Chapter 8

CARLY
Tonight's the night. I'm meeting Zian again for our dinner date. Papunta na nga siya rito sa apartment at lahat-lahat, pero hindi pa rin ako makapaniwalang niyaya niya talaga akong lumabas.
I was trying to call Max para sana ipakita ang suot kong dress, pero nag-start na yata ang show nila kasi hindi na siya sumasagot. He gave this to me on Christmas Day last year. Ngayon ko lang nasuot. It's a black, low-neck bodycon that hugs my curves and puts my cleavage on full display.
I'm a girl with gifted boobs, but I'm not really happy about it. Feeling ko masyadong malaki ang dibdib ko para sa 'kin. At ang hirap kasi kahit na anong damit ang suotin ko, pansinin pa rin talaga siya.
Ilang saglit pa, nag-text na si Zian. Malapit na raw siya sa apartment.
Inayos ko lang ulit ang maiksi kong buhok sa tapat ng salamin. I curled it to refine my natural waves. Then I exhaled deeply and smoothed my hands over my body-hugging dress. Wag sanang isipin ni Zian na inaakit ko siya gamit ang dibdib ko. Pero pwede rin naman.
I took my purse and headed out.
Palabas pa lang ng apartment building, nasilayan ko na agad ang kagwapuhan ni Zian. He was leaning against his car while staring in my direction.
Napaiwas ako ng tingin at nagpigil ng ngiti.
Grabe talaga ang lakas ng dating ng lalaking 'to, lalo na ngayon na ang disente rin ng suot niya. His dark blue dress shirt was scuplting his broad shoulders and toned arms just right. Nakabukas pa ang itaas na butones no'n kaya may pasilip siyang skin. Nakita ko na ang ganitong rich vibes niya nung ini-stalk ko siya dati, pero iba pa rin pala kapag sa personal.
Not gonna lie, but there's an undeniable sex appeal to the way he carries himself. Effortless lang talaga sa kanya ang pagiging gwapo. Kapag ganito siya, parang bigla siyang nagiging out of my league e.
Pagkalapit ko sa kanya, nahuli ko agad siya na napasulyap sa dibdib ko. Hindi niya yata napigilan. Pero ang bilis niya rin namang umiwas ng tingin at napangiti na lang.
"You look amazing," he just said.
I bit back a smile. "Ikaw nga rin. Bakit naman masyado kang nagpa-gwapo? Maaakit ako sa 'yo niyan."
Natawa lang siya, tapos pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse.
He had a table reserved at a high-end steakhouse in Boston's Back Bay, so he drove straight over.
We made it ahead of 7PM. First time ko lang nakapunta rito kasi medyo namamahalan ako, tsaka wala naman akong ka-date. Inside, I was greeted by the intimate atmosphere. Dim lighting, pero kitang-kita ko pa rin kung gaano ka-luxurious sa loob. Ang laki rin ng bar area. I believe they are famous for their extensive selection of fine wines. Hindi pwedeng hindi ko matitikman ang mga iyon.
Hinatid kami ng server sa mesa na ni-reserve ni Zian.
"This was a great choice," sabi ko pagkaupo sa tapat niya. "Ang tagal ko nang gustong i-try rito, e."
"Buti nagustuhan mo. It's also my first time here."
"Seryoso ba? Sa tagal mong pabalik-balik sa Boston? Tsaka 'di ba, ganito ang vibe mo sa Pinas?"
Napangiti siya. "Wala naman kasi akong kasamang pumunta rito. Buti nga nandiyan ka na."
Pinigil ko ang ngiti ko sabay kinuha na lang ang menu. "Uy, libre mo 'to, ha? Wala akong pangbayad. Wala pa ulit kasi akong regular class."
He chuckled. "You're so cute. Dinner's on me. Just get anything you want."
Syempre nahiya naman akong pumili kasi ang mamahal. Apat na taon na ako rito, pero minsan hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-convert. Kaya si Zian na lang ang pinapili ko. Tutal, mas may alam din siya sa mga ganitong pagkain.
He ordered the best steaks they could serve plus some appetizers, seafood, and of course, wine.
"Alam mo pala," sabi ko habang nag-uumpisa na kaming kumain. "I saw you on the news the other day. 'Yung sunog sa may Day Square."
"Talaga? Anong itsura ko sa TV?"
"Hindi nga masyadong na-highlight ang kagwapuhan mo, e. Naka-gears ka kasi."
"Baka hindi ako 'yon."
"Ikaw 'yon! Kabisado na kita. Kahit likod mo, kabisado ko."
He just chuckled while slicing through his steak.
"Alam mo, namamangha ako kapag napapanood kitang nagta-trabaho," patuloy ko. "You look heroic when rescuing people. Grabe siguro ang training niyo, 'no?"
"Yeah, it was tough. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapahamak. Look." He rolled up his sleeve to show me his bandaged wrist.
Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan agad ang kamay niya. "What happened here?"
"Just a minor burn."
"It doesn't look minor to me."
Napangiti siya, tapos binaba na ulit ang manggas. "Pagaling na 'yan. Ginamot na sa amin."
"It's that from the Day Square incident?"
"Yes, but don't worry about it. Hindi ko na nga nararamdaman."
Napabagsak ako ng mga balikat. "Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi sa 'kin? Nag-aalala kaya ako kapag na-i-injure ka sa trabaho."
"I'm sorry. Next time, sasabihin ko na agad."
"Good. Pero sana naman wala ng next time. Sa tuwing nagkikita tayo, lagi ka na lang may sugat. Ingat-ingat din, okay?"
Nagpigil lang siya ng ngiti. "How's Max, by the way?" Pag-iba na niya sa usapan. "Nag-umpisa na ang show nila?"
"Mm-hmm. They opened just a few days ago. Hindi ko pa nga ulit siya nakakausap. Busy siguro."
"Hindi ka ba pupunta sa Orlando para manood?"
"Gusto ko nga sana. Pero napanood ko na kasi 'yung play nila na 'yon dito sa Boston. Dinala lang nila sa ibang lugar. Tsaka sabi ni Max, wag na raw akong gumastos. Mas kailangan daw ng family ko sa Pinas ang pera. Tama naman."
He smiled a little. "I really admire how family-focused you are. Alam mo kung ano ang priorities mo."
"Kailangan e. Hindi ko pwedeng pabayaan ang Mama ko. Lalo na si Papa."
"Why, what's with your father?"
Nagpunas ako ng table napkin sa bibig bago muling sumagot. "He suffered from stroke."
Napahinto siya sa pag kain.
"My Papa was a successful Chinese businessman," I continued. "Pero na-stroke siya two years ago. Bumagsak lahat ng mga negosyo namin, tapos hirap na hirap si Mama kasi housewife siya at hindi talaga siya marunong sa business. Hindi nga ako nakauwi sa Pinas that time kasi mas pinili kong ipadala na lang ang pera kaysa ipang-uwi ko. Nagtulungan kaming magkakapatid para mai-ahon ang parents namin."
Biglang nalungkot ang itsura niya. "I-I'm sorry to hear that."
"No, it's okay. Papa is doing better now. Napa-therapy na rin namin siya kaya almost normal na siya ulit. Pero hindi na namin siya pinayagang magtrabaho. Nag-promise na lang kaming magkakapatid na bubuhayin namin ang parents namin sa abot ng makakaya namin. It's time for us to step up and give back. Mahal na mahal ko kasi sila e."
Napangiti siya nang mapait. "How do you do that?"
"Alin?"
"Na maging masaya kahit na may pinagdadaanan ka rin pala. Kapag tinitingnan kasi kita, parang wala kang problema. You always look cheerful and bubbly and radiant."
I chuckled. "Syempre hindi naman ako pwedeng magmukmok lang, 'no. Hindi 'yon makakatulong. Tsaka natutunan ko nang hindi magpa-apekto sa mga bagay na hindi ko kontrolado. I just do my best to fix what's within my control, and let go of what isn't."
"You make it sound so simple. Sana ganyan din ako. Hirap kasi akong magmukhang masaya kapag hindi talaga ako masaya. But when I am, it's easy to notice."
"Mag-let go ka rin kasi!" biro ko sa kanya. "Alam mo kung ano 'yung isa ko pang secret para maging masaya? Lumalayo ako sa problema."
Bigla siyang umiwas ng tingin at bumulong. "I know where this is going."
"No, seriously. Kaya ikaw," dinuro ko siya ng fork, "wag mo nang uulitin 'yang pagiging kabit mo. Sakit sa ulo lang 'yan. Tapos magrereklamo ka na hindi ka masaya."
Napainom na lang siya ng wine habang nagpipigil ng ngiti. "Pinagagalitan mo na naman ako. I won't do that again, I promise."
"Buti naman. Wag mong binibigyan ng problema ang sarili mo."
"Yes, Ate Carly."
Marahan kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. "Tsk, wag mo akong i-ate-zoned."
Natawa na lang siya, tapos iniba na ulit ang topic. "Fourth of July is near. What are your plans?"
"Hmm, pinag-iisipan ko pa kung pupunta ulit ako kila Tita Pearl. I usually celebrate the holidays with them kapag wala si Max. You want to come with me again? I'm sure miss ka na ni Cooper."
Ngumiti siya nang mapait. "I would love to. But The Fourth is a critical time for us."
"Oo nga pala. It's fireworks day. Okay lang, hindi pa rin naman ako sure kung aalis ako. So, you'll be very busy the next couple of days?"
"Unfortunately. But don't worry, I'll make sure we catch up again after the holiday."
"That's sweet. Kaso baka ako naman ang busy that time. Magsa-start na kasi ang Summer art camp ko."
"May klase ka na ulit?"
"Just for a couple of weeks."
"I see. Maybe I can visit you after class? I'll drive you home?"
I squinted at him with a teasing smile. "Ikaw, ah. Gustong-gusto mo na akong nakikita palagi."
"Bakit, bawal ba 'yon? I feel happy when we hang out."
"Oh, really? Baka naman iba na 'yan?"
Napangiti na lang siya.
Pero parehas lang naman kami. Masaya rin ako kapag kasama ko siya. Naa-appreciate ko nga na pinipili niya pang makipag-kita sa 'kin kapag off niya kaysa ipahinga niya na lang. A few weeks ago, he was just a stranger. Pero ngayon parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi siya nakakausap.
Nagtagal pa kami sa restaurant kasi ang dami pa naming pinag-kwentuhan habang tinitikman ang iba't ibang wines sa menu.
We left around 9, and I admit tipsy na ako sa dami ng nainom ko. Naglakad-lakad pa kami ni Zian sa labas, pero hindi ko na kinaya. Nag-kick in na talaga ang alcohol at saka ang sakit na rin ng mga paa ko dahil sa suot kong high heels.
Zian got worried na kulang na lang, kargahin na niya ako pabalik sa sasakyan para hindi na ako mahirapang maglakad. Pero syempre nahiya naman ako. Though nakakadagdag talaga ng pogi points ang pagiging gentleman niya.
Pagkauwi sa apartment, hinatid niya pa ako sa taas.
"Could you stick around for a bit more?" sabi ko. "Parang ayoko pang mag-solo rito, e."
"Sige. Wala pa naman akong trabaho bukas."
"Great! Let's watch Netflix? I'll prepare some snacks."
"I'll help you. Alam kong nahihilo ka na."
"Nope, I'm good. Just stay on the couch."
Nagtanggal ako ng heels, tapos dumiretso sa kusina para maghanda ng madaliang grazing board. Tipsy pa rin talaga ako, pero kaya ko pa namang gumalaw.
Si Zian, sinabihan kong umupo na lang sa couch, pero nandoon na siya sa tapat ng tinatapos kong painting. Portrait niya kasi 'yon. Dapat sana surprise, kaso nakalimutan kong itabi. Nakita niya tuloy agad.
"I'm trying to paint you," sabi ko na lang.
Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. "You're really impressive. Nag-print ka pa talaga ng picture ko para may pag-gayahan ka."
"Nakuha ko 'yan sa Facebook. Ang gwapo mo diyan."
Muli niyang tiningnan ang painting. "Are you going to exhibit this somewhere?"
"Hindi. Ibebenta ko sa 'yo nang mahal. Bilhin mo, ha? Extra income ko na rin."
Natawa siya.
"Uy, wag kang patawa-tawa diyan. Seryoso ako. Pinalaki kaya ako ng Papa ko na maging business-minded. Bibigyan na lang kita ng konting discount."
Muli siyang natawa at napailing-iling. "Makakahindi pa ba ako? Sinimulan mo na ang painting. But okay, I'll buy it."
"Perfect!"
After preparing the snacks, we lounged on the couch and I switched on the TV. Patay na ang ilaw sa apartment at 'yung lampshade lang sa tabi ang nakabukas para mas masarap manood.
"Let's watch my favorite rom-com, 50 First Dates," sabi ko. "Napanood mo na ba 'yon?"
"Hindi pa."
"Seryoso?! Bakit hindi mo pa napapanood? Ang ganda-ganda no'n!"
Natawa siya. "Sorry. Dapat ba napanood ko na?"
Natawa na lang din ako. Oo nga naman. He's a guy. Mababa ang chance na mahilig siya sa mga rom-coms.
I played the movie and got comfortable on the couch. Nung umpisa, nakaka-focus pa ako at natatawa kay Adam Sandler, pero nung kalagitnaan na ng film, nakakaramdam na ako ng antok. Dahil na rin sa tama ng alak.
I ended up lying down on the couch and resting my head on Zian's lap.
Ramdam kong nabigla siya sa ginawa ko, pero hindi niya naman ako pinaalis. Tumuwid pa nga siya ng upo para makahiga ako nang maayos.
"Feeling sleepy?" he asked.
"A bit. But don't leave yet."
"I won't. Hindi pa tapos ang movie."
Tumuloy siya sa panonood na parang hindi siya naiilang sa pwesto namin. Ako naman, pinagmamasdan lang ang mukha niya habang nakahiga ako sa lap niya.
Mas gumwapo talaga siya sa paningin ko ngayong gabi. Siguro dahil hindi ito ang usual na Zian na nakikita ko. Ang lakas-lakas ng dating niya. I don't want to blame it on the alcohol, but I'm having naughty thoughts right now.
"Zian? Balak mo pa rin bang umuwi sa Pilipinas para hanapin si Vanessa?"
Bigla siyang napababa ng tingin sa 'kin. Nakakunot ang noo niya. "Why are you asking that all of a sudden?"
"Just curious."
"Pagagalitan mo na naman yata ako."
"Hindi, 'no. Kahit naman anong pangaral ko sa 'yo, ikaw at ikaw pa rin ang masusunod. There's nothing I can do about it. So, uuwi ka pa rin ba?"
"I don't know, hindi na ako sigurado."
"Kung sakaling umuwi ka pero ayaw na ni Vanessa sa 'yo, bumalik ka rito, ha? Tatanggapin kita."
Bigla siyang natawa at umiwas ng tingin. "Carly, why are you saying this?"
"Ewan ko nga e. Probably because I like you?"
Napangisi siya. "You have no idea how cute you sound right now."
"I'm not trying to be cute." Bahagya akong bumangon at nilapit ang mukha ko sa kanya. "But what if it's true? What if I really like you?"
Hindi siya nakasagot. Napatitig lang din siya sa mukha ko na halos isang dangkal lang ang layo sa kanya.
Ang tagal naglapat ang mga mata namin hanggang sa hindi ko na napigilan. I leaned in closer and gently kissed him on the lips.
Hindi siya umiwas. Tinanggap niya ang halik ko. Hindi ko alam kung paano ako nakakuha ng lakas ng loob para mag-first move, pero wala akong pinagsisihan. His lips were thin and warm and soft. I felt a powerful spark I couldn't put into words.
It's just one simple kiss. Lumayo rin agad ako at muli siyang tinitigan, pero iba na ang dating ng mga mata niya.
He was staring at me as if he was looking right through my soul. Tapos bigla niya na lang akong hinila sa batok at siya naman ang humalik sa 'kin.
I gasped in shock and held my breath. Akala ko simpleng halik lang din, pero ang diin ng sa kanya. I slightly opened my eyes and saw him furrowing his brows while kissing me passionately, like he had been waiting for this moment for so long.
Bumigay ako. Hindi lang dahil sa alak, pero dahil gusto ko talaga siya. I tugged the back of his hair and deepened our kisses. Shit, this is so wrong, but I don't want to stop.
Wala ng hiya-hiya, inangat ko ang dress ko at kumandong ako paharap sa kanya.
His breath hitched but he didn't let go of my lips. He even circled his arm around my waist and pulled me closer. Doon pa lang, alam ko nang sabik din siya. He ran his fingers through my hair as he devoured my lips with hungry kisses. Ang sarap niyang humalik, lalo na nung unti-unti nang bumababa ang mga labi niya papunta sa gilid ng leeg ko.
Bigla akong nanghina. I moaned a little and gripped his hair tighter. He nibbled the skin of my neck, and that's when I completely lost it.
Hinubad ko na ang damit ko. I was revealed in my sultry strapless bra and lace panties. I grabbed his hand and placed it on my huge breast.
Pero parang bigla naman siyang natauhan at agad na huminto sa paghalik.
He pressed our foreheads together while he was breathing raggedly. "I-I shouldn't be doing this to you."
"It's okay. I want this." I lifted his face toward mine and kissed him once more.
He instantly gave in. Mariin niya ulit akong hinalikan at dahan-dahan niya nang hinaplos ang isang umbok ng dibdib ko. Naninindig ang mga balahibo ko sa kung paano niya ako hawakan. Muli pang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. He caressed my boobs while sucking onto my neck.
Sobrang aroused na ako kaya hindi ko na napigilan at inumpisahan ko nang buksan ang mga butones ng polo niya. He helped me take it off, then he lifted me from his lap and gently laid me down on the couch.
Oh my god.
Pumungay ang mga mata ko habang nakahain na ako sa harapan niya. The lights were dim but I could clearly see him unbuckling his pants while his eyes stayed fix on me.
Fuck, what have I gotten myself into? Pero ako ang nag-umpisa nito, kaya wala akong karapatang umatras.
TO BE CONTINUED
Are you enjoying this story? Please vote and comment to show me some love! Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top