CHAPTER 3
CHAPTER 3
Halos mahulog si Kara sa kama niya nang marinig ang tunog ng alarm clock niya.
“Ang aga pa.” Unggol niya habang kinakapa ang alarm clock. Hindi pa sana siya babangon pero naalala niya kung bakit siya nag set nang alarm.
“Shane’s office.” Naiinis na wika niya. Dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa bathroom.
After a minute of taking a bath, natapos na din siya. Pili siya nang pili sa susuotin niya na pang office ang dating pero wala talaga siyang makita. Paano, puro pang party ang karamihang damit niya.
“Gosh! Who knew office attire can be so hard to pick!”
Tumingin siya sa orasan sa kuwarto niya, “Seven thirty na pala.” Sambit niya.
Nagmadali siyang naghanap nang susuotin pero wala talaga siyang makita kaya naman pinili nalang niya ang isang denim faded short shorts at pinaresan niya ito ng black cardigan at sa loob niyon ay isang black top tube. Para naman sa paa niya, ang sinuot niya ay black stiletto at pinarisan niya ito nang black purse.
Tumingin siya sa salamin. “There. Looks good.” Ngumiti siya sa sarili. Light lang ang make up niya at hinayaan lang niya ang kanyang loose natural curls blonde hair.
“I’m ready.” Wika niya sa salamin.
Lumabas na siya sa kanyang kwarto at naglakad palabas ng bahay ng may tumawag sa pangalan niya. Nilingon niya kung sino yon. “Ate Alexa.”
“Yan ang suot mo papuntang opisina?” Tanong nito na parang hindi ito makapaniwala na iyong ang suot niya.
“Yes. Wala kasi akong damit na pang office ang dating. Besides, si Shane lang ang kaharap ko.” Tumawa pa siya sa sinabi niya.
“Hindi ka ba kakain muna?”
“Hindi na. Siguro dadaan nalang ako sa café ni Measy mamaya.” Wika niya sabay halik sa pisngi nang ate alexa niya. “Bye. Ingatan si baby.”
“I will. Bye. Ingat.” Kumaway sa kanya ang kanyang ate Alexa at dumiretso na siya sa kanyang kotse na nakaparada na sa labas ng bahay nila. Isinuot muna niya ang kanyang brown sunglasses bago niya pinaharurot ang kanyang kotse papunta sa kompanya ni Shane.
Ilang minuto lang ang tinagal ng pagda-drive niya bago siya nakarating sa office ni Shane. Malapit lang naman kasi ito sa tinitirahan niyang subdibisyon.
“Ma’am, can I help you?” Tanong sa kanya nang isang receptionist na babae sa lobby.
“Uhmmm. I need to see Shane.”
“Si Sir Montejero po?” Tanong nito sa kanya na parang nagulat sa sinabi niya.
“Yes.”
“Ma’am, He’s in his office. Twenty-fifth floor.” Wika nito at iginiya siya nito sa elevator.
Huminga siya nang malalim pagkapasok niya sa elevator at pinindot ang numerong twenty five. “Hay, kailangan ba talaga nasa last floor ang office nang CEO?” Mahinang wika niya.
Pagkalabas niya sa elevator, naglakad siya patungo sa Office ni Shane. Medyo alam niya ang lugar kasi minsan na siyang isinama rito ng Kuya Den niya na labag sa kagustuhan niya.
“Can I help you, ma’am?” Wika ng isang babae nasa mid-twenty, na hinuha niya ang secretary ni Shane. Nasa labas kasi ng opisina ni Shane ang mesa nito.
“I’m here for Shane.”
“Shane?” Gagad nito. “Who’s Shane?”
God! Ikaw na Shane ka. Ano na naman ba ang ginamit na pangalan dito? “I’m here for Mr. Montejero?”
“Oh, si Sir Ash. Do you have an appointment?” Anito na ikinataas ng kilay niya.
“Sir Ash? Appointment? No. My father sends me here. I’m Kara San Miguel. Ring a bell?”
Lumaki ang mga mata nito ng marinig ang apelyido niya. Napangiti nalang siya. Her surname never fails to intimidate anyone. Siguro dahil kilala ang mga San Miguel bilang isang makapangyarihang angkan. Ang ama ng daddy niya ang ang dating presidente ng bansa. Natapos nito ang termino na walang negative issue. Ang daddy naman niya ay kilala sa larangan ng negosyo. From hotels to construction company. Nabigyan na rin ng award ang daddy niya bilang business man of the year.
“Mr. Montejero is inside his office.”
Nginitian niya ito. “Thanks.” Huminga muna siya bago niya binuksan ang glass door sa harapan niya.
“Hey!” Masiglang wika niya pagkapasok niya sa opisina.
Malaki ang opisina ni Shane, lalaking-lalaki ang pagkaka-desinyo. E lahat yata nang kulay na nakita niya mula ibaba nang building hanggang pataas ay kulay puti, silver at dark green.
Shane glanced up at her and his eyebrows knotted. “Hi.”
“So, I’m here. Sabi ni Dad dito daw ako magtatrabaho.” Ngumiti siya kay Shane.
“Uhmmm. Saang division ako magtatrabaho?” Tanung niya nang hindi pa ito nagsasalita.
“What are you wearing?” Tanong nito sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya.
Tumingin siya sa kanyang sarili at ibinalik niya ang tingin kay Shane. “A dress.”
“It’s not a formal dress. At masyadong maikli yang suot mo.” Mariing sabi nito sa kanya.
“Yeah, yeah, I know. I just can’t find a single dress in my closet that is really formal and for office wear. At isa pa, mas maikli pa nga ang suot nuong mga babae na nakasabay ko sa elevator.”
“I don’t care about them. Ikaw ang inaalala ko. Maraming manyak dito.” Char! Concern ang mokong. “Tomorrow, wear some more formal dress. At puwede ba, cover your legs.”
Tumirik ang mga mata ni Kara. “Sure, Sir Ash.”
“Ash?” Kunot noong tanong ni Shane sa kanya.
“Yeah. Lahat yata nang nagtatrabaho dito yan ang tawag sayo kaya ‘yon ang itatawag ko sayo.” She shrugged and slumps her body on the chair in front of his table.
Tumayo ito sa upuan nito at lumapit sa kanya. “Yeah. I want them to call me Sir Ash, but you call me Shane. Hindi ko gusto na tinatawag mo ako sa iba kung pangalan.”
That made her feels special. “You know, hindi kita maintindihan kung bakit kami lang at ang family mo ang hinahayaan mong tawagin kang Shane. Yong iba, namimili ka lang sa pangalan mo kung ano ang gusto mong itawag nila sayo.”
“You’re one of the special people in my life, Kara. That’s why.” Anito na ikinabilis ng tibok ng puso niya.
“Ang weird mo talaga.” Wika nalang niya. Hindi rin nakakatulong ang matiim na pagtitig nito.
“Shut up. Halika, ipapakita ko sayo kung anong trabaho mo.” Hinablot nito ang kamay niya at hinila siya palabas nang opisina.
“Aw! Nasasaktan ako!” Reklamo niya kay Shane na agad naman siyang binitawan.
“Here. This section will serve as your little office.” Turo ni Shane sa isang section na may paarkong mesa na may upuan sa gilid at nakaharap dito ang flat screen computer.
“Very little office.” Iritadong wika ni Kara
“E, anong gusto mo?”
“Don’t you have any other section beside this one?” Tanong niya kay Shane. “More bigger.” She glared at him.
Umismid sa kanya si Shane at linakihan siya nang mata nito. “We have, pero para lang yon sa matataas ang posesyon at ikaw na nagsisimula palang ay dito lang muna.”
She sighed heavily at umupo siya sa upuan na nasa gilid nang mesa niya. “Whatever. Bakit ba ako dito pinatrabaho ni daddy?”
Hindi pinansin ni Shane ang sinabi niya. “By the way, sa photography kita inilagay.”
“Photography?” kunot noong tanong niya.
“Yeah.”
“E, ano bang kompanya ito?’ tanong niya.
“Damn it, Kara! Magtatrabaho ka sa isang magazine company.” Mahinang sigaw ni Shane.
“Sorry, hindi ko alam e.” She shrugged.
Nasapo nalang ni Shane ang noo sa sinabi ni Kara. “Damn!” Pagmumura nito
“Wait! Bakit ako sa photography?”
“Kasi wala kanamang alam na ibang gawin. Besides, Fashion designing ang natapos mo.” Iritadong wika ni Shane.
“Wow! Iniinsulto mo ang propesyon ko!” Sigaw ni Kara kay Shane.
“No, Kara—”
Kara cut him off. “No! Hindi ko gusto ang tono nang pananalita mo, Shane!” Ngayon, malakas na talaga ang boses niya na alam niyang pinagtitinginan na sila nang mga tao sa office ngunit wala siyang pakialam.
“Kara, hindi yon totoo.”
“No! ‘Yan ang ibig sabihin mo!”
“Hindi nga.”
“You’re such a jerk!” Sigaw niya kay Shane.
“Shut up!” Sigaw ni Shane na nakakuyom ang kamao nito. “Could you just please shut up!”
Sa sobrang gulat niya sa sigaw ni Shane, tumigil nalang siya sa pagsisigaw at nanahimik nalang sa gilid at tumingin sa naka-off na screen nang computer at walang imik na binuksan yon.
“Ask my secretary if you need anything.” Mariin nitong wika at naglakad na ito palayo sa section niya. Narinig niya ang mga boses na mahinang naguusap-usap at sure na sure siya na sila ni Shane ang pinaguusapan nang mga ito. Bumuntong-hinga nalang siya at kinalog kalog niya ang kanyang tenga, medyo kasi sumakit ito nang sumigaw kanina si Shane sa harapan niya. Ngayon lang niya ito narinig sumigaw at for the first time siya nitong nasigawan. Sa ilang taong mag pinsan sila ni Shane ngayon lang siya nakaranas ng ganito, she felt hurt and irritated at the same time.
Napangiti si Shane ng makapasok siya sa opisina niya. Nag-sigawan palang sila ni Kara pero masaya siya. Nang makita niya itong nakatayo sa harapan niya with her short short jeans, at nagde-demand kong saang department ito magtatrabaho, nilukob ng saya ang buong katawan niya.
Halos magtatalon siya sa tuwa ng tumawag ang Tito Henry niya kagabi para sabihing siya ang naatsan nito para gawing responsabling tao si Kara. He immedietly said yes. Pero siyempre pa, hindi niya pinahalat na more than willing siyang gawin ‘yon. Sa wakas, palagi na niyang makakasama ang dalaga.
She’s your cousin dimwit. Wika ng isang bahagi ng isip niya.
That made him feels shit. Ipinilig niya ang ulo. Kailan ba mawawala ang atraksiyion na nararamdaman niya para sa dalaga slash pinsan niya? He had this unhealthy thing for her. Simula ng makilala niya ito two years ago, hindi na ito nawala sa sistema niya. Her beautiful face and smile always made his day. When his other friends notice— except Den— that he had a thing with his step-cousin, they advice him to forget about it because unfortunately, Kara is not for him.
He did try to forget her. He really did. Shane went out with every available woman who gave him a flirty smile. Akala niya makakalimutan niya si Kara sa pamamagitan niyon. Pero walang nangyari.
He bit his lower lip and run his fingers through his hair. Napatingin siya sa labas ng see through glass door niya at medyo nanlaki ang mga niya sa nakita. Si Kara nakatingin sa kanya, at ng magtama ang mga mata nila, bigla itong kumaripas ng takbo.
Kumunot ang nuo niya. Anong ginagawa nito at sinisilip siya? Tumayo siya at lumabas ng opisina. Tinungo niya ang little office na ibinigay niya kay Kara at nakitang naka-upo ang dalaga na parang nasa bahay niya ito.
“Excuse me.” Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito.
Agad naman itong tumingin sa kanya. “Shane.”
“Why are you not working?”
“Wala naman kasi akong trabaho rito. Bigyan mo ako’t gagawin ko agad agad. Tsaka, maghapon na akong nakaupo rito at walang pumapansin sa akin. E, hindi nga ako ine-welcome. Ang ki-kill joy nang mga tao rito.” Reklamo nito na ikinangiti niya.
“E, paano ka naman nila papansinin e unang araw mo palang dito e inaway mo na boss mo.” Aniya.
“Ha-ha.”
Bumaba ang tingin niya sa maikling suot ni Kara. He like her shapely legs and he doesn’t want to see every guy in vacinity oggling her. “By the way, you need to change your outfit for office. Hindi ko gusto yang damit mo.” Hindi ko gusto na may ibang lalaking tumitingin sa legs mo.
“Wow! Bibilhan mo ako nang damit?” Masiglang tanung niya rito.
“No. Sinabi ko lang. Mag shopping ka mamaya.” Gusto niya itong bilhan ng maraming damit pero baka ano ang isipin nito sa kanya.
“Sure. I will.” Then she pouted.
Shane groaned inwardly. God! She’s pouting! Hindi ba nito alam ang epekto ‘non sa kanya?
“Stop pouting!” Ihinilamos nito ang kamay sa mukha niya na agad din naman niyang inilayo dahil sa kuryenteng dumaloy sa kamay niya na palagi niyang nararamdaman pag nahahawakan niya si Kara. “Look, Kara I know you don’t want this job, you can quit if you want.” Pag-iiba niya ng usapan.
Please, don’t quit. Piping dasal niya.
Tumingin ito ng deretso sa kanya at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. “Not a chance, cousin.”
Nagpapasalamat siya sa maykapal na bago pa niya magawa ang gustong gawin ng mga kamay at labi niya, tumayo na si Kara at naglakad palayo sa kanya.
Kumunot ang nuo niya. “Oy! Saan ka pupunta?”
“I’m going shopping.”
“It’s not yet time.”
“Oh! You just said na mag shopping ako dahil hindi mo gusto ang pananamit ko. So, bye.” Nginitian siya nito ng pagkatamis-tamis habang kumakaway.
Napailing-iling nalang si Shane habang sinusundan ng tingin ang dalaga.
Napabalikwas si Kara ng bangon ng tumunog ang phone niya sa tabi nang unan niya. Kinapa niya iyon at pinindot agad ang accept button na hindi man lang tinitingnan ang caller ID.
“Hello?” Wika niya sa kabilang linya.
“Kara?” sagot naman nang kausap niya sa kabila, hindi niya kilala ang boses na kausap niya kaya tinignan niya ang caller ID, it appears na si Shane ang tumatawag.
“Sino ‘to?” Tanong niya.
“It’s Sam.”
“Sam? Sino ka naman? Anong kailangan mo?” Tanong niya habang lugo-lugo siyang umupo sa kama.
“I’m Shane’s friend. I’m sorry to bother you, Kara. I know it’s late but we don’t know who to call. Then we remembered Shane always talking about you so we search your name on his phonebook and tada, I’m speaking to you right now.”
Bumuntong hinga nalang siya. “Look, wala akong paki kung kung paano mo ako nahanap sa phonebook ni Shane, ang tanung ko ay anong kailangan mo? Bakit ka tumawag?” Mataray niyang sabi. Hindi siya masisisi sa ugali niya ngayon. Sino ba ang matutuwa kung may tatawag sayo ng alas-tres ng madaling araw?
“Si Shane kasi e.” May pag-aalinlangan ang boses nito.
“What? Ano na naman ang nangyari kay Shane?” Bored niyang tanung. Gusto na niyang matulog ulit.
“He’s drunk.”
“Oh! He’s drunk.” She gave out a fake laughed. “That’s not the first.”
“Kara, puwedi bang i-uwi mo siya?”
“Ha-ha. Why don’t you do that?” Humiga siya ulit sa kama. “Kayo naman ang kainuman niya.”
“Kara, medyo lasing din kami. Please, pumunta ka ngayon dito.” Feeling close din ang isang ito. First name bases ka-agad.
“Ayoko nga!” Pagmamatigas niya. Bakit naman siya pupunta doon?
“Okay. Pag nabangga kami, ikaw ang may kasalanan. Konsensya mo yon.”
Natigil siya sa pag ngisi sa narinig. May point ang mokong. Mga lasing ito at pag-nabangga ang mga ito, konsensya talaga niya at ayaw naman niyang mangyari ‘yon. Hindi pa naman yata nasasakop ni satanas ang buong pagkatao niya.
“Okay, fine.” Mahinang sigaw niya. “I’ll do it. Pinakonsensya mo pa ako.”
Pagkabigay ni Sam ng address sa kanya, mabilis niyang tinungo ang kotse at nag-drive papunta sa nasabing address.
“Thank god, nandito ka na.” Wika ng isang guwapong lalaki habang kumakaway sa kanya. “I’m Sam.” Anito sabay lahad ng kamay sa kanya.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Kara San Miguel.”
Ngumit si Sam ng makahulugan. “I know. I saw you on the photo that Shane have on his wallet.”
“A-Ano?” Nagulat siya sa impormasyong ‘yon. Bakit naman may larawan sa kanya si Shane? Parang may kung anung hayop sa tiyan niya na gustong kumawala. “Asan ba si Shane?” Pag-iiba niya ng paksa.
“Nasa kotse niya. Lasing na lasing.”
“Sige, ako na ang bahala sa kanya.” Wika ni Kara.
“Paano sasakyan mo?” Sam actually sounds worried.
“Tatawag nalang ako sa bahay para kunin ng driver namin.”
“Ahh. Sige, ingat sa daan.”
“Ikaw din.” Aniya pagkatapos ay tumungo na si Kara sa kotse ni Shane na SUV na puti.
Binuksan niya ang pinto ng driver seat at napatawa siya ng mahina ng makita na nasa ignition na ang susi nito at nasa passenger seat na ang binata. Ano ito? Ready na may susundo?
“Hoy! Gising!” Sigaw niya kay Shane nang ini-start niya ang kotse. Umungol lang ito at bumalik ulit sa pagtulog. Mga ilang minuto rin siyang nag-drive bago sila nakarating sa condo ni Shane.
“Kuya, patulong naman o.” Tawag niya sa security na nakatayo sa lobby.
“Sige po ma’am.”
Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at nagtulong sila ni Mr. Security guard na buhatin si Shane papuntang elevator.
“Ma’am, ngayon ko lang po kayo nakita rito. Girlfriend po ba kayo ni Sir James?” Tanong nito sa kanya na kinagulat niya.
“Hindi po.” Mabilis niyang sagot dahil sa pagkagulat.
“Pasensya na po, ma’am.”
“Okay lang ‘yon.”
“Pero, bagay po kayo ni Sir James.” Napalingon siya sa security guard nang marinig niya ang sinabi nito.
Sa halip na magalit siya at magprotesta ay napangiti siya at para bang may kung anong bagay na kumirot sa kanya ng maalala niya na pinsan niya ito. “Thanks.” Wika niya at sakto namang bumukas ang elevator.
Pagiwang-giwang na naglakad sila papunta sa unit ni Shane habang isip-isip pa rin niya ang nangyari sa elevator, hindi niya maintindihan kung anong kirot ‘yon at kung bakit may kirot siyang naramdaman ng maisip niyang magpinsan nila.
Marahas niyang ipinilig ang ulo. No. No. No. Na carried away lang ako. Hindi siya puwedeng makaramdam ng ganito para kay Shane. Ito na nga ang sinasabi niya. Pag lapit siya ng lapit kay Shane, maslalago ang ang nararamdaman niya. And she can’t let that happen.
“Sige po ma’am, alis na ako.” Pukaw sa kanya nang guard na tumulong sa kanya.
“Salamat po.”
Pagkaalis ng security guard ay tumingin siya kay Shane na naka-higa sa kama at walang kamalay-malay kung ano ang nangyayari sa paligid.
“Shane!” Sigaw niya sa tenga nito pero hindi man lang ito gumalaw. Umupo nalang siya sa gilid nang kama nito at tiningnan ang mukha ni Shane. Mukhang hindi ito makakagawa ng kahit anong kasalan pag natutulog. Naiisip niya tuloy na kaya walang tumatanggi na babae dito ay dahil sa mukha nito.
Kung hindi ko lang ito pinsan, siguro kanina ko pa ito inakit. Hindi. Noon ko pa siguro ito inakit.”
Pinilig niya ang ulo sa naiisip niya. “Ano ba Kara! Hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na ‘yon. Ang isipin mo ay ang lalaking ito ang worst sa lahat ng mga playboy at higit sa lahat, pinsan mo siya.” Pag-kausap niya sa sarili.
“Kara?” Napatayo siya nang marinig ang boses ni Shane. Nilingon niya ito na naka higa parin sa kama at nakatingin sa kanya.
“Bakit ganyan ang boses mo, diba dapat lasing ka?” Gulat na tanong niya.
“Kanina lang ‘yon.” Wika nito at tumayo na parang hindi ito lasing saka naglakad patungo sa kung saan kaya sinundan niya ito.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong sa kanya ni Shane ng mapansing naka-sunod siya dito.
“Hinatid ka.”
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. “Talaga?” Ngumiti ito kapagkuwan at may kung anung kislap na dumaan sa mata nito pero agad din namang ‘yon nawala.
“Hoy, alam ko kung anong ibig sabihin nang ngiting yan. Mali ka ng iniisip. Saka, bakit nakatayo ka kaagad? Diba lasing ka?”
Tumingin ito sa kisame na parang umiiwas itong tumingin sa kanya. “What? Ganito ako e.”
“Ano? Two hours ka lang kung malasing?” Napatawa siya sa sinabi niya. How weird was that? “Anong klasing tao ka?”
“Human. Katulad mo. Anong gusto mong sabihin ko, alien ako?” Sarkastikong wika nito.
“Ha-ha! Malay mo, isa ka pala sa kanila.”
Sa halip na magsalita ito ay tiningnan siya nito at nagsalin ng isang basong tubig.
“Shane, uuwi na ako.”
Huminto sa pag-inom si Shane at tumingin sa kanya. “Dito ka na matulog.”
“Hindi na. Mas maganda doon sa kwarto ko.”
“Talaga?” Nakatingin ito sa kawalan.
“Oo. Saka, may trabaho ako bukas. Ayokong ma-late.”
“Sige. Alis na.” Pagtataboy nito sa kanya. He looked at her then smiled like he knew something she didn’t.
Hindi man lang nagpasalamat.
“Sige, alis na ako.” Pagkasabi ‘non ay agad siyang lumabas sa condo nito at malakas na isinara niya ang pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top