CHAPTER 4
Chapter 4
I almost got scolded when I told my mom I'm not eating breakfast. Maaga pa naman ngunit kailangan kong magmadali but Papa was there. He gave me a scary glare and that was enough for me to took some spoonful of rice and two hotdogs.
Si Kuya naman ay nainis dahil ginising ko pa siya. He said I woke him up 30 minutes earlier than the usual sched na ihahatid niya ako sa school.
Ayaw kong ma-late! Syempre, magpapa-impress ako kay Florence. Not that ayaw ko siyang ilibre, gusto ko lang na siya ang manlibre.
"Thanks, Kuya!" nagmamadaling sabi ko at bumaba sa motor niya. His sleepy eyes scanned me for a while.
"Hoy, Laury! Magtapat ka nga, bakit ka nagmamadali?"
"M-may activity kami, Kuya! May kailangang i-polish na activity sa first period." Oops, sorry bro, white lies.
"Bukas zipper ng saya mo sa gilid," sabi niya at nagpaalam na.
Pucha, bukas nga. Sa kamamadali ko 'to eh! Inayos ko ang backpack at tiningnan ang sapatos. I fixed my skirt before I walked towards the gate kung saan nakatayo si Tsip Easy. Hay salamat naman.
"Hey, you're late."
"Ayy betlog mo kalbo!" Napahawak ako sa bibig ko nang makitang tumatawa si Florence habang nakatayo sa gilid ng guardhouse. And he just heard my worst reaction sa tuwing ginugulat ako!
"Grabe ka, nakita mo ba?" biro niya.
Shit mama ang fresh niyang tingnan! Bukas ang butones ng kanyang polo pero at least, puting shirt ang nasa ilalim. Wala siyang ibang alahas sa katawan maliban sa suot niyang itim na wristwatch.
"Sorry," sabi ko. "Ginulat mo kasi ako." Pero shit talaga, nagwa-warm up na naman ang puso ko kung sakaling anuman ang sasabihin niya ngayon.
"Sorry din kung nagulat kita but you're," he paused and looked at his watch. "12 minutes late. I arrived earlier."
"Congrats," sagot ko, trying not to sound anything. Baka mahimigan pa niya sa boses ko na atat akong kausapin siya.
"Anong congrats, you owe me lunch."
"Oo nga pala," sagot ko at kinuha ang wallet sa bag. Naglabas ako ng 200 at akmang iaabot iyon sa kanya ngunit bigla siyang napasimangot. Shet.
"You're not joining me?" his voice was... mad?
"H-ha?"
"Hotdog," tila naiinis na sagot. "You know what? Forget the lunch."
Nauna na siyang maglakad at naiwan akong nagtataka habang nakatingin sa likod niya. What the, may mali ba sa ginawa ko?! Kulang ba ang 200?!
***
"Ayos ka lang?" tanong ni Fleri.
I lifted my head from the table to look at her and nodded in hesitation. Hindi na siya nagtaka sa sagot kong iyon dahil muli niyang ibinalik ng tingin sa kanyang cellphone at tila timang na ngumiti.
"Ikaw, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Maaga pa at iilan pa lamang kaming nasa classroom. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kay Florence. Na-offend ko ba siya sa pag-aabot ng pera?
"Yup," she replied. "Alden is treating me breakfast today."
Nagpanting ang tainga ko. "What? Did he give you money?"
Tila hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. "Money? Breakfast, Laury, breakfast. Oh, he's here."
Tumayo si Fleri mula sa upuan at with poise na naglakad patungo sa pinto. Nakatayo roon si Alden at may hawak na paper bag ng fastfood.
Alden is every girl's dream. Maliban sa gwapo na, matalino rin ito. Not to mention, that he's thoughtful. Iyon nga lang, he's too good to be true. Iyon bang sumusunod talaga sa tamang panuntunan.
He even followed the standard haircut na nakasaad sa handbook. He wears black shoes all the time. He spends his free times at the library. Good boy image talaga.
They talked for a while at the door bago bumalik si Fleri sa upuan namin na dala ang paper bag.
Shocks. So that's what "treat" means. Kailangan ko ring dalhan ng pagkain si Florence. Mama, that's... embarrassing. Baka magka-isyu kami.
Demonyo kasi si Kuya. Kapag nagpupustahan kami, ganoon naman ang ginagawa namin. Kunwari nanunuod kami ng NBA at nagpustahan kami. Then he'll say loser will treat the winner with something. Noong huli akong nanalo, I asked him to treat me for movie tickets at binigyan niya ako ng pera para manuod. Noong nanalo siya last year, he asked for two Starbucks coffee kaya kailangan kong kaltasan ang allowance ko at ibigay ang pera sa kanya kung saan nag-enjoy sila ng girlfriend niya sa kape! Ganoon kami, pera ang binibigay namin but I don't think that's the case with Florence.
"Laury, I can't eat lunch with you, okay lang ba?" malambing na tanong ni Fleri.
"Ha? Okay lang, sabay kayo ni Alden?"
She nodded and smile. "Oo. He recommended a good tapa house na malapit sa pharmacy doon sa kanto. You sure it's okay?"
I raise my thumb to assure her. "Don't worry, ayaw ko rin namang maging third wheel."
***

[Laury Mood Board]
Before the class starts, I texted Florence.
Me:
sorry :(
Maaga kaming nag-dismiss para sa lunch break at nagpaalam na sa akin si Fleri kaya nagmadali rin akong lumabas ng classroom. I discreetly checked Florence's section at mukhang hindi pa sila pinapakawalan ng subject teacher nila.
I rushed towards the fastfood na nasa labas ng eskwelahan at um-order ng pagkain. Pina-takeout ko ang spicy chicken dish na in-order ko at nagpunta sa parking lot. Hinanap ko roon ang motorsiklo ni Florence at ipinatong ang naka-takeout na pagkain. I attached the sticky note that I prepared a while ago with my handwritten word: itadakimasu!
Sa ilang taon kong pagiging may crush kay Florence, alam kong mahilig siya sa spicy chicken dish ng fastfood na labas ng school. Alam ko rin na mahilig siya sa anime gaya ng Attack on Titan, One Piece at Fairy Tail dahil palagi siyang nagse-share ng mga links sa Facebook account niya. I'm glad that his posts were public kaya kahit hindi kami friends, dahil hindi ako nangahas na i-add siya, nakikita ko pa rin ang mga post niya.
I got my phone and texted him again.
Me:
That was rude I know
sorry ganoon kase kmi
magpustahan ni Kuya :(
i'll make it up to u
check ur motorcycle
12:03 PM
FB❤❤❤:
did u mess with
my tires?
Me:
nooooo
that's bad
FB❤❤❤:
kidding
and yah that was
rude
12:05 PM
Me:
again, sorry
*puppy eyes*
FB❤❤❤:
wer are u!
*?
Me:
hiding...
i'm guilty
12:06 PM
FB❤❤❤:
lol
show urself
Me:
nooooooooo
FB❤❤❤:
ok nvm
12:07 PM
Magre-reply na sana ako nang bigla na lamang may nagsalita sa likod ko.
"There you are."
"Ay bet--" I immediately shut my mouth when I saw Florence behind me.
Tumawa siya sa reaksyon ko. "I saw your reflection on Sir Chem's car. Bakit ka nagtatago?"
"I'm really sorry, nahihiya talaga ako," nakayukong wika ko.
"Ano ka ba, ayos lang. Iyon naman pala nakasanayan mo," sagot niya at itinaas ang pagkain na binigay ko. "So, lunch? Kumain ka na?"
I shook my head. "Kakain pa lang."
"Good, edi sabay na tayo," wika niya at naunang maglakad. Gusto ko sanang magpa-gimme gimme sa sobrang kilig but of course that would be stupid so I maintained a straight face bago sumunod sa kanya.
Pero shit, nagsimula na namang mag-jumping rope ang puso ko.
***
Parang ayaw kong maghapunan dahil ayaw kong mapatungan ang kinain ko kaninang lunch na libre ni Florence. Siya rin ang nag-order niyon.
Our lunch together was brief dahil nagmamadali siya. He said they have an assignment to finish kaya kahit gustuhin ko mang buong araw kaming mag-lunch ay hindi pwede.
Kung hindi lang talaga ako tiningnan nang masama ni Papa hindi talaga ako maghahapunan. Unfortunately, nakukuha ako sa tingin ng ama ko.
Nag-log in ako sa Facebook account ko at nag-post ng heart emoji. I checked my messages at napansin ko ang isang message request.
Two New Message Requests
Open a request to see an info of who's messaging you. They won't know you've seen it until you reply.
Florence Beryll Ignacio
ayy sorry napindot haha...
Ahmad Singh
hello baeutiful...
Halos magtititili ako nang makita ang message request ni Florence. Shit talaga, is this real life or it's just fantasy?!!
I ignored the second message at binuksan ang kay Florence.
Florence Beryll Ignacio
6 mutual friends including Fleri Danica Abelarde and Dwight Baliling
went to Barden Comprehensive High School
7:32 PM
Florence Beryll is waving at you.
Tap to wave back

Florence:
Ayy sorry napindot hahahahahaha
You accepted Florence Beryll's request.
Me:
baliw
8:34 PM

You and Florence Beryll waved at each other.
Me:
Sapak yan HAHA
Florence:
ouch
Me:
isa pa?
Florence:

Me:
sinapak mo rin ako?
Florence:
high five 'yan
Me:
pak.
Florence:
ano ginagawa mo?
Me:
katatapos lang magreviee. ikaw?
*review
Florence:
kakain na
Me:
oh
eat well
Seen 8:40 PM
***
Nagpabalingbaling ako sa kama at paulit-ulit na tinitigan ang cellphone ko na nasa bedside table. It's 11:52 PM at ilang beses ko nang ni-refresh ang Messenger ko ngunit wala pa rin akong natatanggap na message mula kay Florence kahit na naka-Active Now naman siya.
I don't want to be a creep, too, kaya pinigilan ko ang sarili ko na unang mag-chat. Naka-off na ang WiFi ko kaya hindi na ako umaasa na magcha-chat pa siya. Huling chat niya sa akin ay kakain daw muna siya. Hay, nabulunan na siguro. Tsk.
Bigla akong napabangon nang umilaw ang cellphone ko tanda na may bagong dumating na message.
FB❤❤❤:
u awake?
11:53 PM
Me:
zzzzzz
FB❤❤❤:
lol u sleeptxting
again haha
Me:
u done eating?
I regretted sending such message. Shit, parang hinintay ko tuloy siya which is totoo naman.
FB❤❤❤:
hahaha yup
sorry i left my phone
i played billiard wth
my couzns
Me:
hahaha jk
no need to apologze
FB❤❤❤:
did u wait?
is that why ur awake?
Me:
no
ofc not
nakatulog na ako
i just woke up
i rmembered I forgot
to drnk milk
11:56 PM
FB❤❤❤:
no to milk✖️
Me:
hahaha yes to milk✔️
FB❤❤❤:
nakainom ka na?
rlly aorry
*sorry
Me:
haha no need
ano ka ba
FB❤❤❤:
i feel bad :(
Me:
why?
FB❤❤❤:
not txting u
Me:
hahaha why?
FB❤❤❤:
i just felt so
Me:
no probs ano ka ba
FB❤❤❤:
sure?
Me:
sure
FB❤❤❤:
u should sleep
11:58 PM
Me:
u too
FB❤❤❤:
sleep is for the weak
hahahaha
Me:
okay im weak
zzzzzzzz
FB❤❤❤:
lol
Good night Laury
11:59 PM
Me:
Good morning Florence
12:00 AM
FB❤❤❤:
by the way what's
Fleri's fave color?
12:02 AM
Me:
pink
FB❤❤❤:
thanks!
Aray. Hindi ko inaasahan iyon. Bago ko inilapag sa mesa ang phone ko ay in-edit ko muna ang contact name ni Florence.
FB❤❤❤
0956xxxxxxx
Agad ko iyong pinalitan.
Edit.
Florence
0956xxxxxxx
Done.
Contact saved.
#
Author's Note:
Sorry naninibago pa ako sa genre na teenfic lol hahaha I think this will be a chat/tap story at balak ko sana na images ng chat/text ilagay pero baka may mga nagbabasa ng offline or free data so ta-type ko na lang.
Most events are based on true story (secret ko lang kung kanino hahahahaha wala kayong ebidensya na sa'kin) Ang nostalgic balikan ng teen days ko hihi marupokpok days lol
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top