CHAPTER 1
Chapter 1
"Selfie!" masiglang sabi ni Fleri. Click! Click! Click. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kuha niyang larawan. "Look Laury, oh."
I pouted as I watch her open her Facebook app and post the 3 selfies she made. Duh, pareparehas lang naman ang posing niya, bakit kailangang 'yong tatlo pa?
Fleri Danica Abelarde is feeling stressed at school.
Iyon ang caption na nilagay niya bago pinindot ang 'post.' Napangiwi ako. "Seriously, Fler? Second week of school tapos feeling stressed agad?"
"Oh, bakit? Hindi ko naman sinabing sa school works ako nai-stress, ah?" palusot niya. "Nandito lang talaga ako sa school."
Fleri is my classmate since Grade 7 at hanggang ngayong Grade 10 na kami ay magkaklase pa rin kami. She's very pretty at palagi siyang pambato ng school sa tuwing may beauty pageant sa school. Tall, skinny and just enough wit to place at least 4th runner up.
"Fleri, may nagpapabigay sa 'yo," iniabot ng kaklase naming si Jo ang isang sulat. Maarteng tinanggap naman iyon ni Fleri.
Binuksan niya iyon at napangiti siya saglit pero agad ding sumimangot. "Nakakainis naman, eh!"
"Oh bakit, kay Alden na naman?" tanong ko at kinuha ang papel mula sa kanya.
Hi Miss Beatifl. The day is so wonderfl and that's becase of yo.
Did I miss something? Oh, I missed U.
I cringed. Ew. Cringey. Very cringey. Corny. Muling hinablot ni Fleri ang papel mula sa akin.
"Wala pa rin ba kayong development?" tanong ko. Despite Alden's cringey gestures of showing his love (ew) to Fleri, Fleri likes him. Pakipot lamang ng konti si Fler.
"Not unless magbago siya ng istilo," maktol niya. "Laury, letters and random notes like this is so old-fashioned! Ang gusto ko ay 'yong ipo-post niya sa Facebook with a long, sweet message! Or sa twitter. Or kahit sa IG stories niya tapos ita-tag ako but look?! Paper?"
"Ano ka ba, mas romantic kaya 'yan!"
Fleri frowned. "Not my type. Kahit type ko si Alden, hindi ko type ang pinaggagagawa niya."
"That is effort."
"This is corny," kontra niya sa sinabi ko. "Napag-iiwanan ba ng panahon si Alden ko?"
"Ganito lang talaga ang gusto niya," sagot ko. If I'm Fleri, I would have already swooned with these gestures of Alden lalo na kung crush ko rin siya. I only find it cringey because it wasn't for me.
"Ganyan ba ang gusto mo?" tanong ni Fleri at umupo sa harap mo. "Laury, hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung sino ang crush mo."
I looked away. There's no way I will tell her about my long time crush, Florence Beryll Ignacio.
Tall...
Dark...
Handsome...
Medyo malaki nga lang ang mga mata niya pero sa katunayan ay iyon ang asset niya.
And knowing Fleri, aasarin lang niya ako kapag nalaman niyang crush ko si Florence.
"Wala nga kasi akong crush," deny ko. As much as possible, deny to death ako. Madaldal pa naman si Fleri, paano kung ibulgar niya ang sikreto kong ilang taon kong iningat-ingatan?!
"Ows? Imposible. Lahat ng babae nagkaka-crush kahit anime character, oppa or whatever!" sabi niya. "So sino nga?"
"Wala nga."
I really won't tell! Ayaw kong masayang ang mga pagpipigil ko dati. Grade 7 when I first met Florence. I find him cute pero sabi ng mga kaklase niya, kumakagat daw siya ng ballpen hanggang sa mapuno ng laway at madurog ang tip sa tuwing nag-iisip so medyo na-turn off ako.
Grade 8, parang Pokemon na nag-evolve si Florence. His facial features become visible at nanganib na naman ang matres ko. Plus tumangkad siya. 'Yong tipong siya ang pinakamatangkad sa lahat ng mga Grade 8. Pero sabi ng kaklase kong lalaki, baka raw madalas magbati si Florence kaya ang bilis tumangkad. I asked them what they mean when they said "magbati" at nang malaman ko ay na-turn off ulit ako.
Grade 9, he became taller and even more handsome than he was before. Maraming nagkakagusto sa kanya sa school but then he got a girlfriend-- his first ever girlfriend at Grade 10 pa.
Ngayong Grade 10 na kami, ayun crush ko pa rin siya walang nagbago. Hindi nga yata ako sinuswerte sa lovelife. Halos magtirik na ako ng itim na kandila at ipagdasal na sana maging magkaklase kami kahit sa huling pagkakataon ngunit nasa section 2 siya.
"Si Rocky ba?" Fleri asked, referring to our classmate.
"No."
"Mark?"
"Mas lalong no."
"Jude?"
"Never."
"Dwight?" she asked, wriggling her brow.
"Hindi ako interesado sa kapre."
"Grabe ka, hindi 'yan kapre. Tall and handsome in the dark lang talaga!" She looked around the classroom. "Edward?"
"Wala akong balak na maging third wheel," wika ko. Edward is my classmate na may jowang classmate din namin.
"Sino nga?!" naiinip na tanong niya.
"Wala nga!"
"No, hindi ako naniniwala." She crossed her arms and then snapped. "Alam ko na! Nasa ibang section 'no?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Wala nga."
"Ano ba 'yan! Senior high ba ang gusto mo?" tanong niya.
"Fleri, wala nga."
"Bahala ka nga!"
***
Pahiga na ako sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon mula sa bedside table at agad na tiningnan.
One message received
from +639569xxxxxx
Hi Fleri! I'm Florence ng section 2. Gusto ko lang sabihin sayo na crush kita. ^^
Halos tumalon na ako sa kilig dahil sa natanggap kong message. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at ilang beses na sumigaw.
Mula Grade 7 ay crush ko na si Florence. Naging makulay ang high school life ko dahil sa kanya. Halos mawalan na ako ng hangin sa kasisigaw bago ko inalis ang unan sa mukha at muling tiningnan ang text message niya.
Mama! Ngayon lang yata naging ganito kaganda ang gabi ko. Muli akong sumigaw at nagpagulong-gulong sa kama na tila bulateng nilagyan ng asin. Best night ever!!!
Pero shit...
Hindi nga pala ako si Fleri.
Nawala lahat ng excitement ko. I tossed away my phone at muling nahiga ngunit wala pang tatlong segundo ay muli akong bumangon at kinuha ang cellphone.
I saved the number as "FB❤❤❤". Tatlong heart means I love you. Sheeet, kinikilig ako!!!
Nag-isip ako ng pwedeng i-reply and I was torn between pretending I'm Fleri or magpakilala bilang Laury Mae Abella.
Pros: Kapag nagpanggap akong Fleri, magre-reply siya at dahil crush niya si Fleri, papakiligin niya through texts pero ako pala iyon. At least kahit minsan sa buhay ko at maranasan kong pakiligin niya.
Hahaba ang usapan namin. We could even stay up texting all night.
Cons: Kapag nalaman niyang nagpapanggap lang ako, he will hate me.
Kapag hindi ako nagpakilala, hindi niya malalamang may Laury Mae Abella na nag-e-exist sa mundo.
I battled with myself before I came up with a decision.
To: FB❤❤❤
Hi Florence! Hindi po ako si Fleri. Classmate niya po ako. I'm Laury.
Sent.
Humiga ako sa kama at mahigpit na hinawakan ang cellphone sa dibdib ko. Wala pang isang minuto ay tumunog ang notification na may mensahe.
FB❤❤❤
I know ur Fleri.
I have a reliable source
of ur #
10:52 PM
Hindi na ako nag-atubiling mag-reply.
Me:
Nagsasabi ako ng
totoo. I'm Lairy
10:52PM
*Laury
10:53 PM
FB❤❤❤
Prove it. Facetime?
10:53 PM
What?! No! No way! I mean, kakahilamos ko lang. Walang powder, walang liptint kaya hindi ako confident! Plus Facetime with him?
With FLORENCE?!
No, magkakalat lang ako. Baka hindi ako makapagsalita at mapaghahalataan na may gusto ako sa kanya!
Me:
Can't. No internet.
10:54 PM
FB❤❤❤
HAHA reasons~
10:55 PM
Me:
I'm really not Fleri
10:55 PM
FB❤❤❤:
I told u my
source is
reliable
10:56 PM
it's alsmost 11PM
*almost
10:56 PM
Goodnight Fleri❤
10:57 PM
Kinilig ako sa goodnight niya mama! 'Yon nga lang minus the Fleri. Bakit kasi may Fleri pa, pwede namang goodnight❤ lang!
Hindi na ako nag-reply pa at nakangiting inilagay sa ilalim ng unan ang cellphone. I guess I'll have my sweetest slumber tonight.
#
A/N: Guys the story is not inspired sa Florante at Laura okeh? 'yong title at names lang so wag kayong mag-alala kung di 'nyo na maalala hahaha me too, mahigit 8 years na ang lumipas noong part pa 'yan ng 2nd HS Filipino subject ko HAHAHA so di ko na rin maalala
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top