CHAPTER 1
CHAPTER 1
After two years…
Halos mabingi na si Kara sa sermon sa kanya ng kanyang Daddy sa opisina nito. Umagang-umaga ito agad ang kaharap niya.
Pinatawag siya nito ng malamang nag sneak-out na naman siya kagabi.
“Kara, wala ka na bang alam gawin besides getting into trouble?” Frustration was visible on his father’s face.
Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. “Dad, I can do anything. Hindi naman lahat ng alam ko e mag party lang tsaka maglakwatsa.” Wika ni Kara habang palakad-lakad siya sa malaking opisina nito. Alam niyang galit ang daddy niya ngayon sa kanya pero alam niyang ngayon lang ito at lilipas din. Alam niyang hindi siya matitis ng daddy niya.
Tumayo ang daddy niya at lumapit sa kanya. “I know, but you got to stop partying. It’s been two years since you arrived here in the Philippines. Wala pa ring nangyayari sa buhay mo. Sinasayang mo ang pera na binibigay sayo buwan-buwan.”
“Then, what do you want me to do?” Tanong niya sa daddy niya na bumalik na sa pagkaka-upo sa respective chair, kung tawagin ni Kara.
“I’ll-” Her father was cut off by his secretary.
“Sir, sorry to interrupt but Mr. Lim just arrived.” Wika ng secretary nito at lumabas na.
Tumingin muna sa kanya ang daddy niya bago ito tumayo. “I’ll talk to you later.” Wika nito sa seryosong mukha at tuluyan na itong lumabas sa opisina nito.
Naiwan si Kara mag-isa and a little bit annoyed. “Just freaking great.” She mumbled under her breath. Umupo nalang siya sa sofa at ihinilig ang katawan niya ng tumunog ang kanyang cell phone.
“Sino naman ba ito?” Inis na wika niya. Ayaw niya sanang sagutin ito pero naisip niya baka importante kaya naman sinagot niya ang tawag na hindi tinitingnan ang caller I.D... “Hi. Kara speaking.” Maganang wika niya sa kabilang linya.
“Hey, Kara” Sagot ng nasa kabilang linya sa kanya na agad naman niyang nakilala ang boses.
“Oh, ano namang nakain mo Shane at tumawag ka ngayon?” Tanong niya sa kausap.
“Am I forbidden to call you?” Sagot naman sa kanya ni Shane na nai-imagine niya na nakangiti ito ng maluwag.
Tumawa siya ng pagak. “Kung pwedi nga lang.” Sabi niya.
“Nope. Hindi puwede.” She heard him chuckle lightly.
She rolled her eyes. “By the way, what made you call?”
“Wala lang. Bored lang ako dito sa office.” Isang taon na itong namamahala sa Montejero Magazine pagkatapos mag retero ng ama nito. Ito ang kompanya na pinalago ng ama nito mula sa isang maliit na puhunan. Dahil sa sipag ng mga ito, agad naman iyong yumabong. At ngayon na si Shane na ang namamahala sa kompanyang pinundar ng ama nito, mas lalo pa itong lumago. Sa katunayan, narinig niya sa kapatid niya na may mga branch na ito sa ibang bansa ng asia.
Kara is proud of Shane. Oo nga at babaero ito pero pagdating sa trabaho, magaling talaga ang binata.
“Pambihira ka naman, Shane.” Napalatak siya. “Bakit ba pag nabo-bored ka kailangan ako ang isturbuhin mo?”
Narinig niyang tumawa ito. “What’s the point of being cousins?” Sagot nito sa kanya.
Tumaray siya sa hangin. “Shane Ash Jierl James Gray Montejero, anong cousins’ ka diyan? Ang sabihin mo cousins kayo ni Kuya Den. Hindi tayo cousins.”
Sa haba ng pangalan nito, minsan tinatanung niya ng sarili kung tama ba ang pagkakasunod-sunod niya kapag tinatawag niya ito sa buong pangalan. Shane naman talaga ang tunay na pangalan ng binata. Ang apat pa nitong pangalan ay galing sa kanunu-nunuan nito na nasa lupa na at inu-uod.
“Kara San Miguel, kahit anong sabihin mo Kuya mo parin si Den kaya wala kang magagawa. Magka-apelyedo kayo.”
“What the hell ever. Bye, Shane.” Wika niya at pinatay na niya ang tawag. He could be so irritating sometimes, wika niya sa isip. She leaned on the sofa and Shane’s handsome face popped into her mind.
Hindi niya akalain na nagka-crush siya sa pinsan niyang hilaw. Nuong nakilala niya si Shane, ang guwapo talaga nito sa paningin niya. Pero pinigilan niya na mas yumabong ang nararamdaman niya para dito sa kadahilanang magpinsan sila sa batas.
“Kara?” Biglang napatayo si Kara ng makarinig siya ng boses.
Ngumiti siya ng makita niya kung sino ang tumawag sa pangalan niya. “Ate Alexa.”
“Nasermonan ka na naman ni daddy?” Wika nito sa mahinhing boses.
“Yeah. Buti nalang at dumating ang secretary niya at may ka meeting yon kung hindi parang lantang gulay na ako ngayon sa mga sermon niya.”
Mahina itong napatawa. “They love you a lot.”
“I know.” Mahinang wika niya. “I love them too.” Kinuha niya ang shoulder bag at isinukbit sa balikat. “I have to go ate Alexa. Ayoko pang malanta pag naabutan ako ni daddy dito.”
Umiling-iling ito habang natatawa. “Ingat, Kara.”
“Ikaw din. Ayokong may mangyaring masama sa pamangkin ko.” Aniya at tumingin sa naka-umbok nitong tiyan. Anim na buwan na ang tiyan nito at excited silang lahat na makita ang anak ng Kuya Den niya.
“Para ka ng si Den. Napaka-protective masyado. Okay lang ako.”
“Mabuti naman kung ganoon, Ate Alexa.” She smiled then left the office.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top