Chapter 12: Movie

#HHFM Chapter 12:

Movie

* * *

"Frankie, shall we set up the free room for your baby?"

Napaangat ang tingin ko mula sa keyboard papunta kay Tita na nasa upuan sa tapat ko. Her eyes were focused on the DSLR camera that she was holding. Hindi ako nakasagot agad sa tanong kaya lumipat din sa akin ang tingin niya. She raised both of her eyebrows at me, and I averted my gaze towards her.

"Kayo po'ng bahala," sagot ko.

Earlier this morning, she invited me to join her outside. Nahiya akong tumanggi. Kaya heto kami ngayon sa garden nila with my laptop and her teacup on the round white table. Hindi na nawala-wala sa akin ang pagka-intimidate sa kaniya, kahit na mabait naman siyang makipag-usap sa akin.

Kahapon din, naririnig ko ang pangungulit niya kay Ryo kung babae o lalaki ba ang anak namin. Just a few more weeks and everyone will welcome him to the world yet his grandparents, lalo na ang mga magulang ko, wala pa ring kaalam-alam tungkol sa kaniya. If Tita would ask me now, hindi ko alam kung masasagot ko. Ewan ko rin ba kay Ryo kung bakit ayaw sabihin, baka gusto lang inisin ang Mommy niya.

"But I think it's better if you would put the crib in your room, pero parang mas malaki ang room ni Ryo e," she added.

I pursed my lips and prayed that she would stop talking. I seriously have no idea on how I should respond. Naiintindihan ko naman na nagpaplano lang naman siya at concerned bilang lola, but I think she's forgetting the most important part here, na ex ako ni Ryo at nakikitira lang ako sa kanila. Maybe she already got used to my presence, but it's not like I would be staying here forever.

I already asked Cali to look for apartments na mas safe at mas maayos para sa bata. After my delivery, I would just wait for a month or so before going home, dahil kailangan ko ring sabihin kina Tatay. Then I would need to go back here for work. Ang pinakamalaking problema ko ay kung sino'ng mag-aalaga kay Raiko. Hindi naman puwedeng si Cali dahil halos parehas naman kami ng schedule sa office. Sunod, kung papayag ba ang mga magulang kong dalhin ko si Raiko rito, feeling ko kasi ay mas gugustuhin nilang sila ang kasama ng apo nila.

Isa pang problema, sigurado akong hindi papayag sina Nanay na hindi makakausap si Ryo at sina Tita. I just hope that my parents would know how to calm down. Nakahihiya kina Tita kung sakali mang bigla na lang magwala si Tatay.

Tita Rayi was probably bringing it up because she saw the stuff that Ryo and I bought last Valentine's Day, a.k.a. the most awkward mall experience of my life. I tried so hard to act and sound normal pero kinalaunan, para akong binuhusan ng isang balde ng hiya. Lalo na't hindi nakikisama si Ryo at parang kinamatisan sa sobrang pula ng mukha niya habang nagtitingin-tingin kami ng gamit. All we did was shop for Raiko's needs, with minimal talking, tapos, umuwi na kami. Hindi rin naman option na magtagal kami sa labas nang magkasama, with his celebrity status and all that.

Hindi pa namin naaalwas ang mga shopping bag. Ryo just set up the crib in my room. Ang ibang gamit, nasa kuwarto pa niya at hindi ako sigurado kung binuksan na niya.

"Frankie," tawag sa akin ni Tita.

"Po?"

"Alam na ba ng parents mo?" she asked, putting her camera on the table before sipping on her drink.

Bahagya akong natigilan doon para mag-isip kung magsisinungaling ba ako o hindi. In the end, I felt bad at the thought of lying to her, so I shook my head.

"Uuwi na lang po ako pagkatapos kong manganak," I told her. Bahagya akong kinabahan nang makitang napasimangot siya.

"What about your baby, then? You're still going to work after your maternity leave, right?"

"Opo."

Hindi ko pa alam kung sino'ng pagbabantayin sa bata kapag may trabaho ako. Ayaw ko namang dalhin si Nanay rito dahil ang ayos-ayos na ng lagay nila roon sa amin. Ayaw ko rin namang maiwan si Tatay na mag-isa. If I were to leave Raiko here, parang nakahihiya naman na kukunin ko lagi ang bata. At saka paano ba namin paghahatian ni Ryo ang mga araw? Hindi naman papayag ang mga magulang ko na hindi ko iuuwi sa kanila ang bata kahit paminsan-minsan.

"Hindi pa ba kayo okay ni Ryo?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Nilingon ko siya at napansin ko agad ang pang-iintriga sa mga mata niya. Agad na nabura iyon nang umiwas siya ng tingin at nagkunwaring walang pakialam.

"Hindi naman po kami magkaaway," safe kong sagot. Hindi ako sigurado kung anong 'okay' ba ang tinutukoy niya. Ryo and I are fine, though recently, we've been awkward around each other. Hindi naman kami mag-aaway kung hindi kami mag-uusap, 'di ba?

"No, I thought . . ." she trailed. Inabangan ko ang idurugtong niya ngunit hindi na iyon dumating.

She clicked her tongue and sighed, frustrated somehow. Nakatingin lang siya sa langit at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

Based on my observations, I feel like she doesn't like Talie. Maybe that's an understatement, but I don't want to use the word hate. Hindi naman niya binabanggit sa akin at hindi naman namin ugaling magtsismisan. But every time she would see Talie on screen, I would catch her rolling her eyes, or changing the station, or both.

Ang February issue nga n'ong isang women's magazine, si Talie ang nasa cover, and I don't know who Tita was talking to over the phone while holding a copy of it, pero puro lait ang narinig ko. I searched the house for that magazine copy, and I found it with one of their househelps. Noong tinanong ko kung saan iyon dadalhin, ang sabi niya, sa basurahan. I asked her why, at ang sabi, utos ng Madame.

Is it wrong to feel somewhat happy upon pondering on my observations? Does it make me a bad person that I find Tita's attitude towards Talie funny?

Wala namang ginawa sa akin si Talie e. And whatever she had to do with Ryo, labas na ako roon, whether those were all just rumors or the truth. They're both single and adults, alam na nila ang ginagawa nila sa buhay nila.

I was still waiting for her to finish what she was about to say, so when her gaze came back to me, nahuli niya akong nakatingin.

"Hindi ba talaga?" she asked, furrowing her brows.

"Hindi po talaga ano?" I asked back, although I might have an idea what she was talking about.

"Hindi ba talaga. . . ." She frowned, then shook her head. "Nothing."

Agad kong kinagat ang ibabang labi para pigilan ang mapangiti. What she did just reminded me of Ryo. Tamang halo talaga si Ryo ng kapal ng mukha ng tatay niya at ugaling pag-suppress ng feelings gaya ng nanay niya.

She didn't say anything else so I continued on exchanging emails with Nate. It's solely about work. One member from the creative team just resigned and right now, it's difficult for the group to come up with concepts. Feeling ko nga rin e nagpaparinig siya kung kailan ako magli-leave, dahil mababawasan na naman sila kung sakali.

Narinig kong tinawag ulit ako ni Tita pero hindi ako napalingon dahil may pinababasa sa akin. Naagaw lang niya ang atensiyon ko nang biglang may liwanag na tumama sa mukha ko mula sa flash ng camera. I heard her laugh a little.

"Come on, give me a smile," Tita instructed, while I was busy rubbing my eyes. At nang lingunin ko siya ay nakatutok na sa akin ang lente ng camera. Agad akong napaayos ng upo.

Other than being a well-known personality in the magazine industry, I knew her as a photographer. She's probably just playing around, but I couldn't help not to feel stiff. Back in her younger years, magkano ba ang ibinabayad sa kaniya para sa isang shoot? Tapos ako, heto, libre lang.

"Ngiti ka, dali," utos niya, at sumilip sa akin dahil para akong kukuhanan ng mugshot dahil hindi ko maigalaw ang mga muscle sa mukha ko. "We should have done a maternity shoot."

Hindi ko yata kakayanin iyon. I forced a smile at sinilip niya ulit ako. She reached for my laptop and closed it, kaya naman mas lalo lang akong naging awkward dahil wala akong mapagkaabalahan.

"Come on, Frankie. Gagaya ka pa ba kay Ryo na ayaw magpa-picture sa 'kin?"

I took a deep breath and tried to give her a more genuine smile. Mukha namang satisfied na siya roon. I don't know how many pictures she'll take pero sinubukan kong hindi mangalay kangingiti. Ilang saglit lang ay ibinaba na niya iyon at mukhang tinitingnan ang shots.

"Pa'no kayo sa family photo n'yo ni Ryo niyan? Parehas yata kayong takot sa camera 'pag ako ang may hawak," sabi niya habang may pinipindot sa camera, probably still looking at the photos.

"Tita, we'd broken up," I reminded her because I felt the need to do so.

Kahapon niya pa pinoproblema ang crib at kung saan ilalagay. Hindi ako puwedeng malayo sa bata kaya hindi iyon puwede sa kuwarto ni Ryo, so I almost choked while drinking my water when she suggested that I should sleep in Ryo's room. Hindi naman halata sa mukha niya na may edad na siya, but of course, I know she's already old, so there's a chance that she might be forgetting things—kasama na rin ang breakup namin ng anak niya.

"Oh." Napatigil siya sa ginagawa. Nilingon niya ako at ilang beses na kumurap. "So, no family pictures of the three of you?"

I smiled shyly and shook my head. "Wala po, kayo na lang po."

She frowned and raised a brow. Nagtagal ang tingin niya sa akin. She was shaking her head when she shifted her gaze back to the camera.

"Whatever, I make the rules here, hija," she said nonchalantly at agad akong kinabahan doon.

* * *

Madalas pa ring wala si Ryo sa bahay tuwing nandito si Tita. Tito kept on bringing him to work dahil sabi niya, sayang naman daw ang pinag-aralan ni Ryo kung hindi gagamitin. But for today, he went home around lunchtime at sabay kaming kumain dahil umalis si Tita kanina.

Gaya ng dati, ganoon pa rin, walang imikan. Noong una, ako lagi ang nag-i-initiate ng small talk kaya kahit paano, may nangyayaring usapan, kahit na most of the time, wala siya sa huwisyo. Hanggang ngayon nga, hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang ikinahihiya niya. Ang ikinahihiya ko naman ay iyong niyaya ko siyang lumabas at talagang sa Valentine's pa, kaya nagmukhang date talaga kahit na namili lang naman kami ng gamit.

Kanina ko pa nilalaro ang maliliit na teddy bear na binili namin. The crib's still empty, at in-attach ko lang itong mga maliliit na teddy bear na de-sabit. I'm sure Tatay could make a better crib, pero para dito kina Ryo, okay na rin itong nabili namin.

There was a sudden surge of joy and excitement in me as I imagined my baby sleeping peacefully here. I've been reading a lot of books and watching shows about new moms during my free time, at kahit na may kaba, nangingibabaw pa rin ang tuwa. I'm sure as hell that it would be a lot stressful than my work deadlines, pero gusto ko na talagang mahawakan ang anak namin. I can't exactly say that I'm fond of kids, but this is our child I'm talking about. Dati, alam kong mas gusto kong babae ang anak namin, pero ngayong nandito na si Raiko, wala na akong pakialam doon.

Naalala ko bigla ang mga pinamili namin ni Ryo. We also shopped for baby clothes, though sabi ni Ryo, naghihintay siya ng tiyempo na maghanap kung may natira ba sa mga damit niya noong baby pa siya—na ipinamigay na yata—dahil gusto niyang ipasuot kay Raiko. He couldn't ask Tita dahil mabubuko na lalaki ang baby namin.

I tied my hair up before stepping out of my room. Sana lang ngayong kakatukin ko si Ryo, hindi siya nakatapis lang at kalalabas lang ng banyo. God knows what I looked up on the Internet just to erase his mental images in my head. Pakiramdam ko nga, kung bata-bata lang ang mga kasambahay nila, panigurado'y mga naglalaway na kay Ryo at lagi na lang siyang kakatukin sa kuwarto niya kung ganoong view ba naman ang bubungad.

I knocked twice, but I heard no response. Kumatok ulit ako at ganoon pa rin. I hesitantly twisted the doorknob and was surprised that it wasn't locked. Still, I didn't open the door because it's his room. Tinawag ko ang pangalan niya pero walang sumasagot, so I figured that he's not inside, o baka nasa banyo at hindi ako naririnig.

I didn't want to go downstairs. Mabilis na mangalay ang mga binti ko kaya naman naglakad-lakad na lang ako sa second floor. There's a wide window at the end of the hall where I could see the garden, so I walked my way there to check if he's outside. Walang bakas ni Ryo akong nakita sa ibaba.

I kept on pacing back and forth from my room to Ryo's with one hand around my tummy. Patigil-tigil lang ako kapag nararamdaman ang ngalay. I waited for Ryo and also for any signs of fetal movement. Lagi na lang kasing hindi naaabutan ng palad ko ang pagsipa ni Raiko, but I could feel it on my tummy. I wanted to feel it from the outside, so I made it a habit to place my hands on my belly, making sure I wouldn't miss the next time he kicks.

Naningkit ang mga mata ko sa siwang ng kuwarto nina Tita nang mapansing bukas iyon at may tao sa loob. Ipinikit ko ang isang mata ko at lumapit para makita iyon nang mas malinaw. I was sure that Tito and Tita were both off to work.

Nang makilala ang likuran ni Ryo, tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Kasabay ng pagtawag ko sa kaniya ang malakas at malutong niyang pagmumura. My eyes drifted to the camera he's holding.

"Frankie!" gulat na gulat na sigaw ni Ryo. Nagmamadali niyang inayos ang DSLR at ibinalik sa camera bag. "Kung nabagsak ko 'to, patay ako kay Mommy!"

"What are you doing here? I was looking for you."

Kumunot ang noo ko nang halos magkandarapa siya sa pagtakbo papunta sa dulo ng kuwarto at ilagay ang camera sa cabinet. Ano ba'ng ginagawa niya roon at bakit parang tinatago niya pa sa akin?

Pinagpag niya ang kamay sa shorts na suot pagkatapos. Humakbang na ako palabas ng kuwarto dahil lumabas na rin siya at isinara ang pinto. I raised a brow at him dahil mukha siyang nahuli na may ginawang krimen dahil sa itsura niya. Napangiwi ako nang tingnan niya ako nang masama. Wala naman akong ginagawa sa kaniya.

"Bakit? Gutom ka na naman?" tanong niya.

Nagpanting yata ang tainga ko nang marinig iyon. Pakiramdam ko tuloy, tingin niya e wala akong ibang ginagawa sa buong maghapon kundi kumain nang kumain!

"I was thinking na ayusin na natin 'yung pinamili natin," I said through gritted teeth, nagpipigil dahil ayaw kong ma-stress. Kapag naman talaga si Ryo ang kasama mo, matututo kang magpahaba ng pasensiya. Dahil kung hindi, maaga ka talagang tatanda sa kakulitan niya.

"Ba't ka nakahawak sa tiyan mo? May masakit ba?" kunot-noo niyang tanong habang naglalakad kami papunta sa kuwarto niya.

"No, but I wanna feel Raiko's movement," I answered. Mabilis na pumihit ang ulo niya paharap sa akin nang marinig iyon. His eyes widened as if I told him a government secret. "He's been moving a lot lately," I added and his lips parted.

His eyes kept on blinking at me, but he didn't say a word. Lihim akong napangiti sa reaksiyon niya. Hindi niya pa nga nararamdaman, ganiyan na siya kung maka-react. Paano na lang kapag siya mismo ang nakaramdam? Baka pumalahaw na siya sa sahig.

I sat on his bed the moment we got in. Just like I thought, the shopping bags were still untouched, sitting on one corner of his room. He pulled them over to my direction and sat beside me as he removed the tapes and strings.

"Palalabhan ko na 'yan. Bilinan ko na lang silang itago kay Mommy," aniya. He handed me one of the paper bags, and I pulled out the packs of layettes. The other shopping bag contained diapers and other baby essentials.

Ryo picked up one of the receiving blankets with a hood, then he went out. My brows furrowed because of it. I mean, saan niya iyon dadalhin? Ano'ng gagawin niya roon? Iiyakan niya ba iyon kaya siya lumabas?

Imbes na pag-isipan pa iyon, I took that opportunity to look for receipts while he's out. I emptied all the shopping bags and looked through everything pero wala nang mga tag at resibo. Kahit yata hindi niya pa ginagalaw ang mga laman, nag-effort na siyang tanggalin ang mga nakadikit doon. Tanda ko naman ang presyo ng iba pero hindi ako makakapag-compute dahil mas marami ang hindi ko na maalala. Ugali na talaga ni Ryo na pagtaguan ako ng resibo.

He told me before that he doesn't like it when I worry about money and paying back. Sabi ko sa kaniya, babayaran ko ang kalahati, total, ako pa rin naman ang nanay ng bata. It's only fair that we split up the expenses, dahil sobra-sobra na nga itong sa kanila ako nakatira. Hatid-sundo at pakainin pa. Noong Valentine's, naitanong ko rin sa kaniya kung bakit sobra ang ipinadalang pera sa bahay pero ayaw niya akong sagutin.

When Ryo came back, he was holding a small teddy bear. It looked familiar and I felt like I saw it in Raianne's room.

Bakit niya iyon kinuha? Paniguradong mag-aaway sila mamaya kapag nalaman ni Raianne na pinakialaman ng kuya niya ang mga gamit niya.

Hindi ko na lang siya pinansin sa kung anumang trip niya. Naging abala na lang ako sa pag-aayos ng damit ni Raiko. When I saw him from the side of my eye, dressing up the teddy bear with the yellow blanket we bought, he caught my attention. Pinanood ko siyang bihisan iyon at sinuotan niya pa ng hood. He then stood up and carried that bear like it's a newborn baby. Hinele-hele niya pa iyon na parang pinatutulog.

My heart overflowed with happiness upon seeing him like that. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin, kung mapapangiti ba at tatawa o maluluha. My emotions and hormones were all over the place, so I decided to avert my gaze and go back to folding clothes, but my eyes kept on coming back to him. I wanted to scold him or something, dahil imbes na tulungan niya akong mag-ayos, naglalaro lang siya. But he looked so happy that I didn't want to ruin it.

And I liked seeing Ryo happy.

Laruan pa lang ang hawak niya. Paano pa kaya kapag buhat na niya si Raiko? Kinukunan siya ng larawan ng mga mata ko, at palagi na siyang nakapaskil sa isip ko.

Umurong ang mababaw kong luha nang bigla siyang umikot, pinalusot ang teddy bear sa pagitan ng kaniyang mga binti, at biglang sh-in-oot na parang bola kaya bumagsak iyon sa kama. I ended up bursting into laughter. I caught one side of his lips rising playfully.

My chuckles faded when he looked at me. I involuntarily held my breath as his tender stare got glued on my face. Parang nakahinga lang ako nang maluwag nang umiwas siya para damputin ang teddy bear. I shook my head and continued folding the clothes, including Tito's and Raianne's late Christmas gifts.

That was awkward. Bawal ba akong tumawa nang ganoon kapag kami lang dalawa? If there were official guidelines for couples who broke up, I'm sure ang dami na naming violations.

"Nga pala, alam na ba ng parents mo?" he asked before sitting beside me. He maintained his distance. Inalis na niya ang blanket sa teddy bear at iniabot sa akin.

Umiling ako. "No . . . Kinakabahan nga ako e."

"Matatanggap nila si Raiko. After all, apo pa rin naman nila ang baby natin," he assured me. He picked up the stack of clothes I neatly folded and placed it back in the paper bag.

"I wasn't worrying about that," I whispered, dahil sure akong magugulat man sila at mapagagalitan siguro ako, mabubura iyon agad kapag nakita na nila si Raiko. "I am more worried about your family meeting mine." Sa lahat ng version ng pag-i-imagine ko noon, magulo lahat.

I glanced at Ryo. His lips were now pursed on a tight, straight line. I know that look too well. Lagi naman siyang kabado at takot tuwing mababanggit ko si Tatay mula noong nagkita sila. For sure, nagmarka sa utak niya iyong may bitbit siyang ilang kilo ng kahoy at nilakad niya lang.

"Bakit? Mahaba naman pasensiya ko sa tatay mo. Saka gets ko naman kung bakit siya gano'n sa 'yo. Gano'n din naman ako kahigpit kay Raianne e."

"This is a different story, Ryo. You got me pregnant, we're having a child, and we're not even together anymore. Alam mo namang masyadong conservative ang isip ng mga tao ro'n," paliwanag ko. It's not like they're going to disown me, pero ramdam kong lalala ang disgusto ni Tatay kay Ryo. Ang hirap pa namang paliwanagan n'on.

"Hindi ko naman kayo tatakbuhan, a," bubulong-bulong niyang sabi. I felt quite terrible that my father views him in a bad light, gayong kita ko naman ang efforts ni Ryo.

"Yeah, but we're not married," sabi ko. Natahimik kami roon at tumikhim ako. Awkward bang binanggit ko iyon? "And you know my family, lalo na si Tatay."

He chuckled, but I didn't pick up any humor from that. "A, ayaw nga pala nila sa 'kin."

My heart felt heavy upon hearing that. I know that he loves his family, pero alam ko rin ang hirap na dinadala niya dahil lang sa pamilya niya, at kung gaano siya nagpupursiging patunayan ang sarili niya.

Initially, my father was very doubtful of Ryo's intentions for me because he came from a rich family. Lalo na sa amin na laganap ang kuwento—tsismis man o totoo—ng mga may napapangasawang mayaman pero iniiwan din naman pagkatapos makuha ang gusto. Iyon ang dahilan kaya sobrang praning ni Tatay kapag tungkol na kay Ryo ang usapan.

"It doesn't matter, Ryo. That wouldn't change the fact that you're Raiko's father." I didn't know what to say to make him feel better. Hindi naman na niya kailangang i-please ang mga magulang ko dahil hindi naman na kami. It's not healthy for him to always be bothered by my parents' comments. Ang mahalaga, maging mabuti siyang tatay kay Raiko. That's all I ask from him.

Natawa lang ulit siya roon. He helped me with sorting Raiko's things, pero hindi na ulit bumalik ang masaya niyang mood kanina. I didn't want to leave him looking like that pero parang may mali naman kung magtitigil ako sa kuwarto niya nang wala naman na akong pakay, so I left.

When Nate called me, asking if I wanted to have dinner with him and our college schoolmates who will get married next week, I had to decline. Gulat pa ako roon sa ikakasal na agad. Parang biglang ang dami ng ikinakasal sa paligid ko. Even the cover for our March issue are young stars who got married early.

"A, lagi kong nakalilimutan na malapit na due mo," Nate said with a chuckle. "Inasikaso mo na ba 'yung leave mo?"

"Yup, Cali's helping me with that." I paused. "Do you still need anything?"

"Busy ka ba?"

"No," I answered and regretted it immediately.

Should I have said yes, para may rason na tapusin ang tawag? It's not like I don't like Nate, but sabi nga ni Cali sa akin, I might lead him on. Though feeling ko naman, hindi si Nate ang tipong sisisihin ako kapag wala siyang chance sa akin. Hindi nga nagbago ang pakitutungo niya sa akin noong nalaman niyang buntis ako.

"Nate," nangangapa kong tawag sa pangalan niya.

"Yes?"

"Are you . . . asking me out?"

He chuckled. "We're friends, Frankie. Saka naka-move on na ako sa 'yo three years ago!"

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig iyon. Ako pa nga yata ang nahiya sa pag-a-assume na may binabalak siya sa akin.

"But I'm not going to lie, I made a move months ago. Alam mo naman iyon. Pero nakita ko si Ryo." Napatawa siya roon. "Kaya sabi ko, 'wag na. Hanggang friends nga lang yata talaga tayo."

"Hindi naman factor si Ryo, but still, sorry," nahihiya kong sabi. Bahagyang gumaan na ang usapan namin. Baka nga all this time, nasa akin lang ang tensiyon sa takot na baka mapaasa ko si Nate when he was just being nice.

"Ingat kayo lagi ng baby mo. Gusto ko sanang mag-ninong, kaso baka deretso lamay ako kapag nakita ako ni Ryo sa binyag," natatawa niyang sabi.

When dinnertime came, tinawag ako ni Ryo at sabay kaming bumaba. My hands were still searching for any fetal movement. Nauna na kaming kumain dahil gagabihin daw masyado ang mga tao sa bahay.

Kutsara lang ang gamit ko sa pagkain dahil ayaw kong alisin ang isang kamay ko sa tiyan ko. I could feel some light movement inside, pero wala sa labas. I feel like any moment now, Raiko will kick. Pakiramdam ko lang naman iyon, pero para na rin makasigurado.

At iyon na nga. Halos mabulunan ako sa kinakain nang maramdaman ang sipa ni Raiko sa may ibabang parte ng tiyan ko. Nagmamadali si Ryo na kumuha ng basong pagsasalinan ng tubig, at halos mabitiwan niya ang lalagyan ng tubig na hawak niya dahil hinigit ko ang isang kamay niya at walang imik na inilagay sa may tiyan ko.

Hindi naman siya masakit pero ramdam na ramdam ko na iyon, lalo na nang pangatlong beses nang umulit. Napamura si Ryo at sigurado akong naramdaman niya iyon. We stayed in that position for a few more seconds pero hindi na nasundan ang pagsipa ni Raiko. Agad kong binitiwan ang kamay niya pero nagtagal pa iyon sa tiyan ko na parang ayaw na niyang tanggalin.

"Hindi ba 'yon masakit?" nag-aalalang tanong niya. He looked amazed and worried at the same time.

"Hindi naman," sagot ko bago tumikhim.

Ininom ko ang tubig sa baso ko na kalalagay lang niya. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin na hinablot ko ang kamay niya. Hindi ko naman iyon dapat pag-isipan dahil wala naman iyong malisya.

Bumalik kami sa katahimikan. One of the househelps cleaned up the table after we finished eating at sabay na ulit kaming umakyat. Pasimple ko siyang tiningnan at mukhang tuloy naman ang buhay para sa kaniya, dederetso na sa kuwarto niya.

"Ryo," tawag ko bago pa man siya makalayo sa kuwarto ko.

He looked over his shoulders and raised a brow at me. "Bakit?"

"Nate called me a while ago to have dinner," sabi ko na hindi ko rin alam kung para saan.

Tuluyan niya akong hinarap. Blangko lang ang mukha niya bago humugot ng malalim na hininga at tumango. "Kuhanin ko susi ko, hatid kita."

I immediately shook my head. "Hindi ako pumayag."

Mabagal siyang kumurap at umangat ang parehas na kilay. Parang naobliga akong dugtungan iyon dahil, ano nga namang pakialam niya e hindi naman pala ako pumayag?

"May gagawin ka ba?" pahabol kong tanong.

"Manonood ng movie."

"Can I join you?" Mabilis na naglaho ang kalmado niyang itsura.

Hindi niya nagawang itago sa akin ang panlalaki ng mga mata niya at eskandalosong tingin sa akin. I gulped hard and tried to keep a straight face. Manonood lang naman kami! Wala rin naman akong gagawin kaya ako nagtanong kung puwedeng sumama.

"O, sige . . .?" nag-aalangan niya pang sagot.

Paano ba naman kasi, tuwing manonood kami ng movie, sa apartment man, dito sa kanila, o sa sinehan, laging may nangyayaring kung ano. Hindi naman siguro lagi, mga four out of five times lang. Wala naman akong kasalanan doon dahil siya ang malikot ang kamay!

Sa salas kami nanood. Wala naman akong problema roon, kaysa naman sa kuwarto niya! Wala na talaga akong tiwala na maiwan nang kaming dalawa lang tapos walang pinagkakaabalahan, dahil baka ma-bore si Ryo, o ma-bore ako, at kung ano na ang mangyari.

He threw three huge pillows on the couch, and I assumed that two of them were for me. Ginawa kong sandalan ang isa at niyakap ko naman ang isa.

"Baka lamigin ka," aniya, at inabutan ako ng kumot. I wrapped it around me, and he vanished again.

Pagbalik niya ay may dala siyang mangkok ng ubas.

Si Ryo ang may hawak ng remote habang pumipili kung ano ang panonoorin namin. The bowl of grapes was sitting on his lap kaya hindi ako makakuha. Hindi ko nga alam kung sinadya niya ba iyon o ano e.

"Those two are married," sabi ko nang tumapat doon sa pelikula ng iko-cover namin para sa next month.

"Talaga?"

"Yep." I nodded. "Secretly. Next month pa yata ipa-publicize."

Inilipat na niya iyon sa ibang pelikula. I'm not sure if he's looking for a movie to watch, o ako ba ang hinihintay niyang magsabi.

"A, buti pa sila."

Umangat ang isa kong kilay dahil doon. Those two are young, but I'm not judging them. Baka kasi ako lang din ang nag-iisip na bata pa sila. Saka may upcoming movie rin sila kaya hindi ako sure kung totoo ba ang kasal o ginamit lang para sa publicity stunt.

"Why? You want to marry Talie already?" The words came out of my mouth without my mind processing it.

Ilang segundo bago ko mapagtanto kung gaano kabigat ang tinanong ko kay Ryo. I glanced at him because he froze, too, dahil hindi na gumagalaw ang movies sa screen. It's either natigilan din siya o gusto niya talagang panoorin ang horror film na tinigilan niya.

Babawiin ko pa lang ang sinabi ko pero sumagot na siya, "Hindi ako magpapakasal dahil trip ko lang." Seryoso ang pagkakasabi niya n'on.

Tumikhim ako. "Yeah, you need a lot of preparation to do—event planners and all that."

He clicked his tongue. "Hindi rin. Kahit naman anong klaseng kasal, basta ba sa mahal ko, okay na."

And that was . . . my reminder to shut up. Baka mamaya, kung saang usapan kami mapunta, mahirap na. I wanted to tease him for sounding cheesy, pero parang hindi ko iyon puwedeng gawin.

"Gano'n 'yon, Frankie. Besides, Talie's not even my girlfriend, so why would I marry her?" At talagang dinugtungan niya pa! Hindi ko alam kung hinahamon niya ba akong patulan ang usapan namin o ano e.

I took a deep breath and remained silent as he finally picked a movie to watch. Though I could feel him giving me deep stares from time to time, nanatili ang mata ko sa TV screen. I was already familiar with what he was trying to do, so I pretended to be absorbed by the movie as an excuse to not look at him.

Bumabalik na ba ang kapal ng mukha niya kaya siya ganiyan? Wala na iyong hiya-hiyang sinasabi niya? Delikado na yata ulit ang pasensiya ko.

"Sure ka bang 'di ka pupunta ro'n sa lakad n'yo ni Nate? Maaga pa naman. Ihahatid naman kita."

I don't even know why he brought that up when we're thirty minutes through the movie. Sobrang out of place. Puwede ko bang isipin na naghahanap lang siya ng excuse na mag-usap kami? I feel like we both don't like the movie and we're just using it to make the atmosphere less awkward.

"I'm not going." Sinagot ko pa rin naman ang tanong niya.

"Bakit hindi?"

Hindi ko na napigilang lingunin siya. His eyes were on the screen, but I was sure na nakatingin siya sa akin kanina.

"Why? You want me to go?" I don't even know why we're having this conversation.

Saglit na dumapo sa akin ang tingin niya. "Bakit mo 'ko tinatanong? Buhay mo naman 'yan. Hatid na lang kita."

God, this conversation sounded familiar. Revenge time ba niya ito?

"I'm too . . . tired." I came up with an excuse.

For some reason, I felt like I couldn't tell him the truth: I just simply didn't want to go. That answer wouldn't please him at pakiramdam ko, kukulitin niya ako nang kukulitin. I'm starting to think that there's an exact answer he wanted to hear from me at hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha iyon. Ano ba'ng gusto niya? Na sabihan ko rin siya ng: wala ka naman d'on, kaya bakit ako pupunta?

In his dreams.

"Tulog na tayo?"

Maybe my ears were playing with me but that sounded too malambing. Maybe because I had associated that term with something else. Kasalanan talaga ni Ryo ito e!

Napalingon siya sa akin. Probably noticing the horror on my face, mukhang nakuha niya kung ano ang iniisip ko. His eyes widened at muntik nang mahulog sa sahig ang ubas na nakaipit sa ngipin niya. Nasambot niya naman iyon.

"I mean, tulog ka sa kuwarto mo tapos tulog ako sa kuwarto ko," bubulong-bulong niyang sabi bago umiwas ng tingin.

Napahinga ako nang malalim. Why do I feel like this movie watching thing was a bad idea?

"Later."

We both got silent. Tuluyan nang nawala sa pelikula ang atensiyon ko at hindi ko alam kung ganoon din siya. I stole a quick glance at him and luckily, nasa TV screen pa rin ang tingin niya. Panay ang pitas niya sa ubas nang hindi inaalis ang tingin sa screen at hindi man lang ako naisip na alukin.

Fuck me for letting my eyes wander. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi nang ipitin niya ang isang ubas doon. His lips were moist and very, very inviting. It took me so much willpower and self-restraint not to touch it.

Hindi ako sigurado kung lumapit ba siya, o ako ang lumapit, o sadyang sa labi lang niya nakapukol ang tingin ko kaya pakiramdam ko, ang linaw-linaw at ang lapit-lapit n'on sa paningin ko. Nag-ipit siyang muli ng ubas sa pagitan ng labi niya. Napakurap-kurap ako at napabalik sa ulirat nang mapansing umangat ang gilid ng labi niya.

Nang iangat ko ang tingin sa kaniya ay nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. His meaningful grin and the devious glint on his eyes were a hard slap on my face. Nanuyo yata ang lalamunan ko at gusto ko na lang mag-teleport papunta sa kuwarto dahil sa hiya.

He caught me looking! Oh my goodness!

"Sorry, I zoned out," mabilis kong sabi at agad na umiwas ng tingin, pretending that I'm not freaking out inside.

"May kailangan ka ba?" Anong klaseng tanong iyon?

I clicked my tongue. Nang-aasar talaga ito.

"Wala."

"Nakatitig ka nga sa 'kin."

"Hindi, a," I said, managing to defend myself. Kahit na huling-huli na naman ako! Nakahihiya talaga!

Kahit sa gilid lang ng mata ko, kitang-kita ko pa rin ang lapad ng ngisi at ningning ng mga mata niya.

"Nakatitig ka sa labi ko," he said confidently, at hindi na ako nagtaka kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya dahil nahuli nga ako!

"You're imagining things," pilit ko pa ring pagdedepensa sa sarili.

"O, kumuha ka na. Baka kasi 'yung grapes tinitingnan mo e," aniya, at inilapag ang mangkok sa mesa sa tapat ko. Dinig na dinig ko ang pambubuwisit sa tono ng pananalita niya sa akin. God. For how long would he use this against me?

"Ayoko," mariin kong pagtanggi kahit na kanina ko pa gustong kumuha. For my pride.

"Sure ka? Ang sarap pa naman," gatong niya bago kumuha ulit.

Talagang in-exaggerate niya pa ang pagkain niya n'on. I could hear him making moaning noises while eating, at panay pa ang comment niya na ang sarap daw ng ubas. Ilang saglit lang, may inilapit siyang piraso sa bibig ko kaya iritable akong lumayo.

"Arte nito. Kain na kasi," natatawa niyang sabi. I rolled my eyes and grabbed it from his hold before popping it in my mouth.

He shook his head in amusement. Kahit sinunod ko na ang gusto niyang kumain ako, hindi pa rin siya natigil kauungol niya dahil sa kinakain. My insides and the ends of my fingertips felt cold but my cheeks were on fire because of his noises. Baka mamaya ay may makarinig sa kaniya at isiping kung ano ang ginagawa namin dito sa sala!

Nasaway ko siya nang sundutin niya ang pisngi ko gamit ang kaniyang hintuturo. I'm sure they turned red as hell.

He chuckled loudly. "Umayos ka nga. Itsura mo e. Baka mamaya . . . akalain kong may feelings ka pa sa 'kin. Tapos . . . maniwala ako."

"Baka ikaw." Hindi sinasadyang lumabas iyon sa bibig ko.

We both fell silent after that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top