Chapter One

Chapter One

Bothered


"Halughugin n'yo ang buong lugar!" I heard voices coming closer.

Tumakbo ako nang mas mabilis, hindi alintana ang malalakas na patak ng ulan na marahas na bumabasa sa 'king buong katawan.

I stumbled and fell on the ground. Napadaing ako sa sakit nang tumama ang mga tuhod ko maliliit na bato. Humikbi ako dahil sa pinaghalo-halong sakit at takot na nararamdaman.

Kung maaari ay gusto ko na lamang umupo rito at maghintay ng maaaring mangyari sa akin, ngunit ang gahiblang lakas ng loob at ang kagustuhang mabuhay ang nag-uudyok sa akin upang maisalba ang sarili.

Nagmadali akong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng daang tinatahak ngunit wala na akong pagpipilian.

I need to save myself in any way I could. No one could do it for me.

Hindi ko malaman kung sino ang tinatakasan ngunit natitiyak kong panganib ang dala nila sa akin. I ran as fast as I could, but it seemed like I was just running in circles. Until I realized, I was lost.

The sound of the rain was slowly fading. Ang madilim na kakahuyan ay unti-unting lumiwanag—tila nagbabago ang paligid. Bumagal ang takbo ko hanggang sa tuluyan akong naglakad.

Ilang sandali pa akong naglakad-lakad hanggang sa nakarinig ako ng mumunting halakhak. Luminga-linga ako upang hanapin ang pinanggalingan no'n.

I stopped when I noticed my surroundings. This place was so much different from where I came from. Tiningnan ko ang aking mga paa. Napasinghap ako nang makitang mayroon nang sapin iyon. I was wearing a black stilleto. Tiningnan ko ang aking mga braso. Wala na ang mga sugat na natamo mula sa pagtakbo sa kakahuyan.

Napatigil ako sa pagsipat sa sarili nang marinig ang busina galing sa aking likuran.

Tiningala ko ang malaking gate na hindi ko namalayang nasa aking harap. It was painted with a gray color. It stirred a familiar feeling... like I've seen it a hundred times already. Gumilid ako nang makitang bumukas ito at akmang papasok ang isang sasakyan.

I stared at the car as it slowly neared the gate. Dumaan ang sasakyan sa harapan ko at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang repleksyon ng sarili sa bintana nito.

I was wearing a sleeveless black dress that tightly hugged my body. My hair, in a high ponytail and... I didn't have any dirt nor a single bruise from a while ago.

I entered the gate, tailing the car. Curiosity enveloped my system. Tumakbo ako upang masundan ang sasakyan hanggang sa makita ang isang bahay na pamilyar sa akin. The house was modernly painted with white and magnificently designed hints of gray as an accent.

Lumiko ang sasakyan ngunit hindi na ako nag-abala pang sundan ito. It was overwhelming, I felt like I wanted to enter the house.

"Ano ka ba! Mababasa ako!" natatawang sigaw ng isang pamilyar na boses.

I halted. My forehead knotted in confusion. Everything seemed very familiar.

Lumingon ako upang hanapin ang pinagmulan ng boses. Ilang metro mula sa kinatatayuan ko, may isang babaeng nakahawak ng hose. Tumatawa siya habang umiilag sa tubig na tumatama sa kaniya.

Humakbang ako upang makita kung sino iyon ngunit hindi ko maaninag ang kabuuan ng kaniyang mukha dahil natatakpan ng kaniyang kamay na ginagamit niya pansangga sa tubig. Natitiyak kong kilala ko siya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya.

Habang palapit ay naagaw ng aking tingin ang kaharap niyang babae. Tumigil ako sa maingat na paglalakad. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha ngunit napansin ko ang damit nito.

Pareho kami ng suot na damit. Tiningnan ko ang kaniyang mga paa, katulad din ng aking stilleto ang nakasuot sa kaniya!

Bigla nitong ibinaling sa akin ang tingin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi makapaniwala, hinagod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa... at napatantong ang babae ay ako!

I gently reached for her face but I couldn't touch it. Gradually, she was drifting away from my sight. 

I panicked! She can't disappear right in front of my eyes. No!

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sa isang iglap ay nakita ko ang sarili na sumisigaw at umiiyak. Nakahandusay, duguan at walang malay ang isang babae sa mga bisig ko. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil unti-unti na itong naglalaho sa paningin ko.

Frustrated to what was happening, sumigaw ako nang mas malakas ngunit hindi ko marinig ang mga sinasabi ko. Nabibingi ako sa sariling boses. 

Wala akong maintindihan kahit isang salita...

"Anak! Gumising ka! Nananaginip ka, anak!" Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking pisngi.

Slowly, I opened my eyes. I stared at the woman in front of me. Kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Napatingin ako sa kaniyang kamay nang punasan niya ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko.

I felt strange. Every time I woke up from a nightmare like this, I felt like I wasn't who I believed I was. This kind of dreams... for years... confused me.

"Anak, ako 'to. Natatandaan mo ba ako?" Hinawakan niya ang mga kamay ko na animo nagmamakaawang makilala ko siya.

I blinked twice trying to remember who I was.

Right! My name is... Lisa.

I heaved out a sigh. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na tawagin sa pangalang iyon.

Tatay and Nanay said that I have been into an accident five years ago. That was the only information I had. My parents wouldn't want to talk about it every time I ask.

"'Nay." Sinubukan kong umupo habang minamasahe ang sentido. Inalalayan ako ni Nanay.

"Sandali at kukuha ako ng tubig, anak." Nagmadali siyang tumayo at nagtungo sa kusina.

Napatingin ako sa mga kamay. Parang nakikita ko pa ang dugo galing sa katawan ng babae sa aking panaginip.

Parang totoo.

Huminga ako nang malalim. My head was throbbing like mad. Sa ilang beses na nangyari ito, alam ko na ang gagawin. I have to calm myself to feel better. Ayaw kong mag-alala si Nanay.

"Ano'ng napanaginipan mo, anak?" marahang tanong ni Nanay habang iniaabot ang baso ng tubig sa akin. Umupo siya sa tabi ko at pinakatitigan ako.

"Wala po, 'Nay. Hindi ko na matandaan." Umiling-iling ako at marahang ngumiti para ipakita na ayos lang talaga ako.

"Mabuti naman kung ganoon. Masakit ba ang ulo mo?" Bumuntong-hininga siya at kinuha ang baso ng tubig sa kamay ko. Muli siyang tumitig sa akin na parang mawawala ako ano mang sandali.

Umiling ako at nagpasyang bumangon na upang mapanatag siya.

"Si Tatay po?" tanong ko upang ilihis ang usapan.

"Pumalaot na at maganda-ganda na ang panahon." Ilang sandali pang pagsuri sa akin ang ginawa ni Nanay bago tuluyang nakumbinsing iwan ako.

It was a typical weekday for me. I worked as a Kindergarten teacher in a community school where Nanay was the Principal. Noong una ay hindi siya pumayag dahil sa kalagayan ko ngunit nagpumilit ako.

Sa mga kuwento ni Nanay, nakilala ko ang sarili. I was trying to recollect my memories through her stories of me but I couldn't feel anything. Sometimes, I wonder if it was me she was talking about or somebody else's.

However, when she said that I was teaching kids before, I felt excited and jubilant. I was convinced that I should continue to teach even though I had no memory of it.

Sumasama ako sa kaniya noon at paminsan-minsang nagbabantay sa mga bata tuwing lumiliban ang kanilang guro dahil maselan ang pagbubuntis.

Kalaunan ay nakita niyang masaya ako sa pagbabantay at pagtuturo kaya ginawan niya ng paraan upang makabalik ako sa pagiging guro. Nagkataon namang nadestino ako sa paaralan kung saan siya ang principal kaya tuwang-tuwa ako. Bukod sa malapit lamang sa bahay namin ay kilala ko na rin ang ilang mga bata.

Apat na buwan na akong nagtuturo at pakiramdam ko'y dito talaga ako nababagay. It felt like a dream was fulfilled.

"Ma'am Lisa, kumain na tayo," tawag sa akin ni Ma'am Anna nang mapadaan sa classroom ko. Ma'am Anna was a Grade two teacher. She was my closest friend since I worked here.

Noong una ko siyang makita ay hayagan niyang ipinakita sa akin ang kaniyang disgusto, until she learned that I met an accident that made me lost my memories.

Ayon sa kanya, lagi raw kaming nagkakairingan noon dahil sa pagkamaldita ko... na hindi ko matandaan. Kapag ikinukuwento niya ang aming "sagupaan" ay napapatawa na lamang ako dahil sa paraan niya ng pagkukuwento na may kasama pang aksyon.

"Sige, tatapusin ko lang ito," I replied.

Nagchi-check ako ng ipinagawa ko sa mga bata. Napangiti ako, nakakaaliw ang kanilang mga iginuhit.

"Halika na. Gutom na ako," muling tawag ni Ma'am Anna na nakahawak sa kaniyang bag. Nakasimangot siya habang nakatayo sa pintuan at naghihintay sa akin.

"Oo na. Heto na," I chuckled.

Nagmadali kong inayos ang mga gamit ko. Napatawag na naman siya ni Nanay sa office, panigurado.

May maliit na canteen ang paaralan at doon kami pupunta para kumain ng tanghalian. Hindi na ako nagtaka kung bakit late kami kakain dahil sa apat na buwan ko rito, sa loob ng isang linggo ay dalawa o tatlong beses siyang napapatawag dahil sa pasaway na mga estudyante sa kaniyang klase.

"Oh, busangot na naman ang mukha mo," natatawa kong puna sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at umirap. Tuluyan na akong natawa.

"Naku! Nakipagsuntukan na naman si Mike. Ayon, napatawag na naman tuloy ako sa principal's office. Nasermunan na naman ako ng nanay mo. Hay, naku! Napaka-istrikta! Katulad mo rin noon bago ka mawalan ng memorya. Hmp!" She glanced at me before she continued.

"Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong nawalan ka ng memorya at bumait ka kahit paano, o maaawa dahil hanggang ngayon wala ka pa ring maalala." Huminga siya nang malalim at iniba ang usapan.

Tinawanan ko na lang ang kaniyang mga sinabi. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman dahil kahit anong gawin kong pag-alala sa mga kuwento niya ukol sa akin ay wala talaga akong matandaan.

It had been five years. Maybe, I should stop on getting my memories back. I should just focus on my career and save more for the charity works I planned.

Tumahimik siya nang marating namin ang bukana ng canteen. May mga guro rin kasing kumakain doon. Sinulyapan ko siya at umakto siyang parang walang nangyari. Taas noo siyang naglakad papasok sa canteen.

I suppressed my smile as I followed her enter the small canteen. That was how she deal with it every time she was called in the principal's office. She wouldn't let other teachers know that she was affected.

We ordered our lunch as usual and looked for a vacant table. The canteen had only ten to twelve round plastic tables covered with cloth. Most students ate their lunch inside the classroom and some that live near the school would go home to eat.

"Tungkol saan kaya ang meeting mamaya? May alam ka ba, Lisa?" usisa niya habang sumusubo ng pagkain. Tumango ako.

"Nabanggit nga ni Nanay na ipakikilala ngayon ang bagong donor sa paaralan. Malaki-laki raw ang gagawing donation kaya gusto nilang makilala ng lahat at ipaalam na rin kung anu-ano ang mga proyekto," paliwanag ko.

Malapit ko nang maubos ang pagkain ko. Tiningnan ko ang plato niya at nakitang kalahati pa lamang ang nauubos niya.

"Dalian mo. Malapit nang mag ala-una," pansin ko sa kaniya.

"Ito naman. KJ nito. Magkwento ka pa. Lalaki ba ang donor? Pogi kaya?" She leaned closer. Umiling na lang ako sa sunod-sunod niyang mga tanong.

"Hindi ko alam at hindi ako interesado." Pinandilatan ko siya nang makitang nakababa na ang kaniyang kutsara at tinidor. Interesado sa kung ano ang sasabihin ko ngunit hanggang doon lang ang alam ko.

"Kumain ka na. Tapos na ako, o." I ate the last piece of meat and I was done.

Nagsitayuan ang mga guro sa kabilang lamesa. Nagpaalam sila sa amin kaya naging abala ako sa kanila.

"Palibhasa may Nathan ka na," narinig kong bulong ni Ma'am Anna kaya napasulyap ako sa kaniya. Hinintay ko munang makaalis ang mga guro bago nagsalita.

"Magkaibigan lang kami ni Sir Nathan," I muttered.

I admit. Nagka-crush din ako kay Sir Nathan noong una ko siyang makita ngunit hindi na lumampas pa roon. He was handsome, alright, but he was just not my type.

"Pero hindi 'yon ang nakikita ko mula sa kaniya." Nagkibit-balikat siya.

Kumunot ang noo ko. Hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita ulit siya.

"Tapos na ako, tara na," deklara niya.

Nagmamadali kaming tumayo nang narinig ang malakas na tunog ng bell. Hudyat na ala-una na.

Mabilis kong narating ang classroom ko dahil malapit lang ito sa canteen. Pumasok ako at napangiti nang makitang maayos na nakaupo ang mga estudyante. Gustong-gusto ko ang panghapong batch na ito dahil mababait sila kumpara sa pang-umagang klase.

Naging maayos naman ang mga bata hanggang sa dumating ang ikatatlo ng hapon. Nagpapaalam na ang lahat dahil uwian na ngunit napansin kong tahimik at mukhang nahihirapang huminga ang isang bata.

Nilapitan ko at napagtantong inaatake ng hika. Madalas siyang sinusundo ng kaniyang ina dahil paminsan-minsang sinusumpong ngunit ngayon ay wala ito.

"Pakitawag si Sir Nathan sa clinic. Salamat," mahinahon kong bilin kay Aling Beth—Nanay ng isang estudyante. Dali-dali naman itong tumakbo para sundin ang sinabi ko.

Mabuti na lamang at nagkataong nasa clinic si Sir Nathan.

"Stella, tumingin ka sa akin. Inhale... exhale..." Marahan akong lumuhod sa harapan ng bata upang kalamahin siya. 

Ilang minuto lang ay dumating na si Sir Nathan.

"Ano'ng nangyari?" tanong nito sa akin.

"Hinihika yata, sir. Wala siyang kasama ngayon." Tumayo ako at hinayaan si Sir Nathan na i-check ang bata.

"Kunin mo ang nebulizer sa clinic, Lisa," mariing utos ni Sir Nathan.

Halos lumipad ako papunta sa clinic dahil sa pagmamadali. Mabilis kong nahanap ang nebulizer at tinahak ang daan pabalik ng classroom ngunit dahil sa tulin ng takbo, hindi ko napansing may tao sa palikong bahagi ng daanan.

Natumba kami pareho at nauntog ang noo ko sa malapad na dibdib niya. Napahawak ako sa nasaktang noo at tumingin sa nabangga ko.

"Pasensya na po. Nagmamadali kasi ako." Kumunot ang noo ko nang makita ang pinaghalong gulat at sakit sa kaniyang mga mata. His eyes were bloodshot as he stared at me.

Tumikhim ako at muling humingi ng paumanhin. Nagmadali akong tumayo, ipinagpatuloy ang pagtakbo pabalik sa classroom.

Sa may bukana ng pinto ay nakaupo na si Stella sa isang kahoy na upuan at sa harapan naman niya si Sir Nathan. Maagap kong ibinigay kay Sir Nathan ang nebulizer at tinulungan ito sa ginagawa.

Nilingon ko ang lalaki at nakitang kausap nito si Nanay ngunit mariin pa rin ang tingin sa akin. Hindi ako komportableng titigan ito kaya inabala ko ang sarili sa pag-aasikaso kay Stella.

Nang muli akong sumulyap sa gawi nila ay iginigiya na ito ni Nanay patungo sa maliit na discussion room kung saan magaganap ang meeting.

Ilang sandali pa, bumuti na ang kalagayan ni Stella. Dumating ang kaniyang ina kaya pinayagan na ni Sir Nathan na umuwi.

"Sir, aabot pa kaya tayo sa meeting?" nag-aalinlangan kong tanong dahil mahigit tatlumpung minuto na ang lumipas.Ngunit alam kong hindi lang 'yon ang ikinakabahala ko. 

There was something I couldn't fathom about the man I bumped a while ago. I remember his expression.

Was it pain? Ipinilig ko ang ulo upang iwaksi ang naiisip. I shouldn't care but I was deeply bothered.

"Tara, hindi pa naman siguro tapos 'yon." Tumayo si Sir Nathan at naglahad ng kamay sa akin. Ngumiti ako at tinanggap iyon. Tumitig siya sa akin ng ilang sandali na para bang sinusuri ako bago tumingin sa daanan.

Nagkibit ako ng balikat at nauna nang naglakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top