Chapter Two

Chapter Two

Hope


The meeting was nearly done when we arrived in the discussion room. Hindi pa nag-iinit ang aking pang-upo, nagsasalita na si Nanay sa harap bilang pasasalamat sa mga bisita.

I glanced at the other side of the room. Three gentlemen were sitting. Two of them were attentive and smiling to my mother as she spoke, while the other one at the last seat was grimly looking at our side.

The feeling I felt a while ago surfaced. Siya 'yong nabangga ko kanina, ah.

I sighed.

I didn't know if it was his intense gaze or his dark aura, that made me feel uncomfortable, or both. Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin.

"Sino ang tinitingnan mo roon? Ang pogi nila!" nang-iintrigang sabi ni Ma'am Anna habang pabirong sinundot ang tagiliran ko.

"Wala. Tigilan mo ako," saad ko, natatawa sa reaksyon niya. Kulang na lang ay mag-anyong puso ang mga mata katititig sa mga bisita.

"Alam mo, bet ko si Mr. Albano. Mukhang bad boy pero ang pogi!" She giggled obviously ogling at the man on the first seat.

Umiling na lamang ako habang bahagyang humagikhik sa mga pinagsasabi niya.

Tiningnan ko ang tinutukoy niyang nasa unang upuan ngunit hindi ko sinasadyang mapatingin sa lalaking nabangga ko. My smile quickly faded when I caught him looking at me. My heartbeat started to go wild.

Kumunot ang noo ko sa kakaibang pakiramdam na 'yon.

Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Kilala niya ba ako?

Naalala ko na naman ang ekspresyon niya nang nabangga ko siya. Hindi ko iyon napagtuunan ng pansin dahil nag-alala ako kay Stella. Ngunit ngayon, hindi 'yon matanggal sa isip ko.

Nagsalubong ang aming paningin. His eyes were very familiar. Umiling ako sa sarili ko. Maybe, I was just mistaken.

Naramdaman kong sumulyap si Sir Nathan kay Ma'am Anna na nasa aking tabi—giving her a warning look.

Lumipat ang tingin ko kay Sir Nathan. Hindi ko malaman kung bakit hindi sila magkasundo ni Ma'am Anna. Noong una naman maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa ngunit nang nagtagal ay lagi nang nagbabangayan.

Umirap si Ma'am Anna at tumingin nang diretso kay Nanay. Hindi na pinatulan si Sir Nathan.

Tumikhim ako at inabala na lamang ang sarili sa pakikinig, hindi na muling tumingin sa banda ng mga bisita.

Ilang sandali pa'y natapos na ang meeting. Handa na rin kaming lumabas ni Ma'am Anna gaya ng ibang guro ngunit tinawag ako ni Nanay. Lumingon ako sa banda nila at nakita si Sir Nathan na nakikipagkamayan sa mga bisita ngunit napansin kong parang may tensyon sa pagitan nila.

Binalingan ko si Ma'am Anna upang magpaalam. "Mauna ka na, Ma'am Anna. Baka sabay kami ni Nanay uuwi."

Tumango siya at ngumiti nang nakakaloko.

"Tanungin mo kung may girlfriend na," sabi niya sabay nguso sa mga bisita.

I chuckled. Alam kong nagbibiro lamang siya. Bahagya ko siyang tinulak.

"Umuwi ka na!" Tumawa siya bago tuluyang tumalikod. She waived her right hand while walking. I smiled.

Huminga ako nang malalim bago marahang lumapit sa grupo nina Nanay, iniiwasang tingnan ang nabanggang lalaki kanina. Sa gitna ng paglalakad ay nakasalubong ko si Sir Nathan.

"I'll go ahead, Lisa. Thank you, sa pag-assist." He smiled warmly. 

He was genuinely handsome. I smiled back and uttered my goodbye.

Sir Nathan was a great doctor, not only here in San Isidro but also to other barangay of San Jacinto. Pareho kaming baguhan dito sa paaralan noon. Hindi man madalas ang pagpunta niya rito, nakapagpalagayan namin siya ng loob ni Ma'am Anna.

He didn't even want to be called a doctor because he said, he didn't want to intimidate anyone. He wanted to have friends while staying here.

"Just call me by my name, Lisa." I remember him telling me that. However, I was not comfortable to call him by his name so I added 'Sir' to address him. Alam kong ayaw niya ngunit wala na rin siyang nagawa lalo pa at pati si Ma'am Anna ay tinatawag na rin siyang ganoon.

Tumayo ako sa gilid ni Nanay nang marating ang grupo nila. Hindi niya ako napansing lumapit dahil abala siya sa pakikipag-usap.

I pretended looking at the tiled floor like something was interesting about it, while in fact, I was just avoiding his gaze. I could certainly sense that he was looking at me, intently.

Sumulyap si Nanay sa banda ko at nagliwanag ang mukha niya nang makita ako. Ngumiti ako sa kaniya.

"Gentlemen, this is my daughter, Emylisa Antoinette Martinez," pakilala ni Nanay sa akin.

"Rheeve Albano." Seryosong naglahad ng kamay ang sa tingin ko'y nasa early thirties na lalaki. Tumitig siya sa akin na parang namamangha.

Ngumiti ako at tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay.

"Nice meeting you, sir."

Sumunod na naglahad ng kamay ang nasa gitnang lalaki. Sa tingin ko siya ang pinakabata at mas magaan ang aura kumpara sa dalawang kasama.

"Miguel dela Torre, at your service, Ma'am." Kumindat pa kaya bahagya akong natawa. Mabilis kong inabot ang nakalahad niyang kamay.

Umiling ako pagkabitiw ng kamay niya sa akin. Halatang playboy ang isang ito, ah.

Bahagya kong tinapunan ng tingin ang pangatlong lalaking naglahad ng kamay. I saw the veins on his arm as he confidently offered his hand for a handshake. Napakurap-kurap ako nang umatake sa ilong ko ang mabango at panlalaking amoy niya.

Tila libu-libong alaala ang nagdaan sa utak ko pero ni isa'y walang kalinawan. I closed my eyes to chase those memories but all I could see were shadows walking away from me.

Dumilat ako at nakita ang lalaki sa harapan ko. Nakalahad pa rin ang kamay niya ngunit ang mukha ay puno ng pag-aalala. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. May pag-aalinlangan man ay tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.

"Genus Rann Esquivel." His deep baritone voice made me uncomfortable. I was biased, alright. But what could I do, I didn't like him... for a reason I didn't want to know.

Mabilis kong binitiwan ang kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak sa akin kaya kinailangan ko pa siyang tawagin.

"Sir?" Tiningala ko siya nang hindi nagsalita. 

He was undeniably tall. The massive expanse of his built, his broad shoulders and his strong presence made me look small. Hindi ako katangkaran ngunit mas nadepina ang agwat ng height namin dahil sa distansya namin. His wavy black hair, in a half ponytail, was unusually longer compared to the usual.

Bahagyang nakaawang ang kaniyang labi habang mariin ang titig sa akin. The uneasiness I felt intensified as he looked at me with that expression which I couldn't understand. His pitch black eyes were directed at me like I was an apparition that would fade when he missed a second. My heart was beating violently, it wanted to get out of my ribcage. I couldn't take it any longer.

"S-Sir, bitawan n'yo na ang kamay ko," malamig kong sabi habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya, pilit tinatago ang kaba na nadarama.

Huminga siya nang malalim at binitiwan ang kamay ko. Naramdaman kong may gusto siyang sabihin ngunit tumalikod na ako upang hanapin si Nanay. I wanted to get away from him. Unti-unti kong pinakawalan ang kanina pa pinipigilang hininga. His presence was too much for me.

Mabilis kong nilapitan si Nanay nang nahanap 'di kalayuan. "'Nay, sabay po ba tayong uuwi?" I immediately asked.

"Anak, mauna ka na. May meeting pa kami pagkatapos dito." 

Tumango ako at nagmamadaling nilisan ang discussion room. Nakahinga ako nang maluwag nang marating ang dalampasigan kung saan ako laging dumadaan.

Sanay akong umuwi mag-isa dahil madalas, mas late umuwi si Nanay. Si Ma'am Anna naman ay iba ang daan at sumasakay ito ng tricycle. Nasanay na rin akong maglakad kahit pa umaabot ng halos tatlumpong minuto mula sa paaralan pauwi sa aming tahanan.

Bahagya akong naalerto habang naglalakad nang naramdamang may sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang paglalakad habang nakikiramdam sa paligid. May narinig akong mga mabibigat na yabag galing sa aking likuran. 

Tiningnan ko ang daan sa 'king harap, malayo-layo pa ang bahay namin. Namasa ang noo ko sa pawis. Halos tumakbo ako dahil sa kaba at takot.

Tumili ako nang may humawak sa braso ko at para bang may sariling isip ang katawan ko. Mabilis akong umikot at sinipa ang kaliwang tuhod ng tao. I swiftly grabbed his hand that held my arm. I twisted it.

"What the!" Namilipit siya sa sakit.

My eyes widened in shock when I recognized him! Binitiwan ko siya agad. But more than anything else, I didn't expect that I could do that.

Napasalampak siya sa buhangin habang hawak ang nasaktang kamay. He groaned when he realized that his knee was also hurt. Hinimas niya iyon ng kabilang kamay niya.

"I-I'm sorry," maliit ang boses na sabi ko.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Lumuhod ako sa harapan niya at aabutin ko sana ang tuhod niya upang malaman kung anong pinsala ang nagawa ko ngunit hinila niya ang bisig ko. Suminghap ako nang pumaibabaw siya sa akin. He pinned me on the sand holding both of my wrist just above my head.

What the hell!

I quickly moved my hips up while abruptly shifting my hands on my sides. Nabitawan niya iyon at mukhang inasahan niya ang ginawa ko kaya naiwasan niyang sumubsob sa pamamagitan ng pagtukod niya ng mga palad sa buhangin.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon, niyakap ko siya at dumausdos ako pataas at nilebel ang ulo ko sa balikat niya upang ihanda ang sarili sa susunod kong atake. Inipit ko ng dalawang kamay ang kanang braso niya. I locked his arm between my forearms and twisted it.

He groaned in pain.

I forced myself on top of him and leaned over him. I was about to attack him on the face with my elbow but he expected it. He held my elbow.

Natigilan ako nang makita ang pagkaaliw sa mga mata niya. Pagkaraan ay humalakhak siya nang mahina. I looked at him puzzled.

Nababaliw na ba ang lalaking 'to?

He stopped laughing. "Let go, please..." he said. "I know you would do that."

Huh?

Binawi ko ang siko ko sa pagkakahawak niya at tumayo na. Nahihibang na siya. Wala akong panahon sa kalokohang ito.

Pinulot ko ang bag kong nahulog sa buhangin. Pinagpag ko ang buhanging dumikit sa damit ko at inalis ang dumi sa buhok ko. Nagsimula akong maglakad palayo.

Hindi ko makalimutan ang ginawa ko. How did I know those moves? And it was like innate in me to act that way. It was like my body knew how should I defend myself and it was alarming.

Was I knowledgeable of those things?

"Hey. Wait up!"

Hindi ako lumingon. Diretso ang tingin ko sa daan. Naabutan niya ako at sumabay sa bawat hakbang ko.

"I just want to talk to you. I want to ask some things." His voice was calm and serious.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Isa pa ang lalaking 'to. He was ridiculously weird. He just showed up, laugh at me and all of a sudden he wanted to talk to me. I couldn't believe him.

"Then talk," I said without looking at him but I could see his figure in the corner of my eyes.

He looked at me with awe. Like he'd seen something unbelievable. Okay. He got my attention. Hinarap ko siya.

"Talk," I commanded.

"Here?" His eyes roamed around.

"Where else?" I asked sarcastically.

Umiling-iling siya. I saw the amusement in his eyes, again.

"Gumagabi na. Ihatid na kita sa inyo. I will ask...along the way." Nauna na siyang naglakad na para bang alam ang pupuntahan.

He's impossible!

He was talking to me casually and it irritated me more.

Nagpahuli ako sa paglalakad. I was figuring out what would I do to get away from him.

Inabala ko ang sarili sa pagsunod sa bawat yapak niya sa buhangin habang nag-iisip. Nanggagalaiti kong inapakan ang bawat bakas ng sapatos niya sa buhangin na halos hindi ko masundan nang maayos dahil sa layo ng bawat hakbang.

Sana pala tinuluyan ko na siya kanina.

"You lead the way." His deep voice startled me, a bit. I didn't expect him to stop walking. My head bump his arm.

He grimaced.

Nagkatinginan kami. His brows knitted but when he saw me looking at him, he pretended to not feel anything.

Walang pag-aalinlangan kong hinawakan ang braso niya at malakas na diniin ang mga daliri ko roon.

"Aw." Pilit niyang binawi ang braso niya.

"Now, you're barking." A small smile passed on my lips before I turned and walked.

He didn't do anything a while ago to harm me. Sinasangga lang niya ang bawat atake ko sa kaniya. I wasn't hurt but he was.

Bumuntong-hininga ako. Isinantabi ko ang mga gumugulo sa isip ko. "Follow me."

Sumulyap ako sa kalangitan habang naglalakad. Unti-unti nang naaagaw ng dilim ang liwanag. Ang mga ulap ay nagmistulang palamuti sa langit dahil sa tingkad ng mga kulay. Dahan-dahang nilamon ng kulay kahel at pula ang kalangitan habang bumababa ang haring araw. 

Everyday, the colors of the sky while the sun sets was different like there wasn't a day that was made the same. Tumigil ako at pinanood ang pagsasalubong ng araw at ng karagatan. Hindi ako magsasawang panoorin ang ganda ng paglubog nito. 

For me, it was a symbol of my hope and faith. Ang pag-asa at pagtitiwalang maibabalik sa akin ang mga alaala na siyang bubuo sa pagkatao ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakakamanghang tanawin.

"Ang ganda," I softly whispered as I watched the sun disappear in front of me. Halos makalimutan na may kasama ako.

"Yes, indeed... it's beautiful," narinig kong wika niya mula sa 'king tabi.

Sinulyapan ko at nakitang nag-iwas siya ng tingin, itinuon ang atensyon sa madilim na ngayong kalangitan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top