi-highlight ako ng important terms sa libro at isinusulat pa sa reviewer para mas madali kong matandaan.
"Simula umuwi ka ay nagaaral ka na. Tell me, nag-dinner ka na ba?"
Goodness! Hindi pa nga ako nagdi-dinner. Nakailang beses ng tawag si Mama kanina ngunit pinauna ko na sila. Tumingin ako sa oras. Sobra na akong nalipasan ng gutom kaya't hindi ko na naramdaman ang pagkagutom.
"I thought so. Eat, Mae," utos niya.
"Wala akong gana," sagot ko sabay ang paghikab.
"Ano bang gusto mong kainin para magkagana ka?"
Inihiga ko ang mukha ko sa ibabaw ng libro. Nakaharap ako sa phone ko kung saan nakailaw ito sa caller ID ni Sien. Pumikit ako at sumagot.
"I don't know. Burger and fries siguro. Whatever, Sien. Inaantok na ako."
"'Wag ka munang matulog. Hindi ka pa kumakain," siya naman ang naiinis ngayon. Binaba niya ang tawag nang walang pasabi. Aba't!
Pinaisantabi ko ang pagre-review sandali para umidlip. Humiga ako sa kama at nag-set ng alarm. Thirty minutes lang po. I swear. I swear.
Alam kong wala pa sa thirty minutes ang lumipas dahil mababaw pa ang tulog ko. Tumunog kaagad ang alarm ko at mabilis akong nag-snooze. Dalawang segundo lang yata ang lumipas at tumunog kaagad ito. Wait... this is not an alarm.
Sinagot ko ang tawag.
"I got your burger. Ang sweet ko, diba?" tumawa pa siya sa kabilang linya.
"Har har. 'Wag ka nang mang inggit," inaantok kong sagot.
"Hindi po ako nang iinggit. I'm downstairs, if you'd like to welcome me home."
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at tumakbo sa may bintana. Nandoon nga siya. Ang isang kamay ay may hawak ng paperbags mula sa McDo at ang isa naman ay sa kanyang phone. Binaba ko na ang tawag nang makita niya ako.
Isinuot ko ang pajama top ko dahil naka-sleeveless lang ako. Pagkatapos ay bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto. Pinanood ko lang siya habang tuloy tuloy lang siya sa pag-akyat sa hagdan at tila pupunta pa yata sa kwarto ko.
"Hindi naman yata dumidiretso ang delivery guy sa kwarto ng walang paalam," masungit kong sabi.
Itinabi niya nang maayos ang mga gamit ko sa study table. Ang iba ay inilalagay na niya sa bag ko, para bang walang naririnig sa sinasabi ko. I'm surprised he knew what books I needed for tomorrow. Huli niyang nilagay sa bag ko ang mga highlighters at tsaka sinara iyon.
Inimuwestra niya ang upuan sa akin matapos niyang ilabas ang mga pagkaing binili niya. Umirap ako at umupo doon. Siya naman ay sa kama ko humiga.
"Oy thanks," mahinahon kong sabi. Hinagis ko sa kanya ang isang burger na nasalo naman niya. "Pero gabi na. Uwi ka na."
Bumangon siya at tumawa, "Iba ka talaga! Lika nga rito."
Inabot niya ang braso ko at hinila para mapaupo ako sa tabi niya. Umirap ako pero tuloy lang ako sa pagkain. May isa pang burger doon, gusto ko rin iyong kainin! Gutom na gutom talaga ako.
"Talagang nagpabango ka pa ah?" kumento ko nang maamoy ko ang pabango niya.
"Oo naman! Mamaya ay maturn off ka pa sa akin. Ayoko naman noon syempre."
"Matagal na kitang nai-shutdown kung alam mo lang."
"Ang sungit mo talagang cute ka!" Kinurot niya ang pisnge na hindi ko ginagamit pagnguya. Tinapik ko ang kamay niya.
Tapos na ang isang burger at akmang tatayo na ako para kunin ang dala niyang inumin. Hindi iyong softdrink kundi water. Sa tabi noon ay meron namang chilled milk.
"Seriously, Mae, next time don't skip your dinner," seryoso niyang sabi. Nakatuon lang ang mata niya sa akin and it's full of sincerity.
"Alam kong mahalaga sayo ang pagpasa sa quizzes and exams but your health is more important. You can pull an all nighter but don't forget to eat. Kasi gagawin ko ito lagi kung uulit ka pa."
Kinagat niya ang labi niya. Goodness, why! Umiwas ako ng tingin.
"At alam kong ayaw mo naman akong nandito. Ayoko rin namang nandito kung alam mo lang."
I balled the wrapper in my hands. I wanna ask why but I remained quiet. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang dumadausos sa baywang ko. Natigilan ako at tila nabato ang aking katawan.
"I know you are not going to ask, but I'm still gonna say why. It's because all I want to do when I'm here is to be close to you. Baka hindi na kita mapag-review dahil do'n. Matagal mo akong pinagkaitan ng oras at presensya mo. And you wouldn't know how much I crave for that. I miss you. I still miss you, Mae," bulong niya sa akin. Para na niya akong niyayakap dahil sa higpit ng pagkaka hapit niya sa baywang ko.
Nagtataasan ang mga balahibo ko sa braso. Iyon din yatang sa binti ko ay nagising na rin!
"O-Oy!"
"What?" Tumawa siya.
Napaharap ako sa mukha niya para sana sapakin siya ngunit iba ang nangyari. Nagtama ang mga ilong namin sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ako nakalayo kaagad. I saw his eyes marveled at my eyes down to my lips...
Oh, this is not going to be right.
Sinara niya ang mata niya. I knew what's going to happen next. I closed my eyes, terrified.
Pagkatapos nito ay ano? Ano ang sasabihin ko...
When his lips touched mine it moved slowly, as if convincing me that there is safety and only that in his arms. Nabitiwan ko ang hawak ko nang itinaas niya ang kamay ko para isabit ito sa balikat niya. I was too frail to hold myself back.
"I miss you so damn much..." bulong niya sa gitna ng halik niya.
I welcomed his lips when it landed back on mine. Hindi naging mabilis ang halik niya, imbes ay parang humahaplos lang ito. Narinig ko ang tunog ng alarm ko at doon ako nagising. Naramdaman ko ang pagngiti ni Sien bago ko siya itinulak.
Tumayo ako mula sa kama habang siya naman ay napahiga roon. Kinuha ko ang tubig at mabilis inubos ang laman. Itong puso ko parang may trampoline sa bilis at lakas ng pagtibok!
Narinig ko ang pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukha pa siyang tuwang tuwa sa ekspresyon ko.
"Ang sarap noon ah. Lasang cheeseburger," nakangisi niyang sabi.
Awtomatikong namula ang mukha ko at nanikip ang dibdib sa kahihiyan. Kinuha ko ang unan sa likod ng ulo niya at tsaka ko siya sinampolan ng malalakas na palo.
"Shet ka! Umuwi ka na nga! Bwisit! Kainis..."
Habang naiinis ako ay mas lalo lang siyang natutuwa. Tumigil ako nang hiningal.
"Sinabi ko lang naman na lasang cheeseburger ah? Mukhang mapapadalas tuloy ang pagbili ko noon. Ang sarap pala talaga?" pilyo niyang sabi.
"Umuwi ka na sabi eh!"
Tumawa lang siya. That concluded my night. Hindi na siya nakauwi. Sa sahig siya natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top