Loading 87%


[Jelo's POV]

Nagising ako nang maramdaman kong binuhusan ako ng mainit na likido. Namalayan ko na lang na nakatali ang mga kamay at paa ko. Nandito ako sa sala at nakaupo sa sofa.

"Sayang naman at di ka nagulat sa presence ko. Epal kasi si Aria eh." sabi ni Christopher na nakatayo sa harap ko "Pero mas epal si Kairee. Kung hindi siya nakialam, walang diary na mababasa si Aria."

"Kailangan ko ng kalinawan." diretsa kong sabi sakanya "Bakit mo ba 'to ginagawa? Paanong naging magkapatid kayo ni Paulina?"

"Andito ako para maghiganti para kay ate." He sighed and later on plastered a devilish smirk on his face "Pinaampon ako.  Elementary pa lang alam ko na. Inalam ko kung sino ang tunay kong pamilya. Highschool nang malaman kong si Ate Paulina pala ay kapatid ko. Nang malaman niya'y naging ate siya sa akin. Ngunit tinago namin ito dahil hindi alam ng umampon sa akin na inalam ko ang tunay kong pamilya. Hindi rin alam ng tunay kong pamilya na kilala ko na sila. Nung may nangyari sakanya dahil sainyo, ang hirap sa'king hindi siya tulungan. Tinaboy niya ako at ayaw niyang magpatulong. Gusto niya ng laging malayo sa tao. Ayaw niya na ng may kahalubilo. Siguro epekto ito ng pagdroga sakanya."

"Pagdroga?" naguguluhan kong tanong

















===================================

03-16-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top