Chapter Seven
Chapter Seven
Kasintahan
"Anak, ano'ng nangyari?" Agad na dumiretso sa akin si Nanay pagkabukas niya ng pinto at makitang gising na ako. Nag-aalala siyang tumingin sa akin.
It was already more than fifteen minutes when I woke up. The nurse already checked my vitals. Pupunta na rin dito ang doctor mayamaya.
Sabi ni Tatay ay umuwi si Nanay para kumuha ng gamit ko kaya wala siya no'ng nagising ako.
Kumunot ang aking noo, pilit inisip ang nangyari.
"Hindi ko na po maalala ang nangyari kahapon, 'Nay. Bigla na lang sumakit ang ulo ko," sabi ko habang minamasahe ang sentido.
Nakita kong makahulugang nagkatinginan sila ni Tatay. Ginagap ni Nanay ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
"Anak, tatlong araw ka na rito sa ospital," mahinang saad ni Nanay.
My eyes widened in shock. She slightly squeezed my hand to calm me down.
Three days! Bakit? Ganoon ba kalala ang nangyari para abutin ng tatlong araw bago ako magising?
Triggers... I wonder what triggered me to break down. Binalikan ko ang nangyari nang gabing 'yon pero ang huling natatandaan ko ay ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko maalala ang mga pumasok sa isip ko na naging dahilan ng pagkawala ko ng malay.
"Anak, you had a seizure. Not just an ordinary seizure..." Umiling siya at nagbuntong-hininga.
"May mga naalala ka ba?" tanong niya sa marahan na boses mayamaya.
Natahimik ako. Naalala ko ang panaginip. Fragments of it flashed on my mind but it was a blur. The orphanage, the old lady, the students and the man. Pilit kong inisip ano nga ba ang pangalan ng orphanage o ng ginang. Parang nasa dulo ng dila ko pero hindi ko matukoy.
Nagbuntong-hininga ako.
"The orphanage..." I whispered and looked at Nanay, hoping that she knew something about it.
Nakita kong naguluhan siya kaya dinugtungan ko ang sinabi ko.
"'Nay, pumupunta po ba ako ng orphanage noon?" mas malinaw na tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "Wala ka namang nabanggit sa akin, Lisa."
Tumango ako. I guess, hindi ko 'yon nasabi kay Nanay. Pero parang matagal na akong pumupunta roon, wala man lang ba akong nabanggit na kahit ano?
Tumingin ako kay Nanay, determinadong malaman ang kahit ano tungkol sa orphanage. "May malapit po bang orphanage rito?"
Saglit siyang nag-isip at mayamaya ay nagliwanag ang mukha. "Mayroon sa Claveria pero medyo malayo 'yon dito, Lisa," aniya.
Nabuhayan ako ng pag-asa. "Anong pangalan ng orphanage, 'Nay?"
"Gabay at Kalinga yata 'yon," hindi siguradong saad niya.
Huminga ako nang malalim. Natitiyak kong hindi 'yon.
I think the name of the orphanage started with something like a letter 'S'. Sa... Sarmiento? San Miguel? Umiling ako. Hindi.
Nag-isip pa ako ng apelyido na katunog.
Salcedo... Salvador? Yeah, sounds like that. Salv... Salvo...
The doctor entered the room and I got distracted from my thoughts. Huminga ako nang malalim. Nakita kong pinapanuod ako ni Nanay kaya tumigil ako sa pag-iisip at ngumiti.
"Mr. Martinez, can I talk to you?" The doctor said as he looked at Tatay.
Tatay nodded and followed the doctor out. Mabuti na naman ang lagay ko. Wala na akong nararamdamang sakit sa ulo. Baka puwede na akong umuwi.
Naalala ko si Sir Genus. Was he the one who brought me here?
"'Nay..." I trailed off. I bit my lip before I continued.
"Sino po ang nagdala sa 'kin dito?" I remember that I passed out but I couldn't recall what happened before that. It must be the trigger I was looking for.
"Si Mr. Esquivel, anak," walang ano mang sabi ni Nanay habang binabalatan ang isang prutas para sa akin.
It wasn't a big deal, right? Nandoon siya kaya siguro nagmagandang-loob lamang siya.
Naputol ang iniisip ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Napabaling ako roon at nakita si Ma'am Anna na agad lumapit sa akin. Kasunod nya si Sir Miguel na may dalang basket ng prutas. Dumiretso si Sir Miguel sa lamesa upang ilapag doon ang dala. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
Ano'ng ginagawa ni Sir Miguel dito at kasama pa si Ma'am Anna?
Para namang nabasa niya ang iniisip ko nang maagap na nagsalita.
"I have a project here in San Jacinto so I decided to drop by when I heard what happened. I saw Anna outside so," paliwanag niya at bumaling kay Ma'am Anna. Umirap naman si Ma'am Anna rito.
Tumango ako at ngumiti.
"Thank you for visiting, Sir Miguel," I said warmly.
"No problem. We're friends, right?" he said it lightly that I forgot to ask where he got the news.
"Yeah?" I smiled. Hindi ko alam saan patungo ang usapan namin but it feels good to see him.
"Hindi ka sigurado. Magtatampo na yata ako, ah." Kinapa niya ang dibdib at nagkunwaring nasaktan kaya tuluyan na akong natawa.
Nanay touched my hand to call my attention. Ngumiti ito at umalis sa tabi ko para bigyan si Ma'am Anna ng espasyo at makapag-usap kami.
"Titingnan ko lang ang Tatay mo, Lisa. Maiwan ko muna kayo." Tumango ito sa mga dumating at maingat na binuksan ang pinto.
My eyes darted to Ma'am Anna when she spoke.
"Hindi ko alam ang mga nangyari, Lisa. I'm really sorry," malungkot na saad niya na agad ko namang naintindihan.
"There's nothing to be sorry about. Hindi mo naman kasalanan," I assured her. Gumalaw ako para makaupo nang maayos at tinulungan naman niya ako.
"Well, kung hindi sana ako nalasing nabantayan sana kita." She sighed and smiled sadly.
"Maayos na ang lagay ko. Huwag ka nang mag-alala!" I said to lighten up the mood. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. She was always jolly and enthusiastic.
Gusto kong magtanong kung may alam siya tungkol sa orphanage pero sinabi niyang hindi kami malapit noon. Malamang wala rin siyang alam tungkol do'n dahil pati kay Nanay ay 'di ko nasabi.
"Bakit ka ba naglasing?" pag-iiba ko ng usapan. "May pinagdadaanan ka ba?" I teased. Nakalimutan na nasa malapit na lamesa lang si Sir Miguel.
Umirap naman siya at sumimangot. There... she was back to her usual self.
Is it Sir Rheeve?
I wanted to ask but I knew she would tell me if she was ready. I wouldn't pressure her to talk about it.
"Hmm. Let's say I'm broken hearted?" she said it like it was just normal.
"Lagi ka naman yatang broken hearted, e. Remember Josh?" Nag-isip pa ako dahil marami rin siyang crush na nakuwento sa 'kin.
"And Alvin... and... don't forget Robert!" I added lightly.
Tuluyan na akong natawa dahil sa pamumula ng mga pisngi niya. Pinandilatan niya ako at mahinang pinalo sa hita.
"Kung hindi ka lang naospital..." tumatawang saad niya.
We reminisce and laugh about her crushes that didn't crush her back. Tuluyan ko nang nakalimutan ang mga bumabagabag sa akin dahil sa presensya ni Ma'am Anna.
Napatingin kami pareho nang tumikhim si Sir Miguel. Tumayo ito at ngumiti sa amin.
"I'll just get our dinner. It's getting late," anito.
"Salamat," I uttered and glanced at the wall clock. It was already six in the evening.
"Pasensiya na, Sir Miguel," I said apologetically.
"Don't be. I'm glad that you're fine," sabi nito na para bang may ibang kahulugan. Ngunit nawala rin nang ngumiti ito. Gusto ko talaga ang magaang bukas ng mukha nito. Para bang nakakahawa ang ngiting ibinibigay, nakagagaan ng loob.
Pumasok si Nanay at Tatay kaya ibinaling ko ang tingin sa kanila. Mukhang may malalim na iniisip si Nanay ngunit ngumiti naman ito nang dumako ang tingin sa akin.
Ano kaya ang sinabi ng doctor?
Nagpaalam si Sir Miguel kina Nanay at Tatay na bibili ng pagkain at lumabas na ng silid. I have so many questions but I stopped myself from asking Nanay. I knew she had enough to think about but... some wouldn't hurt, right? I just want to help them.
"'Nay, kailan po ako makakauwi? Mabuti na naman ang pakiramdam ko," I said and sat properly, showing her that I was more than fine.
"Hindi ka pa makakauwi, Lisa. This is the first time for long that you had a seizure like this. You have to undergo more tests," she said like there was no problem about it.
Kinabahan ako. I knew those tests would be expensive. May ipon ako sa pagtuturo pero hindi sapat 'yon at alam ko ring hindi ganoon kalaki ang ipon nina Nanay at Tatay para roon.
"Hindi na naman kailangan, 'Nay. I'm feeling better now," I said trying to change her mind.
"Anak, kung ang iniisip mo ang gastusin, huwag kang mag-alala. Nakagawa na kami ng paraan." She smiled like it was nothing.
Kumunot ang noo ko. I think, they were hiding something from me.
Tumingin ako kay Tatay para humingi ng tulong kahit alam kong nag-usap na sila tungkol doon.
"Lisa, anak, makinig ka na lang sa Nanay mo," sabi ni Tatay nang makita ang tingin ko sa kaniya.
Tumingin ako kay Ma'am Anna at nagkibit lang siya ng balikat. Huminga ako nang malalim. Wala na akong magagawa kung ganoon.
"Lumipat na lang tayo sa mas maliit na kuwarto, 'Nay," I suggested.
Napansin ko kasing malaki ang silid na kinuha nila para sa akin. Dagdag lang ito sa gastusin. Nagkatinginan naman sila at sabay na umiling.
"Kami na ang bahala, Lisa. Magpagaling ka na lang muna," sabi ni Tatay.
Natahimik ako. Hindi pa rin sang-ayon pero kapag si Tatay na ang nagsalita, hindi ko kayang hindi siya pagbigyan.
Ilang minuto pa ang lumipas na tahimik lamang kami. Iniisip ko kung saan nila kukunin ang perang gagamitin.
Ibinenta kasi nila noon ang bahay at lupa sa Luna para matustusan ang pagpapagamot ko. Hindi ko man maalala ang bahay na iyon ngunit nasasayangan ako dahil naramdaman kong mahalaga 'yon kina Nanay at Tatay. Gusto kong magtanong ngunit alam kong hindi nila sasabihin sa akin.
"Let's have our dinner, everyone." Si Sir Miguel ang bumasag sa katahimikan. Ngumiti si Nanay at inayos na ang mga dala nito.
Dumating na kanina ang pagkain para sa akin na ibinigay ng ospital. Kumain kami habang nagkukuwentuhan. Kinumusta ko rin ang mga estudyante kong naiwan. Sabi naman ni Nanay na siya muna ang pumalit na guro ng mga bata.
May tatlong araw pa ako rito para obserbahan at isasailalim sa mga tests. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na sana dahil maayos na naman ang pakiramdam ko at dagdag lang 'yon sa gastusin.
Pagkatapos kumain nagpaalam si Tatay, uuwi muna siya para makapagbihis at makapagpahinga. Babalik na lang siya bukas ng umaga para halilihan si Nanay sa pagbabantay, may pasok pa kasi si Nanay sa paaralan.
Ilang sandali pang kuwentuhan, nagpaalam na rin si Sir Miguel.
"I'll go ahead, Lisa. I'll visit some other time," nakangiting sabi niya. Tumango ako at nagpasalamat.
Tiningnan ko si Nanay at nakitang humihikab na. I glanced at the far side of the bed, there was a small bed and a sofa for the visitors.
"Matulog ka muna, 'Nay. Alam kong pagod po kayo," I said encouraging her to rest.
"Sige, anak. Inaantok na talaga ako," tugon niya sa akin at marahang humikab.
"Ikaw muna ang bahala kay Lisa, Anna," baling ni Nanay kay Ma'am Anna bago mabilis na nahiga sa maliit na kama. Nang narinig namin ang marahang paghinga ni Nanay hudyat na tulog na ay kinalabit ako ni Ma'am Anna.
"Nakita ko kanina si Sir Genus sa labas kasama ang Tatay mo, kausap nila ang doctor," aniya na parang may sasabihing sekreto. Bumaling siya kay Nanay at mas hininaan ang boses.
"Narinig kong sinabi niya na siya na ang bahala sa gastusin," halos pabulong na sabi ni Ma'am Anna. Nanlaki ang mga mata ko. Sinulyapan ko si Nanay. Kaya pala malalim ang iniisip nito kanina. Nagtiim-bagang ako. Hindi nga nila sasabihin 'yon sa akin.
Ano naman ang kapalit ng tulong ni Sir Genus? Alam naman nitong hindi namin mababayaran dahil sa estado namin. Hindi naman kami magkaibigan para mag-offer nang ganoon.
"Huwag kang mag-alala, Lisa. Nagmamalasakit lang ang tao," pagtatanggol ni Ma'am Anna kay Sir Genus.
Umiling ako. "Hindi naman natin siya ganoon kakilala para magmalasakit nang ganoon. Tiyak may kapalit 'yon."
"Hindi ba sinabi ko na may gusto siya sa 'yo," matamis ang ngiting wika niya.
Uminit ang pisngi ko. "Hindi ako naniniwala at saka kung sakali man mas lalong hindi ko matatanggap ang tulong na iyon."
"Kung ganoon, bakit naman niya gagawin 'yon? 'Yon lang ang nakikita kong dahilan," saad ni Ma'am Anna na tila nag-iisip.
Nagkibit-balikat ako at sumagi sa isip ko ang nangyari noong una naming pagkikita. He might think that I really was his girlfriend. Dumaan ang sakit sa dibdib ko sa isiping iyon.
Kailangan kong makausap si Sir Genus. Kailangan kong malaman ano ang totoong dahilan ng ginawa nito para alam ko kung paano ko tatanggihan ang tulong na iyon.
Napansin ko ang mapanuring tingin ng kaibigan. "Baka naman kasintahan mo siya noon? Wala ka bang naaalala?"
Nanlaki ang aking mga mata. I shook my head repeatedly.
"Diring-diri? Ang arte nito," natatawang sabi ni Ma'am Anna.
"Guwapo naman si Sir Genus, ah. Hindi lang basta guwapo... may-ari pa yata ng kompanya, may magandang kotse, ma—"
Tinakpan ko na ang bunganga niya. Umiiral na naman ang kadaldalan.
Sa gabing 'yon nagdesisyon akong kausapin si Sir Genus pagbalik na pagbalik ko ng paaralan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top