Chapter Three
Chapter Three
Sadness
Mula nang lumipat kami ng San Isidro, isang maliit na barangay ng San Jacinto, limang taon na ang nakararaan ay hindi ko maiwasang tanungin sa sarili ko kung ano nga ba ang buhay ko bago nangyari ang aksidente.
Naglayas daw ako noon, ngunit palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako naglayas. Ayaw kasing pag-usapan nina Nanay at Tatay tuwing nagtatanong ako.
They would always say that it didn't matter anymore. Hindi iyon mawala sa isip ko ngunit alam kong wala silang balak na sabihin 'yon sa 'kin.
Except for that, Nanay said that we did not originally live here in San Isidro. We lived in Luna before my accident, another barangay of San Jacinto. They needed to sell our house and lot to pay my hospital bills and sustain my medicine needs.
I remember how they struggled, back then.
"Kailangan natin ng malaking halaga upang matustusan ang pagpapaospital ni Lisa, Ramon. Ibenta na natin ang bahay at lupa," maingat na sabi ni Nanay kay Tatay. Iniiwasang iparinig sa akin ngunit kurtina lamang ang pagitan sa kung saan sila naroon kaya malinaw kong narinig ang kanilang pagtatalo.
Halos dalawang linggo na akong pabalik-balik sa ospital dahil maya't maya ay matinding sakit ng ulo ang nararamdaman ko hanggang sa nawawalan ako ng malay.
"Sa bahay natin napunta lahat ng ipon natin, Emma. Hindi natin puwedeng ibenta 'yon. Maghahanap ako ng paraan, susubukan kong mangutang sa mga kakilala natin," sagot ni Tatay.
"Hindi sasapat 'yon, Ramon. Malaki ang perang kailangan natin..."
Hindi ko na matandaan ang iba pang pangyayari bukod sa ilang pagtatalo nina Nanay at Tatay patungkol sa kalagayan ko. I didn't even remember how we got here in San Isidro but according to Nanay, after we sold our house in Luna, we immediately moved here. She inherited this house from her parents. It was an old and small concrete house near the shore of San Isidro.
"Salamat sa paghatid sa anak namin, hijo." Nilapag ni Tatay ang pitsel ng malamig na tubig at baso sa harapan ni Sir Genus.
Nasa kusina ako, hinahanda ang cold compress para sa kaniya. Nasa sala naman sila. Halos kadarating lang din ni Tatay galing sa bayan. Nag-aangkat siya ng mga isda sa mga kasama niyang mangingisda at iyon ang ibinebenta niya sa bayan kasama ang mga isdang nahuli.
Tumutulong ako noon sa kaniya sa pagbibenta ngunit isang beses na nawalan ako ng malay sa gitna ng ginagawa ay pinagbawalan na niya akong sumama. Hindi ko na pinilit dahil makakaabala lang ako kung mangyari ulit 'yon.
Tumingin sa akin si Sir Genus bago sumagot. "Wala pong anuman," magalang na tugon niya sa pasasalamat ni Tatay, hindi binanggit kung bakit siya narito.
Dinala ko ang cold compress sa sala at inilapag sa kahoy naming lamesa sa harapan nila. He started to roll his sleeve to his forearm and it revealed that the back of his wrist was strained as well.
"Sa kabilang kamay?" tanong ko dahil baka pati iyon napuruhan ko.
"No. It's fine." He reached for the cold compress and pressed it against his swollen wrist.
I should make another one for his upper arm. Sa tingin ko mas namamaga iyon.
"Ano'ng nangyari diyan, Lisa?" Nagtatakang tumingin sa akin si Tatay.
Natahimik ako. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag ang nagawa ko kay Sir Genus dahil pati ako ay hindi ko inakalang ganoon ang mangyayari.
Sinulyapan ko si Sir Genus at nahuling nakatitig siya sa akin bago tumingin kay Tatay. "It was an accident, sir. She was just helping me."
Tatay gave a hearty laugh. "Naku, huwag mo na akong tawaging "sir", Mang Ramon na lamang."
Kumunot ang aking noo. Hindi niya sinabing kasalanan ko. Well, may kasalanan din naman siya.
"Sige po, Mang Ramon."
"Siya nga pala. Ngayon lang kita nakita rito. Kaibigan ka ba ng anak ko? Bagong salta?"
Bago pa makapagsalita si Sir Genus ay inunahan ko na. "'Tay, isa po siya sa donor sa paaralan."
"Ganoon ba. Siya sige, magpapalit muna ako ng damit. Maiwan ko muna kayo. Lisa, asikasuhin mo muna ang bisita mo. Ako na ang magluluto."
Ngumiti ako at tumango kay Tatay. Pagkapasok nito sa kuwarto nila ni Nanay ay nagtungo ako sa kusina upang gumawa ng isa pang cold compress.
Tahimik akong nakiramdam, paminsan-minsang sumusulyap kay Sir Genus ngunit hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya.
First thing I noticed was his dark straight brows that made his eyes more intense. Ang mahahabang pilikmata na tila sa isang babae ay kapansin-pansin dahil sa bawat pagkurap niya. His lips was pursed while mending his wrist. He looked so manly, screaming of vigor and raggedness.
Nag-iwas ako ng tingin nang akmang babaling siya sa banda ko. Mabilis kong tinapos iyon at agad na lumapit sa kaniya. Umawang ang labi niya at napatitig sa cold compress sa kamay ko.
"This one is for your upper arm." Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko siya pero hindi naman niya kayang hawakan ang dalawang cold compress.
Umupo ako sa tabi niya at maingat na hinawakan ang braso niyang hindi napuruhan.
"I will roll up your sleeves," paalam ko. Dumantay ang dulo ng mga daliri ko sa balat niya nang hawakan ko ang manggas ng kaniyang damit. Natigilan ako. The warmth of his skin was very familiar.
I looked up and met his eyes. Ngumiti siya nang magtama ang aming paningin pero hindi umabot ang ngiting 'yon sa kaniyang mga mata. Huminga ako nang malalim at nag-concentrate na lamang sa ginagawa. Our situation was very awkward.
"Ano ang itatanong mo?" umpisa ko ng usapan nang maalala na sinundan niya ako dahil doon.
He silently sigh. I could feel that his eyes were directed at me but I didn't want to see the sadness in them.
"You look like someone I know." It was more like a whisper, just enough for me to hear. His voice was calm and cautious.
"Who?" I asked while slightly pressing the cold compress on his arm.
"My girlfriend."
Halos mabitiwan ko ang cold compress sa kamay ko kung hindi niya naagapan iyon. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kaniya.
"W-Who?" ulit ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig.
Tumitig siya sa mga mata ko. "You look like my girlfriend," he said clearly.
Napakurap-kurap ako at natahimik sa sinabi niya. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay pagak akong tumawa.
Sinundan niya ako dahil kamukha ko ang kasintahan niya? Wasn't that unfair to his girlfriend?
"Mister, alam mo luma na 'yang galawang 'yan. Ang mabuti pa bumalik ka na kung saan ka nanggaling at humingi ka ng paumanhin sa girlfriend mo. Iisipin kong hindi nangyari—"
"She's gone." He cut me off.
Nalaglag ang panga ko at napakunot ang noo.
"Namatay?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes. That's what they say but I don't believe them." The pain was so much evident in his voice. I couldn't help but to mirror the emotion.
"I'm sorry," I whispered.
He smiled but it only highlighted the sadness in his eyes.
"Bakit hindi ka naniniwalang patay na siya?" kuryosong tanong ko habang idinidiin ang cold compress. Ngumiwi siya kaya mabilis ko ring inayos ang pagkakahawak ko.
Tumingala ako nang hindi siya nagsalita. Naabutan kong nakatitig lamang siya sa aking mukha. I was expecting him to say something but he was silent.
Huminga ako nang malalim nang mapagtantong masyadong personal ang tanong ko. Tumikhim ako upang basagin ang nakakabinging katahimikan.
"Pasensiya na sa tanong ko. Huwag mo na lang sagutin."
"I...I think I found her," he said looking straight into my eyes.
He was too serious that I was speechless for a moment.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Na ako ang girlfriend mo, ganoon ba?" Tumawa ako nang sarkastiko.
Seryoso lang siyang tumitig sa akin kaya na-realize kong tama ang hinala ko. Napagkamalan niya akong ako ang nawawalang girlfriend niya.
I didn't know him so why would he think of that? Sobrang magkamukha ba kami na naipagkakamali niya ako? Maybe, he was just longing for her girlfriend that he mistook me as her.
Bitterness crept in me. I wasn't sure where it came from but our conversation was pointless. Mabilis akong tumayo at hinila ang kamay niya. He winced probably from the pain but I wanted him out of my sight. Suddenly, I felt like I needed to get away from him.
"Umalis ka na, sir. Hindi ako ang girlfriend mo," malamig na sabi ko at pilit siyang tinulak papunta sa pinto. Halos hindi siya natinag kaya mas lalo akong nainis.
"Wait—"
"Anak, wala pa ba ang Nanay mo?"
Sumulyap ako kay Tatay na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Nakatayo ito sa pintuan, bahagyang natigilan sa ayos namin. Tumikhim ako at ibinaba ang kamay ko.
A fake smile lifted on my lips and faced Sir Genus. "Hindi ba aalis ka na, sir?" I slowly asked, emphasizing the word aalis.
Halos manginig ako sa lamig ng tingin niya sa akin ngunit wala na akong pakialam.
Unti-unti siyang tumango. "Hindi na po ako magtatagal, Mang Ramon."
"Naku, dito ka na maghapunan, hijo," tugon ni Tatay.
"'Tay, gumagabi na po. Kailangan na niyang umuwi," mabilis na agap ko.
Sumulyap ako sa labas. Papadilim na.
"Kung ganoon, ihatid na kita sa labas." Humakbang si Tatay at sumunod naman si Sir Genus dito.
Naiwan ako sa sala ngunit ilang segundo lang ay nakonsensiya ako sa ginawa ko. Maingat akong naglakad para sundan sila dala ang isang cold compress. Titig ni Sir Genus ang sumalubong sa akin. Nakatayo siya sa maliit na balkonahe sa labas ng aming bahay, nakikinig sa sinasabi ni Tatay.
"Pasensya na sa anak ko, hijo."
Nagkunwari akong tinitingnan ang mga sapatos na maayos na nakahilera sa gilid ng pintuan namin.
"Hindi po. Ako po ang nakaabala kaya pasensiya na, Mang Ramon."
"Huwag mo nang isipin 'yon. Mag-iingat ka sa daan," Tatay said, finally dismissing him.
Napaangat ako ng tingin.
"S-Sandali..."
May pag-aalinlangang lumapit ako sa kaniya at iniabot ang cold compress.
"Thank you," sabi niya at bahagyang lumambot ang tingin sa akin.
I nodded. Again, I saw the sadness in his eyes. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na.
If I was really his girlfriend, why did Tatay didn't know him? He was just mistaken. His name didn't ring a bell.
Huminto ako sa pagpasok sa aming pintuan at lumingon sa kaniya. Naabutan ko ang likod niyang papalayo sa akin.
Makikita ko pa kaya siya? Maybe, not. I took a deep breath to calm myself.
Why did my heart ached at the thought of him leaving? Did someone left me before or did I left someone?
I didn't think he will stay so why would I bother to understand everything concerning him. Hindi na dapat ako nag-iisip pa nang ganito. This was the end of our interaction. He was a stranger. I should remember that. I didn't know him at all.
I heaved a sigh. I shouldn't make this a big deal, alright. He was gone, I will not see him again. I didn't want to admit but seeing how I reacted... I felt sad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top