Loading 77%
[Jelo's POV]
"Malapit na raw matapos yung niluluto ni Shobee, ready na raw." sabi ko kay Mitzch na nasa sala. Tatawagin ko na rin sana si Aria sa kwarto nila nang makita kong may ginagawa si Mitzchell sa tv "Ginagawa mo?"
May pinakita siya saking flash drive "Nakita ko sa likod ng tv. Baka may kung anong file ito. Gusto ko sanang panuorin. Isalang mo nga sa tv, di ako marunong."
"Taong bundok ka ba?" sabi ko at kinuha sakanya ang flash drive at sinalang ko na sa tv
Isang file lang ang nakalagay dito at iyon ang video ni Kesha. Pinlay ko na ito at pinanood namin muli.
"I-pause mo!" sabi ni Mitzchell na agad kong ginawa "Tingnan mo yung kwintas na suot niya! Sabi na kaya parang pamilyar eh."
Tiningnan ko ito. Hindi ko maalala kung ano ito.
"Dali, tawagin mo si Aria! Ayy hindi! Kunin mo na rin yung nakita mong kwintas sa oven para ma-compare natin."
Sinunod ko ang sinabi niya. Matapos kong kunin ang kwintas sa kwarto namin ay kumatok muna ako bago buksan ang pintuan ng kwarto nila Aria.
"Oh my Diyos naman Jelo! You gulat me to death!" sabi niya nang nakahawak pa sa dibdib ang kamay "Anyways, can I usap you?"
[Shobee's POV]
"That nga!" sambit ni Aria at tinuro pa ang tv
Tinawag ako ni Mitzchell at tinawag naman ni Jelo si Aria para magtipon tipon sa sala.
Pinaghambing niya ang sunog na kwintas na hawak niya at ang kwintas ni Kesha na tinitingnan niya sa tv "They're pareho!" she gasped "Owemji! Is this couple kwintas?! Sila ba!?"
===================================
Fact: Flash drive yung mismong device. USB yung sinasaksakan.
Ano ang katabi ng USB?
03-14-18
©CrishaneAen❞
P.S. Edi USA!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top