Chapter Eleven
Chapter Eleven
Knew
Pagkatapos akong ihatid ni Sir Genus sa bahay ay nagpaalam na rin siya. Sinabi ko kay Tatay ang balak na pagluluto ng sinigang at pinabayaan niya ako sa gustong gawin.
Tagaktak ang pawis ko habang hinahalo ang kumukulong tubig na nilagyan ko ng asin at pampalasa. Tatay was instructing me what to do. He was sitting on our rectangular wooden dining table while telling me the procedures.
I thought it was easy but I was mistaken.
"Lisa, ang isda ilagay mo na. Huwag mong masyadong binabantayan at mainit d'yan."
"Opo." Lumayo ako sa kalan pagkatapos ilagay ang isda at naupo sa kabisera ng dining table.
"'Tay, ilang minuto bago ilagay ang gulay?" I asked him while wiping the sweat on my forehead.
"Tatlo o hanggang apat na minuto lang ay maaari mo nang ilagay ang gulay, Lisa. Natikman mo na ba?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilapitan ang niluluto. Kinuha ko ang sandok at tinikman agad ito.
Napangiwi ako dahil malansa. Napatingin ako kay Tatay nang tumawa siya.
"'Tay naman e, niloloko n'yo ako." Tumayo siya at nilapitan ako, may bahid pa rin ng ngisi ang labi.
"Nakalimutan mo na talaga ang pagluluto. Mas magaling ka pa ngang magluto sa akin noon." Tiningnan niya ang kaserola at nakitang hindi pa kumukulo ang tubig mula nang nilagay ko ang isda. Sinilip niya ang apoy ng kalan at nilakasan ito.
"Kaya naman pala, hindi pa kumukulo. Mamaya mo na tikman, kapag naluto na ang isda. Kung kulang ng lasa, dagdagan mo ng asin. Kapag sakto na ang timpla ilagay mo na ang gulay. Hintayin mong kumulo bago ilagay ang pampaasim," tuloy-tuloy na sabi niya.
Tumango ako at tinandaan ang mga gagawin.
"O siya sige, Lisa. Ikaw na muna ang bahala rito at magbibihis na ako. Kaya mo na ba?"
Tumango ako at ngumiti. "Oo naman, 'Tay."
Habang hinihintay ang isdang maluto ay sumagi sa isip ko ang mga salita ni Sir Genus.
I would pursue my love, but I won't inflict her pain. I will let her know my feelings but I'll wait and do everything to make her love me back.
That kind of patience was rare but I didn't agree with him at some point because I think that kind of love was exhausting. Sure, I was stunned to hear such words but I know it would be painful to the person who was patiently waiting.
Pero ano nga nga ba ang alam ko sa pagmamahal dahil wala naman akong karanasan. Wala naman akong maalala na nagmahal ako noon. Ganoon siguro kapag nagmamahal, maghihintay kahit walang kasiguraduhan.
Dumaan sa isip ko ang mukha niya habang sinasabi 'yon. His eyes were determined but I could sense regret. Maybe, regret from his past and I didn't want to intervene. I wonder if he was still thinking that I was his girlfriend. I hope he already let go of that thought because I couldn't see any reason for me to be associated with him.
Tumayo ako nang makita ang usok mula sa niluluto hudyat na kumukulo na. Sinunod ko ang sinabi ni Tatay.
"Lisa, bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan ang Tatay mo?" bungad ni Nanay habang ibinababa ang bag sa maliit na lamesa sa sala.
"Nariyan na po pala kayo, 'Nay." Lumapit ako sa kaniya at nagmano ngunit binalikan ko rin agad ang niluluto.
"Nagpresinta po akong magluto. Nagbibihis po si Tatay," sabi ko habang inilalagay ang sahog na gulay.
Ilang sandali pa ay pinatay ko na ang apoy ng kalan.
The night went smoothly. Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga bagay-bagay pero iniiwasan kong sumakit ang ulo kaya sinusubukan ko na huwag pilitin ang sarili.
"Anak, just do what your Dad told you to do, okay?"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko galing sa likuran ko. Naramdaman ko ang malamyos na paghaplos niya sa buhok ko habang sinasabi iyon.
Bumangon ako sa isang malambot at kulay puting kama. Tinitigan ko ang isang ginang na nakaupo sa gilid ko.
Puno ng pag-aalala ang mga mata niyang nakamasid sa akin. Hindi ko siya makilala ngunit pamilyar ang mukha niya na malinaw kong nakikita. Her eyes, nose and lips resembled mine. She also had a pale skin like mine. Kumunot ang noo ko ngunit naagaw ng atensyon ko ang lugar kung nasaan ako.
My eyes surveyed the room. The walls were painted with a pastel pink color. The furnitures were well-positioned that made it look more spacious.
My eyes turned back to her when she spoke.
"Kilala mo naman ang Daddy mo. Ang kagustuhan niya ang nasusunod kaya wala tayong magagawa, anak." Malungkot siyang ngumiti at nakita ko ang pagbalong ng luha sa kaniyang mga mata. Mabilis niya itong pinalis at bahagyang yumuko.
Pinakatitigan ko siya ng ilang sandali at 'di sinasadyang pinadaan ang likod ng palad sa aking pisngi. Nabasa iyon. I wiped my cheeks with my palm and I realized it was really wet... with tears.
Why am I crying?
Napadako ang tingin ko sa isang malaking salamin sa gilid at nakita ang repleksyon ko roon. My eyes was puffy probably from crying. Tinitigan ko nang mabuti ang repleksyon at napansin na parang may nagbago. I looked younger, no, I looked like I was in my teens!
Nanlaki ang mga mata ko. Was this a memory from the past?
Pero bakit iba ang nakikita ko? Nasaan sina Nanay at Tatay? Sino ang daddy na tinutukoy niya? At sino siya?
Gusto ko nang gumising sa panaginip na 'yon pero parang hindi ko maidilat ang mga mata. Biglaang umikot ang paligid at nakita ko ang sariling nakaupo sa isang silya. Sa magkabilang gilid ng silid ay maayos na nakatayo ang mga malalaking bookshelves na punong-puno ng iba't ibang klase ng aklat.
"Civil Engineering ang kukunin mong kurso, Liah. Para saan pa ang paghasa ko sa 'yo sa kompanya ng ilang taon kung magiging guro ka lang." Awtomatikong napatingin ako sa kaharap. Nakaupo siya nang pormal at malamig ang mga mata na nakatingin sa akin.
"Daddy gusto ko pong maging guro katulad ni Mommy."
Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi ko. Was this just a mere dream or a memory? I was totally confused to what was happening. It seemed like I was a different person.
"No. I won't let you ruin my plan for you. You are bound to be like me, whether you like it or not." His voice was icy and his face stoic. I was becoming scared of him as I see his cold eyes watching me.
My eyes watered and even if I didn't want to cry in front of him, I couldn't help it. The rage swallowing my heart was extreme and painful.
"You are my daughter, Liah. Prove to me that you are worthy of my name."
His words were like a dagger stabbed against my heart. My anger was dripping like acid that it stung.
I wanted to get out of here. I don't want to be here!
Dagli akong dumilat para makawala sa panaginip. Ang araw ay sumisilip na sa nakasabit na kurtina sa bintana ng kuwarto.
Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ang pawis na namuo sa aking noo. Naramdaman ko rin ang likod na basa sa pawis. Tumayo ako at binuksan ang bintana upang makasagap ng sariwang hangin.
Daddy? Mommy? Liah?
Who were they? Bakit ko sila napapanaginipan? Bakit wala sina Nanay at Tatay kung iyon ay mga alaala?
Kinuha ko ang tuwalya at lumabas ng kuwarto para maligo. Tahimik na ang kabahayan. Sinulyapan ko ang orasan at nakitang pasado alas-syete na ng umaga. Paniguradong nakaalis na sina Nanay at Tatay upang pumasok sa kani-kanilang trabaho.
Dumiretso ako sa loob sa banyo at binuksan ang gripo upang makasalok ng panligo sa timba. Naalala ko noong una akong maligo nang ganito. Hindi ko alam paano gamitin ang tabo na parang hindi pa ako nakakakita nang ganoon.
I was so ignorant back then, like I was a child that just started to learn things. But well, that was because I had no memories before.
Pagkatapos maligo ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang panaginip. Nagbihis ako at dumiretso sa kusina. Sa lamesa ay may mga pagkain na sadyang iniwan para sa akin.
Kumuha ako ng plato at nagsimula sa pagkain. Tocino at scrambled egg ang niluto ngayon ni Tatay. Si Tatay ang malimit magluto ng aming pagkain dahil hindi rin gaanong marunong si Nanay.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang ihambing si Tatay sa tinawag kong Daddy sa panaginip. Ibang-iba ang pakiramdam ko tuwing kaharap ang lalaking 'yon, hindi katulad kay Tatay na kumportable ako.
Naisip ko ang mga sinabi niya at ang galit na nadama habang nasa loob ng panaginip. Napakalungkot naman ng buhay ko roon. Kung noon ay nalulungkot ako sa kawalan ng alaala, mas na-appreciate ko ngayon ang buhay na mayroon ako.
Kahit simple lang ang buhay namin ay masaya kami. Maraming pagsubok pero nakakaya dahil nagtutulungan at nagkakaintindihan ang bawat isa sa pamilya. Hindi katulad doon na may isa lang na nasusunod sa lahat ng pagkakataon.
Naalala ko ang babae na natitiyak kong Mommy ko sa panaginip. She seemed so weak, unlike Nanay that was very strong-willed. Bakit niya kaya nasabing wala kaming magagawa sa mga desisyon ng asawa?
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahon ang pananginip? It was just a dream. Imposibleng alaala ang mga iyon dahil magkaibang-magkaiba ang mundo namin ng babae.
"Tao po?"
My eyes darted at the door. It was locked because I didn't bother to open it. My forehead knotted for the unexpected visitor. I was not expecting anyone to come.
Iniwan ko ang pagkain at binuksan ang pinto. Tumambad sa harapan ko si Sir Nathan na may dalang box na sa tingin ko'y cake base sa nakasulat sa ibabaw nito.
"Pasok ka." Niluwagan ko ang bukas ng pintuan at ngumiti.
"Salamat, Sir Nathan. Sana 'di ka na nag-abala," sabi ko habang nilalapag ang box sa lamesa sa sala. Hindi nga pala nakabisita si Sir Nathan sa ospital. Hindi ko na naisip 'yon dahil naging okupado ang utak ko sa maraming bagay.
"Pasensiya na, Lisa. Hindi kita nadalaw sa ospital. Natakot kasi akong lumala ang kalagayan mo," sabi niya pagkaupo sa kahoy na upuan sa harap ng lamesa.
Kumunot ang noo ko. Bakit naman?
"Wala ba akong mga nasabi nang malasing ako? Alam mo na, sobrang lasing ako no'n." Tumawa siya nang bahagya.
Natawa rin ako dahil naalala ko nga ang katigasan ng ulo niya noon. Umiling ako ngunit kapagkuwan ay may dumaan sa isip.
Ang magkaharap na dalawang lalaki. Sinuntok ng isang lalaki ang kaharap ngunit hindi lumaban ang huli. May umawat sa kanila kaya natigil ang isa sa pagsuntok.
Umawang ang labi ko sa naalala. Sino ang mga iyon? Tinitigan ko si Sir Nathan at napagtanto na siya ang isang lalaki.
"Mabuti naman. Am I bothering you?" Sinulyapan niya ang dining table at nakita ang mga nakalatag na pagkain.
Sinundan ko rin ng tingin ang tinitingnan niya. Natutulala pa rin sa naalala.
Tumayo siya kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko masuklian iyon ng ngiti.
Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "May problema ba?"
Pinilit kong ngumiti para hindi na siya magtaka pa. Gusto kong mapag-isa.
Bumalik ang ngiti sa labi niya at nagpaalam na.
"I'll go ahead, Lisa. I just wanted to check on you," sabi niya at lumakad na palabas.
Tumayo ako, sinundan siya hanggang sa pintuan. Nabalik ako sa huwisyo nang kumaway si Sir Nathan. Kumaway ako pabalik kahit naglalakbay na ang isipan sa ibang bagay.
Binalikan ko ang kinakain ngunit muling natulala nang maisip ang eksenang iyon. Mahigit isang oras yata akong nakatulala sa harapan ng pagkain. Gulong-gulo ang isipan at maraming tanong ang nabuo sa utak.
Bakit ko nakita si Sir Nathan sa tagpong iyon? Was it the reason of the seizure? If it was, then maybe that was the trigger I wanted to know.
Then that means, Sir Nathan knew me before the accident. Were we friends before? But Ma'am Anna didn't even know him when we met him. Paano kami nagkakilala? Sumagi sa isip ko ang orphanage na hindi rin alam ni Nanay.
Pinutol ko ang pag-iisip dahil baka ikapahamak ko pa. Ngunit may isang tanong na nanatili sa isip ko.
Malihim ba ako noon na halos walang alam ang mga taong nakapaligid sa akin?
Hindi na ako nagluto pagdating ng tanghalian. Marami pa namang naiwang pagkain at wala akong gana. Pagdating naman ng hapon ay wala sa sarili akong nagsaing ng bigas. Hindi na muna ako magluluto ng ulam dahil masama ang pakiramdam at nanghihina ako.
Nagulat ako nang umingit ang kaldero nang kumulo ang niluluto. Mabilis kong binuksan ang takip niyon nang walang hawak na trapo. Nabitawan ko at lumikha iyon ng nakabibinging ingay. Natauhan ako at kumuha ng trapo at pinulot ang takip. Ibinalik ko iyon sa kaldero. Pinatay ko ang apoy ng kalan at hinintay na bumaba ang tubig niyon.
Tinitigan ko ang napasong kamay. Hindi naman gaanong masakit pero may kaunting hapdi.
"Lisa, nagsasaing ka na pala." Napapitlag ako nang marinig si Tatay. Papasok siya sa sala at... kasunod si Sir Genus!
Bigla akong nataranta at pinunasan ang kaunting pawis na namuo sa noo ko. Panandaliang bumalik ang lakas ko pagkakita kay Sir Genus.
"Ako na ang bahala rito, Lisa. Asikasuhin mo na muna ang bisita mo," sabi ni Tatay na tunog nanunudyo.
Tumango ako at malamyang kumuha ng baso at pitsel na may tubig. Hindi talaga yata maganda ang pakiramdam ko.
Umupo ako sa kaharap na upuan ni Sir Genus. Nakatitig siya sa akin na para bang may mali siyang nakikita sa itsura ko.
"Lisa, maliligo muna ako habang 'di pa luto ang kanin," ani Tatay na nakahawak ng tuwalya at tumuloy sa banyo.
"Opo," ngiti ko at sinulyapan si Sir Genus.
Napawi ang ngiti sa labi ko nang makita siyang nakatingin sa akin. His eyes were dark and dangerous. He reminded me so much of the man I called Daddy in my dream.
He dragged his chair towards mine and put the back of his hand on my forehead. Napaawang ang labi ko sa abot-abot na tahip ng puso.
Startled at his sudden movement, I was not able to say anything nor move on my seat. I stared at him for seconds and I realized... he somehow knew.
He knew that something was wrong with me...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top