CHAPTER 2

CHAPTER 2

     Nagmamadaling tumayo si Kara mula sa pagkakahiga sa kama ng makarinig siya ng malakas na katok.  Inayos muna niya ang kanyang sarili at tumingin sa salamin bago niya binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

“You should have let your self in, dad. Hindi naman ako naglo-lock ng pintuan basta umaga e.” Wika niya sa kalmadong boses.

“Kara, are you okay?” Tanong ng daddy niya sabay hawak sa noo niya. “You seem different.” Patuloy nito.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng daddy niya. “Dad, I’m still me. Nothing’s change.”

“I know that you’ve been into a party last night.” Wika ng daddy niya na ikinawala niya ng imik.

Huli na siya pero nunkang aamin siya. “Party?” Nagkunwari pa siyang nagiisip. “I’m in my room all night, dad.” She said pressing her lips together.

“Kara, you know that I hate liars.” Napakaseryoso ng boses nito, at alam na ni Kara ang ibig sabihin ‘non.

“I’m telling the truth.” Pagsisinungaling niya.

     “Kara.” Mariin ang boses nito.

Alam na ni Kara ang mangyayari kapag umamin siya. She swear, isang mali niya ngayon ay bulyaw ang mapapala niya sa daddy niya. Laging wina-warningan siya ng Kuya Den niya pagdating sa pag-uugali niya pero matigas talaga ang ulo niya, hindi siya nakikinig.

“Hindi talaga, dad.” Pagsisinungaling ulit niya.

     “Damn it, Kara! You’re already twenty-six but you still act like a kid! I know what you did last night!” Napakataas na boses ng dad niya, in fact, sumisigaw na nga ito. Nakatingin lang si Kara sa sahig habang nagsesermon naman ang dad niya. “When are you going to grow up?” Mas mahina na ang boses ng dad niya sa mga sandaling iyon.

Tumingin siya rito. “Dad, look…” Bumuntong hinga muna siya bago nagsalita ulit. “I partied last night and I’m sorry I sneaked out.”

     “Yan! You’re always saying sorry when you did something wrong, but you don’t actually mean it.”

     “I’m sorry, dad.”

     “Really!?”

     “Yeah.”

     “What if napahamak ka last night sa pag uwi mo?”

“I have my own car.”

     “Yes, you have! Kung nadisgrasya ka, paano namin malalaman?”

     “But I’m okay now, dad. Wala namang nangyaring masama sa akin.”

     He sucked a breath in so much frustration and frowned at her. “It’s pointless talking to you.” Wika nang dad niya at lumabas na ito ng kwarto niya.

Bumuntong hinga nalang siya at isinara ang pintuan ng kwarto niya, umupo siya sa couch na malapit sa bintana na nakaharap sa gate ng bahay nila at nag-isip kung anung gagawin sa buhay niya. She knew she can’t be like this forever, besides, tama ang dad niya, she’s twenty-six pero wala siyang magandang career at wala siyang magandang future.

Hindi naman siya aasa lagi sa pamilya niya at dedependi nalang sa mga ito habang buhay, she needs to work at dapat mag seryoso na siya sa buhay katulad nang mga kaibigan niya, mga successful at siguradong maganda ang buhay in the near future at para narin maging proud ang kuya niya sa kanya at para narin hindi na siya nasisigawan nito at nasesermonan palagi.

Napaigtad si Kara ng marinig niya ang tunog ng phone niya, kinuha niya ito sa side pocket ng denim short niya at sinagot ang tawag. “Oh, ano nanaman kailangan mo?” Iritadong tanong niya ng makitang si Shane ang nasa kabilang linya.

     “Nasermonan ka ni Tito Henry ano?” Tanung ni Shane na ang tinutukoy ay ang daddy niya.

“Shane, kung wala kalang naman magandang sasabihin sa akin wag mo akong kausapin ngayon!” nakakainis ang dumuho.

     “Nasermonan ka nga.” Tumawa ito sa kabilang linya.

     “Manahimik ka nalang. Playboy! Now, leave me alone.”

     “Chill ka lang. Oo, ibababa ko na ang phone but before that, puntahan mo muna ako dito.” Tumawa pa ito nang pagak.

“Wow! Bumaba ka muna.” She mimicked. “Hindi mo naman yata ako balak paliparin mula rito hanggang diyan kung nasaan ka man.” Sarkastikong wika niya.

     “Nasa bahay niyo ako. Sa living room to be exact.”

     “Ano namang gimik ito Shane?”

“Just come down here.” Pagkatapos no’n ay tinapos na nito ang tawag.

Sarap sakalin nang lalaking yon!

Ayaw sana niyang bumaba pero na curious  siya. Bakit ba siya pinapababa nito? May surpresa kaya ito sa kanya? Pag gino-goodtime siya nito siguradong pipilipitin niya ang leeg nito hanggang sa hindi na ito makahinga.

     Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at huminga nang malalim. Dahan-dahan siyang naglakad patungong hagdanan.

“Surpise!”

Halos ma out balance siya sa hagdanan at muntikan nang mahulog kung hindi siya nakakapit sa braso ni Shane. Agad namang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakalapit nila. Kailan ba mawawala ang crush niya sa lalaking ito? Kailangan niyang ipaalala sa puso niya na pinsan niya ito para tumigil na ito sa pagtibok.

“Oh, my god!” Sigaw niya habang maiyak-iyak na nakatingin sa kuko niya.

     “It’s okay.” Shane’s voice was soothing while his arms were wrapped arounds her waist.

     “Oh my gosh! My nails!”

 Kumunot ang noo ni Shane at binitawan ang kamay ni Kara ng masiguradong okay na ang balansi ng dalaga. “Halos mahulog ka na pero yang kuko mo parin ang inaalala mo.” Wika ni Shane na may halong pagka-irita.

     “So what?” Mataray na sagot ni Kara kay Shane.

“You’re worrying over your nails than your own life?” Tanong sa kanya ni Shane ng naka-upo na ito sa kulay puti nilang sofa.

     Lumakad-lakad muna siya sa malaking sala nila bago siya naupo sa tabi ni Shane. “Let’s leave that topic alone. I want to know what happened to that girl last night.” She smiles playfully at him. Kasama niya ito mag-party last night. “Umuwi ka kasama siya diba?” She wiggled her eyebrows.

     “Wag mong pakialaman ang private life ko.”

     “Hoy! Ikaw ang unang nangialam nang private life no! You’re the one who asked me why my nails are more important than my life.”

     “It’s a different story.”

     “No, it’s not.”

     “It is.”

     “Did you dump her already?” Masiglang tanong niya kay Shane.

     “What?”

     “I mean, she’s just like the other girls you’ve dated before.” She pouts her lips and smiled at him.

     “Kara, I don’t think—” Tumigil ito sa pagsasalita at ihinilamos ang kamay nito sa mukha niya. “Stop pouting. I don’t like it.”

Kara just rolled her eyes at his last word. “Come on, Shane, spill the beans. Mag-pinsan naman tayo.” Wika niya habang inilalayo niya ang kamay nito sa mukha niyang naka-pout pa rin. Isa iyon sa pang-asar niya kay Shane. Ayaw na ayaw kasi nito na nakikita siyang naka-pout o nagpa-puppy dog eyes. Naiirita ito sa di niya alam na kadahilanan kaya naman palagi niya iyong ginagawa.

Napatawa ng mahina si Shane. “Stop it, Kara.” Saway nito bago nagpatuloy. “Wala akong sasabihin sayo kasi nga wala namang nangyari kagabi. I send her home the moment she started kissing me.”

     Umismid siya kay Shane. “Biruin mong lelong mo. Hindi ako naniniwala sa mga kasinungalingan mo.”

     Napailing-iling si Shane. “Nuong unang dating mo dito two years ago, may bahid pa na accent ang pananalita mo ng tagalog, ngayon, para ka nang tambay sa kalye kung magsalita.”

She stuck her tongue out at him. “E sa palagi kung naririnig ‘yon e. Anyway, huwag mong ibahin ang topic.”

He sighed. “I swear hindi ko siya inuwi.”

“Why?” Hindi makapaniwalang tanung ni Kara.

“Siguro nagsasawa na rin ako sa pagiging playboy.” Tumingin ito sa kanya ng matiim. “Maybe I want to settle down.”

Nanlaki ang mga mata ni Kara sa narinig. “Ikaw? Si Shane Montejero the playboy? Gustong mag settle down?” Sabi niya kahit ang tooto medyo may kumurot sa puso niya sa sinabi nito.

Pain crossed his eyes but he quickly covered it. “Bakit? Imposible ba ‘yon? Maybe I found someone to love—” tumigil ito sa pagsasalita at nag-iwas ng tingin. “I mean, ahm… what I mean is—”

     “You’re blushing, Shane.” Tudyo niya at tumawa nang malakas.

     “Hindi nga! I’m not blushing. Mainit lang talaga dito sa bahay niyo.” Kinuha nito ang throw pillow at binato ‘yon sa kanya.

     “Shane, stop lying, saka air-conditioned ang bahay namin— Stop it, Shane!” Sigaw niya ng patuloy siya nitong binabato ng throw pillow.

     “I won’t stop hanggat hindi mo binabawi ang sinabi mo. I’m not blushing.” Wika nito habang patuloy parin siyang binabato ng throw pillow.

     “Okay. Hindi ka nagba-blush.” Aniya.

Agad namang tumigil si Shane sa pagbato sa kanya. “Good. Ikaw, kailan ka naman kaya mag-seseryoso sa isang lalaki? Nagbabago na ako, maybe oras na rin para magbago ka na rin.”

Ibinuka ni Kara ang bibig para sumagot pero biglang may tumawag sa pangalan ni Shane.

“Shane!” It was her Kuya Den.

     Lumingon si Shane. “Hey, Den.” Tumayo si Shane and they do the man-hug thing.

     “What are you doing here?” Tanong ni Den kay Shane.

     “Boredom strikes.” Maikling sagot nito at tumawa.

     “Umagang-umaga pero andito ka sa bahay namin. Office hour ngayon.” Singit ni Kara sa usapan.

     “Bored nga diba?” Sarkastikong wika ni Shane.

     “By the way, I’m on my way to the office, maiwan na kita.” Tinapik ito ng Kuya Den niya sa braso at tiningnan siya. “Dad is still pissed at you. kung ako sayo, gumawa ka ng bagay na ikakasaya niya.” Anito tapos umalis na.

     “Aalis na rin ako.” Wika ni Shane na naglalakad na papuntang pintuan nila.

“Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit narito ka.” Malakas ang boses ni Kara para marinig siya ng binata.

He opens the door and looked at her. “I just want to see you.” Anito habang tinititigan siya ng matiim at lumabas na ng bahay nila at iniwan siyang nakatigalgal sa nilabasan nitong pinto.

Ano daw ‘yon? Marahan niyang ipinilig ang ulo. Imahinasyon lang siguro niya ‘yon. Tama. Imposibling sabihin ‘yon ng pinsan niyang si Shane.

“Kara, are you okay?” tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Giane.

     Tumingin siya rito at bumuntong hinga bago nagsalita. “Dad’s mad at me.” Wika niya sa bored na bored na boses.

     “Lagi naman e.” Biro ni Measy.

     “I know, but now it’s different.’

     “How different?” Tanong naman ni Mherrie na sinisip-sip ang Strawberry shake nito.

     “Hindi niya ako kinakausap. It’s been two weeks since he said ‘I’m pointless to talk to’.” She quoted in the air.

     “Pointless ka naman talagang kausap e.” Tumawa si Giane.

Umismid nalang siya rito at kinagat ang French fries sa in-order niya. “Imbes na sumbatan niyo ako, tulungan niyo nalang ako kung ano ang gagawin ko.” Mataray na wika niya.

     “Hello! Bago ka tumaray diyan at mag-isip nang kung ano-ano, bayaran muna niyo ang mga ino-order niyo.” Wika ni Measy na may-ari ng café.

     “Grabe to! Mga kaibigan mo kami pero hindi kami free dito sa café mo?” Reklamo ni Kara kay Measy.

     “Libre naman kayo minsan a.” Sagot naman sa kanya ni Measy.

     “Libre, pero banana que naman.” Sarkastikong wika ni Kara.

     Tumawa nalang sina Mherrie at Giane na sinabayan naman ni Measy making Kara more irritated.

“Kayo talaga.” Mahinang wika ni Kara.

Hindi niya alam kung bakit niya kaibigan ang mga ito. Una niyang nakilala si Giane. Nakaagawan niya ito sa pagbili ng last item ng limited edition ng Levis jeans na iririgalo niya dapat kay Shane nuong birthday nito, at dahil mabait siya, hinayaan niyang makuha nito ang jeans na inirigalo naman nito sa asawa nitong si Verner sa anniversary ng mga ito. Hindi niya alam na iyong ang magiging daan para maging kaibigan niya ito. Inaya siya nitong magmeryenda na pinaunlakan naman niya. Dinala siya ni Giane sa café ding ito. Dito niya nakilala si Measy na may-ari ng café at Mherrie na cake maker ng café na mga kaibigan pala ni Giane. Naging kaibigan din niya ang mga ito. Simula noon, palagi na siyang pumupunta dito at tumatambay. At namalayan nalang niya na matalik na niyang kaibigan ang mga babaeing baliw na ito.

     “Tama na nga yan.” Singit naman nang isang boses sa likuran nila.

     “Nikko.” Tawag ni Measy sa nagsalita. Si Nikko ay ang fiance nito.

     Lumapit ito sa kanila at umupo sa tabi ni Measy at hinalikan ang kaibigan sa pisngi. “Narinig ko ang pinag-uusapan niyo.” Wika nito na nakangiti at tumingins sa kanya. “Galit ang daddy mo sayo?”

     “Yeah, and It’s getting worst.”

     “Alam mo, bakit hindi ka gumawa nang mga bagay na makakapagpasaya sa dad mo.” Wika nito.

     “’Yon din ang sabi ni kuya.” Kumunot ang noo niya. “Pero ano naman?”

     “Why don’t you stop partying?” Suhistyon ni Mherrie.

     “Or, how about you open a new fashion line?” Suhistyon naman ni Measy sa kaibigan.

     “That will cost much.” Sagot niya rito.

     “Oo nga no.” Wika ni Measy na kumunot pa ang noo.

     “Basta ako walang suggestion, wala akong maisip e.” Singit naman ni Giane sa usapan.

     “Bakit hindi ka na mag trabaho?” Suhistyon ni Nikko.

     Tumingin siya rito at napaisip. Ang gusto nang daddy niya ay mag-settle na siya at magkaroon nang magandang future at magseryoso na sa buhay besides, gusto narin niyang tahimik ang buhay niya.

“That’s a good idea!” Sigaw niya at tumawa sa tuwa ang mga kaibigan niya.

     Tumayo siya at kinuha niya ang phone niya sa bag niyang dala. “Wait, I’ll call dad  right now. Sasabihin kong gusto ko nang magtrabaho.” Excited na wika niya.

     Tumango ang mga kaibigan niya.

“Okay. Here we go.” She mumbled under her breath at tinawagan ang telepono sa opisina ng Dad niya. Hindi niya tinawagan ang personal phone nito dahil alam niyang hindi nito sasagutin ang tawag niya.

     Naka-ilang ring din ang telepono sa kabilang linya bago ito sinagot.

“Henry San Miguel, speaking. Who’s this?” Boses iyon ng dad niya.

Huminga muna siya nang malalim bago siya nagsalita. “Dad, it’s me, Kara.”

     “Kara, what do you want?” Walang emosyon ang boses nito.

     “Dad, I have something to tell you.”

     “What is it?”

     “Dad…” She paused and breathes heavily. “I want to work.” Mabilis na sabi niya sabay kagat sa labi.

Ilang segundong katahimikan sa kabilang linya bago nagsalita ang ama niya. “Kara, arey you sure?” Gulat na wika nang kuya niya.

     “Yeah. I’m really sure.” Sagot niya.

     “Kara, pumunta ka ngayon sa office ko.” May bahid na kasayahan ang boses nito.

     “Sure.” Wika niya at tinapos na niya ang tawag.

     “Oh, anong sabi?” Tanong ni Giane na kinakain ang order niyang fries.

     Ngumiti siya nang maluwag. “I think, Dad is super excited sa sinabi ko. Pinapapunta niya ako ngayon sa office niya.”

     “Eh, ano pa ang ginagawo mo rito. Pumunta kana do’n.” Pagtataboy ni Mherrie sa kanya.

     “Yeah. Sige, alis na ako.” Wika niya sabay talikod sa mga kaibigan niya at patakbong lumabas siya sa café ni Measy.

     Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na rin siya sa opisina na dad niya. Medyo kinakabahan siya pero pinipilit niyang pakalmahin ang kalooban niya.

“So, you’re willing to work.” Seryosong wika nang dad niya habang nakatayo ito malapit sa may glass window ng opisina nito at nakatingin sa ibaba.

     “Yes.” Maikling sagot niya.

     “Kara, ginagawa mo lang ba ito dahil hindi tayo bati?” Humarap ang daddy niya sa kanya at tiningnan siya nito ng masama.

     “Puwedi rin, pero, napag-isipisip ko na kailangan ko narin magtrabaho dahil tumatanda na ako. Besides, gusto kung magkaroon ng magandang future.” She pressed her lips together wishing her father would believe her.

     “Well, you’re reason is convincing.” He sighed. “Gusto ko lang linawin na ang pagtatrabaho ay hindi biro. Kailangan mong maging porsigido.”

     “I know. So, kailan ako magsisimula?” Nakangiting wika niya.

     “Kara, hindi ko pa nga sinasabi na hired ka na.”

     “I know you will hire me immediately.” Wika niya.

     “Yes, but you will be working with Shane.” Wika nang dad niya na ikinagulat niya.

“What!?” Gulat na sabi niya. “Dad, ayoko kay Shane. Sayo lang ako magtatrabaho.”

     Lumapit sa kanya ang Daddy niya at kinurot ang ilong niya. “Kara, you will be fine working with him. He’s your cousin and I swear, hindi ka niya pahihirapan.”

     “But—”

Her father cut her off. “Kara, if you want to settle down you will follow me. Besides, ayaw mong mag-away tayo diba?”

     “Okay.” Mahinang wika niya.

     “Okay. So, report to Shane’s office first thing in the morning.” He gave her a quick hug. “And don’t be late.”

     Ngumiti nalang siya nang sapilitan sa Daddy niya at walang buhay na lumabas sa opisina nito. Minsan talaga, ang kamalasan nasa tabi mo lang.

Ayaw niyang magtrabaho sa kompanya ni Shane dahil alam niyang mahihirapan siya. She’s trying to move on from her little crush. At kung palagi niyang makikita si Shane, 'hindi iyong makakatulong. Kaya lang naman nakakaya niyang kontrolin ang sariling damdamin dahil hindi niya ito palagi nakikita. Paano na ito ngayon?

Gusto niyang mag protesta pero alam niyang wala siyang magagawa, pag hindi siya nagtrabaho talagang balik nanaman sila sa ‘ignore you and I don’t know you’ drama at wala siyang balak magyari yon ulit. Medyo friends na sila nang dad niya at ayaw na niyang maging kaaway siya nito. Ito ang isa sa mga taong nagmamahal sa kanya.

So, papayag nalang siya. Ito ay para sa Daddy niya at hindi para sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #forbidden