Loading 88%


[Shobee's POV]

"At lahat ng iyon ay dahil sayo!" sigaw ni Christopher at dinuro duro ako "Hindi ko alam kung anong nilagay mong drugs sa inumin ni ate that time pero alam kong ginawa mo yun sakanya para may mangyari sakanila ni Victor."

"P-paano---?" nanginginig na ako marahil sa takot, nagsisimula na ring mamuo ang mga luha ko

Napasinghal siya at nagpatuloy "Alam ko namang patay na patay ka kay Mitzchell at dahil nililigawan niya si ate, ginawa mo siyang gamitan ng droga para makontrol mo siya. At ginamit mo iyon para ipamukhang malandi siya at inahas niya si Victor dahil alam mong may lihim na pagtingin si ate kay Victor."

Nakita kong lumuha siya ngunit marahas niya itong pinunasan at nanlilisik na tumingin sa akin "B-bakit? Tinuring ka niyang bestfriend pero bakit ganto ang ginanti mo sakanya?!" Malakas niya akong sinampal sa kaliwang pisngi na nagdulot ng pamamanhid nito. Ang mga luha ko'y hindi ko mapigilan sa pagagos.
"Tinraydor mo siya! Pinlastik! Siniraan! Ikaw pa nga ang nagsabi sa mga magulang namin na tama lang na ikulong siya sa mental hospital dahil naghahallucinate at depress kuno si ate! Shobee! Sinira mo ang buhay ni Ate!" muli niya akong sinampal, this time sa kanang pisngi naman

"S-sorry.  H-hindi ko alam. Nabulag ako ng pagibig. Ako ang totoong baliw. S-sorry. Sorry. I'm really sorry." paulit ulit akong nagpaumanhin habang umiiyak at umiiling

"Sorry? Ha! Wala nang magagawa ang sorry mo. Huli na ang lahat. At ito na rin ang huling araw mo."


















===================================

Aww. Don't love too much, nakakapatay.

03-16-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top