Chapter 17

CARLY

SUMMER IS OVER.

In just a few days, back to reality na ako dahil may art classes na ulit. Usually, excited ako kapag ganito kasi gustong-gusto ko talaga 'yung may ginagawa at hindi naka-bakante lang. Pero ewan ko kung bakit this time, parang wala akong gana.

Nag-dinner out nga ako mag-isa ngayon para gumanda ang mood ko. I'm at one of the best American restaurants nearby.

Ilang araw na akong ganito na masama ang pakiramdam. I should be happy though kasi going strong naman kami ni Zian. I even stayed at his place for a full week. Pinakilala niya rin ako sa mga kasamahan niya sa station. He took me to a quick tour inside. We're very happy. Tino-totoo niya yata 'yung sinabi niya na gusto niyang maging asawa ko.

Hindi pa nga dapat ako babalik sa apartment namin kung hindi ko lang kailangan maglinis kasi uuwi na si Max. Tapos na ang show nila sa Orlando.

Speaking of Max, bigla naman siyang nag-video call.

I just picked it up while I'm finishing my salad. "Hey."

"Carla!" Ang saya pa ng reaksyon niya bago napansin ang background ko. "Oh, where are you? Dinner date?"

"Hindi. Nag-me time lang muna."

"Wala si Zian? LQ kayo?"

I scrunched my brows. "Of course not. Nasa trabaho pa siya. Bakit ka napatawag?"

"May ticket na kami pabalik ng Boston! I'm finally going home this weekend!"

"That's good."

Bigla siyang napabagsak ng mga balikat. "'Yan lang ang reaksyon mo? Parang hindi ka naman natuwa na five days na lang, magkikita na tayo ulit."

Walang gana akong sumandal sa inuupuan kong couch. "I'm sorry. I'm just not feeling well."

"Nilalagnat ka? E bakit lumabas ka pa, dapat nagpa-deliver ka na lang ng pagkain sa apartment."

"Hindi naman. Parang ang bigat lang ng katawan ko. Ilang araw na nga 'to e."

"Hay naku! Baka naman pinapagod ka ni Zian diyan? Lagot sa 'kin 'yun pag uwi ko. Hindi ka niya inaalagaan nang maayos."

"Baliw." I rolled my eyes. "He's taking good care of me. Baka na-o-overwhelm lang ako kasi malapit na mag-back to school. Ang weird ng pakiramdam ko."

"Baka naman magkaka-period ka lang? I know you so well. Kapag ganyan ang mood mo, ibig sabihin malapit ka nang maging dragon."

Bigla akong natigilan.

"Ano, tama ako? Magkakaroon ka na, 'no?" tanong pa ulit niya.

Napatuwid ako ng upo sa couch. "Uhm, Max, can we talk again when I get home? Tatapusin ko lang 'tong dinner ko."

"Of course! Ise-send ko pala sa 'yo ang flight details ko para lang updated ka, okay? Bye!"

Pagkababa sa tawag, binuksan ko agad ang calendar ko sa phone.

I just realized na hindi pa pala ako nagkakaroon at delayed na ako ng five days.

Shit. Bigla akong pinagpawisan nang malamig.

Am I pregnant?

Hindi ko na inubos ang pagkain ko. I just paid the bill and headed out the restaurant.

Bibili ako ng pregnancy test kits bago umuwi. Gusto kong maging in denial at maging confident na wala kaming nabuo ni Zian, pero biglang lumakas ang kutob ko ngayon na meron.

Ang daming kong pregnancy test kits na binili para makasiguro ako. This is my first time doing this. Hindi pa nga ako nag-uumpisa, pero kung anu-ano na agad ang pumapasok sa isip ko. I was so nervous! Paano ko sasabihin sa pamilya ko sa Pilipinas? Kay Max? Kay Zian? Pakiramdam ko hihimatayin na lang ako sa nerbyos.

Pagkauwi ko sa apartment, nag-test na agad ako sa C.R. At unang test kit pa lang, malinaw na agad ang resulta.

Positive!

Sinubukan ko pa lahat ng test kits para sure, at iisa lang ang sagot nilang lahat. I'm really pregnant!

I kept staring at them until it completely sank in. Doon na ako naluha sa tuwa.

Oh my god, I am carrying Zian's child.

I don't know but at this moment, all the worries and fear in me just disappeared. Biglang lumakas ang loob ko. Hindi ko na nga inisip sila Mama at Papa at si Max, e. Sobrang saya na para bang ang tagal-tagal ko na rin 'tong inaasam. Everything just felt right.

Pinahid ko ang mga luha ko, tapos na-excite na akong tawagan si Zian. I'm sure he'd be so happy. He's going to be a father!

Lumabas na ako ng C.R para kunin ang phone ko. I'm still shaking but I couldn't wait to tell him the good news.

After just a few rings, he picked up. "Hey, baby."

"Hey! Are you home?" Pinipigilan ko ang tuwa sa boses ko.

"Yeah, I just got in. Medyo nag-overtime lang sa station. Bakit?"

"Wala naman."

I heard him chuckle. "You sound like you miss me."

Napangiti ako sabay tingin sa hawak kong pregnancy test. "I do, actually. Kauuwi ko lang, nag-dinner kasi ako sa labas, pero bigla kitang na-miss. Pwede ba kitang puntahan sa apartment mo?"

"Right now? Gabi na, mag-aalala ako sa 'yo niyan. Ako na lang ang pupunta sa 'yo."

"No, it'll be quick. I just need to tell you something."

"Matutuwa ba ako diyan?"

"Uhm, I hope so. Wait for me, okay?"

"Okay. Mag-iingat ka. I love you."

"I love you too."

Binaba ko na ang tawag at muling tiningnan ang pregnancy test na hawak ko. Naiyak na naman ako sa saya. I couldn't believe this is really happening. Honestly, gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya kanina sa phone na magiging tatay na siya, pero buti napigilan ko ang sarili ko.

Tsaka ko na iisipin kung paano ko ibabalita sa pamilya ko at kay Max. Ang importante muna, mapuntahan ko si Zian. God, I can just imagine how overjoyed he'd be. Darating na ang Zoey namin!

I booked a ride going to Zian's apartment.

Nakahawak lang ako sa tiyan ko buong byahe. Namamawis ang mga kamay ko sa kaba, pero for some reason, mas nangingibabaw ang excitement ko. Hindi na nga ako nag-prepare ng kung anu-ano pang surprise para kay Zian, e. Basta sasabihin ko na lang nang diretso sa kanya.

Ang saya ko. Sobrang saya ko kasi mahal na mahal ko siya. Alam ko na maraming magbabago sa buhay ko rito sa ibang bansa dahil dito, pero handa ako basta ba kasama ko si Zian. I am willing to risk everything for this one person.

• • •

I REACHED HIS place in no time.

I have a key, kaya pumasok na agad ako sa apartment niya.

Pero pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto, narinig ko agad ang galit niyang boses mula sa isa sa mga kwarto.

"BAKIT HINDI MO SINABI SA 'KIN!"

Kinabahan ako! I hurried to the closed door to hear what was happening. May kaaway siya sa phone.

"Leila naman!" singhal niya. "Sa ibang tao ko pa talaga nalaman ang totoong nangyayari kay Vanessa?!"

I froze from the inside out.

Napaatras agad ako ng hakbang at hindi malaman kung kaya ko pang pakinggan ang pag-uusap nila. I couldn't process it. Si Vanessa pa rin?

"That's not your business anymore, Zian," narinig kong sagot ni Leila. "Tapos na kayo ng pinsan ko, so just stay out of it!"

"Tangina, sinasaktan ni Allen si Vanessa, tapos gusto mong pabayaan ko na lang? Uuwi ako diyan!"

"Tama na nga! Guguluhin mo lang ulit lahat e! Just stay there. Wag mo nang iwanan ang buhay mo sa Boston para lang kay Vannie."

"Wala akong pakialam sa buhay ko rito! Babalik ako diyan sa Pilipinas at kukunin ko si Vanessa!"

Doon na ako bumigay. I felt like everything in me just shut down.

Napahawak ako sa tiyan ko at tuluyan nang naglakad paatras. I couldn't feel anything for a moment. Ni nawalan na ako ng lakas na sabihin sa kanya na buntis ako. Basta iniwan ko na lang ang susi sa mesa at lumabas ng apartment.

As soon as I walked out the door, that's when it finally hit me.

Mahal niya pa rin si Vanessa.

Tumulo na ang mga luha ko, pero pinigilan ko agad kasi ayokong marinig ni Zian. Pilit ko lang na nilunok ang bawat hikbi kahit na ang sakit-sakit. It's aching all the way to my bones.

Hindi ako makapaniwala na lumabas lahat ng 'yon mula sa bibig niya, na sasaktan niya ako nang ganito. Ngayon pa na magkaka-anak na sana kami. I clutched my belly and just reached for the wall so I won't completely fall apart. Ayokong madamay ang dinadala ko.

I HELD MYSELF together the whole way home.

Kahit na ngayong nasa apartment na ako, pinipigilan ko pa ring umiyak. Hindi ko alam kung bakit ko pinahihirapan nang ganito ang sarili ko. I could just break down right here and forget this tiny life I was carrying, but I didn't. I still forced myself to stay strong.

Dumiretso lang ako sa kwarto ko at nilabas lahat ng mga damit ni Zian na iniwan niya sa 'kin. Hinanda ko sila sa isang paper bag para iuuwi niya na lang. Nanginginig ang mga kamay ko sa bawat gamit niya na hinahawakan ko.

Tapos, umupo ako sa tapat ng canvas at nag-simulang mag-pinta.

Wala ako sa sarili. I don't even know what I'm painting. I gripped my brush tightly but my hand kept shaking with every stroke. Lalong sumasakit ang dibdib at lalamunan ko sa kapipigil sa pag-iyak. Pinilit ko na lang na mag-pinta kahit na alam kong kaunti na lang ay bibigay na talaga ako.

I can't begin to explain how devastated I feel. All this time, I thought it was already me. Akala ko wala na si Vanessa at ako na ang nasa puso niya. But no. He never really stopped loving her. Hindi ko maisip kung paanong hindi ko man lang naramdaman 'yon.

Nakakatakot siyang marinig kanina. He's always been soft with me, pero sumisigaw at nagagalit lang talaga siya nang gano'n pag dating kay Vanessa.

At sinabi niya pa na wala siyang pakialam sa buhay niya rito sa Boston. Pero malaking parte ako ng buhay niya rito. Ibig sabihin ba no'n, wala din siyang pakialam sa 'kin?

'Yung mga pinangako niya, lahat ng mga nangyari sa 'min, itong dinadala ko na alam kong sinadya niya, wala lang ba 'to? Did he even love me at all?

I squeezed my eyes shut and pressed a hand to my belly. Ayokong madamay ang magiging anak namin, pero ang sakit-sakit. Wala akong mapaglagyan ng sakit. Alam ko naman na mangyayari 'to e. We had an arrangement. Pero umasa pa rin ako kasi sinabi niya na hindi siya mawawala. But here we are. Iniwan niya ako sa ere.

I felt so betrayed and so terrified, especially with his baby inside me. Paano na ako ngayon? Hindi ko na kayang sabihin sa kanya na buntis ako. Pakiramdam ko nga, wala na siyang karapatan na malaman.

Ang lakas pa ng loob ko kanina na kakayanin ko lahat basta nandyan lang siya. Hindi ko pa inisip ang pamilya ko, pero ngayon, bigla akong naligaw. Sa tagal kong nagtatrabaho rito sa ibang bansa, ngayon ko lang naramdaman na mag-isa ako.

"Carly?"

Just then, a familiar knock came at the door.

Muling nanikip ang dibdib ko. Inaasahan kong pupuntahan niya talaga ako, pero hindi ko alam kung papaano pa siya haharapin. Because honestly, I don't want to see him anymore.

Tuluyan na siyang pumasok. Ramdam ko ang bigat ng bawat paghakbang niya palapit sa 'kin.

"Carly...can we talk, please?"

TO BE CONTINUED

Bitin ba? Read ten (10) advanced chapters on Patreon for FREE! Just go to www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites and join as a free member.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top