Chapter Twenty

Chapter Twenty

Mole


"Why are you here?" Sir Genus asked.

Should I call him Genus, instead? Nasanay kasi akong tinatawag siyang 'Sir Genus' kaya parang naninibago ako.

"I'm visiting my friend. Is she not allowed to have visitors?" Miguel mocked, "and you should call Tita Carlotta. She's bugging me," he added.

Inilabas ni Genus ang cellphone sa bulsa. Kumunot ang noo niya at nagpaalam. Uminom ako ng tubig habang nakatitig sa likod niyang patungo sa pinto.

Tita Carlotta? That name rang a bell but I couldn't remember who she was.

"Mom..." Genus uttered before going out.

Hindi pa rin ako komportableng tawagin siya sa kaniyang pangalan lang pero ipinagkibit ko na lang ng balikat. Masasanay rin ako kalaunan.

Naglakad si Miguel palapit sa akin. "I heard what happened from Rheeve. I'm sorry, we kept it from you."

Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Wait, that means they all knew before they came here? Ibinaba ko ang kutsara't tinidor sa aking plato. Malapit na akong matapos sa pagkain ngunit nawalan ako ng gana sa sinabi niya.

Nagtiim-bagang ako. Alam din ni Sir Nathan pero may hinala na ako noon sa kaniya, ngunit wala akong maalalang pamilyaridad kina Sir Rheeve at Miguel.

"Kilala ko ba kayo?" hindi ko mapigilang tanong.

Tumango siya kaya napakunot ako ng noo. Pilit kong iniisip kung paano ko sila nakilala pero wala akong ideya.

"Kung ganoon, paano kita nakilala?"

"It's because of Rann," he simply answered.

"How about Sir Rheeve, then?"

"Hindi ako sigurado pero siya ang nakahanap sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Paano?"

"His family owned a security agency and he was friends with Nathan. They were able to trace you through Nathan." Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid.

Huminga ako nang malalim. Palalagpasin ko siya dahil naintindihan ko kung bakit niya itinago iyon. Naisip ko si Genus. I was sure that he had the biggest piece of the puzzle I was trying to figure out.

"May alam ka ba tungkol sa nakaraan ko?" nagbaka-sakali akong makakuha ng kahit anong impormasyon.

Nag-aalinlangan siyang tumitig sa akin. "Alam kong delikado ang kondisyon mo, Liah. Ayaw kong lalong lumala ang kalagayan mo, pasensiya na."

Inasahan ko nang ganoon ang sasabihin niya pero sinubukan ko pa rin. Hindi rin gustong sabihin ni Sir Nathan ang nalalaman dahil nag-aalala rin ito sa akin at tiyak kong iyon din ang nais ng mga taong nakakakilala at nagmamalasakit sa akin.

I gave him a small smile. "I understand... but one last question."

"Hindi ko sasagutin kung makakasama sa 'yo," maagap niyang saad.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang ma-frustrate sa pagkakait nila sa akin ng mga detalye na gustong-gusto kong malaman. Kahit kilala ko na kung sino ako ay mas dumami ang mga tanong sa utak ko.

"Alam ko kung hanggang saan ang kaya kong tanggapin. Please... I just wanted to know who was Genus in my life."

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa kaniyang labi.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan," tuluyan siyang ngumiti nang malawak kaya ipinilig ko ang ulo.

Anong nakakatawa sa tanong ko?

I guess I should find it myself. Palaisipan pa rin sa akin ang panaginip tungkol kay Genus. Baka naman guni-guni ko lang 'yon?

"Pero hindi ba may fiancée siya?" bulong ko sa sarili.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano mo nalaman?"

Suminghap ako. Hindi ko namalayan na nasabi ko iyon. Tumahimik ako at natulala sa pagkain sa harapan ko. Ibig sabihin totoo ngang may fiancée siya!

Unti-unting binalot ang dibdib ko ng galit at nanariwa sa akin ang nangyari sa araw na 'yon. My stomach churn at the thought.

Am I making the same mistake, again?

"You should talk to him about that, Liah," seryosong nang wika niya mayamaya.

Nagtiim-bagang ako. Ang pamilyar na bigat sa dibdib ko'y lalo kong naramdaman. Bumukas ang pinto at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Genus. My heart raced, in an unusual rhythm that only him could do.

Mabilis din naman akong nakabawi at nagkunwaring abala sa pagkain. Pinilit kong lunukin ang nasa bunganga kahit pa parang nahihirapan ako. My throat run dry and I coughed a little bit.

Agad akong dinaluhan ni Genus pero mabilis ko nang kinuha ang baso at uminom ng tubig mula roon. My eyes sharpened when he slightly rubbed my back to comfort me. Umirap ako at bahagyang lumayo sa kaniya.

Miguel chuckled and looked at us amused. Kanina pa 'to, ah.

"Ayusin mo 'yan, Rann. May kasalanan ka pala," sabi niya habang nakangisi. He sat on the sofa and minded his own business.

Genus looked at me, burning me with those dark and menacing gaze. Nagkatitigan kami pero hindi ko matagalan kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Ayaw ko nang kumain pero hindi ko magawang tanggalin ito sa harap ko.

"Are you finished eating?" he asked.

Tumango ako at hinawakan ang magkabilang gilid ng maliit na lamesa pero hinawakan niya rin iyon. Parang napapasong tinanggal ko ang kamay ko roon at hinayaan siya. Hindi ko na tuloy alam saan ibabaling ang atensyon.

"What's our problem?" he gently asked, his attention was all on me.

Was it our problem? Problema ko lang naman 'yon kaya ako nang bahala roon. Hindi naman niya kailangang magpaliwanag.

"Is it because of me, courting you? I can wait, just let me be." His tone was full of understanding however I couldn't help myself but to doubt him.

Napakurap-kurap ako. Pagkatapos ng araw na 'yon, hindi na siya lumapit sa akin. Ibig sabihin ba no'n, hindi talaga siya tumigil?

"Hindi naman 'yon," mahinang sabi ko.

"Then, what is our problem? You clearly told me, it's about that." He leaned closer.

Naasiwa ako kaya tumagos sa puting dingding ang tingin ko, natatakot na tingnan siya. My eyes might give me away if I would look at him.

Suminghap ako nang umatake ang pamilyar na sakit sa dibdib ko at napagtantong kailangan kong sabihin ang nasa isip ko para na rin sa ikakapanatag ko.

"You have a fiancée. Huwag ka nang masinungaling sa akin," saad ko.

Nanlamig ako sa kaisipang may fiancée nga siya kaya nangkaroon ako ng lakas ng loob para salubungin ang tingin niya. Lumambot ang ekspresyon niya, pero mas lalo siyang naging seryoso.

"I didn't agree with the engagement, Liah. Dad wanted to push through with it but I will never agree with them," matamang sabi niya.

Hindi ako kumibo. Totoo kaya ang mga sinasabi niya o baka naman binibilog lang niya ang ulo ko? Paano ko naman mapapatunayan kung totoo nga 'yon?

"Malay ko kung nagsisinungaling ka," sambit ko.

Marahan niyang inabot ang mga siko ko, holding me into place. I was uneasy with his unfathomable expression. There was no humor in his eyes that made me more nervous.

"Try me, then... Marry me..." his voice was certain and thick.

Gulantang akong natulala sa mukha niya. Umawang ang labi ko, walang maapuhahap na salita para ibato sa kaniya.

Ano bang iniisip niya? Ang bilis naman yata ng desisyon niya. Kung hinahamon lang niya ako dahil sinabi kong nagsisinungaling siya, hindi naman yata maganda na yayain niya akong magpakasal para mapatunayan na hindi siya nagsisinungaling.

Humalakhak si Miguel kaya napabaling ako sa gawi nito. "Pinipikot mo yata si Liah, Rann."

"Shut up." Nilingon ni Genus si Miguel. Tumahimik naman ito ngunit may ngisi pa ring umalpas sa labi bago nagpaalam na lalabas muna.

Muling tumingin sa akin si Genus, naghihintay sa sasabihin ko.

"K-Kung dahil lang 'to sa sinabi kong nagsisinungaling ka, kalimutan na natin 'yon," marahang kumbinsi ko sa kaniya.

"Hindi naman basta-basta ang p-pagpapakasal. Gusto kong mahal ko at kilala ko ang taong pakakasalan ko," katwiran ko.

"Then, let's do that. Give me a chance..."

Napatitig ako sa kaniyang mga matang tila nang-aarok at nanghahalina. Hindi ko magawang iiwas ang tingin dahil parang napakarami ng gustong iparating ng mga matang iyon.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa bedside table. Napatingin ako roon ngunit siya'y nakatingin pa rin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.

"Tumatawag ang Dad mo," sabi ko sa kaniya dahil parang wala siyang balak pansinin 'yon.

"Hayaan mo—wait, what are you doing?"

Kinuha ko ang cellphone at marahang hinawakan ang kanang kamay niya.

Inilapag ko roon ang aparato. "Take the call."

Naestatwa siya kaya mabilis ko ring binitiwan 'yon. "Sige na, sagutin mo na."

He heaved a deep sigh and leaned forward. Ako naman ang hindi makagalaw nang binigyan niya ako ng mabilis na halik sa noo.

"I'll be back."

Nakatulala ako sa pintuan kung saan siya lumabas. Mababaliw na yata ako sa mga pinaparamdam niya sa akin. Wala sa sarili kong hinawakan ang aking noo.

Ano ba talaga ang relasyon ko sa 'yo Genus, bago mawala ang mga alaala ko?

Ibinaba ko ang kamay nang may mapansin sa salamin ng pintuan. May taong sumilip doon ngunit agad ding umalis nang makita akong tumingin.

Tumayo ako at inayos ang swero sa kamay at hinila na ang bakal na karugtong no'n. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Inabot ko ang door knob pero bago ko pa tuluyang maitulak ay biglang bumukas iyon. Napahawak ako sa dibdib sa gulat at tumingin sa taong nagbukas.

"Saan ka pupunta?" Ang nagtatakang mukha ni Miguel ang sumalubong sa akin.

Umiling ako. "M-May tao kasi sa pintuan kanina."

Sumilip ako sa labas at nanlaki ang mga mata sa nakita. May dalawang lalaki na nagbabantay sa gilid ng pintuan at mayroon ding mga naglalakad sa 'di kalayuan na sa tingin ko'y kasamahan nila. Pare-pareho silang nakasuot ng puting polo shirt.

"Bakit? Sino sila?"

Isinara ni Miguel ang pintuan kaya napaatras ako para makapasok siya.

"Bodyguards," he said casually and help me return to my bed.

"For what?" naguguluhang tanong ko.

"Calm down, okay? Let's wait for Rann. Stay on your bed, please."

Wala akong nagawa kundi tahimik na bumalik sa kama pero naupo lang ako. Hindi ako matahimik na mayroong nagbabantay sa akin. Hindi ko naman siya makausap nang maayos dahil may sinagot siyang tawag na nasundan ulit nang mas mahaba pang pakikipag-usap sa kaniyang cellphone.

Napaangat ang mukha ko nang bumukas ang pintuan. Pumasok si Genus at mabilis na nagpaalam si Miguel dahil may aasikasuhin sa restaurant.

"What is it?" marahang tanong niya nang mapansin ang matagal na titig ko sa kaniya. Inilapag niya sa bedside table ang kaniyang cellphone.

Tumingin ako sa salaming bahagi ng pintuan. "Bakit may mga bodyguards sa labas?"

He pursed his lips like something was holding him back to say anything.

"It's for your safety, Liah."

Tumayo ako. "Safety for what?"

"I don't think it's the best time to tell you this. Umupo ka muna." Maingat niya akong inalalayan.

"I want to know. Tell me what's going on..." I said frustrated and slightly tugged his shirt.

He knelt in front of me and held both of my hands. Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita. "Your Dad has so much on his shoulder, right now. Your company is in chaos but we're investigating on the anomalies and the traitor who was responsible for the failed projects. For now, you have to stay here to be safe."

"Kumusta na ang Mommy ko? Hindi ba nasa ospital siya?" sunod-sunod na tanong ko.

Kung ganoon ang nangyayari sa kompanya, may posibilidad na may mangyaring masama rito.

Nakita ko ang bahagyang gulat sa kaniyang mga mata pero mabilis ding nagsalita. "We assigned more trusted men to guard her. She's safe, don't worry. How did you know that she's in the hospital?"

"Napanood ko sa TV," sabi ko. 

Tumango siya at akmang may sasabihin pa ngunit muling nag-vibrate ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya ito at nakitang si Daddy ang tumatawag.

Mabilis niyang sinagot ang tawag, hindi hinihiwalay ang titig sa akin.

"Yes, Mr. Antonio, she's fine."

Ilang sandaling nakinig siya sa kausap ngunit ibinaling ko na sa ibang bagay ang tingin. Hindi pa rin ako komportableng salubungin ang mga mata niya.

"Liah, your Dad wanted to talk to you." Iminuwestra niya sa akin ang cellphone na mabilis ko namang tinanggap.

"Hello, D-Dad."

"Liah, anak. How are you?" malambing na tanong ni Dad.

Tiningnan ko pa sa screen kung tama bang si Daddy ang tumatawag dahil hindi ako makapaniwalang ganoon ang tono ng boses niya. Nang nakumpirma kong siya ay mabilis akong sumagot.

"I'm fine po. Nasaan po kayo?" magalang na tanong ko.

"I'm just doing something. Malalaman mo rin mamaya, anak."

"Anong oras po ang balik ninyo rito?"

Na-distract ako nang marahang pinisil ni Sir Genus ang palad ko. Hindi ko namalayang magkahawak-kamay kami na para bang normal na lang iyon sa akin.

"Later, this afternoon. I will be there with someone and I know you would be happy when you meet her."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Sino po?"

"You'll find out soon. You should take a good rest. Rann will accompany you for now, okay?"

"O-Okay, Dad."

Pinatay ko ang tawag pagkatapos magpaalam kay Daddy. Napatitig ako sa kamay naming dalawa. My creamy skin was very evident because of his slightly brown and hairy arm.

"Mamayang hapon pa raw pupunta rito si Daddy," sambit ko kahit hindi niya tinatanong.

Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil mas tumitindi ang kaba sa 'king dibdib.

Ngumiti ako para itago ang pagkabog ng dibdib. "Gusto ko sanang magpahinga."

Tumango siya at tinulungan akong humiga nang maayos sa kama.

"Sa sofa lang ako, tawagin mo ako kung may kailangan ka," masuyong sabi niya bago tumalikod at tinungo ang sofa.

I turned my back from him to get a good position to sleep but I couldn't. Mailap yata ang antok sa akin. Kung sabagay, maaga pa naman.

Dilat na dilat ako hanggang sumapit ang tanghalian. May naghatid ng pagkain ngunit parang hindi napansin iyon ni Genus. Bumaling ako sa kaniya na abala sa pagtipa sa laptop na nasa harap.

"Kumain na tayo?" tanong ko, nakakagutom pala kapag walang ginagawa.

Tumingin siya sa relong pambisig at napagtantong oras na nga ng pagkain.

"Pasensiya na, hindi ko namalayan," aniya. He prepared the food for us and we ate in silence.

Tahimik siya habang kumakain, tila malalim ang iniisip. Gusto ko siyang tanungin kung may problema ba sa pamilya niya o sa kompanya nila pero baka isipin niyang nanghihimasok ako.

"Is it okay if I work here?" he asked after we finished our meal.

I glanced at his laptop and realized he was too busy. "No problem. I'll take a nap later."

Bumalik din siya agad sa sofa at tumutok na ang atensyon sa laptop at sa mga tumatawag sa cellphone niya. Sumandal ako sa headboard ng kama habang nakatitig sa kaniya. Seryosong-seryoso siyang nakikipag-usap sa kaniyang telepono habang nakatingin sa laptop.

"I'll send my project proposal, I will present this to the board," sabi niya sa kausap bago may pinindot sa keyboard.

Nakakamanghang panoorin siya habang nagtatrabaho. Kahit laging salubong ang makakapal na kilay ay hindi 'yon nakabawas sa guwapo niyang mukha. Kahit ang kaunting kibot ng mga labi niya at ang paggalaw ng adam's apple niya ay tila isang napakagandang tanawin. Ilang sandali pang paninitig sa kaniya ang ginawa ko hanggang sa hindi ko namalayan ang ngiti sa 'king labi.

Humikab ako ng ilang beses. Pinipigilan kong matulog dahil gusto ko pa siyang panoorin pero pagkalipas ng ilang minuto'y ipinikit ko ang mga mata at tuluyang hinila ng antok.

Nagising ako nang dumating si Ma'am Anna bandang alas-kwatro y media ng hapon. Masaya siyang nagkuwento tungkol sa improvement ng mga batang tinuturuan tuwing Sabado. Naalala ko rin ang mga estudyante ko. Kahit na hindi ako papayagan ay pipilitin kong tapusin ang huling remedial class namin sa Sabado.

"Tuloy ba tayo sa susunod na Sabado?"

"Oo, sigurado naman akong maayos na ako sa araw na 'yon."

"Sige, sana payagan ka niya." Makahulugang tumingin siya kay Sir Genus na nakaupo sa sofa, nakalabas pa rin ang laptop at hindi binibitiwan ang cellphone sa hindi matapos-tapos na tawag.

"Sabi pala ni Ma'am Emma, bibisita siya mamaya rito kasama si Mang Ramon. May tatapusin lang siya kaya nahuli nang kaunti."

Tumango ako at ngumiti. Hindi ko pa nakikita at nakakausap si Tatay mula kahapon.

"Narito ba si Tatay kahapon?" tanong ko.

"Magkasabay kaming bumalik dito kahapon pero nagpapahinga ka na nang dumating kami kaya hinayaan ka na lang naming matulog," paliwanag niya.

"Salamat, Ma'am Anna. Salamat dahil hindi nagbago ang pagkakaibigan natin."

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Nawindang ako pero mas nagustuhan ko nga na hindi pala ikaw si Lisa. Ayaw ko talaga ang ugali no'n. Pero ano, kayo ba ni Sir Genus?" lumiit ang boses niya.

"Kami? Anong kami?"

"Hay naku, Liah. Kayo... Boyfriend, jowa, kasintahan, labidabs, honey—" I glared at her to cut her off. She gave me a mischievous smile, instead.

"Hindi," iritado kong sagot bago pa mapunta sa kung saan-saan ang isipan niya.

"Baka 'di mo lang maalala? Tsaka kaya pala hindi ko pa siya narinig na tinawag ka sa pangalang 'Lisa', alam pala niya ang totoo," tila nag-iisip na wika niya.

Tumango ako pero naglaro sa isip ko ang pag-uusap namin ni Daddy kaninang umaga. He said he was with someone that he would introduce to me. Matutuwa raw ako kapag nakita ko ang ipakikilala niya? Bakit naman ako matutuwa? Malapit ba sa akin ang taong 'yon? Pero sabi niya ipakikilala niya, ibig sabihin hindi ko pa kilala.

Gumagabi na ay wala pa naman sila.

Who could that be and what was taking them for so long?

Bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Daddy. Masaya akong ngumiti sa kaniya bilang pagbati ngunit dagling nawala ang ngiting 'yon nang sulyapan ko ang kasama niya.

Mas malinaw kong nakikita ang pagkakapareho ng katangian ng aming mukha. Para akong nakaharap sa sarili kong repleksyon habang nakatitig sa kaniya. The only difference was the mole I have below the tip of my right eye and the more visible freckles on my nose.

"M-Magandang gabi," bati niya ngunit walang nangahas ibalik ang pagbating 'yon.

Umismid si Ma'am Anna at dahan-dahang gumapang ang kaba sa dibdib ko.

Sino nga ba siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top