Chapter 6

ZIAN

"LEAVING ON TIME today, Robles?" tanong sa 'kin ng kasamahan ko sa station habang nag-aayos ako ng gamit sa locker.

"Yeah, I'm visiting someone."

"Lucky girl, huh?" biro niya pa.

Napangisi na lang ako, tapos tinapik siya at nagpaalam nang umalis. Pang-apat na siya na nagsabi sa 'kin nang gano'n. Palibhasa, hindi sila sanay na umuuwi ako nang sakto sa oras. Palagi akong nag-e-extend ng shift kasi wala rin naman akong gagawin sa apartment. Mas gusto kong bugbugin ang sarili ko sa trabaho. Pero ngayon kasi, naisip kong puntahan si Carla.

Dalawang linggo na ang lumipas mula nung nagkasama kami sa open market.

Hindi ko pa ulit siya nakikita. Akala ko nga iiwas na siya sa 'kin pagkatapos kong ikwento ang tungkol kay Vanessa, pero hindi naman. Halos araw-araw na kaming nagkaka-text. She also calls me sometimes to tell me how her day went. Hindi lang talaga namin magawang magkita kasi busy raw sila ni Max. Ako naman, palaging pagod sa trabaho. Ngayon pa lang ako magkakaroon ng tatlong araw na pahinga kaya naisip ko na siyang puntahan. Sakto rin kasi na nakuha ko na ang sasakyan ko mula sa repair shop. Carla doesn't know I'm visiting, though. Baka mahiya o humindi kapag nagsabi ako, e.

Pagkasakay ng kotse, tiningnan ko muna ang phone ko.

Nung isang araw ko pa tinatadtad ng chats si Leila, pero hindi pa rin siya nagre-reply sa 'kin hanggang ngayon. Hindi ko na alam kung wala pa rin ba talaga siyang nakukuha na balita tungkol kay Vannie, o ayaw niya lang akong tulungan. Nawawalan na ako ng pag-asa sa totoo lang. Pagod na rin akong mangulit.

Nag-drive na ako papunta sa apartment nila Carla. It's late in the afternoon. I wish she's home.

Ewan ko, pero ang gaan ng loob ko sa taong 'yon. 'Yung naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakita sa Piers Park, hindi nagbago. I still feel she's someone I can trust. Kaya nga hindi na ako nagdalawang-isip na ikwento sa kanya ang tungkol kay Vanessa. Wala kasi akong ibang mapaglabasan dito e. Sa kanya ko tuloy nabuhos ang lungkot ko. Pero nakakatuwa na talagang nakinig siya sa 'kin kahit na may kaunting panenermon siya. There's just something in her that makes me feel like I can be myself.

Ngayon tuloy, ang kumportable ko na kapag nagkaka-text at nag-uusap kami sa telepono. Ilang linggo pa lang kaming magkakilala, pero parang ang tagal na naming magkaibigan. Nababawasan ang lungkot ko paunti-unti.


I got to her place faster than I expected.

Dumaan pa muna ako sa cafe kung saan kami nagkita dati. I bought her bagels. I think that's her favorite. Pagkatapos, dumiretso na ako ng akyat sa apartment at nag-doorbell.

Si Max ang nagbukas sa 'kin. Nanlaki nga agad ang mga mata niya. "Z-Zian?"

Ngumiti ako. "Hi. Sorry for dropping by unexpectedly. Is Carla inside?"

"Ha? Ah, oo, nandito. Pasok ka muna." Nilakihan niya ang pagkakabukas sa pinto.

Ang kalat sa loob. Ang daming mga nakahandang maleta.

Napatanong tuloy ako. "Is she leaving?"

"Oh, no. Those are mine. Flight ko kasi mamaya papuntang Orlando. We have a show there."

"I see. Yeah, I remember Carla told me you're a stage actor. I should come watch one of your performances sometime."

"Go! Welcome na welcome ka. Bibigyan pa kita ng compli ticket," sabi niya sa 'kin sabay dumiretso sa kusina. "Zian, you want anything? Juice? Coffee? Wait lang kay Carla, ha. Ka-video call niya lang ang pamilya niya sa Pinas. Na-miss niya kasi kaya tinawagan niya kahit alam niyang madaling araw pa lang sa 'tin."

"No worries, I can wait." I followed him to the kitchen. Inalok ko na rin siya ng dala ko. "I bought bagels. Please have some."

"Uy, favorite namin 'yan ni Carla." Kumuha agad siya ng isa habang pinaghahandaan ako ng maiinom. "Hindi niya alam na pupunta ka ngayon?"

"Hindi. Surprise lang."

"Ang sweet naman. Kayo na ba?"

Napapigil ako ng ngiti. I wasn't ready for that. "We're friends," I just said.

"Sus, ang showbiz mo namang sumagot. Pero I'm happy na nagkakilala kayo. Carla is a fun girl. Medyo masungit lang kapag may period, but she's cool."

"Yeah, medyo masungit nga. I've experienced that firsthand."

Mayamaya lang naman, narinig ko na si Carla na lumabas ng kwarto. Ang saya niya pa at dapat pupuntahan agad si Max, pero nung nakita niya ako, bigla siyang nanigas. She has something green on her face. Like a clay mask, I think.

Ang tagal niya pang natulala sa 'kin bago siya biglang tumili at tumakbo papasok sa C.R.

"ZIAN, OH MY GOD!" sigaw niya pa mula sa loob. "WHAT ARE YOU DOING HERE!"

Natawa na lang kami ni Max.

"She's cute, isn't she?" sabi niya, tapos binigay na sa 'kin ang tinimpla niyang juice. "Inom ka muna. Maghihilamos lang 'yon at malamang sa malamang, magme-makeup pa kasi nandiyan ka."

Nahiya ako kaya ngumiti na lang ako at umiwas ng tingin.

Pinuntahan niya naman muna ang mga maleta niya para mag-ayos.

Carla came out after a while. Wala na 'yung green na nakalagay sa mukha niya. 'Yun nga lang, ang sama naman ng tingin niya sa 'kin.

"Hey," bati ko na lang.

"Why are you here? Hindi ko natatandaan na nagsabi ka sa 'kin na pupunta ka."

"I didn't. Naisip ko lang na dumalaw. Hindi pa kasi tayo nagkikita ulit."

Si Max ang biglang nag-react. "Ay ang sweet naman talaga! Sure ka bang friends lang talaga kayo?"

Napapigil ako ng ngiti. I didn't mean for it to sound that way, though. Pansin ko tuloy na nahiya rin si Carla kasi hindi siya makatingin sa 'kin.

"Sorry if this isn't the best time to visit," sabi ko na lang. "Flight pala ni Max paalis."

"Uy, walang problema," si Max ulit ang sumagot. "Ang boyfriend ko naman ang maghahatid sa 'kin. You can have her all by yourself."

Bigla siyang pinandilatan ng mga mata ni Carla.

I just chuckled.

Ilang saglit lang naman, may nag-doorbell sa pinto.

"Speaking of my boyfriend," sabi ni Max, "I think he's here."

Binuksan niya ang pinto at nasa labas na nga ang boyfriend niyang si Andrew. I already met him at the open market. Naalala niya nga rin ako. Lumapit agad siya sa 'kin para mangumusta.

Nag-kwentuhan lang kami saglit, tapos naghanda na sa pag-alis ni Max. Tumulong na rin ako na dalhin ang mga maleta sa pintuan. Hinintay namin siya ni Andrew na lumabas kasi nagyayakapan pa sila ni Carla. Hindi ko alam kung gaano sila katagal magkakahiwalay, pero base sa tagal at higpit ng yakapan nila, parang isang taon.

Matapos kay Carla, lumapit din sa 'kin si Max para magpaalam. "Zian, bantayan mo 'tong kaibigan ko, ha? Buo ko 'yang iiwanan, kaya dapat, buo pa rin 'yan pagbalik ko."

I held back a smile. "I will. Break a leg."

"Thank you."

Nagyakapan pa ulit sila ni Carla bago tuluyang lumabas ng apartment kasama ang boyfriend nito.

It was just the two of us now, and Carla still couldn't look at me. "Pasensya ka na sa mga pinagsasabi ni Max, ah?" sabi niya lang. "Baliw talaga 'yon, e."

"It's okay. It's cool to have a friend like him. Are you leaving, too?" Naka-ayos din kasi siya. She's wearing these loose denim short overalls paired with a tank top underneath.

"Oo, e. Ikaw naman kasi, bigla-bigla kang sumusulpot. Nakakahiya tuloy na hindi kita masyadong ma-e-entertain."

"Ayos lang. Nakita pa rin naman kita kahit saglit. Where are you going?"

"To my aunt in Westborough. Dadalaw lang ako kasi magpapadala raw sila ng package sa Pilipinas. E may mga isasabay na rin ako para sa family ko."

"I see. You need a driver?"

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"May dala akong sasakyan. I can drive you if you want."

"Nakaka-tempt naman 'yang offer mo. But I'll be spending the night at their house. Na-miss ko na rin kasi siya, e. Bukas pa ako uuwi. Welcome ka rin namang mag-stay ro'n, kaso baka may work ka?"

"I'm off for three days. May mga gamit din ako sa sasakyan."

"Ahh . . . parang na-foresee mo na 'tong mangyayari, ah. Okay lang sa 'yo na kasama mo ako magdamag?"

"Yeah."

"Bakit, type mo ba ako?"

Natawa ako sabay umiwas ng tingin.

Natawa rin siya. "No, I'm just kidding. I'll take your offer. Wait, ihahanda ko lang ang mga isasabay ko sa package."

Matapos niyang mag-ayos, tinulungan ko na siyang dalhin lahat ang mga gamit niya papunta sa kotse.

Kaunti nga lang dapat ang mga ipadadala niya sa package, pero dahil may sasakyan naman, sinabihan ko siyang isabay na niya lahat para sulit.

Pagkasakay namin sa kotse, nagkabit agad ako ng seatbelt. "Good to go, Carly?"

Natigilan siya sabay tingin sa 'kin. "Carly? Saan naman nanggaling 'yon?"

"Naisip ko lang. It's cute, isn't it? It suits you."

"Ikaw, ah. Bakit mo ako binibigyan ng nickname? Magagalit si Vanessa mo niyan."

Nagpigil ako ng ngisi. Hindi na ako sumagot kasi alam ko namang binibiro niya lang ako. Nag-umpisa na lang akong mag-drive.

"Thank you pala sa pag-offer ng masasakyan," sabi niya habang kinakain 'yung binaon niyang bagels na bigay ko. "I didn't know you own a car."

"Matagal na 'to. Palagi ngang nasisira. Kakakuha ko lang ulit nito galing sa shop."

"Bakit palaging nasisira?"

"Secret. Ayokong ikwento, baka pagsabihan mo na naman ako."

Tumingin siya nang masama sa 'kin. "May kinalaman ba kay Vanessa?"

Hindi na ako sumagot.

"Silence means yes," sabi niya naman agad. "Anyway, nagulat talaga ako na sumulpot ka sa apartment. Bakit naman bigla mo akong gustong makita?"

"Wala naman. I just want to make sure we're still cool. Ilang linggo na tayong hindi nagkikita, e."

"Ah, akala ko dahil miss mo na ako. Don't worry, hindi kita igo-ghost dahil diyan sa illicit affair mo. Pagtya-tyagaan na lang kita kahit ganyan ka."

Natawa ako. "Grabe ka talaga sa 'kin."

"Joke lang. Uy, baka napipikon ka, ah?"

"No. Na-miss ko nga 'yung ganitong may kabiruan ako. Wala kasi akong kasama sa apartment. You're lucky having Max around. Gaano pala siya katagal mawawala?"

"A couple of months. Sanay na ako na matagal siyang nawawala. Minsan mas gusto ko nga 'yung gano'n kasi naso-solo ko ang bahay. Ang daldal kasi ni Max, e."

I chuckled. "You two seemed really close. 'Yung yakapan niyo kanina, akala ko nga isang taon kayong magkakahiwalay."

Natawa siya. "Ang OA namin, 'no? Kaya nga yata kami nagkasundo. Ang swerte ko na nakilala ko agad siya nung bagong salta pa lang ako rito kasi hindi na ako nahirapang mag-adjust."

"And how about your aunt we're visiting? Are you close with her too?"

"Ay, sobra! Pangalawang nanay ko na 'yon si Tita Pearl. Kaya nga pinayagan ako ng Mama ko na mangibang-bansa kasi malaki ang tiwala niya sa kapatid niya. She and her husband migrated here when I was in High School."

"Pinoy rin ang asawa niya?"

"Yep, si Tito Gil. They have a special son, Cooper. He has down syndrome but he's very sweet. Mamaya ipakikilala kita. Nagsabi na ako sa kanila na may plus one ako ngayon, e."

"I could see that you love your family so much. Sabi ni Max, kausap mo raw ang pamilya mo sa Pilipinas kanina?"

"Oo. Next time, isasama kita sa video call. Gano'n si Max, e. Nakiki-pamilya siya sa pamilya ko. Isasali rin kita para happy family tayong lahat."

Napangiti ako. "Thank you for that. Mukhang kailangan ko nga 'yan ngayon."

"Ay, wag na lang pala," biglang bawi niya naman. "Baka asarin lang tayo ng Mama ko. Ilang taon na kasi nila akong kinukulit kung wala pa raw ba akong ipakikilala na boyfriend sa kanila. Masyado silang atat. Palibhasa, naunahan na ako nung younger sister ko na magpakasal."

"Bakit nga ba wala ka pang ipinakikilala sa kanila?"

"I'm not really interested in men. Feeling ko, sakit lang kayo sa ulo."

Natawa ako. "You mean you've never had a boyfriend?"

"Nagkaroon naman, sa Pilipinas. Pero short-time lang at hindi masyadong serious. Tapos nawalan na ako ng gana."

"Sayang naman. You should start dating again. You're too pretty to stay single."

Bigla niya ulit akong tiningnan nang masama.

Nagpigil ako ng ngiti. "What?"

"Ako wag mo akong binobola na maganda ako, ah. Kikiligin ako sa 'yo niyan, sige ka."

Natawa na lang ako. Minsan hindi ko na alam kung nagbibiro pa ba siya. But what I said was true. I find her really pretty.

Hindi ko 'yon napansin nung unang beses ko siyang nakita kasi ang sungit niya no'n. I just realized it when I saw her again at the cafe. Sabi niya, madalas siyang napagkakamalang masungit dahil sa mga mata niya. But to be honest, she looks pleasant to me.

Ang aliwalas ng itsura niya. Kapag nagki-kwento siya, parang ang kulay-kulay ng buhay niya at wala siyang problemang iniisip. Plus she happens to be an excellent artist, too. Her future boyfriend would be so lucky to have her.

Matagal-tagal pa kaming nagkwentuhan bago nakarating sa bahay ng Tita niya sa Westborough.

Pagkaparada sa garahe, bumaba agad siya ng sasakyan para kunin ang mga dala namin sa likod.

Bumaba na rin ako at sinundan siya. "Carly. Let me take care of those for you."

Napangiti siya sa 'kin. "You know what, I'm starting to like that nickname. Palagi mo na akong tatawagin niyan, ha?"

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming. 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top