Chapter 13: Blind Item
#HHFM Chapter 13:
Blind Item
* * *
"Good morning po," bati ko sa kanilang lahat na nakaupo na sa dining room, mukhang ako na nga lang ang hinihintay. Nobody responded yet their eyes were on me.
Ryo pulled out my chair for me. Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin pero mabilis siyang umiwas. He gulped hard before settling on his seat. My eyes roamed around to scan the faces of everyone at the table. Tito Finn managed to smile at me, but I knew something was off. They were all acting stiff and strange.
And here I am, pretending not to have a single idea on why they're acting this way. Ilang segundo pa bago ako nabati ni Tita pabalik. And I find it amusing to see her like this, parang nagpipigil ng pagkabahala. I could sense the tension in the air, but I pretended not to notice it.
Ryo was so bad at acting though, o sadyang memoryado ko na siya kaya alam ko na kung kailan siya kinakabahan at nagpapanggap lang na composed. He couldn't look me in the eye, and he seemed so stressed out. Ipupusta ko lahat ng mayroon ako na napagalitan siya kaninang umaga. Baka nga sermon ni Tita ang almusal niya kaya mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
I could also feel them looking at me from time to time while we were eating. Mas awkward dahil halos walang nagsasalita. Usually, they would talk about work, o kaya ay tungkol sa pag-aaral ni Raianne dahil graduating siya. Kahit anong mapag-usapan, basta hindi sila natatahimik. Hindi naman sila nakaririndi kaya ayos lang sa akin. Pero ngayon, kahit nga pagtama ng kutsara sa plato, wala.
"You're going to work today, right, Frankie?" tanong ni Tita.
"Yes po." Nang lingunin ko siya, agaran din siyang umiwas ng tingin. I lightly shook my head in amusement. Mana-mana lang talaga sila.
And that was the end of the conversation. Tahimik na ulit silang lahat. Pagkatapos kumain, umakyat muna ako para mag-toothbrush at ihanda ang gamit ko.
Alam ko naman kung bakit sila ganoon. Maybe they really thought that I didn't have any idea on what was going on, at takot lang silang magtanong kung may alam ba ako. O alam na nila na alam ko na kaya nangingilag sila. Imposible naman kasing hindi ko malaman iyon dahil una sa lahat, kaibigan ko si Cali na patalon-talon ng department at source ng all-around tsismis. Lalo na kapag tungkol kay Ryo, feeling niya, kailangan niya akong i-inform kaya naman halos lahat ng papasok na balita, alam ko na agad.
Besides, ang boses ni Tita ang gumising sa akin kaninang umaga. Sa lakas ba naman ng pagkakasabi niya ng "Nakahihiya kay Frankie," imposibleng hindi ako maintriga at alamin kung tungkol saan iyon. Right after my alarm went off, Cali called me and told me what happened.
Kaya imbes na maligo muna pagkagising, binuksan ko agad ang laptop ko para i-check ang sinabi niya. When I found out about the blind item, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto. Based on their past published articles, lagi silang tumatama sa mga pa-blind item nila. But with this one, maling-mali. Hindi ko alam kung dahil ba hindi naman ako artista at hindi importante kaya sala-sala ang info nila, o sinadya nilang ganoong anggulo ang gawin sa istorya.
I already told Ryo that we couldn't go out in peace during Valentine's. Kahit sabihin pa naming sa mall na pangmayaman-kuno niya ako dalhin, hindi talaga puwedeng lumabas kami nang kampanteng walang makakikita o may pakialam sa amin. It had been that way since college—the reason why we preferred staying indoors. Ayaw ko ng lagi kaming minamanmanan. I value my privacy with Ryo.
Kaso siya, masyado siyang naging kampante. He just wore a cap and brought a different car at okay na iyon para sa kaniya. He assured me that it's fine that we go out just like that. Ngayon tuloy, napag-isip-isip kong baka kinumbinsi niya lang ako nang todo dahil muntik na akong mag-back out. Una, dahil tinamaan ako ng hiya na niyaya ko siyang lumabas. Pangalawa, dahil nga sa hindi 'safe' na lumabas kami. Puwede naman kaming lumabas sa ibang araw.
And then, boom, an article published this morning had our picture posted. Blurred iyon, lalo na sa parte ko, siguro dahil hindi nga ako relevant o public figure. But anyone who knew Ryo by heart would know that it's him standing beside me, in front of the crib we were eyeing to buy. Matindi ang pagkaka-blur ng picture, pero dahil sa kasamang write-up, medyo obvious na iyon. It's just a matter of a few hours before people start speculating that it's indeed Ryo.
I wouldn't deny that it threw me off. What's worse was that I was labeled as the player's one night stand, na nabuntis daw, tapos paninindigan na lang para manahimik dahil ikasisira daw ng long-term secret relationship nila ng isang model slash host.
Everything about the article made my head hurt. Sobrang mali at gusot ng pagkakakuwento. Siyempre, nainsulto ako. Bukod sa ni-label-an na nga nila akong naka-one night stand lang ni Ryo, binigyan pa nila ng ibang long-term girlfriend-kuno ang ex ko. Ex ko nga e. E di, ako ang dating long-term girlfriend. God. Sino ba'ng nagsulat nito at hindi man lang nag-fact-check?
I just didn't want to bring it up because I didn't want anyone in the house to be sorry. Wala naman silang kasalanan. Alam naman nila ang totoo, at hindi naman sila maniniwala sa ganoong article. Hindi rin naman kami naglihim ni Ryo sa kanilang lahat.
Pagkababa ko, nakita ko si Ryo sa tapat ng sasakyan niya. He was scratching the back of his head, at kahit na malaki ang itinangkad niya kay Tita, halata kong nanliliit siya sa paraan ng pagkakatungo niya. I stopped walking towards them. I thought it might be a mother-and-son thing, and I didn't want to meddle. Basing on Tita's stance and the sharpness of her eyes, mukha nga siyang galit. At alam kong ang dapat kong gawin kapag ganoon ay dumistansya.
Sandali lang naman silang nag-usap. Nang mapalingon sa akin si Tita, bahagyang kumalma ang mukha niya. She gave me a small smile, which I hesitantly returned, before leaving Ryo and me. Pumaling ang tingin ko kay Ryo na kakamot-kamot pa rin sa likuran ng ulo. Gisadong-gisado ba naman sa nanay niya. Before and after breakfast, may sermon. Kawawa naman.
"Napagalitan ka?" tanong ko sa kaniya pagkalapit.
He clicked his tongue at lalo lang bumusangot ang mukha. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makaupo sa front seat. Ilang beses na niya akong pinilit na sa likuran na sumakay pero ayaw ko. Nagkasundo na lang kami na isagad ang pagkaka-recline ng uupuan ko.
Binantayan ko siya habang nagmamaneho. I waited if he would bring up the topic about the stupid article, pero wala. Baka nahihiya nga. Si Tita nga, nahiya e, siya pa kaya? Ang kapal naman ng mukha niya kung hindi siya mahihiya sa akin.
"Nasa'n nga pala 'yung damit ni Raiko?" tanong ko dahil ayaw kong tahimik kami. It's weird.
"Nasa kuwarto ko lang, tinatago ko kasi kay Mommy. Nalaman niyang pinalabhan ko na e."
Palapit na nang palapit ang due date ko kaya naman todo-todo ang pag-iingat ko sa sarili. Ang paa ko nga, nagmukhang pina-vulcanize. Kahit ayaw ko, naka-slip on open-toe sandals lang ako at kitang-kita ang itsura n'on. I'm not sure if it's my mood playing with me, but to me, they looked hideous. Cali said na hindi naman daw ako ganoong ka-manas, sadyang sanay lang ako na manipis akong tingnan kaya nakapapanibago.
"A, shit." Napalingon ako sa kaniya. Natampal niya ang noo sa kalagitnaan ng traffic.
My brows met. "Why?"
"May pinabibili nga pala sa 'kin si Rai. Uuwi yata 'yon ngayong tanghali."
"Puwede naman nating daanan. Hindi naman ako male-late," I suggested, kahit na hindi ako sure kung hindi talaga ako male-late. Saglit niya akong tinapunan ng tingin.
I noticed the uneasiness in his eyes. Parang tanga kasi. If he wanted to ask kung alam ko na ang tungkol sa article, puwede naman. Sasagot naman ako nang maayos. At sasabihin kong wala akong pakialam basta't hindi nila ilalabas ang pangalan at mukha ko.
"Sure ka, ha? Pero mabilis lang naman." He picked up his cap from the backseat.
"Of course. Take your time," I told him after we stopped in front of a bookstore. Ayaw ko nang lumabas dahil mangangalay lang ako. He grabbed his wallet and keys. Bago isara ang pinto ng sasakyan, nilingon niya ulit ako. I raised both brows at him.
"Mabilis lang ako, promise," sabi niya at bahagya akong natawa. Para naman akong batang mawawala na lang bigla. Kung bababa ako ng sasakyan, sure akong makikita niya agad ako. Hindi naman ako makatatakbo at mahahabol niya agad ako. Papagurin ko lang ang sarili ko.
"Okay. Dito lang ako," sagot ko. He blinked slowly at me. Ilang segundo siyang naroon sa labas, hawak ang pinto ng sasakyan niya na parang hindi niya masara-sara. "What?" I asked, furrowing my brows because he was not moving.
Mabagal siyang umiling. He sighed, at lalo lang nagsalubong ang kilay ko nang tingnan niya ako nang masama at may pagdadabog na isinara ang pinto. Napailing na lang ako. I just watched him walking towards the bookstore.
Heavily tinted naman ang sasakyan niya pero sumilip pa rin ako sa paligid kung may nag-oobserba ba. I covered half of my face with the expandable folder I'm holding habang lumilinga. Mahirap na.
Mabilis lang nga na nakabalik si Ryo. Malalaki ang hakbang niya pabalik sa sasakyan na parang nagmamadali.
Lalong naningkit ang mga mata ni Ryo dahil sa tirik ng araw kahit na nakasombrero na siya. I rolled my eyes when I caught myself staring at his lips.
I can't wait to give birth, for my pregnancy hormones to stop.
Itinago ko nang tuluyan ang mukha ko sa folder. Parang nag-iinit na naman ang mukha ko nang maalala ko ang nangyari noong sumama ako sa kaniyang manood ng movie sa salas. Ang lakas talaga niyang mang-asar. Buti na nga lang at hindi na niya iyon naaalala. O baka naman hindi na lang niya binabanggit dahil malapit na ang due date ko at natatakot siyang ma-stress ako sa kaniya tapos isumbong ko na naman siya kay Doktora.
"Ang lapit naman," puna ko dahil kulang na lang yata ay ipasok niya ang kotse sa building sa lapit ng tinigilan niya.
"Para 'di ka na maglalakad masyado," sagot niya. "Wala ka bang lunch? Kanina ko pa napapansing kaunti lang ang dala mo e."
Saka ko lang iyon naalala at ngayon lang napansin na handbag ko lang at folder ang dala ko.
"Oo nga, naiwan ko yata sa kitchen?" Sana hindi iyon makita ni Tita. Baka isipin pa n'ong sinadya ko iyong iwanan dahil nagtatampo ako gawa n'ong article.
"Tsk. Sabi ko kasi, i-check mo lagi gamit mo bago umalis e." Napakamot siya sa likuran ng kaniyang ulo. "Babalikan ko na lang. Hatid ko sa 'yo."
"Okay lang. I would just eat with Cali and Nate," agap ko. Sayang naman sa gas kung babalikan niya pa ako para lang doon. Mapapagod pa siya kakapabalik-balik.
He frowned. Hindi ko na sure kung dahil ba iyon sa pagkain ko o dahil nabanggit ko si Nate. Minsan, feeling ko, buntis din siya e. Iyong tipong mabanggit lang si Nate, nag-aalburoto na.
"Puwede ko ngang ihatid sa 'yo—"
"Baka may makakita sa 'yo, magtataka ano'ng ginagawa mo rito," I cut him off.
Napalunok siya bago lumalim ang simangot.
Natahimik siya. Tiklop.
"Sorry," he whispered. Alam ko na agad na hindi lang iyon dahil sa pangungulit niya. Maybe we both just didn't want to say it dahil parehas naming ayaw pag-usapan ang model slash host na tinutukoy roon—at dahil nga bawal akong ma-stress.
"It's alright. Kakain naman ako, don't worry," I said before opening the door. Nakaabang siya sa likuran ko. His right hand was also reaching for the door habang nararamdaman kong saglit na humaplos ang kaliwa sa likod ko.
Dere-deretso na akong pumasok at hindi na lumingon. I sighed before texting Cali. Hindi ako makaakyat. Pumasok sa isip ko na baka may nakabasa n'on at may nakapansin na ako ang kasama ni Ryo. Ang bilis pa namang kumalat ng balita rito. Ayaw ko namang ma-label-an na kagaya ng sinabi sa article.
* * *
"So, bakit siya kasama?" tanong ni Cali bago itinuro si Nate na nasa driver's seat.
Nate only chuckled at that. Mula pa naman noon, hindi naman ganoon kaistrikto ang aura niya. Kahit nga sa trabaho. Kaya siguro sa ilang naging art directors namin, siguro dalawa ang nagka-crush sa kaniya. Kahit sa interns, feeling ko, matunog siya. One can feel his authority but his overall vibe remains light.
"He's our friend?" I reminded Cali.
I invited Nate because I felt bad for accusing him of hitting on me the other day and sa awkward kong pagtrato sa kaniya when he was just being a friend.
At saka bakit pa ba nagtatanong si Cali e si Nate nga ang manlilibre sa amin, at siya rin ang may sagot ng sasakyan. Ewan ko ba rito sa isang ito.
Hindi kami sa office kumain dahil baka ma-issue pa na kasama namin siya tapos kaming tatlo lang. Instead, we decided to eat out. Sabi ni Nate, libre daw niya. I had to drag Cali. Kaunti na lang, iisipin kong sinaniban siya ni Ryo dahil ayaw niya rin kay Nate.
Hanggang sa makahanap kami ng table, matalim ang tingin ni Cali sa kaniya. I let Nate decide on what I would eat. Si Cali naman, parang kanina pa siya pinanonood at parang naghihintay lang na may gawing masama si Nate. Pero siya pa ang maraming request.
"Gusto ko, walang yelo 'yung iced tea," pahabol ni Cali habang nagko-compute ako sa isip kung magkano na ang in-order niya.
Natawa si Nate dahil doon. "Pa'no magiging iced tea 'yon kung walang yelo?"
I stifled a laugh. I didn't want to get on Cali's nerves. Lumabas na nga ang pangil niya at padabog na tumayo.
"Sasama na nga lang ako!" aniya na parang kami lang ang tao rito sa food court.
Nate glanced at me, and I just shrugged. Malay ko roon. Baka time of the month kaya ganoon kasungit. I shooed him with my hand dahil hindi naman ako mapapahamak kung nakaupo lang ako rito.
Hindi pa nila parehong itinanong ang tungkol sa blind item kaninang umaga. It's either iniiwasan nila ang topic dahil baka sumama ang mood ko o sadyang hindi lang talaga nila iniisip.
Nang makabalik sila, padabog pa ring umupo si Cali sa tapat ko habang si Nate naman ang may hawak ng tray. May isa pang tray na naiwan doon sa binilhan at hindi man lang talaga tinulungan ni Cali si Nate. Mukha namang hindi pa napipikon si Nate sa kaniya dahil nakangiti pa rin ito.
"Just so you know, Team Ryo ako, ha?" pabulong na sabi ni Cali bago kumain. Napailing na lang ako. Kaya sila magkasundo ni Ryo e.
"Wala namang competition. Ninong na nga ako," sagot ni Nate. I glanced at Cali at naabutan ko siyang masama ang tingin sa 'kin. What?
Hindi pa naman talaga ako nakakapag-isip kung sino ang kukuning mga ninong at mga ninang. Uunahin ko pa ba iyon? Ang iniisip ko ay paano ako uuwi, at kung gaano ba kasakit manganak!
"Ba't mo gagawing ninong 'yan?"
"Aba, bakit hindi?" sabad ni Nate. Malalim ang simangot ni Cali sa direksyon niya. Parang hindi man nga lang nila kino-consider na ako ang nanay, at sila itong mga pala-desisyon.
Hindi ba counted ang opinion ko rito?
Hanggang sa matapos kaming kumain, hindi sila natapos sa usaping iyon. Cali looked like Ryo's representative. Iyong tipong makipaglalaban talaga kahit wala naman nang dapat pag-usapan. Nate and I are just friends, and we are both clear about it.
"Hindi talaga ako naniniwalang wala kang balak kay Frankie," sabi ni Cali kaya naman nasaway ko siya.
She pouted as she turned her head to look at me. I gave her a warning stare because she was being too much. Nanatili lang namang nakangiti si Nate habang hinihintay namin ang ipinabalot na mga pagkain. Ang dami kasing in-order ni Cali tapos hindi naman pala makakain.
"Hindi ka ba nawi-weirdo-han? He's our boss," bubulong-bulong pa niyang dagdag.
I looked at Nate and smiled apologetically. Umiling lang naman siya. He was about to say something pero dumating ang pina-take out namin. Cali snatched it before he could even get his hands on it.
"Akin na 'to, 'di ba? Libre?" mataray na sabi ni Cali.
Kahit na hindi kailangan, inalalayan pa rin ako ni Nate sa pagtayo bago siya sumagot kay Cali. "Oo, iyo na. Kainin mo 'yan, ha?" Nakangiti pa siya habang nakasimangot pa rin si Cali.
Mabagal kaming naglakad palabas sa parking dahil sa akin. Nang makarating doon ay nauna na si Nate papunta sa sasakyan niya. Doon na lang daw niya kami pasasakayin sa may labasan.
"Ba't ba ang sungit mo ro'n?" tanong ko kay Cali. I caught her rolling her eyes. She crossed her arms before facing me.
"Wala ba talagang balak sa 'yo 'yon? Ang weird naman na tayo lang sinasama niyang kumain, 'no."
I shook my head. "We're friends, Cali. Saka minsan, kasama niyang mag-lunch 'yung ibang staffers. Walang malisya 'yon."
Napanguso siya sa sinabi ko. Hindi na siya nagsalita hanggang sa pumasok kami sa sasakyan. Nate eyed us through the rearview mirror. Sabay kaming napatawa nang mahuling umirap si Cali sa kaniya.
"Bakit ba ang sungit ni Miss Fernandez?" sabi ni Nate, halatang nang-aasar.
"Bakit ba ang ingay mo, Sir?" Cali responded in a mocking way, stressing the last word.
Nakatutuwa silang pakinggang magtalo kaya hinayaan ko na lang. Mas okay nga yatang hindi nila tinanong ang tungkol sa article na iyon. Nakaka-stress lang din kasing isipin kung paano kapag kumalat sa office iyon tapos nalaman nilang ako ang tinutukoy? Mahirap pa iyong lusutan kasi ako lang ang buntis sa department namin ngayon.
"You sound like we weren't college friends," natatawang sabi ni Nate.
I nodded my head in agreement. Cali gasped in disbelief dahil hindi ko siya kinampihan. Her irrational annoyance with Nate made me feel like Ryo's already taking her form.
Malapit na kami sa parking ng building namin pero hindi pa rin iyon tapos. "You sound as if we were close naman 'no!"
"What?!" nabiglang sabi ni Nate. "Ako nga ang first kiss mo e!"
Napakurap-kurap ako. Biglang natahimik sa buong sasakyan. Napasandal ako nang mas maayos at napahawak sa tiyan ko. I glanced at Cali, and she looked like she froze on her seat. Si Nate naman, deretso na ang tingin sa daan. Sa kabado niyang itsura, mukha siyang magpe-present ng proporsal sa superior niya.
"Oh, wow," I muttered, breaking the silence. Ngayon ko lang iyon nalaman! And to think na four years mahigit na rin kaming magkakakilala! Hindi naman umikot kay Ryo ang mundo ko noong college, kaya sigurado akong wala akong idea roon dahil hindi nagsabi sa akin si Cali. Sinadya niyang ilihim.
Malas na lang nila dahil sunod-sunod ang pumapasok sa parking at nakapila pa kami. Nagpabalik-balik ang mata ko sa kanilang dalawang tuluyan na yatang napipi. Hindi ko napigilan ang matawa. Cali shifted uncomfortably on her seat and kept on avoiding my stares. Oh my goodness! Ang sakit nila sa ulo!
"Tara na, Frankie." Hindi naman halatang nagmamadali si Cali. Natatawa pa rin ako sa itsura nilang dalawa. Nate looked hesitant to leave the two of us gawa ko, pero mukha ring gusto na niyang kumaripas ng takbo pabalik sa trabaho. Nagkunwari akong masakit ang likod para lalong bagalan ang lakad ko. Hanggang sa makarating sa may tapat ng department namin, hindi na nawala ang ngisi ko sa dalawa.
"Una na 'ko," paalam sa amin ni Nate.
Hindi nagsasalita si Cali kaya ako na ang sumagot, "Sige. Thank you sa lunch."
When he was out of our sight, matalim kong tiningnan si Cali. Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin na parang sinasabing huwag na akong magtanong, pero hindi ako tatablan n'on.
"And I thought I was your best friend, huh?"
She clicked her tongue and even stomped her foot. "Ang tagal na kasi n'on e! Ewan ko ba, ba't niya pa inungkat! Nakalimutan ko na nga!"
"And you didn't tell me," kunwaring nagtatampo kong sabi.
She grunted and kept on stomping her foot. Lumalagutok ang takong niya sa tiles. "Next time na, Frankie. Promise." Mukha siyang maiiyak na sa hiya kaya tumango na ako at natawa.
"Oo na nga."
Her lips twisted. Ilang segundo kaming natahimik bago siya nagsalita ulit, "Okay ka lang?"
I pursed my lips. She sounded not exactly clear on what she was talking about pero alam ko na iyon.
"Yup. We all know the truth, so it doesn't matter to me," sabi ko.
That was what I thought.
Late na nang masundo ako ng driver nina Ryo. Dahil siguro isinama ulit ni Tito si Ryo sa trabaho o baka nagpapahinga iyong isa. Ayos lang naman dahil hindi naman ako nakatayong naghihintay sa sundo.
Pero naabutan ko si Ryo sa kusina pagkauwi ko. He almost jumped when I appeared behind him without even saying anything. Naghuhugas siya ng kamay habang may nakasalang.
"Nakauwi ka na pala," aniya.
"Yup. Why are you cooking?" tanong ko bago ko siya tiningala.
His dark green shirt was already soaked in sweat, o baka tilamsik ng tubig 'yon dahil sa paghuhugas niya nang malakas ang tubig sa gripo. Lumayo ako sa may kalan dahil nasasangab ko nang bahagya ang init. I looked away when he lifted the end of his shirt, mukhang nababalisa na rin dahil sa mamasa-masa niyang damit.
"Peace offering kay Mommy. Galit na galit sa 'kin e," sagot niya.
"Your shirt's wet," puna ko. "At ang init dito. Didn't you turn on the exhaust fan?"
"Tinatamad akong magpalit. Mamaya na lang pagkaligo ko."
"Matutuyuan ka ng pawis," sabi ko bago napangibit. Kulang na lang, hawakan ko ang dila ko para patigilin ang sarili sa pagsasalita.
He raised a brow at me. "Ano? Maghuhubad ba 'ko? 'Yon ba'ng gusto mo? Sabihin mo lang."
Napanganga ako sa kaniya. I hit him with my handbag at natatawa lang niya iyong sinalag.
Bakit ba biglang ang lakas ng loob niyang magsabi ng mga ganoon?
Biglang pumasok sa isip ko ang pang-aasar niya noong nanonood kami ng movie. Natakot akong baka bigla niyang ungkatin iyon kaya nagmadali akong tumalikod at naglakad paalis.
"Hindi ka naman mabiro!" pahabol niyang sabi bago ako tuluyang makaalis. Ang kapal talaga ng mukha.
I decided to stay in my room. Kapag hindi ko siya kaharap, hindi kami makapag-uusap. Less talk, less mistake. Nagpahinga na lang ako at naligo. Tatawagin naman nila ako kapag dinner na.
I groaned when I noticed na wala nang laman ang tubigan ko. Napansin kong madalas akong mauhaw, o baka dahil na rin sa ang bilis kong mapagod kapag naglalakad kaya ganoon. Nakalimutan kong mag-refill bago umalis sa office kaya wala akong choice kundi bumaba para kumuha ng tubig. Alas-siyete na rin naman at malapit na rin sigurong umuwi sina Tita kaya ayos nang bumaba ako. I got my phone before I went downstairs.
Nang makarating sa kusina, pinuno ko agad ang tubigan ko. Naglalakad na ako papunta sa hagdan habang nagre-refresh ng emails pero napatigil ako nang makita si Ryo na gusot ang mukha at naglalakad nang padabog.
What made me stay where I was instead of heading upstairs was the sound of high heels on the floor. Hindi naka-heels si Ryo kaya hindi sa kaniya galing ang mga hakbang na gumagawa ng ganoong tunog.
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang makita ang nasa likuran niya, ang pinagmumulan ng malulutong na tunog ng takong.
The model slash host. Alleged long-term girlfriend.
In a spaghetti-strapped black dress was Talie, who also froze upon seeing me. Nilingon siya ni Ryo pero nanatili ang tingin ni Talie sa akin. Imbes na maglakad ako paakyat, paatras ang nagawa kong hakbang. Maybe it's because of the way she looked at me. Eyes widened, observing. Sa suot kong dilaw na duster, halata ang umbok ng tiyan ko. Nang bumaba ang tingin niya roon, halos itago ko ang sarili. Why is she looking at me like that?
"Go home, Talie. Bakit ka ba sumusunod?" sabi ni Ryo.
Should I just go back to the kitchen? Pakiramdam ko, hahabulin niya ako at haharangin kapag naglakad ako paakyat sa hagdan. Ano'ng gagawin niya? Is she going to confront me about my baby?
Saka teka nga, naniniwala ba siya sa article na iyon? E alam naman niyang girlfriend ako dati ni Ryo at hindi lang basta-bastang nabuntis at pananagutan. Pare-parehas naming alam na kahit kailan, hindi siya naging girlfriend ni Ryo.
"Frankie," Talie spoke my name. Ramdam ko na agad ang inis niya sa akin. Na para saan ba? Wala naman akong kasalanan sa kaniya?
"'Wag mo siyang kausapin. Umuwi ka o mapipilitan talaga akong kaladkarin ka palabas," banta ni Ryo na nagpalaki ng mga mata ko. Talie quickly shifted her gaze at him with disbelief.
Sinamantala ko ang sandaling iyon at mabilis na naglakad. But instead of going upstairs, I walked past her. The first thing I thought was to get out of there. Bago pa man ako makalabas ay naharang na agad ako ng parang batong katawan ni Ryo. His hand felt warm on my arm.
"Sa'n ka pupunta?" malumanay niyang tanong. His hawk-like eyes scanned my whole face.
I immediately came up with an excuse, "I have plans tonight. Hindi ko nasabi sa 'yo."
"Sino'ng kasama mo? 'Yan lang ang suot at dala mo? Tumbler at phone?"
"Yes," I said firmly. Napalunok siya roon at halata kong hindi naniniwala, but my conviction always gets him. Nang marinig ko ang tunog ng heels, naalerto agad ako. I don't want Ryo to make her leave just because I was watching. Kung ganoon, ako na lang muna ang aalis. Sa isang banda, ayaw ko rin naman siyang makita.
She's reeking off negative vibes, and it's not good for me to deal with her. Not right now, at least. Malapit na ang due date ko.
"Nate's outside. He's waiting," pagsisinungaling ko.
Ryo looked like he didn't want to move away.
I did my best to put up a straight face and looked him in the eye. "Tumabi ka."
His expression wavered at what I did. Kumukurap-kurap siyang tumabi at nagmamadali akong umalis. I dialed Nate's number as I finally got out of the house.
* * *
"Lamay ang aabutin ko, Frankie," sabi ni Nate habang nagmamaneho.
I stretched my legs in the backseat. Nangalay rin ako sa kalalakad. Mabuti na lang, mabilis na sumagot si Nate sa tawag ko kanina kaya nakapagpasundo ako agad. Baka kasi maabutan pa ako ni Ryo sa labas ng subdivision kung sakali mang maisipan niyang lumabas. Bukod pa roon, wala akong dalang pera kaya hindi ako makapara ng sasakyan.
"Hindi 'yan," I assured him.
We're on our way to Cali's dahil sabi ko, doon niya muna ako ibaba. Bahala na bukas kung paano ako uuwi. Baka magpasundo na lang muna ulit ako kay Nate para iuwi ako kina Ryo.
My feelings took a complete turn upon seeing Talie. Kung kanina, natatawa lang ako roon sa blind item na iyon; ngayon, hindi ko maiwasang mag-alala. The article did say that the 'long-term girlfriend' was greatly affected. Kung hindi man sinabi ni Ryo kay Talie ang tungkol sa amin, dahil hindi rin naman siya obligado; ngayon, alam na nito.
For some reason, hindi ako mapakali. Nababagabag ako na alam na ni Talie. Feeling ko, may masamang mangyayari. Hindi ko rin alam pero basta na lang talagang pumasok sa isip ko ang tumakbo.
Sino ba naman ako kumpara kay Talie? Kahit na alam naman niyang mula pa noong una, ako ang girlfriend ni Ryo, hindi naman iyon ang sinasabi ng media. At kung talaga ngang may something sa kanila ni Ryo, kahit saglit lang, at kahit hindi nga sila, magagamit niya iyon laban sa akin. Mahirap na dahil manganganak na ako. Gusto kong tahimik ang buhay namin. Saka ayaw ko ng spotlight noon pa man.
Cali was already waiting for me outside her aunt's house. T-in-ext ko na siya kanina na roon muna ako sa kanila.
"Kaya mo ba? Hindi na ako magpapakita kay Cali," sabi ni Nate.
Umayos ako sa pagkakaupo at tumango. I got out of his car and gave him a wave before heading towards Cali. Nakapamaywang ito sa akin pero pinatuloy pa rin ako sa loob ng bahay ng tita nito.
"Wala pa si Tita e, pero may pagkain naman dito. Kumain ka na ba?" tanong ni Cali.
I shook my head at naghain siya para sa aming dalawa. Simple lang ang laman ng text ko sa kaniya. Sabi ko lang, nandoon si Talie, at alam na niya agad na pupunta ako sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa ng bruhang 'yon do'n sa inyo?" tanong niya habang kumakain kami.
I shrugged. Ngayon ko lang ulit nakita nang personal si Talie. I paused from eating when I pictured her in my head. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa bestidang suot. Parang biglang nawalan ng lasa ang kinakain ko. Mukha yata akong basahan kanina kung ikukumpara sa kaniya.
"Kung ako sa 'yo, hindi ako aalis! Tatawagan ko agad si Tita tapos panonoorin kong siya ang kumaladkad sa bruha palabas ng bahay. I-vi-video ko pa 'yon. Baka mag-viral din, sayang!" may gigil na sabi nitong isa.
I looked at my phone on the table, Ryo's name kept popping on the screen. Nagliligpit si Cali ng kinainan namin at kanina pa nga humihikab. Hindi pa naman sobrang late pero napagod siguro sa office kanina kaya ganiyan. I told her that I could wash the dishes dahil iilan lang naman iyon, pero halos itali niya ako sa upuan para hindi na makialam sa kaniya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong niya habang nagpupunas ng kamay sa basahan.
I freed my lower lip na kanina ko pa kagat-kagat habang nagtitimping hindi sagutin ang mga tawag ni Ryo. "Can I stay here for the night?"
Nalaglag ang panga niya roon. Tatanggi siya, alam ko.
"Please?" pahabol ko.
Napahilot siya sa ulo niya at ilang sandali rin akong tinitigan, na parang hinihintay na bawiin ko ang sinabi ko. Pero sa huli, tumango lang din siya.
Na-guilty pa ako na nag-set up si Cali ng folding bed sa kuwartong tinutulugan niya. She let me take her bed at mukhang maaga nga siyang matutulog. Hindi ko nga alam kung makatutulog ba ako dahil panay ang pag-ilaw ng phone ko. Her aunt arrived earlier at hindi naman nagtanong kung ano'ng ginagawa ko rito.
Around half past nine, I could already hear Cali lightly snoring. I tried to sleep, too. Itinaob ko muna ang phone ko. Nagigising ang diwa ko tuwing iilaw iyon dahil tumatawag si Ryo.
After twenty minutes, wala akong napala. Gising na gising pa rin ang diwa ko. I clicked my tongue and reached for my phone, but the missed calls stopped around half an hour ago. Hinintay ko ulit na tumawag siya pero five minutes na at wala pa rin. Did he sleep already?
Halos mabitiwan ko ang phone ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Dahil hindi naman magising si Cali, ako na ang tumayo at nagbukas n'on. Tita ni Cali.
"May naghahanap sa inyo sa labas," aniya na siyang ikinakaba ko.
Tumango lang ako at sinabing lalabas na ako dahil nakahihiyang naabala ko pa yata ang tulog niya. I shut the door and quickly went to Cali, trying to wake her up.
"Ano ba 'yon?" iritable niyang sabi, pupungas-pungas pa.
"Someone's outside," I told her.
Tumaas ang isang kilay niya bago bumangon. She stretched her neck before grabbing her bath towel and putting it over her chest. I picked up my phone and my tumbler before closing the door. Sinundan ko lang siya pero nanatiling ilang hakbang ang layo sa kaniya. I already have a feeling who it was so I texted Nate to ask.
Napairap na lang ako nang makita ang reply niyang "Sorry, Frankie. Pinuntahan ako rito sa bahay e. Natakot ako."
Agad akong pumuwesto sa may likuran ng pinto. Napaangat ang kilay ni Cali sa akin dahil doon pero sinenyasan kong manahimik. Her brows furrowed at me before she opened the door.
"Si Frankie?" boses iyon ni Ryo—bungad na bungad.
Cali's lips twisted. She sighed. "Maniniwala ka ba 'pag sinabi kong wala rito?"
"No," mabilis na sagot ni Ryo.
"E bakit nagtanong ka pa?"
"Nasa'n nga si Frankie?"
"E di, nandito," Cali answered which made my eyes widen. "Hindi ka naman maniniwala kapag humindi ako e."
Ryo sighed. Kung hindi lang dahil sa tita ni Cali, pupusta akong baka pumasok na siya. Hindi rin siguro siya makaubra dahil iba ang sungit ni Cali ngayon.
"Frankie, uwi na tayo," sabi ni Ryo. Kumunot ang noo ko roon. Alam niya bang nandito ako sa likuran ng pinto?
"Frankie, uwi na raw kayo," ulit ni Cali na hindi ko alam kung nang-aasar ba o sadyang masama ang mood dahil nasira ko ang malalim nang tulog niya.
Ilang minuto kaming tahimik lang. Cali looked like she was about to sleep while standing. Napatayo ako nang maayos nang bigla siyang sumigaw.
"Hay, naku! Ito kasi, nasa likod ng pinto! Kanina ko pa sinesenyas e! Ang tanga mo minsan, Ryo!" pagalit niyang sabi.
Halos ibaon ko na ang sarili ko sa may sulok nang biglang dumungaw si Ryo. I glared at Cali, and she just stomped her foot and grunted in frustration.
"'Te, inaantok na kasi talaga ako. Bilisan n'yo nang dalawa."
"Uwi na tayo, Frankie," bulong ulit ni Ryo.
Dahil na-realize kong nakaaabala na talaga kina Cali at sa tita niya, umalis na ako sa likuran ng pinto. Cali pouted at me, and I rolled my eyes at her. Umiwas ako sa hawak ni Ryo at nauna sa sasakyan niya. I heard her thanking Cali before walking towards his car.
Hindi ko siya inimik sa buong biyahe. I could feel him glancing at me, pero hindi ko na lang pinansin. Kahit na nakasunod siya sa akin hanggang sa makapasok sa bahay, hindi ko pinansin. Kumunot ang noo ko nang makitang may nakalatag na manipis na kumot sa sahig ng kuwarto ko at may dalawa pang unan. I was about to protest when Ryo went there at humiga na lang nang basta-basta.
"What's this? Dito ka matutulog?" I asked, confused and horrified.
Tumango lang siya. He got his keys from his pocket and lazily threw it somewhere above him. Napunta iyon sa may paanan ng bedside table. Is he that tired? Sa bagay, he drove from here to Nate's house, tapos umikot ulit papunta kina Cali at pauwi.
Mukhang antok na antok na siya kaya kahit nawi-weirdo-han ako, pumunta na lang din ako sa kama.
And suddenly, I realized that my bed was too big for me. Marami pa namang space.
Sinilip ko siya sa puwesto niya. Patagilid siyang nakahiga at nakatalikod sa akin. Tulog na kaya 'to? Agad-agad? Palalayasin ko pa sana.
Inangat ko ang sarili para umupo at kinuha ang tubigan ko. Isang lagok ko lang n'on, ubos na agad ang natitirang laman. And I was too tired to go downstairs and get myself some water.
Nilingon ko si Ryo. Hindi pa naman siguro malalim ang tulog niya 'di ba?
"Ryo . . . " tawag ko sa kaniya. He hummed in response, halos agad-agad. "'Kuha mo 'kong tubig." Pumaling siya sa akin bago umupo, kunot ang noo.
"Bakit?"
"Nauuhaw ako," sabi ko, at iniabot sa kaniya ang tubigan ko. Kunot pa rin ang noo niya at nagdududa ang matang nakatingin sa akin.
"Baka naman pagbalik ko rito naka-lock na 'yang pinto mo, tapos 'di mo na 'ko papapasukin. Style mo rin e, bulok," aniya, at ibinalik iyon sa maliit na mesa.
"Nauuhaw nga ako!" sabi ko. Dinampot ko ang tubigan ko at inabot ulit sa kaniya.
Tumayo na siya pero naghihinala pa rin ang tingin sa akin, nakasimangot. Sumimangot din ako, at lalo lang nagusot ang mukha niya.
"Please?" I said in the sweetest voice I could possibly make dahil nauuhaw naman talaga ako!
"Tss, akin na nga," masungit niyang sabi at hinablot sa akin ang tumbler.
He gave me a warning stare before going out. Pakiramdam ko, tinakbo niya, o baka nga tinalon pa niya ang hagdan sa pagmamadali dahil ang bilis niyang nakabalik. He handed me my tumbler at ininuman ko agad iyon. Nang lingunin ko siya, parang saka lang siya nakumbinsing nauuhaw nga ako pagkatapos kong uminom. Parang sira talaga.
I watched him as he lay back on the floor, on the 'bed' he made for himself.
"Bakit ba dito ka matutulog?"
"Baka layasan mo 'ko ulit," pabulong niyang sagot, pero dahil sobrang tahimik, malinaw ko iyong narinig.
Humiga na siya at kita kong kapos ang kumot na hinihigaan niya para sa buong katawan niya. Wala nga siyang kumot na pantaklob sa katawan.
"Malamig diyan," sabi ko.
Sa nipis ng kumot na iyon, sigurado akong ramdam niya ang lamig ng sahig. Mananakit ang katawan niya kinabukasan dahil hindi rin naman siya sanay matulog sa matigas na higaan.
"Okay lang."
I settled on my side of the bed and watched his back. Hindi pa siya nakakumot. Ako ngang naka-comforter na, nilalamig na rin kahit paano.
"Ryo," tawag ko sa kaniya. Hindi na siya sumagot.
Lumabi ako roon. Hindi pa naman siya tulog, sigurado ako. Ayaw niya lang bang mautusan ulit?
"Dito ka na sa kama," halos bulong kong sabi.
Kung kanina, para siyang bangkay na hindi gumagalaw at sumasagot; ngayon naman, mabilis pa sa alas-kuwatro siyang napapaling sa akin.
"What?" parang hindi makapaniwala niyang sabi.
Tumikhim ako. "Malamig diyan, dito ka na," sabi ko bago umusod.
Natagalan pa bago siya tumayo. Akala ko nga, hindi niya tatanggapin ang offer ko. Pero inilapag niya rin ang dalawa niyang unan sa tabi ng unan ko. Hindi rin siguro kayang magtiis sa sahig na halos walang latag.
Sa kabilang banda ako pumaling dahil patagilid siyang humiga at ayaw ko siyang makaharap. Nga lang, hindi ako komportable sa ganoong pagkakahiga. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago pumaling paharap sa kaniya. I was expecting to see him peacefully asleep, pero nabigla ako nang magtama ang mga mata namin.
"Bakit hindi ka pa tulog?" mahina niyang tanong. Halata ko na ang antok sa mga mata niyang namumungay.
His brows slightly furrowed, probably on my lack of response and awkward stare, before lifting his head and getting one of his pillows.
"Sige, lalagyan ko ng harang—"
"'Wag na," I blurted.
Nahuli ko ang pagkagulat niya dahil sa sinabi ko. He cleared his throat before he hesitantly put his pillow on the back of his head.
Hindi ko alam kung bakit wala sa amin ang pumipikit. We held gazes, but it didn't feel awkward. I felt like I wanted to tell him something, but I couldn't figure out what words to say—no, what exactly it was that I wanted to say.
At ayan na naman ang tingin niyang parang may sasabihin siya pero hindi naman siya nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung may hihintayin ba ako o wala.
"Frankie," he said in a hushed voice.
I had both of my brows rise. Ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya.
"What?" I didn't know what I was waiting to hear, but I was sure that I was anticipating something.
He pursed his lips, and I watched him move his Adam's apple as he gulped. Sa huli, tipid niya lang akong nginitian bago pumikit. Hinintay kong magmulat ulit siya at sabihin ang sasabihin niya, pero hindi iyon dumating.
In the end, my drowsiness consumed me, so I closed my eyes. Bahagya akong nagising nang marinig siyang may binubulong, pero masyadong tulog ang isip ko para maintindihan ang kabuoan n'on. Iisang salita lang ang naging malinaw: "Habambuhay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top